Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
THE BILLIONAIRE SWEET NANNY

THE BILLIONAIRE SWEET NANNY

Isabela? Caroline? Patricia? Vivian? Nakasubsob si Enrique sa gitna ng puting satin sheet at tinitigan ang blonde na may umaagos na buhok na natutulog sa tabi niya, pero wala siyang ideya kung sino ang babaeng iyon... Na para sa kanya ay normal lang, dahil tuwing gabi ay iba ang babae. nakahiga sa kanyang kama. Si Enrique ay isang batang bilyonaryong CEO na palaging nasa kanyang mga kamay ang lahat ng gusto niya... Mga mansyon, magagarang sasakyan at maging ang mga babae. Ang malamig, sarado at ganap na brutis na lalaki ay namumuhay sa isang madilim at mapanglaw na buhay na sarado sa sarili niyang mundo, ang hindi niya inaasahan ay ang isang matamis na yaya na may magandang kalooban at mapang-akit na ngiti ay magpapabaligtad sa kanyang buong mundo.
Romance
1.9K viewsOngoing
Read
Add to library
My Bittersweet Mistake

My Bittersweet Mistake

Si Marion Yuna "Mayu" Selvestre ay bunga ng isang kataksilan. Uhaw sa pag-ibig ng mga magulang. Walang hiniling ang dalaga kun'di maging parte ng pamilya ng kanyang Tatay o Nanay. Ngunit iyon ay naging mas malabo matapos siyang mapiling fiancée ng isang kilalang bilyonaryo na parehong gusto ng kanyang mga kapatid. Hindi iyon matanggap ng kanyang mga magulang sapagkat maging ang mga ito ay naghahabol sa bilyonaryo. At mas lalo pang lumabo ang kanyang kahilingan nang siya ay mabuntis dahil sa isang gabing pagkakamali. Sa takot na ito ay ipalaglag ng kanyang mga magulang at sa takot na malaman ng lalaki na siya ay nagdadalang tao, nagawa niyang lumisan sa kinagisnang lugar at magpalipat-lipat pa sa tuwing siya'y nahuhuli nito. Takot man sa buhay ay mas takot si Mayu na kuhanin sa kanya ang anak ng tuso at tinuturing niyang halimaw na si Aldo Hendrix Castellanos.
Romance
1072.4K viewsCompleted
Read
Add to library
SIRENS OF ATARGATIS  ⚫FILIPINO⚫ || WIP ||

SIRENS OF ATARGATIS ⚫FILIPINO⚫ || WIP ||

AiriiTheCoffeeCat
Si Melodia ay isang nilalang sa ilalim nang madilim at malawak na dagat. A heart full of hatred, ang puso ng mga taong may kinikimkim na kasakiman, selos at pagkamuhi ang nagbibigay buhay sa kanila. Silang mga sirena'y may kagandahang tinataglay at boses na pang-akit sa biktima. Ngunit isang insidente ang magbabago ng lahat nang buhayin muli ni Melodia ang taong nag-aagaw buhay. Ang simpleng sitwasyon ay naging sumpa ang dulot. Ang kanyang buntot ay maging paa at ang paa ng tao 'yon ay naging buntot. Kaya napagpasyahan niya na manatili muna sa lupa kahit walang ideya kung paano mamuhay bilang tao. Isinama naman sa ilalim ng dagat ang taong ngayo'y nagibg sirena. Nakita siya ng isang lalaki na noo'y namamangka na kaagad siyang tinulungan. Sa paglipas ng mga araw ay muling nagbalik ang taong tinulungan i Melodia. Ngayon ay hatid niya ang pakiusap na tanggalin na ang sumpa, na ibalik na sa kanya ang mga paa ngunit hindi alam ni Melodia kung paano.
104.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Vampire's Maid Servant (Tagalog)

The Vampire's Maid Servant (Tagalog)

