Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Wayward Daughter

The Wayward Daughter

msalchemist
Ibinibida ang isang babaeng hindi padadaig sa mga pagsubok na darating sa buhay nito. Kahit na nga ba masama ang tingin ng nakararami rito, patutunayan nito na mali ang sabi-sabi ng iba. Malalaman dito ang tunay na kwento ng mga tinatawag nilang 'malandi, kaladkarin, babaeng mababa ang lipad'. Tampok ang buhay ng apat na bidang sinubok ng panahon at pinatatag ng karanasan sa buhay. Kilalanin sina Clip, Sinatra Blue, Ross, at Badong. Iba't ibang taong pinaglapit ng kinagisnang lugar. Iisa ang ginagalawan. Walang lumisan, walang nang-iwan. Patuloy na bumabalik. Lagi silang bumabalik dahil baka totoo nga na ang happy place nila ay matatagpuan sa mga apat na bidang pinagtagpo pero pilit nilalabanan ang tadhana.
YA/TEEN
3.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Secretly In-Love with my Estranged Husband

Secretly In-Love with my Estranged Husband

Nagpakasal si Julliane sa edad na dalawang pu't taong gulang dahil sa isang sirkumtansya na nangyari sa kanyang pamilya. Hindi siya gusto ng lalaki na pinakasalan niya. At sa ikalawang araw ng kanilang kasal ay pinadala siya nito sa Amerika para doon magpatuloy ng pag-aaral. Pero muli siyang nagbalik sa Pilipinas makalipas ng tatlong taon dahil malubha na ang sakit ng kanyang ina. At may isa pa siyang gustong gawin, ito ay ang pirmahan ang annulment paper na nakahanda na agad sa unang pagkikita pa pa lang nila ng kanyang asawa. Pero nagtaka si Julliane, dahil hindi agad pinirmahan ng lalaki ang papeles, dahil dito ay naisip niya na baka may kaunting pag-asa sa kanya na sana ay matutunan rin siyang mahalin ng kanyang asawa.
Romance
9.414.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Release Me, Mr. Billionaire (Filipino)

Release Me, Mr. Billionaire (Filipino)

Rizza was kidnapped and brought to the place where Drake is living with his men. Hindi siya dinukot para ipatubos sa kanyang pamilya hindi kagaya ng mga napapanood niya sa mga drama sa telebisyon. Siya ay dinukot ng mga hindi kilalang lalaki upang bigyan ng anak na magiging tagapagmana si Drake na ayaw na mag-asawa sa takot na baka lokohin at iwan na naman ito. Pumayag kaya si Rizza sa nais ng bilyonaryong binata na bigyan niya ito ng anak na magiging tagapagmana ng lahat ng mga ari-arian at kayamanan ng pamilya nito? Paano kung tanggihan niya ang bilyonaryong binata na si Drake? Makabalik pa kaya siya sa kanyang pamilya na buhay? Kahit tanggihan niya ang bilyonaryong binata na si Drake hindi na niya matatakasan ito.
Romance
10.2K viewsCompleted
Read
Add to library
The Borderlines

The Borderlines

_Syete_
Saan ka bang lahi nabibilang? Normal na tao ka lang ba o kabilang ka sa ibang lahi na kailangan pang may mapatunayan para mabuhay sa mundong ito. Ako si Demi, hindi tayo magkatulad dahil iba ako sa iyo at binabalaan kita, don't cross our borderlines because you might die at kung mahanap mo man ang librong ito, pakiusap huwag mo ng ituloy ang pagbasa dahil baka dalhin ka ng kuryusidad mo sa kapahamakan.
Other
8.25.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Our New Family Doctor is My Ex Husband

Our New Family Doctor is My Ex Husband

Akala ni Jade Naive Guaren-Severa, sapat ang pagmamahal para manatiling buo ang isang relasyon. Akala niya, kaya nilang tuparin ang mga pangako nila—na mamahalin ang isa’t isa sa hirap at ginhawa, habang-buhay. Pero nasaan na ang lahat ng iyon ngayon? Once, she had everything she ever wanted. A loving husband, a happy life, a family they were supposed to build together. Pero ngayon, ang naiwan na lang sa kanya ay sakit, pagkaduda, at mga tanong na walang kasagutan. “Ako ba ang may pagkukulang? Hindi ba ako naging sapat? Mas mahal niya ba talaga ang babaeng ‘yon kaysa sa akin?” The woman who tore their world apart. The woman who pushed Jade down the stairs, causing her miscarriage, yet Azriel, blinded by anger and grief, chose her over Jade. The same woman who stole Azriel's heart and left Jade with nothing but broken promises. Nang muli siyang mabuntis, inisip ni Jade na baka may pag-asa pa. Baka sakaling maayos pa nila ang lahat. Pero imbes na yakapin ang panibagong simula, tinulak siya ni Azriel palayo. Sa halip na lumaban, binigyan siya ng divorce papers at tuluyang iniwan—kasabay ng lahat ng pangakong binitiwan noon. Lumipas ang ilang taon. Akala ni Jade, tuluyan na silang tapos. Hanggang sa muli silang pagtagpuin ng tadhana. Azriel is marrying his mistress, and Jade is hired to design their wedding gown. Ngayon, kailangang harapin ni Jade ang lahat ng nangyari. Handa na ba siyang magpatawad? O huli na ang lahat para bumalik sa dati?
Romance
8.39.4K viewsCompleted
Read
Add to library
After the Daylight

