Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE

THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE

Si Merlyn Claveria Santiago, isang 28 taong gulang na OFW sa Dubai, ay kilala sa kanyang sipag at sakripisyo para sa kanyang pamilya. Sa kabila ng hirap ng trabaho at lumbay ng pangungulila, nanatili siyang tapat sa kanyang kasintahang naiwan sa Pilipinas. Ngunit isang araw, ang kanyang mundo’y gumuho nang malaman niyang nabuntis ng kanyang nobyo ang bunsong kapatid na 18 taong gulang lamang. Labis ang sakit ng pagtataksil, lalo na’t itinago ito sa kanyang mga magulang upang hindi maapektuhan ang perang ipinapadala niya buwan-buwan. Sa hinanakit at kawalang pag-asa, iniwan ni Merlyn ang kanyang pamilya at lumayo. Habang naglalakad, napadpad siya sa isang simbahan kung saan nagaganap ang isang kasalan—isang kasalan na nauwi sa eskandalo nang tuklasin ng lalaking ikakasal na pinagtaksilan siya ng kanyang kasintahan. Sa isang di-inaasahang pagkakataon, nilapitan si Merlyn ng ina ng lalaking iniwan sa altar. Isang alok ang binitiwan: pakasalan ang kanyang anak upang mailigtas ang pamilya nila sa kahihiyan. Dahil sa galit sa mundo at pagnanais na makalimot, tinanggap ni Merlyn ang kasunduan. Ngunit ang kanyang pinasok na kasal ay hindi basta-basta. Ang lalaking kanyang pinakasalan ay si Crisanto "Cris" Montereal, isang bilyonaryo na may makapangyarihang impluwensya at mga negosyo sa iba't ibang panig ng mundo. Sa likod ng kanilang kunwaring pagsasama, unti-unting masusubok ang kanilang damdamin, at mahuhulog sila sa komplikadong laro ng pag-ibig, paghihiganti, at mga lihim na pilit nilang tinatakasan. Makakahanap kaya si Merlyn ng kapayapaan sa piling ng isang lalaking puno ng galit sa pag-ibig? At mapapatawad kaya niya ang mga taong minsang sumira sa kanyang tiwala? O tuluyan siyang magpapatalo sa mga sugat ng kahapon?
Romance
109.1K viewsCompleted
Read
Add to library
A Billionaire's Purchase

A Billionaire's Purchase

Si Samsara Angela Sakura ay natuto nang mamuhay bilang isang breadwinner na responsable sa kanyang mga magulang at mga kapatid. Until one day, circumstances made here life twice as much harder than before. When an opportunity came for her to be one of the Miss Night Women and be purchased, tatanggapin niya ba ito?
Romance
106.8K viewsCompleted
Show Reviews (6)
Read
Add to library
Analyn Bermudez
alam mo Ms A Hindi ko alam kung ano tlga takbo nito kawawa SI samsara mukhang buntis pa Siya c Landon mukhang El tlga Ang mahal niya nagkukunwaring c samsara Ang mahal niya...bkit dimo nlng durugin SI samsara sa skit pra Siya mismo na Ang umalys Jan hays
JocelynMDM
Hi to my dear readers, malapit nang matapos ang librong ito at magkakaroon din ng Book 2. Please stay tuned dahil sunod-sunod na ang updates. I love y'all and stay hydrated dahil super init na ngayon!!
Read All Reviews
A Night With A Billionaire

A Night With A Billionaire

Nakatakda nang ikasal si Serrie matapos siyang isalang ng magulang sa isang fixed marriage. Ngunit nagbago ang lahat nang aksidenteng may nangyari sa kanila ni Hidan Alijer. Ang kinatatakutang CEO at bilyunaryo ng kilalang construction company. Ngunit ang problemang iyon ay nasundan pa nang magbunga ang isang gabing pagsasalong iyon. Ngunit papaano kung malaman niyang ang lalaking nakatakdang ikasal sa kaniya at ang lalaking siyang ama ng batang dinadala niya ay iisa?
Romance
107.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)

The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)

