Contract With The Devil
Fajardo na giliw na giliw sa kanila ng kanyang magiging anak kagaya ng asawa nito.
Nang tumaas na ang araw ay pumasok na siya sa loob ng bahay, ganoon din ang ginawa ng mga kapitbahay. Mamaya nalang niya ipagpapatuloy ang pagpipinta.
"Ate, handa na po ang agahan," salubong sa kanya ni Mayet, ang kasama niya sa bahay na inirekomenda sa kanya ni Mrs. Fajardo. Kilala nito si Mayet at ang mga magulang nito at sinabing maasahan ang dalaga. She was two years younger than her and was a nursing student but stopped because her family can't afford to send her to college. Wala siyang mairereklamo rito, marunong ito sa lahat ng gawain sa bahay.