My Boss is a Bastard Maniac
SYNOPSIS:
Mahal na mahal ni Nian ang kanyang ina at kapatid. Dahil sa hirap ng buhay, pinasok niya ang iba’t ibang uri ng trabaho para kumita. Sa unang gabi pa lamang sa kanyang bagong trabaho, nagkamali na agad siya, ang masungit na si Zacharias ang kanyang nakahalikan sa halip na ang uncle nito. Malaking halaga na iyon para sa kanya, kaya naman napagdesisyunan niyang huwag na lamang ituloy ang ganoong klaseng trabaho.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, muling nagtagpo sina Nian at Zacharias. Nakilala niya ang anak nitong si Zachu na nangangailangan ng tulong. Nalaman ni Nian na ayaw ng bata sa fiancé ng kanyang ama dahil sa pagiging hipokrita nito. Dahil dito, nagdesisyon si Nian na maging babysitter ni Zachu upang protektahan ang bata at akitin si Zacharias para maghiwalay ang dalawa.
Pero nabaliktad ang lahat—si Zacharias ang lumalandi at umaakit sa kanya. Habang tumatagal, nahulog ang loob ni Nian sa lalaki at nagkaroon sila ng lihim na relasyon. Naibigay niya ang nais ng lalaki at nagbunga iyon. Gayunpaman, hindi sigurado si Nian kung mahal siya ng lalaki dahil hindi nito hinihiwalayan ang fiancé niya. Natatakot siyang baka pampalipas-libog lamang siya o ginagamit lamang para makapaghiganti kay Cherry. Pinili ni Nian na lumayo na lamang at mag-isang palakihin ang anak sa kanyang sinapupunan.
Pagkalipas ng limang taon, muling nagkita ang dalawa. Galit si Zacharias at malamig ang pakikitungo sa kanya. Ngayon, nahihirapan si Nian kung paano sasabihin sa lalaki na siya ang ama ng bata. Sa kabila ng mga pagsubok, naayos na ang mga hindi pagkakaintindihan ay siya namang pagbalik ng unang pag-ibig ni Zacharias—si Artemis.
Paano siya lalaban kung sa umpisa pa lang ay talo na siya?