Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Love Beyond Contract

Love Beyond Contract

Synopsis Si Sienna ay napilitang sumang-ayon sa isang kontrata ng kasal kay Denver Thompson, isang bilyonaryo at CEO ng Thompson Corporation, kapalit ang malaking halaga para sa gastusin ng kanyang mama at kuya. Dahil sa malalang aksindente at wala siyang malaking halaga ng pera. Ang kontrata ay may dalawang taong tagal. Bago nito, si Sienna ay nagtrabaho bilang sekretarya ni Denver ngunit umalis siya nang malaman niya na si Denver ang dahilan sa  pagkamatay ng kanyang pangalawang kuya. Alam na sa sarili ni Denver na mahal na niya si Sienna unang kita pa lang niya sa dalaga. Ngunit ayaw na ng dalaga magmahal dahil sa naranasan niya sa ex-boyfriend. Nang sumang-ayon si Sienna sa kasunduang kasal ay hindi ito nagustuhan ng ama ni Denver lalong lalo na fiancée at ang pamilya nito. Habang tumatagal na magkasama ang dalawa ay unti-unting nahuhulog ang loob ng dalaga sa binata, na halos makalimutan na niya ang kasalanan na ginawa nito sa kaniyang kuya, halos naibigay na niya ang sarili niya sa binata at nabuo ang munting sanggol. Ngunit sa isang aksidente na nagdulot sa lalaki ng pagkakaroon ng amnesia at nakalimutan niya ang mga nangyari sa kaniya sa loob ng 7 taon. Si Denver na isang maginoo, mabait at makulit kay Sienna, na babalik sa kaniyang dating masamang ugali, na siyang gagamitin ng ex fiancée niya upang bumalik sa kaniya. Maibabalik pa ba kaya ni Sienna ang pagmamahalan at alala na binuo nila ni Denver ng magkasama? Kakayanin kaya no Sienna ang mga hamon na kakaharapin niya? Ibabalik pa ba niya ang lalaking minahal kung ang makakalaban niya ang ama ni Denver na hindi siya tanggap bilang daughter-in-law at mga iba pang hamon?  
Romance
10656 viewsOngoing
Read
Add to library
GUERRERO LEGACY 1: ADRIELLE GUERRERO

GUERRERO LEGACY 1: ADRIELLE GUERRERO

Bryll McTerr
Bilang isa sa walong tagapagmana ng Octagon, isang mafia organization na namamayagpag hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa buong Asya at sa iba pang karatig na kontenente ay walang kinatatakutan si Adrielle Guerrero. Para sa kanya ay hindi niya kailangan ng lalaki sa buhay. Because why not? She has everything that every woman could ask for and she can defend herself as well. Pero nang makilala niya si Cougar Falcon, ang secret agent na nagtatago sa pangalang "Bob" ay biglang nagbago ang lahat para kay Adrielle dahil sa unang pagkakataon ay bigla niyang na-realize na mahina pala siya...mahina sa tukso kapag nasa tabi niya ang lalaki. Ngunit paano kung matuklasan niya ang tungkol sa totoong pagkatao ng lalaki at ang tunay nitong motibo sa pagpasok sa Octagon? Kaya kayang tanggapin ng puso ni Adrielle ang panlilinlang ni Cougar o pagbabayarin niya ito ng dugo gamit ang sarili niyang mga kamay?
Romance
103.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Mark by Him: Owning By The Devil (Series #2)

Mark by Him: Owning By The Devil (Series #2)

Nagmadaling nagpahanap si Elijah Reigo ng babaeng papalit bilang bride sa kasal nila sa Isla nang biglang naglaho na parang bula ang kanyang kasintahan. Sakto namang na-stranded si Claudette Revista sa Isla matapos ang malakas na bagyo. Dinala siya ng mga tauhan ni Elijah sa isang rest house at pinilit na maging asawa ng isang mafia boss. Sa Isla na iyon, hindi basta basta ang buhay dahil kailangan sundin ni Claudette ang lahat ng utos kung gusto niyang mabuhay. Ang kalayaan? Nasa dulo ng panganib.
Romance
380 viewsOngoing
Read
Add to library
Arrange Marriage with Mysterious Billionaire

Arrange Marriage with Mysterious Billionaire

Si Leana Allegre ay isang babae na nasawi sa kanyang unang pag-ibig, nagdesisyon siyang gumamit ng baraha upang pagsisihan ng ex-boyfriend niyang si Felix ang ginawang panloloko sa kanya. Ginamit niya si Damian, isang gusgusing estudyante na sa tingin niya ay madaling bilhin para maging fake boyfriend niya. Lingid sa kaalaman ni Leana na ang lalaki pala ay isang CEO at bilyonaryo na may lihim na pagtingin sa kanya. Sa gitna ng pagpapanggap, unti-unting nabura ang mga linya ng pagkukunwari. Nahulog si Leana kay Damian, at ibinigay niya ang sarili rito pero hindi niya alam na ang lalaki ay may mga lihim na dahilan sa paglapit sa kanya—Isang kasal na biglaan, isang pagtatapat na magpapabago sa lahat. Paano kung ang pekeng pag-ibig ay naging totoo? Paano kung ang katotohanan ngayon ay mas masakit pa kaysa sa naramdaman mo noon?!
Romance
31 viewsOngoing
Read
Add to library
My Contract Marriage

