Mga Anak ng Bilyonaryo
Noong magtama ang mga paningin nila ay agad na tumaas ang kilay niya.
Nahihiya tuloy itong nagkamot ng kilay, "Sorry. Hinimatay na naman ako?"
"Ano pa nga ba, Daddy? Gosh, laki-laki ng muscles, lagi namang hinihimatay," si Ody na humalukipkip na.
"Ody, be kind," paalala dito ng Daddy Ramon niya.
Lalong lumabi ang anak niya, "Sorry, Lolo. Kasi naman. Big guy na si Daddy pero lagi na lang—"