After the Daylight

Nang magising si Zinnia gulat siyang nakatingin sa kanyang katawan na hubo't hubad. Tiningnan niya ang lalaki na sarap sa pagtulog, naalala ni Zinnia na ito ang lalaking nakatinginan niya kagabi, dahan-dahan siyang tumayo at binitbit niya ang kanyang mga gamit, kalaunan ay patuloy siyang umalis. Nang magising ang lalaki ay agad niyang inutusan ang kanyang mga tauhan na hanapin ang babaeng kanyang nakasiping upang panagutan at pakasalan ito. Ilang araw ang nakalipas ay nalaman ni Zinnia na buntis siya at hindi lamang ito isang sanggol kundi tatlo, naging masaya naman siya subalit malungkot niyang naisip na baka hindi niya kayang gampanan ang pagiging ina. Naisip niya ang lalaki sa bar subalit pumasok ulit sa kanyang isipan na baka hindi ito panagutan ng lalaki. Habang naglalakad si Zinnia ay bigla niyang nakasalubong ang lalaking ama ng kanyang mga anak, malamig siyang tinitigan nito ngunit maya-maya lang ay ngumiti ito. ganun pa man ay hindi alam ni Zinnia kung ipagtatapat niyang nabuntis siya nito. Tinanong ng lalaki kung ano ang nais ni Zinnia, naisip ni Zinnia na kailangan niya ng pera. Binigyan naman agad ng lalaki si Zinnia ng pera. Malungkot na naisip ng lalaki dahil kagaya pa rin si Zinnia ng ibang babae na pera lamang ang habol sa kanya. Isang araw habang naglalakad si Zinnia ay bigla siyang may nakabangga, isang babae na mayaman ang dating. Humingi ng tawad si Zinnia subalit hinusgahan lamang siya nito, sabi-sabi pa ng iba na ang babaeng ito ang nakatalang ipapakasal sa isang pinakamayang CEO na si Mr. Youtan.
Romance
107.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Love Is Strange

Love Is Strange

Bumukas ang malaking pintuan sa harap ko, at narito ang lalaking minamahal ko, ang mata'y walang damdamin habang lumalapit ako sa altar. Ngumiti ako kahit na masikip ang dibdib ko. Narinig ko ang musika habang dahan-dahang naglalakad patungo sa lalaking naghihintay sa harap. Si Kiel, nakatitig nang seryoso sa akin. Walang kahit anong kasiyahan ang makikita sa kanyang mukha, at ito'y nagdulot ng kirot sa aking puso. Iniharap ko ang aking kamay, ngunit itinuring niyang wala ito at agad na umusad patungo sa harap ng pari. Iniwan akong nakatambad ang kamay sa ere. Yumuko ako, bahagyang nahihiya. Sumunod ako sa harap ng pari, at sinimulan na ang misa. "Maari mo nang halikan ang iyong asawa," ang sabi ng pari. Humarap ako kay Kiel, inaasahan ang isang halik sa labi, ngunit sa pisngi lamang ito dumapo. "Nakuha mo na ang titulong Mrs. Valerian, ngunit tiyak kong hindi mo makukuha ang aking pagmamahal," bulong niya. Pumikit ako, at naramdaman ang sakit sa aking puso. "Tandaan mo 'yan, Sam? Hindi mo makukuha ang aking pagmamahal dahil may iniibig na ako," dagdag niya habang nagpalakpakan na ang mga tao. Tumulo ang isang butil na luha. "Sarap mong pagmasdan habang umiiyak," layo na nito sa akin pagkatapos ng mga salitang iyon at agad na lumabas ng simbahan. Pinalis ko ang luha ko at mag-isang ngumiti sa harap ng mga taong masaya para sa amin. Kumikirot ang dibdib ko sa likod ng aking mga ngiti. Daig ko pa ang sinaksak, ngunit hindi ko pinahalata. "Saan pupunta ang asawa mo?" inosenteng tanong ng isang matanda. Ngumiti ako, ngunit hindi na nagbigay ng pagsasalita. "Baka excited lang," mapanukso ng isa. Tumawa ako, kahit na parang pinipiga ang puso ko. Ako si Samantha Alexandria Perez, o dapat bang sabihin Samantha Alexandria Perez Valerian, and I am his unwanted wife.
Romance
1028.1K viewsCompleted
Read
Add to library
The Secretary Ex-wife