Sa edad na siyam, naging kapalit si Anastacia ng malaking pagkakautang ng kanyang ama sa isang mayamang ginang. Pumayag din ang kanyang ama dahil sinabi nitong pag-aaralin siya sa ibang bansa at magkakaroon ng magandang buhay. Pero lingid sa kaalaman ni Anastacia at ng kanyang ama na ipagbibili pala siya nito sa isang Black Market. Sa Black Market na 'yon pula ang mga mata ng mga nanonood. Para 'tong mga halimaw na nagpapanggap na tao. Sa ibang lengguwahe at kurensiya ipinagbili si Anastacia sa isang subastahan. Mag-asawang bampira ang nakabili sa kanya at may dugong Royal. Ang buhay na tila isang bangungot ang inaasahan ni Anastacia sa piling ng mga 'to, pero hindi 'yon nangyari, lalo at iniregalo siya ng mag-asawa sa anak ng mga ito na kaedaran niya, si King. Si King ang bampirang itatangi niya at suwerteng katugon ng kanyang damdamin. Nagmamahalan silang dalawa at maraming pangako sa isa't isa nang nasa wastong edad na. Pero ang pangako na 'yon ay mabibigo dahil ang lalaking minamahal niya ay pinatay. Katumbas ng kamatayan nito ang kanyang kalayaan na kahit kailan ay hindi niya hinahangad. Pinatay raw si King ng isang organisasyon ng mga bampira. Kung ano man ang dahilan, hindi niya 'yon masasagot kung isa lamang siyang tao at isang alipin. Sa paglaya niya sa lugar ng mga bampira, binago niya ang sarili at naging isang kilalang Vampire Hunter. Ang layunin niya'y maubos ang nasa organisasyon na pumatay sa lalaking minamahal at malaman ang dahilan bakit 'to pinaslang. Bago siya lumagay sa tahimik kasama ang bagong nobyo, papatayin niya muna ang mga kalaban niya, para sa ikatatahimik niya. Pero paano kung ang inaakala niyang namatay ay magbalik?
Fantasy
1066.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Ang Ganti ni Amarra Villasanta

Ang Ganti ni Amarra Villasanta

Sa likod ng karangyaan ng Hacienda Avaristo, may mga lihim na itinago — mga sigaw ng kababaihang inapi, mga pag-ibig na pinagkait, at mga kasalanang sinilaban ng panahon. Isang dalagang kasambahay, isang panginoong marahas, at isang pag-ibig na ipinagbawal— mula sa abo ng kahapon ay babangon ang isang babaeng gagamitin ang bawat sugat bilang kanyang sandata. Ito ang kuwento ni Amarra Villasanta, ang babaeng minsang inalipin, ginahasa, itinapon, ngunit muling bumangon upang ibalik ang hustisya sa lupaing minsang kinasusuklaman niya. Isang epikong kasaysayan ng pagdurusa, paghihiganti, at kapatawaran, kung saan matutuklasan na ang tunay na “lihim” ng Hacienda ay hindi ang kasalanan ng nakaraan— kundi ang kapangyarihan ng isang pusong marunong magmahal kahit sa gitna ng impyerno.
Romance
10138 viewsOngoing
Read
Add to library
REVENGEFUL HEART

REVENGEFUL HEART

Sheena Santillian, isang simpleng guro na mula sa mahirap na pamilya. Hindi sinasadyang nalasing sya sa isang kasiyahan na naganap sa kanilang eskwelahan kasama ang ibang guro at kaibigan. Dinala sya ng mga ito sa isang pribadong opisina ng kanilang boss, upang mahimasmasan dahil sa pag aakalang out of the country ito. Ngunit bigla itong sumulpot at nakita ang dalagang natutulog sa kanyang opisina. Dahilan upang di sinasadyang may mangyari sa kanila at nag bunga ang minsan nilang pag sasama ng triplets na babae. Matapos maka panganak si Sheena ay nasunog naman ang hospital at sinabing kasama ang kanyang triplets sa mga nasawi. Masuwerteng naka ligtas sya, ngunit sunog naman ang kanyang kalahati ng mukha at katawan. Halos mawalan na sya ng pag asa ng may isang taong nag alok sa kanya ng tulong. Makalipas ang ilang taon ay muli syang nag balik upang maningil sa mga taong dapat pag bayarin sa nangyari sa kanyang anak. Ngunit natuklasan nyang buhay ang mga ito. Mabawi pa kaya nya ang kanyang triplets? Paano sya lalapit sa mga ito kung hindi naman sya kilala ng kanyang mga anak? At malaman pa kaya ng ama ng kanyang mga anak ang tungkol sa kanya kung may isang tao na palaging hadlang sa mga plano nya?
Romance
1021.7K viewsCompleted
Read
Add to library
The Sugar Baby

