After My Ex Fiancé Betrayed Me, I Married His Uncle
Sa araw mismo ng kasal, nawasak ang puso ni Bianca nang mahuli niya ang fiancé niyang si Adrian Montemayor na nakikipagtalik sa kanyang stepsister sa kabilang suite. Tatlong taon niyang minahal ang lalaki tinulungan sa trabaho at sinuportahan sa lahat. Ngunit sa huli, niloko at sinaktan lamang siya nito sa mismong araw ng kanilang kasal.
Durog ang puso at nag-aalab sa galit, gumawa si Bianca ng pinaka-nakakabaliw na desisyon sa buong buhay niya.
Dumiretso siya sa garden ng hotel kung saan gaganapin ang kasal. Naglakad siya sa gitna ng mga bisita hanggang sa tumigil sa harap ng lalaking kilala bilang isa sa pinakamakapangyarihang miyembro ng pamilya Montemayor...ang tiyuhin ng kanyang ex, ang malamig at misteryosong billionaire tycoon na si Sebastian Alejandro Montemayor.
“Mr. Montemayor, let’s get married now,” sambit niya...na ikinasinghap ng lahat ng nakarinig.
Ngunit ang lalaking kilalang walang pakialam sa kahit kanino ay ngumiti...isang mapanganib at nakakatunaw na ngiti.
“Sigurado ka ba, Ms. Rivera?” tanong niya.
“Yes. Marry me, Mr. Montemayor,” sagot ni Bianca nang buong tapang.
Tumayo ang lalaki, bahagyang yumuko, at mahinang bumulong sa kanyang tainga.
“Kung gusto mong maghiganti, you made a good choice coming to me… at handa akong tulungan ka, Ms. Rivera. Let’s get married.”
A relationship full of temptation, power, and forbidden desire. But as the nights pass, one question they cannot escape arises:
Which is more dangerous...revenge, or falling for the man you’re not supposed to love?