The Secretary Ex-wife

Zachy
Si Zai Ramirez, 22 taong gulang ay isang simpleng babae na nakapagtapos lamang ng High School na kasalukuyang nagtratrabaho sa isang mall.Kung saan nakilala niya ang lalaki na una niyang inibig,ang kaniyang asawa na si Zachary Lu, isang half Chinese. Ngunit ang kanilang pagmamahalan ay may kaakibat na pagsubok na humantong sa kanilang hiwalayan.Pero walang kaalam-alam ang lalaki na nagbunga ang kanilang pag-ibig.Dalawang taon ang lumipas ng sila ay muling pagtagpuin ng tadhana ng maging sekretarya siya ng dati niyang asawa na ikinabigla din niya na baka ay malaman na nagkaanak sila at ilayo ang bata sa kaniya.Malaman kaya ito ni Zachary?Ano kaya ang mangyayari sa kanilang pagtagpo ulit?Magkabalikan kaya sila?
Romance
1.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Fierce Love of the Arrogant Man

Fierce Love of the Arrogant Man

“Nasaan ang singsing?” “Ano?” Mabilis na binawi ng babae ang kanyang kamay. “Tinatanong ko kung nasaan ang singsing,” mariing ulit ni Stefan habang nakatitig nang masama sa kanyang kasintahan. “Ah... naiwan ko yata sa opisina. Kasi madalas akong naghuhugas ng baso ng kape, kaya tinanggal ko muna at itinabi. Baka magasgas kasi,” paliwanag ng dalagang si Natalie na bahagyang nakapagpakalma kay Stefan. “Kapag tinanggal mo ‘yan, ituturing kong gusto mong makipagbitiw sa kasunduan ng kasal.” “H-hindi naman po. Itinabi ko lang, hindi ko naman tinatanggal ng tuluyan.” “Kung gano’n, isuot mo ngayon din,” singhal ng lalaki na may halong pagbabanta. “Oo na, isusuot ko,” sagot ng babae na may bahid ng tampo. Kinuha niya ang bag sa tabi, binuksan iyon, at inilabas ang singsing ng kanilang kasunduan. Isinuot niya iyon sa kanyang daliri at ipinakita sa kanya ang likod ng kamay.
Romance
105.4K viewsOngoing
Read
Add to library
One Night Stand with a Stranger

One Night Stand with a Stranger

Naranasan mo na bang ma-love at first sight? Yung tipong pakiramdam mo eh siya na ang nakatadhana para sayo kahit na kakameet niyo pa lang? Ganito ka din ba kabaliw kung mainlove? Yung tipon gagawin ang lahat para lang mapakasakanya ang kanyang taong minamahal kahit na ang kapalit nito ay iyong dignidad. Dahil kung ganito ka din eh baka katulad ka din ng ating bida na si Lorenzo Miguel Samaniego. Ang lalaking halos nasa kanya na ang lahat, with his looks, fortune, as in lahat ng hihilingin mo ay nasa kanya na kaya hindi din makapagtataka na habulin siya ng mga babae. Pero may isang babae ang mamimeet niya at magpapabaliw sa kanya. Si Gabriella Monica Jimenez na anak ng mga maimpluwensyang tao. This girl was brokenhearted that time at talagang nagpakalasing hanggang sa hindi na nito alam ang kanyang ginagawa. Nang magtama ang mga mata ng dalawa. And boom! Hindi ito pinalampas ni Miguel at agad niyang sinunggaban si Monica at dahil wala itong kalaban laban kaya nadala niya ito sa kanyang condo at duon sila gumawa ng pangarap, yun nga lang... Monica caught Miguel na may ibang kasamang babae at ito ang dahilan para iwan nito ang binata. Bigo din itong mahabol ang dalaga hanggang sa tuluyan na niya itong hindi makita... ---- Ngunit tila mapagbiro ang tadhana, At sa hindi inaasahang pagkakataon ay magkikitang muli ang kanilang landas. Hindi pa din nagbabago ang pagtingin ni Miguel sa dalaga ngunit hindi nito inaasahan ang malaking pagbabago sa dalaga... Ano nga kaya ang natuklasan nito? Bakit biglang nag alangan si Miguel? Itutuloy pa din ba nito ang nararamdaman para sa dalaga? Alamin ang mga pangyayari sa kapanapanabik na kwento ng naudlot na pag iibigan nina Miguel at Monica...
Romance
9.623.3K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
2122232425
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status