Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Bound to the Billionaire's Desire

Bound to the Billionaire's Desire

Si Elena Madrigal, isang sikat at hinahangaang fashion designer, ay kilala sa kanyang Majesty Designs, mga obra na simbolo ng karangyaan at kapangyarihan. Ngunit sa isang iglap, ang mundong itinayo niya ay gumuho sa kamay ng mga taong minsan niyang minahal at pinagkatiwalaan, ang dating kasintahan niyang si Adrian De Leon, na ninakaw at ipinagbili ang kanyang mga disenyo, ang matalik niyang kaibigan na si Vanessa Alcaraz, na nilamon ng inggit, at ang boss niyang ginamit ang kanyang talento para sa sariling ambisyon. Habang unti-unting nabubura ang kanyang pangalan sa industriyang minsan niyang pinasiklab, isang lalaking matagal nang nakamasid sa kanya mula sa dilim ang lumapit. Si Nathan Arguelles, isang makapangyarihan at misteryosong billionaire. Tahimik ngunit mapanganib. May tinig na kayang bumura ng alinlangan. At sa isang boses na malamig at mabigat sa pangako, bumulong ito: “Be mine and marry me, Elena. I’ll give you back the world they stole from you.” Ang kasunduang ito ay hindi tungkol sa pag-ibig, kundi sa paghihiganti. Para kay Elena, ito ang tanging paraan para muling mabawi ang lahat. Ngunit sa ilalim ng mga halik na nilalabanan niya, sa bawat titig na tila binabalatan ang kanyang kaluluwa, unti-unting nagbabago ang laro. Sa pagitan ng pag-ibig at paghihiganti, kailangang  piliin ni Elena kung mananatili ba siya sa apoy ng paghihiganti o hahayaan niyang ang lalaking dapat sana’y biktima lang… ang maging dahilan ng pagbabagong hindi niya inaasahan. Paghihiganti ang dahilan niya…ngunit ang nakaharap niya, ang lalaking kayang baliktarin ang lahat.
Romance
10299 viewsOngoing
Read
Add to library
The Substitute Vows ni Marcandre

The Substitute Vows ni Marcandre

Si Isabella “Bella” Alcaraz ay halos nabuhay sa likod ng anino ng kanyang “almost perfect” na nakatatandang kapatid, si Marisella—ang glamorosa, walang kapintasan at ubod ng bait na mukha ng Alcazar Luxe Events. Kilala ang kanilang pamilya pero sa likod ng lahat ng ito, unti-unting bumabagsak at nababaon sa hindi mabilang na utang. Pinili ng kanilang mga magulang na ipakasal si Marisella kay Leonardo “Leon” Veyra, ang makapangyarihan, walang awa at nakakatakot na CEO ng Veyra Global Holdings. Halos lahat ng negosyo mula finance, hotels at real estate ay saklaw ng kayamanan niya. Ngunit sa mismong araw ng kasal, naglaho na parang bula si Marisella. Para maprotektahan ang pangalan ng pamilya mula sa iskandalo, walang nagawa si Isabella kundi ang maglakad patungo sa altar kapalit ng kanyang kapatid. Natatago sa belo ng sutla at kasinungalingan, siya ang naging “substitute bride” ng isang lalaking kayang ibaon sa hukay ang pamilya niya sa isang salita lamang. Hindi madaling malinlang si Leon. Alam niyang ang babaeng nasa tabi niya ay hindi ang ipinangako sa kanya. Ngunit imbes na itigil ang seremonya, inako niya si Isabella bilang kanyang asawa. Sa mundo, isa itong perpektong kasal, isang fairy tale. Pero sa likod ng mga pinto, isa itong mapanganib na laro ng sekreto, kapangyarihan at obsession. Sa ilalim ng kasal na nabuo sa panlilinlang, kailangan tiisin ni Isabella ang malamig na galit, nag-iinit na pagnanasa at walang hanggang pagdududa ni Leon. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, ang galit at pagdududa ay unti-unting lumalabo. Kasabay nito, patuloy na bumabalot ang pagkawala ni Marisella—runaway bride nga ba, o mas malalim pa? Sa bawat pangakong binibigkas, maaaring nakataya ang pamilya, kalayaan… at puso ni Isabella.
Romance
220 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
181920212223
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status