The Sugar Baby

Covey Pens
Afam hunter kung tawagin, sugar baby para sa iilan. Nilulon niya ang pride at kumapit sa patalim para sa pera, para mabuhay sila. All for her dreams and her family. Pakiramdam ni Xylca Romero ay siya na ang pinakamalas na nilalang sa buong mundo. Ang ama niya ay lasenggero at ang ina ay dakilang sugarol sa kanilang lugar. Nakapisan naman sa kanila ang dalawang may-asawa ng mga kapatid karay-karay ang mga anak at mga ka-live in nilang palamunin din sa kanilang bahay. Sa murang edad niya ay naatang na sa kaniyang balikat ang responsibilidad sa mga nakababatang kapatid at ang pagbabayad sa mga pinagkakautangan ng kaniyang mga magulang. Gustuhin man niyang makawala sa lahat ng ito pero hindi siya binigyan ng mapagpipilian ng tadhana. And so she entered the world of dating foreigners online for her dreams. Sapat na ang lahat ng pasanin niya sa buhay to last her a lifetime. The burden is too heavy for her alone. Kaya mas nainis siya nang umentra sa buhay niya ang guwapong adik na tricycle driver na may dinosaur na tattoo sa katauhan ni Pierce. He stalked her, swoon over her, and made her fall in love with him. Is love enough for the two hungry souls? Or will reality only slap them hard in the face? In the end, their choices will define if they will choose love or goodbye.
Romance
3.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Talking To A Specter

Talking To A Specter

Si Averill Mae Fuentes ay hindi simpleng tao gaya ng karamihan. Nakikita, naririnig, at nahahawakan niya ang mga kaluluwa ng mga taong namayapa na. Naging kaibigan niya ang isa sa mga kinatatakutan ng mga ito na kilala sa bansag na 'grim reaper'. Si Silas, sa kabilang banda ay isang multo, guwapong multo na kahit na si Averill na tao ay agad na napansin. Paano kung isang araw, ang guwapong multo ay humingi ng pabor sa kaniya? Matulungan kaya ni Averill ang guwapong multong ito? Paano kung mahulog ang loob ng isa sa kanila? Handa kaya syang malaman ang sikretong bumabalot sa pagkatao ni Silas o tuluyan itong magiging dahilan para layuan siya? Walang pinipili ang pag-ibig, ngunit paano kung sumibol ito sa pagitan ng multo at ng tao?
Paranormal
105.0K viewsOngoing
Read
Add to library
The Nanny of the Cold Billionaire CEO'S Heartless Son

The Nanny of the Cold Billionaire CEO'S Heartless Son

Si Violet Rodriguez, isang masayahin at madiskarteng dalaga, ay may madilim na nakaraan na pilit niyang kinakalimutan. Nagpasya siyang magtrabaho bilang babysitter, kung saan nakilala niya ang iba't-ibang tao, kabilang na ang bilyonaryong si Black at ang kanyang anak. Sa kanyang pagtatrabaho, hindi lamang ang puso ng bata ang kanyang napaamo, kundi pati na rin ang puso ng ama. Ngunit ang kanyang tahimik na buhay ay muling nagulo nang dahil sa mga taong nag hahabol sa kayamanang meron si black Sa gitna ng mga pagsubok, pagtatangka sa kanyang buhay, at mga lihim na nabubunyag, natagpuan ni Violet ang pag-ibig kay Black. Ngunit ang kanilang relasyon ay hindi naging madali, lalo na nang dumating ang mga taong gustong silang paghiwalayin at gamitin sila para sa kanilang sariling interes. Paano niya ipaglalaban ang pag-ibig at katotohanan kung ang kanyang iniingatang pamilya ay nadamay sa isang brutal na paghihiganti? Makakamit ba niya ang hustisya para sa pamilya, at maabot ang kapayapaan at kaligayahan na matagal na niyang hinahanap?
Romance
226 viewsOngoing
Read
Add to library
Her Possessive Billionaire (TAGALOG)

Her Possessive Billionaire (TAGALOG)

Buong akala ni Devina ay pananagutan siya ni Valentine dahil na ‘rin sa pangako nito sa kaniya. Ngunit hindi sumipot ang lalaki, ang ama ng kaniyang mga anak. Kung kaya nag decide siya na hinding-hindi niya ipapakilala ang mga bata kay Valentine at palalabasin na patay na ang kanilang ama. Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana. Makalipas ang pitong taon ay dadalo siya sa kasal ng kaniyang half-sister at ang mapapangasawa nito? Walang iba kundi ang ama ng kaniyang mga anak.
Romance
9.5260.8K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
2223242526
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status