Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Hiding His Wealth

Hiding His Wealth

Paano kung may lumapit sa' yong napaka- gwapong pulubi, at saka tinanong kung pu- puwede ba itong makahingi ng makakain, tutulungan mo ba? Tanong na namumuo sa mga babaeng may pantasya ngunit mas inaalala pa ang katayuan ng lalaking gu- gustuhin nila. Sa sitwasyong hinantungan ni Karrie ay hindi niya manlang naisip iyon, at dali- daling tinulungan ang pulubing lumapit sa kaniya at hindi na inalala, kung ano mang klase ng tao ito. Sa Konsepto ng Chemistry, Kapag opposite charge ang dalawang electron mag a- attract sila, paano pa sa dalawang taong malaki ang pagkakaiba?
Romance
1.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Perfectly Imperfect Love

Perfectly Imperfect Love

Sa mundong puno ng kasinungalingan, pipiliin mo pa rin ba ang taong paulit- ulit ka nalang niloloko? Magiging sapat ba para sa iyo ang mga matatamis na salita na halos walang katapusan niyang binabanggit sa iyo? Si Mikaela Sabino, ang babaeng pinangakuan ng lahat ng bagay. Ang babaeng naniniwala na ang taong kaniyang minamahal ay magbabago para sa kaniya. Ang lahat ng sakit, pagkadurog, kawalan ng tiwala, karupukan, at paghihirap na mararanasan ay mapapalitan ba ng salitang "patawad"? "Handa akong mahalin ka hanggang sa maubos ako, palagi lang akong nasa tabi mo kapag ako na ang kailangan mo. At handa akong masaktan kung ikaliligaya mo" Ang lalaking magpapabago sa buhay ni Mika, ang taong dudurog sa puso ng babaeng tunay na nagmamahal sa kaniya. Si Renrem Reyes, ay isang tao na lubos na pinipilit baguhin ang lahat ng pagkakamali na mayroon siya ngunit nang dahil sa tukso ay nagiging mahina ito. May pagkakataon pa ba na maging malakas siya para sa taong pinakamamahal niya? Hahayaan ba niyang mawala ito nang tuluyan sa kaniya at makuha ng iba ang babaeng pinangangarap niya? "Pinipilit kong magbago, pangako. Pero tao lang din ako at may kahinaan, patawarin mo ako." Magkakaroon ba ng masayang wakas ang dalawang tao na nakakaranas ng sakit? It is true that love can conquer everything?
Romance
9.34.0K viewsCompleted
Read
Add to library
The Runaway wife

The Runaway wife

NAGMAHAL lang naman siya at umasa na balang araw ay mamahalin rin siya nito. Buong akala niya ay totoo ang lahat. Buong akala niya may pag ibig na ito para sa kanya, pero mali pala siya. Muli na naman ba siyang aasa? Paano niya haharapin ang katotohanang ginamit lang siya nito? Ipaglalaban niya ba ang pagmamahal niya rito o kusang magparaya na lamang?
Romance
126 viewsOngoing
Read
Add to library
Carrying The Professor's Twins

Carrying The Professor's Twins

Sanay na sa sakit si Olivia Margarette Gallego, sa ipinararamdam pa lamang ng kanyang magulang sa kanya sa araw-araw ay nag-uumapaw na siya. Ngunit iba pala ang sakit iyong mahal at pinagkatitiwala mong tao ang siyang mangloloko sa'yo. Nalaman niyang kasal na pala ang kanyang anim na buwang nobyo at may anak pa! Sa pinaghalong kalungkutan at pighati, pumara siya ng taxi at tumungo sa isang club at doon nagpakalawing, umaasang mawala na ang sakit kinabukasan. Ngunit kinabukasan at iba ang namulatan ng kanyang mga mata. Nakahiga siya sa isang malaking kama at katabi ang nag-iisang terror mathematics professor, si Mr. Wrecker Silas Monroe. Ang akala niyang isang gabi lamang ng pagkakamali, ang hindi niya alam ay panghabangbuhay niyang dadalhin ang bunga niyon. May pag-asa pa bang makatatagpo siya ng lalaking mamahalin siya ng tunay? O makukuntento na lang siya sa pagmamahal para sa kanyang mga anak?
Romance
1032.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Memories with you

Memories with you

KATHAMxM
Sina Skyler at Nathan ay matalik na magkaibigan na tila ba may parehong may hinahanap sa buhay. Si Skyler ay hinahanap ang pangarap nyang buhay habang si Nathan naman ay hinahanap ang kanyang nawawalang pagkatao. Sa pag tungtong nila sa kolehiyo makakakilala sila ng mga taong magbibigay kulay sa college life nila. Sa pagkakakilala ni Nathan sa gwapong bagong kaklase na si Jaspher, mabubukas ang pintuan mula sa kanyang nakaraan. Ito na ba ang kasagutan sa mga tanong nya at kakulangan sa kanyang pagkatao? Mahahanap din kaya ni Skyler ang taong magbibigay ng kahulugan at kabuluhan sa kinabukasan nya?
LGBTQ+
103.9K viewsOngoing
Read
Add to library
SECRET AND LIES WITH YOU

