Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
MY SECRETARY HATES ME?

MY SECRETARY HATES ME?

Ilang beses na naghanap ng trabaho si Gianna para kumita at nakahanap naman ito ng trabaho sa isa sa pinakamalaking kompanya ng inumin sa Pilipinas. Pero sa hindi nya inaasahang pagkakataon magiging boss pala nya ang taong kina-iinisan nya ng gusto at ito ay si Francis Locan the CEO and President of one of the most famous Wine Company in the Philippines, The Golden Scenery. Cold ito at ayaw sa mga taong pera lang ang habol sa kanya. Pero sa kabila ng malalamig nitong mga mata ay nakakubli ang secretong tinatago nya ng mahabang panahon. Meron itong karamdaman na tinatawag na monochromacy disorder , kaya't hindi ito nakakakita ng mga kulay at malabo rin ang paningin nito kumpara sa normal na tao. Ngunit nang makilala nya si Gianna hindi nya maipapaliwanag kung bakit nakikita nya ang kulay ng dalaga. Kaya gumawa ito ng paraan para gamitin si Gianna para tuluyan na itong gumaling. Pero habang tumatagal ay nagiging totoo na ang nararamdaman nya sa dalaga kahit na ilang beses man nya itong balewalain. Ayaw nya mang tanggapin pero sya narin mismo ang nahulog sa sarili nyang patibong. At paano kaya kapag bumalik ang unang babaeng inibig nito sino nga ba ang mas mahalaga sa puso nya? Ang babae bang una nyang minahal o ang babaeng handang mahalin sya kahit anong oras at pagkakataon? Paano kaya kapag nalaman ni Gianna na planado ang lahat ng ipinaparamdam sa kanya ng lalakeng natutunan na nyang mahalin? Mapapatawad nya pa kaya ito o pipiliing umalis dahil sa nasaktan nyang puso?
1014.5K viewsCompletedAdded to Library 289 Times as liam o brien
Read
+Library
THE WEIGHT OF THE VEIL

THE WEIGHT OF THE VEIL

Sa mundo ng mga makapangyarihan, ang pag-ibig ay hindi isang pagpipilian—ito'y isang kasunduan. Para kay Klarise Olive, isang mailap at napakagandang ballerina sa Paris, at kay Louie Ray, isang mapagmataas at aroganteng billionaire cosmetic surgeon, ang kasal ay isang tanikalang pilit isinuklob sa kanila. Isang kulungang hindi nila ginusto. Isang sumpaang hindi nila pinili. Isang umaga, dinala sila ng kanilang mga magulang sa isang seremonyang inakala nilang isang simpleng pagtitipon—hindi nila alam, sila pala ang mga bida sa isang kasalang hindi nila alam na kanila. Sa puting bestida at tuxedo, natagpuan nila ang kanilang mga sarili sa harap ng altar, walang ibang pagpipilian kundi ang lumakad at bumigkas ng panatang hindi nagmula sa kanilang puso. At sa simula pa lamang, ang kanilang pagsasama ay puno ng tensyon at pangamba. Si Klarise, na buong buhay niyang inalay sa sining at kalayaan, ay ngayon nakagapos sa isang relasyong hindi niya ginusto. Si Louie, isang lalaking hindi kailanman naniwala sa kasal, ay napilitang pakasalan ang babaeng hindi niya hinangad. Ang digmaan ng mga titig, sagutan, at matitinding emosyon ay namayani sa kanilang pagsasama. Ngunit sa bawat pagtatalo, sa bawat sulyap na puno ng galit at pangungutya, isang pagnanais ng pag-unawa at pagmamahal ang unti-unting sumisilip sa kanilang mga puso. Galit nga ba talaga ang namamagitan sa kanila? O mayroon bang alon ng pagmamahal na higit pa sa lahat ng kasunduan ? O may isang damdaming mas malalim, mas totoo, at mas mahirap ipagkaila? Sa gitna ng kanilang magkaibang mundo at personalidad, magsisimula silang hanapin ang kabuluhan ng kanilang piniling kasunduan.
103.0K viewsCompletedAdded to Library 118 Times as liam o brien
Read
+Library
Taste Her Vengeance - Tagalog Story

