Diary Ng XXX Celebrity
Dapat daw ay may service na ako.
Kaya ngayong gabi, narito na ako sa loob ng sasakyan na dala ni Kuya Invinzor. Gamit namin ang itim na sasakyan na palaging ginagamit ni Lola sa mga mahahalagang lakad niya. Napabuntong-hininga ako habang nakatanaw sa labas ng bintana, pinagmamasdan ko ang mga taong abala sa kani-kanilang buhay. May naglalako na ng balot, may ngayon palang bibili ng ulam at mga tambay na maagang nag-iinuman sa gilid ng kalsada. Dati, natatandaan ko, bago ako naging secretary ni Ravi at naging caregiver ni Lola Vicky, naglalako pa ako ng tinapa noon. Hindi lang iyon, naging janitres pa ako sa isang conviniece store. Ang dami ko na ring pinagdaanan. Ang dami kong pinagsikapan s