Breaking the Law with my Stepbrother, Attorney Justin Avery
"You broke the law of this house when you fell in love with me, your own stepbrother. And now, you’ve broken the law of this country by killing someone. Tell me, Hariette. How will you defend yourself from the crime you’ve committed, when you couldn’t even defend the love you once felt for me?”
Napagbintangan si Hariette ng mga kapitbahay na siya ang pumatay sa kanyang tiyuhin matapos makita ng mga ito na hawak niya ang patalim habang nakahandusay sa sahig ang duguan na katawan nito. Inaresto siya ng mga pulis at ikinulong nang walang matibay na ebidensya laban sa kanya.
Umatras ang kanyang abogado sa paghawak ng kanyang kaso dahil ayaw niyang magsalita at ipagtanggol ang sarili. Ayaw niyang sabihin ang totoo na ang kanyang Tiya Gilda ang pumatay sa asawa nito.
Wala na siyang makuhang libreng abogado kaya naman napilitan siyang humingi ng tulong sa pamilyang minsan na ring kumupkop sa kanya bago siya napunta sa poder ng kanyang tiyahin, at iyon ay ang mga Avery.
Noong una, ayaw itong tanggapin ni Justin, dahil hindi ito humahawak ng kaso ng mga kriminal. Ang katwiran niya, bakit nya ipagtatanggol ang mga taong nagkasala? Ang nararapat sa mga ito ay maparusahan.
Pero sa kalaunan ay tinanggap niya rin ito, ngunit bago pa man ang lahat ay nagkasundo sila na babayaran niya ito sa paraang gusto ng binatang abogado, at pumayag naman siya.
Pero paano kung ang hilingin nitong bayad ay ang pakasalan siya ng sikreto? Ang akala niya ay may nararamdaman din ito sa kanya. Iyon pala, gusto lang nitong turuan ng leksyon ang babaeng nang-iwan dito. Ang babaeng pinagselosan niya kaya siya lumayas sa bahay ng pamilya Avery.
Sa pagitan ng hustisya at pag-ibig, sino ang tunay na huhusgahan? Ang nagkasala, o ang nagmahal?