Taste Her Vengeance - Tagalog Story

bluis
Gagawin lahat ni Hanneah Marie Alvarez para mapagbayaran ng pamilyang Ynes ang mga kasamaan na ginawa sa kanyang mga magulang. She’ll do everything to give justice for her parents even if she’ll risk her own life for it. She’s willing to do everything for her parents. Ngunit maisasakatuparan niya pa kaya ang mga balak niya kung may sikreto siyang nalaman mula sa pamilyang Ynes? Ang sikretong kayang ‘yon ang tutulong sa kaniya para makamit ang hustisya para sa mga mga magulang niya? O baka ang sikretong ‘yon ang hahadlang sa kaniya para ituloy ang matagal niya nang inaasam na hustisya?
1020.8K viewsOngoingAdded to Library 604 Times as liam o brien
Read
+Library
The Multi-Billionaire Heiress: Vow of Ruin

The Multi-Billionaire Heiress: Vow of Ruin

Labis ang pagmamahal ni Janna para sa kaniyang asawa na si Francis. Lahat ay ibibigay niya para lamang sumaya ito kapalit man nito ay ang sarili niyang kaligayahan o dignidad. Para sa kanya ang mahalaga ay ang pagsasama nilang mag-asawa. Ngunit sa kabila ng pagmamahal ay magagawa pa rin siya nitong pagtaksilan. Martyr, masokista, tanga sa pag-ibig, iyon na ata si Janna. Ngunit ang lahat ay may hangganan, ang lahat ng pagtitiis ay may katapusan. Dahil sa panibagong buhay, galit at poot ang mamumuo sa puso ng dalaga at ito ang magiging sandata niya upang makapaghiganti sa kanilang lahat.
317 viewsOngoingAdded to Library 12 Times as liam o brien
Read
+Library
The Stay-In Tutor

The Stay-In Tutor

A romance story that revolves around a woman who enters a challenging job. Sa kabila ng malagim niyang nakaraan, sinubukan mabuhay ng normal ni Safirah kahit mag-isa na lamang siya sa buhay. Pinilit niyang huwag tumanggap ng kahit anumang tulong mula sa ama na matagal na niyang kinamumuhian. Kahit alam ni Safirah na mayaman ang kanyang ama ay pinili niyang humanap ng sariling ikakabuhay hanggang sa pumasok siya sa buhay ni Terence na siyang magiging amo niya. Makakayanan niya kayang pigilin ang sarili na hindi umibig sa kanyang amo o paninindigan niya ang pagiging man-hater dahil sa naranasan mismo ng kanyang sariling ina sa ama niya noon?
108.6K viewsOngoingAdded to Library 316 Times as liam o brien
Read
+Library
The President Wife Suffering

The President Wife Suffering

Una pa lang ay may gusto na si Lea kay Milo. Kaya noong magpasiyang pakasalan siya, ay walang pag-aalinlangan na pumayag siya. Iyon pala ay dahil lamang sa gustong makuha ni Milo ang posisyon sa kompanya. Tiniis ‘yon ni Lea para sa lalaki at baka sakaling magustuhan siya pero nagkamali siya. Hiniwalayan siya nito dahil bumalik na ang totoong mahal nito na si Glaiza Caspe? Anong gagawin ni Lea? Magtitis ba siya sa piling ni Milo gayong hiwalay lang sila sa papel? O ipaglalaban ang pagmamahal rito hanggang sa matutunan siyang mahalin ng lalaki at magkaroon ng pangalawang pagkakataon ang lahat?
220 viewsOngoingAdded to Library 8 Times as liam o brien
Read
+Library
MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]

MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]

READ AT YOUR OWN RISK!!! MAFIA BOSS SERIES 2. Laxus King - Mr. King Dahil lumaki si Kiray ng hindi kagandahan, akala niya ay pagiging panget at kapos sa pera lang ang malaking problema na kahaharapin niya sa mundo ngunit mali siya. Mas mahirap pala magpanggap na ibang tao sa katauhan ng iba, lalo na kung pagiging soon to be wife  ng isang MAFIA BOSS ang magiging papel niya. Matutunan kaya nilang mahalin ni Laxus King ang isa't isa? Matatanggap pa rin kaya siya nito kapag nalaman nito ang totoo tungkol sa kanyang pagkatao? O pipiliin siya nitong itaboy at saktan dahil isa siyang impostor?
1052.7K viewsCompletedAdded to Library 2.1K Times as liam o brien
Read
+Library
The Ceo's Blind Wife

The Ceo's Blind Wife

Dahil sa aksidente namatay ang kanyang ama, kasabay din noon ang pagkawala ng liwanag sa kanyang mga mata. Nabuhay siya sa dilim at sa pagmamaltrato ng kinilalang pamilya. Ngunit dahil sa hindi inaasahang pagkakataon nakilala niya ang isang lalaki na nagbigay liwanag sa madilim niyang mundo at bakod sa mapanakit na lipunan. Nanaisin pa ba niyang makakita o, mananatili na lamang siya sa kadiliman gayun ang lalaking natutunan niyang mahalin ay may tinatago pa lang sikreto sa kanyang nakaraan? Handa ba siyang palayain ang taong pinakamamahal para sa ikaliligaya nito kahit na ang kapalit noon ay ikawawasak niya.
1024.4K viewsCompletedAdded to Library 878 Times as liam o brien
Read
+Library
Aking Maria

Aking Maria

Naniniwala si Pelipe na muli niyang makakapiling ang kaniyang minamahal, ang kaniyang nobya na si Maria pagkatapos nitong mamatay. Ngunit paano kung sa kanilang muling pagkikita ay hinde na sila magka-kilala at ang babaeng minahal niya sa nakaraan ay nag-iba na sa kasalukuyan. Sa nakaraan kung saan ang ala-ala ni Pelipe at ang mundo nila na nasa kasalukuyan. Paano nga ba nila haharapin ang katotohanan? muli nga ba nilang pagbibigyan ang pagmamahalan na naiwan sa nakaraan, o iiwasan nila na maulit ang masakit na kapalaran? Tunghayan ang kwento ng dalawang tao na pinaghiwalay ng nakaraan at muling pinagtagpo ng kasalukuyan.
1011.7K viewsCompletedAdded to Library 293 Times as liam o brien
Read
+Library
Victoria's Vengeance to Her Ex - Husband

Victoria's Vengeance to Her Ex - Husband

Nagising si Victoria Sterling sa katawan ng isang babae na kasal sa walang-awang bilyonaryo, Damian Wolfe. Dati siyang kilala bilang Alexandra Vale, isang makapangyarihang negosyante na pinatay ng pagtataksil. Ngayon, may isa siyang layunin—ang muling kunin ang kanyang kapangyarihan at maghiganti. Habang tinatahak niya ang mapanganib na bago niyang mundo. Kailangang harapin ni Victoria ang mga lihim ng nakaraan, ang kanyang mapanlinlang na half-sister na si Isabella Sterling, at ang asawang si Damian. Ngunit habang lumalapit sa paghihiganti, maguguluhan siya sa tukso ng bagong at lumang pag-ibig. Magagawa kaya niyang bumangon at makuha ang hustisya, o patuloy siyang hahabulin ng multo ng kanyang nakaraan?
691 viewsOngoingAdded to Library 20 Times as liam o brien
Read
+Library
PREV
1
...
4142434445
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status