'Siya ang asawa pero hindi siya ang mahal. Siya ang pinakasalan pero ibang babae ang inaalagaan at pinapahalagahan ng kanyang asawa...' Pilit na ipinakasal ng kanyang mga magulang si Cyanelle Louise Natividad kay Zach Khaleed Samaniego bilang pambayad ng malaking utang nila sa pamilya ng lalaki. Subalit sa loob ng dalawang taon nilang pagsasama, hindi siya kailanman tiningnan ni Zach bilang babae at nagkaroon pa ito ng kabít kung saan ang babae rin ang nais ng anak ni Zach na maging ina nito kaysa sa kanya. Nang mapagtanto niyang wala ng patutunguhan ang relasyon nila, napagpasyahan niyang tuluyan ng hiwalayan ang lalaki. Subalit kung kailan naisipan na niyang sumuko at iwan ang asawa, isang trahedya ang magpapabalik sa kanya sa piling nito. Matutunan na kaya siyang mahalin ni Zach at matugunan ang damdamin niya para sa lalaki? O mabibigo siyang magkaroon ng puwang sa puso nito sa ikalawang pagkakataon at mauuwi lang sa wala ang lahat...
Romance
7.88.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Devil Don't Come Near Me

Devil Don't Come Near Me

Zoe Colette Serpant o mas kilala sa tawag na Colette. Si Colette ay bunso sa tatlong magkakapatid. Isa siya sa tagapagmana ng ZC Group. Ang kompanya nila Colette ang pangalawa sa nangungunang kompanya sa Pilipinas. They handles thousands company of mall and hospital. Hindi mapagkakailang may gintong kutsara sa bibig itong si Colette, pero kahit na ganun hindi umaasa si Colette sa yaman ng kanyang mga magulang. Bagkus nagtatrabaho pa nga ito sa restaurant ng kanyang kaibigan na si Maisha. Hindi interesado si Colette sa yaman nila sapagkat hindi naman siya ang naghirap nito. Gaya nang ibang babae simple lang ang buhay na meron ito. Nagtatrabaho siya, nagpaparty at nagmamahal din, Gano’n lang ang cycle ng buhay niya, pero nagbago ang lahat ng mamatay ang mga magulang nila. Dahil sa pagkawala ng mga magulang nila, unti-unti nang nalulugi ang kompanyang naiwan sa kanila. Ang ZC Group na lang ang natitirang alaala nang namayapa nilang magulang kaya walang nagawa ang panganay nilang kapatid na si Haley kundi ipagkasundo ang bunsong kapatid sa anak ng Wood Group na si Atlas para ma-survive ang kompanya nang kanilang magulang. Ang Wood Group ang una sa pinakamayaman na kompanya ngayon sa Pilipinas. They handles multimillion of company. Si Atlas Wood ang nagiisang tagapagmana nang Wood Group, kahit hindi pa siya nagiging CEO ng kompanya nila. Kilala na ito sa pagiging malupit, masungit at babaero. Sex lang kasi ang habol niya sa mga babaeng nakaka-date niya. He was deeply in love and obsessed in her ex girlfriend to the point that he never forget her. Kahit na hindi siya ang pinili nito sa halip ay pinili ang kanyang matalik na kaibigan. Sa kabilang banda dahil sa nalaman ni Colette palihim itong lumipad ng amerika at doon nagtago ng ilang taon.
Romance
6.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Love in Disguise

Love in Disguise

Para matiyak na makakamit ni Lorna ang katarungan para sa pagkamatay ng kanyang mga magulang, kailangan niyang magkaroon ng koneksyon kay Steve Lucchese. Determinado siyang gawin ang lahat para makamit ang katarungan na nararapat sa kanya. Kung hindi malulutas ng mga awtoridad ang kaso, siya mismo ang gagawa ng paraan para makuha ang hustisya.
Romance
106.5K viewsOngoing
Read
Add to library
The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance

The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance

Mapipilitan si Sandy na umalis sa kinalakihan niyang lugar sa probinsiya para sa isang kasal. Kinuha siya ng magulang niya para ipakilala siya kay Dwight Montemayor, ang lalaking hindi na nagawa pang makalakad dahil sa isang aksidente. Pumayag si Sandy na ipakasal siya kay Dwight hindi dahil mayaman ang pamilya nito. Meron siyang malalim na dahilan kaya pumayag siyang makasal sa binata, ngunit sa kabila ng lahat ay magiging magulo ang buhay ni Sandy sa poder ng kanyang magulang dahil sa kanyang kapatid na si Amara. Laging ito ang mas magaling at mabuti, kahit kabaliktaran naman lahat ng pinapakita nito kay Sandy, at isa pa, ang iniibig ng kanyang kapatid ay ang kanyang mapapangasawa, si Dwight. Kaya mas lalong magiging magulo ang lahat sa pagitan nila Amara at Sandy. Muli kayang makalakad pa si Dwight? Darating pa kaya ang panahon na mapapatawad ni Sandy ang kanyang magulang?
Romance
105.9K viewsOngoing
Read
Add to library
A NIGHT OF DECEPTION

