The Fake Wife's Perfect Revenge
Dalawang taon niyang inakala na may asawa siya.
Dalawang taon niyang minahal, pinagtiisan, at ipinaglaban ang lalaking akala niya'y legal na kabiyak niya.
Pero isang araw, habang inaayos ni Yumi Zamora ang papeles ng kanilang marriage certificate, isang katotohanang hindi niya inaasahan ang lumantad sa kanya-pekeng kasal lang pala ang lahat.
Ang lalaking tinawag niyang asawa, si Clyde Monteverde, ay legal palang kasal sa ibang babae at mas masakit, sa dati nitong professor. Anim na taon siyang ginamit bilang panangga sa lihim na relasyon ng dalawa. Siya ang inilagay sa harap ng tsismis, siya ang sinisi sa lahat, at siya pa ang pinaratangang baog at pinilit ampunin ang batang hindi naman kanya.
Wasak, nilamon ng galit, pero hindi nagpatalo. Tahimik na tinanggap ni Yumi ang katotohanan at sa isang tawag sa abogado, tuluyan niyang binura ang lahat ng kasinungalingan tungkol sa kanya- walang asawa, walang anak... at siya lamang ang may karapatang magmana ng lahat.
Mula sa babaeng niloko, babangon si Yumi bilang isang babaeng may plano. Sa larong sinimulan ng kasinungalingan, sisiguraduhin ni Yumi na siya ang huling mananalo...