SECRET AND LIES WITH YOU

Paano kung ang dating conservative, probinsyana at mahiyain na dalaga ay naging palaban sa buhay para sa kanyang anak na may sakit sa puso. Dahil sa kahirapan ay tinanggap niya ang alok ng kanyang kaibigan na maging regalo sa stag party ni Randell Gomez. Kinuha ang serbisyo niya para paligayahin ang groom sa buong magdamag. Dahil sa kahirapan at bagong salta sa maynila ay tinanggap niya ang alok. Makalipas ang limang taon nagbalik si Quinette para mamasukan bilang personal nurse ni Don Miguel. At muling nagtagpo ang landas nila ng lalaking ama ng kanyang anak. Paano kung malaman nito na may anak sila at ama nito ang kanyang amo. Ipapakilala ba niya kay Randell ang kanilang anak para hingian ng tulong upang maoperahan sa puso ang bata. Maniniwala ba si Randell at paano kung may asawa na ito. Muli man nagtagpo ang mga landas nila Quinette at Randell. Inilihim pa rin niya ang kanyang anak at nag makaawa siya na huwag tanggalin sa trabaho dahil kailangan niya makaipon ng pampaopera. Gumawa ng kontrata ang binata kapalit ng pagpapahiram nito ng pera sa dalaga. Paano kung malaman ng binata na anak pala niya ang ooperahan sa puso at matatanggap ba niya ang bata kung bunga ito ng kanilang pagtataksil noon sa dati niyang nobya. Kaya pa ba niya magmahal muli at mapapatawad din ba siya ni Quinette sa mga pagpapahirap niya sa dalaga. Lalo na sa paglalaro sa damdamin nito, na akala niya ay isang bayarang babae.
Romance
1027.7K viewsCompleted
Read
Add to library
A SECOND CHANCE IN LOVE

A SECOND CHANCE IN LOVE

Isang gabi lang pero nabago na husto ang buhay ni Althea. tatlong taon ang lumipas at nagtagpo muli ang landas nila. Ano kaya ang mangyayari sa muli nilang pagkikita. Magkakaroon ba ng chance na may mabuong pagmamahal sa kanilang dalawa. Magkakaroon ba sila ng pagkakataon para makilala ang isa't isa o tulad nun una ay iiwasan muli ni Althea ang binata. Vhans
Romance
10.0K viewsOngoing
Read
Add to library
You're Mine, My Best Friend

You're Mine, My Best Friend

Paano kung masira ang kasal mo at ng taong mahal mo dahil lang sa kagagawan ng best friend mong may lihim na pagtingin sa 'yo, ano nga ba ang gagawin mo?
Romance
1014.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Chasing Ephemerality

Chasing Ephemerality

Maria Inna Esperanza is an architecture student studying in their country home, the Philippines, despite her parents' best effort to urge her into studying abroad. Naiisip rin niya ang kagandahan abroad pero mas gusto niyang makapagtapos sa lupang sinilangan, mag disenyo ng istraktura kung saan mas makapagbibigay serbisyo sa kababayan niya at higit sa lahat may pakiramdam siyang di niya maintindihan, na parang may humihila sakaniya na manatili dito. Things changed weeks before her 20th birthday, she began having weird detailed dreams that made her anxiety grew more and it did not help when her cousin Kyle made a bet she thinks is stupid but ended up doing it in exchange for Kyle to stop pestering her. Dito niya unang nakita si Kyran, nagkakilala at naging magkaibigan. Sa pag pasok ni Kyran sa buhay niya aminado siyang umiba ang ikot ng mundo niya. However, the weird detailed dreams did not stop and it seems that it's a story that bounds to continue, she began lucid dreaming. May panahon na pakiramdam niya may napupuntahan siya pero wala naman. Habang gumaganda ang samahan nila ni Kyran ay ganun din ang pagbabago ng mga gawi niya. Nagsimula siyang mahulog kay Kyran. Kasabay ng nararamdaman niya para kay Kyran ay ang pagtindi ng di niya maipaliwanag na deja Vu lalo pa ng malaman niyang nagpaplanong maghiwalay ang kaniyang mga magulang. Before she finally decided to admit her feelings for Kyran and after she has collected a good amount of courage to face him if he rejects, she uncovers the truth about the story she has been dreaming of all along. A story that ends tragically. She knew she wants to fix the ending, she did her best to gather information and find the man from 1780.
Romance
101.5K viewsOngoing
Read
Add to library
White Lies: Bud Brothers Series 2

White Lies: Bud Brothers Series 2

Warning: Mature content. Read at your own risk!!! -------------------- Joyce Jillian Montecellio is a hard working woman. Simula nang iwan sila ng kanyang ama ay natuto s'yang tumayo sa sarili n'yang mga paa. Lahat ng oportunidad na dumating sa buhay n'ya ay kaagad n'yang sinusungaban. Hanggang sa isang araw ay natagpuan n'ya ang isang lalaking estranghero sa gilid ng sapa na pinaglalabhan nila na puno ng sugat at walang malay na si Jeff Marco Del Carpio. A happy-go-lucky guy and turn to be an adventurer. Simula ng lukuhin s'ya ng babaing pinakamamahal niya't nakatakdang pakasalan ay nahilig s'ya sa pagka-camping. He started to hide his identity and live in a simple lowkey life. Sa paglipas ng mga araw na nakakasama ni Jillian ito ay unti-unting rin nahuhulog ang loob n'ya sa binata. Kinalimutan n'ya ang sumpang hinding-hindi iibig kanino man. Kung kailan naibigay n'ya na ang buong tiwala at sarili n'ya dito saka n'ya naman natuklasan ang buong pagkatao nito. Paano n'ya haharapin ang bukas ngayon kung sa araw ng pag-alis nito ay kasama ang puso n'ya? At paano kung ang gabing nakalimot sila ay nagbunga? Hanggang sa makalipas ang apat na taon ay muling nagkrus ang landas nila mismo sa building ng opisina nito. Ano ang gagawin n'ya kung inakala n'yang may mahal na pala itong iba? At paano kung ang nag-iisang taong hinuhugutan n'ya ng lakas ay ninakaw nito sa kanya? Mapapatawad n'ya ba ito or patuloy n'ya pa ring mamahalin?
Romance
104.9K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
1112131415
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status