A NIGHT OF DECEPTION

Si Luna Natividad ay ang nag-iisang anak ng kilalang negosyante sa bansa, bilang nag-iisang anak ay lahat ng bagay ay nakukuha. Ngunit hindi ang pag-mamahal na kay tagal na niyang pinapangarap. Sa kabila nang lahat ay naging mabuting anak pa rin ito,at nagsisikap upang maabot ang pangarap at mapansin din ng kanyang mga magulang. Sa isang gabi na hindi inaasahan na mangyari ay mababago ang lahat. Si Luna ay na buntis ng isang sikat na Volleyball Captain ng kanilang Unibersidad. Isang lalaki na nangarap upang maitaguyod ang buhay, at upang magkaroon ng magandang trabaho, dahil walang mga magulang na kinalakihan ito. Tanging siya lang ang bumuhay sa kanyang sarili, gamit ang talino, kasipagan, at tiwala sa sarili, at higit sa lahat sa Maykapal. Takot man sa nangyari ay walang balak si Luna na ipa-abort ang bata na kagustuhan ng binata. Nang malaman ng kanyang mga magulang ang kanyang sitwasyon ay pinalayas ito. Nasaktan niya ng labis ang kanyang mga magulang kaya labis din ang dismayado niya sa kanyang sarili. Ngunit nag-patuloy pa rin si Luna sa pag-aaral. Ayaw ni Luna na huminto dahil alam niya sa sarili niya na kaya niya kahit may dinadala na siyang baby sa sinapupunan niya. Hindi iyun magiging hadlang na makapag tapos, at kahit papano ay magiging proud ang kanyang mga magulang na tinapos niya pa rin,kahit na dudumugin siya ng media kapag nalaman ng buong school ang kanyang sitwasyon. At ganun din si Kyro,na may paninindigan, at tiwala sa sarili.
Romance
106.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Mark Of Cadmus

Mark Of Cadmus

Hiraya Neith
Ilang taon na ang nakakalipas simula nang makamit ni Cadmus Hunt ang pangarap na hustisya para sa pagkamatay ng mga magulang niya maliban sa isa. At, iyon ay ang babaeng nakilala niya isang gabi sa bar na kanyang pag-aari. Si Calla Spear. Cadmus has been longing for the woman whom he met accidentally years ago and he's willing to do anything just to have Calla. His obsession turned to love. Ngunit paano kung malaman niyang anak si Calla ng nilalang na naging dahilan ng kamatayan ng mga magulang niya? At, ang nilalang na nasawi sa mismong mga kamay niya. Will it be too late for Cadmus to ask for forgiveness from the woman he loved so much? And, will still there be love between them despite the inevitable truth, added with painful lies?
106.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Marrying You

Marrying You

Md Quinceañera
Ang pamilya Tengco ay may dalawang anak na babae. Ang kanilang bunsong anak na babae. Si Brianna Tengco, ay kilala sa kanyang kagandahan. May tsismis na hindi mailarawan ang ganda niya. Gayunpaman, ang panganay na anak na babae ng pamilya Tengco, si Heile Tengco, ay may mababang IQ mula noong siya ay bata pa at nagsimula lamang siyang magsalita noong siya ay anim taong gulang. Itinuring siya ng kanyang mga magulang bilang isang pasanin habang tinatrato siya ng labas ng mundo bilang isang katatawanan. Gayunpaman, walang nakakaalam na si Heile ay may tunay na kakaibang katalinuhan na nahuling nabuo. Pagkatapos, nabuntis si Heile sa hindi malaman dahilan. Apat na buwan sa kanyang pagbubuntis, pinilit siya ng kanyang mga magulang na pakasalan ang pinakamayamang lalaki sa City, ang pamilyang Bueno. Ang mga usapan ay ang kanyang asawa ay isang matandang lalaki na paralisado sa kama mula noong edad na walo. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nang magpakasal si Heile sa pamilya Bueno, nalaman niyang hindi lang matanda ang kanyang asawa, guwapo rin ito. Siya ang Young Master ng pamilya Bueno na hinangaan ng lahat— si Kerr Bueno.
Romance
106.7K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
1516171819
...
44
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status