Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Unwanted Wife's Second Chance

The Unwanted Wife's Second Chance

Sa ika-dalawang anibersaryo ng kasal ng mag asawang Enrico Dela Muerte at Carmina Ocampo ay parehas silang may gustong sabihin sa isa’t isa. Hindi pinairal ni Carmina Ocampo ang kasabihang ‘ladies first’ sa kadahilanan na gusto niya munang marinig kung ano ang inihandang surpresa ng kaniyang asawa para sa kaniya. Subalit, biglang naghain ng divorce si Enrico na sobrang ikinagulat ni Carmina. Ikinagulat ito ni Carmina sapagkat, gano’n ba kabilis? Gano’n lang siya kabilis bitawan ni Enrico? Tumulo ang luha ni Carmina habang hawak sa kaniyang kamay ang isang pregnancy test sheet na nasasabik niya sanang ibabahagi kay Enrico para sa kanilang anibersaryo. Dahilan sa halo halong emosyon na nararamdaman ni Carmina ay hindi na niya naiwasang itanong kay Enrico kung paano kung sabihin niya na magkakaroon na sila ng anak? Ngunit hindi inaasahan ni Carmina ang naging sagot sa kaniya ni Enrico---bumalik na ang totoong minamahal ni Enrico. Makalipas ang ilang buwan, habang tinatahak ni Carmina ang kalsada upang tumawid, naramdaman niya ang kakaibang sakit ng tiyan niya kaya bigla siyang napahinto sa paglalakad, ‘manganganak na ata ako’, wika niya sa kaniyang sarili. Eksaktong hinto ni Carmina ay siya namang naramdaman niya ang sakit mula sa pagkabunggo ng isang sasakyan sa kaniya. Eksaktong kasal ni Enrico at siya ay nasa simabahan nang mabalitaan ang nangyari kay Carmina at agad itong lumisan. Humahangos, nakarating siya sa ospital kung saan dinala si Carmina at hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakita---DUGO! Nababalot ng dugo si Carmina at kitang-kita niya itong naghahabol ng hininga at paulit-ulit na sinasambit, ‘Pakiusap, pakiusap, iligtas n'yo ang anak ko.
Romance
1015.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Let's Play Hide and Seek

Let's Play Hide and Seek

Reynang Elena
"Parang awa niyo na itigil niyo na to."- pagmamakaawa ng isang dalaga Ngunit wala man lang siyang ibang narinig kundi puro tawanan. Kitang kita niya sa mga mukha ng mga taong nasa harap niya ang mga ngisi sa kanilang mga labi. 'Kahit maubos pa ang boses mo kakasigaw Crystal walang makakarinig sayo dito hanggang sa mamatay ka."- nakangiting wika ng babae na nasa harapan niya. "Teka teka sandali! Sandali lang Yessie. Wala sa plano to."- pagpigil ng isa pang boses. Halos hindi na matingnan ni Crystal kung sino ito. 'And so? You think I care? She deserve it! Sge deserve to die!!."- puno ng kaseryosohan na saad ni Yessie. 'Sinusumpa ko maybabayad kayo! Pagbabayaran niyo ang ginawa niyong to. Hindi ko kayo papatahimikin!'- nakakakilabot na sigaw ng dalaga kahit na nahihirapan na ito. 'Talaga? Sa tingin mo mangyayari pa yun? Sa tingin mo magagawa mo pa yun? Hahaha! Huwag kang magpatawa! Ito na ang huling gabing masisilayan mo ang mundo. Paalam Crystal! Rest well darling.'- ngising sabi nito at walang ka abog abog na hinampas ng kahoy ang kamay dahilan para mapabitaw ito at malaglag. Halos hindi ako makahinga sa nakita. I'm so sorry! Paano nga ba matatapos lahat ng to kung hindi nila alam kung sino ang totoong kalaban? Buhay ang kinuha at buhay din ang magiging kapalit. Pinaglalaruan ng isang tinig! Boses na nakakapangilabot. Paulit ulit na naririnig at kapag narinig mo ito magtago kana, dahil ikaw na ang susunod. "Tagu-taguan maliwanag ang buwan, pagbilang ko ng tatlo nakatago na kayo. isa, dalawa, tatlo. Pag nahuli ko ay papatayin ko" Pag narinig mo ang katagang yan ay magtago kana. Run and hide as fast as you can. Save yourself before it's too late. Killer is here, death is everywhere. Be careful who you trust. Tik tak Tik tak...
Mystery/Thriller
106.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1234
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status