My Contract Marriage

Ikakasal na dapat si Czarina sa long time boyfriend niya pero bago pa man ang kasal nila nahuli niya itong niloloko lang pala siya at ang babaeng kasama nito ay walang iba kundi ang sariling kapatid ni Czarina. Pinili niyang manahimik, hindi siya gumawa ng gulo. Nang malaman niyang ipinagkasundo ang kapatid niyang si Natalie kay Tyrone Fuentes, isa sa mga apo ng pinakamayamang pamilya sa bansa ay pinuntahan niya ito para makipagkasundo. Inalok niya ng kasal si Tyrone Fuentes dahil alam niya kung gaano kainteresado si Natalie rito. Sinira ng kapatid niya ang relasyon niya kaya sisiguraduhin din niyang sisirain niya ang pangarap nitong maging Mrs. Fuentes. Subalit, paano kung may malaman si Tyrone na sekreto ni Czarina? Will he stay or will he divorce, Czarina?
Romance
9.8166.9K viewsCompleted
Show Reviews (16)
Read
Add to library
juo
highly recommended sobrang ganda Hindi Xia paikot-ikot khit Minsan mtgal mg-update c author .. Ms.A pra skin the best 2ng novel mu sobrang ngandahan tlga Ako , sana maraming mkabasa ne2 at sumuporta .. good luck Ms.A mg-end MN e2 sna mkagawa kpa ng novel na mas maganda d2 ...️...️...️...️
Raizel Tayal
ang ganda Ng story bet ko Si author lahat Ng chapter laging exiting basahin Hindi ka mawalan Ng gana magbasa Walang stress din Hindi paikot² Yung story like Sa ibang author sabagay marami din na sulat na story NATO can't wait Sa update po Sana okay kana,magpagaling ka Sofer Dami namin nag antay sayo
Read All Reviews
Two Flames In A Dress

Two Flames In A Dress

MarkusJuan
Labing isang taong gulang si Andrea nang maghiwalay ang kanyang mga magulang. Sa paghihiwalay ng mga ito, naghiwalay din ang landas nila ng kanyang kakambal na si Althea. Napunta siya sa kanyang ina kung saan nakaranas sila ng labis na paghihirap na kanilang pinagdaanan. Pero mukhang habulin si Andrea ng malas, natanggal siya sa kanyang pinagtatrabahuhan na kompanya kung saan nagde-design siya ng mga damit. At sa pagkakataong iyon, doon naman nagbukas ang oportunidad sa kanya nang makilala niya ang lalaking si Matthew nang minsang magpunta siya sa bar at yakapin siya nito. Dahil may sarili itong designing company, nagtrabaho siya rito. Hanggang sa nakilala niya ito at tuluyang nahulog ang loob nila sa isa't isa. Inalok siya ng kasal ni Matthew at pumayag siya dahil mahal na nga niya ito. Nagsimula ang masayang relasyon nila na akala niya'y magtatagal. Hanggang sa isang araw, bumalik ang kakambal niyang si Althea. Ano'ng dalang pasabog ni Althea sa kaniya? Babalik pa ba sa dati ang kanilang relasyon bilang kambal o ito ang sisira sa masaya niyang buhay kasama si Matthew?
Romance
101.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Babysitting the Billionaire's Twin

Babysitting the Billionaire's Twin

Matatanggap na ni Autumn Saunders ang kanilang kompanya. Subalit nang napagdesisyunan ng kanyang mga magulang na iarrange-marriage siya ay lumayas siya at iniwan ang obligasyon sa kapatid niya na magpanggap bilang siya sa nakatakda nyang maging asawa. Si Jaxon Parker ay ang batang businessman na may dalawang anak. Siya ang magiging asawa dapat ni Autumn kung hindi lang ito lumayas. Hindi pa sila nagkikita, subalit itinuloy ng magulang ni Autumn ang kasal at nagpanggap ang kapatid nito bilang s'ya. Pero paano kung nawala ni Autumn Saunders ang kanyang memorya at naging caretaker ng kambal na anak ni Jaxon? Mahuhulog ba sila sa isa't isa, o ipagpapatuloy ni Autumn ang pag-alala sa mga nawala niyang memorya?
Romance
102.9K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Beautiful Illusion

The Billionaire's Beautiful Illusion

Warning: SPG | R18+ Some chapters contain mature content that may not be suitable for young readers. Read at your own risk! "Hindi mo kailangang mahalin ako pabalik. Hayaan mo lang akong mahalin ka kahit sa paraang tahimik." Hindi inakala ni Lorraine Sarmiento na ang bagong trabaho niya bilang executive assistant ng isang multi-billionaire CEO ang magpapabago sa takbo ng buhay niya. Si Alessandro “Sandro” Navarro—isang seryoso, tahimik, at imposibleng basahin na bilyonaryo—ay isang lalaking bihirang magpakita ng emosyon. Pero sa bawat tingin nito sa kan’ya, may tila bumabalot na tensyon. Parang may bigat. Parang may alaala. Hanggang sa isang araw, inalok siya nito ng kasal na labis kinabigla ni Lorraine. Hindi niya inaakalang gano’n kadesperadong makasal ang boss niya. Walang ligawan na nangyari. Walang paliwanag. Isang kontrata lang na may halong emosyon at sikreto. Sa pagdaan ng mga araw, natuklasan ni Lorraine ang dahilan kung ba’t siya inalok ng kasal ng boss niya. Iyon ay dahil kamukhang-kamukha niya ang namatay na fiancée ni Sandro. At ngayon, hindi niya alam kung siya ba talaga ang gusto nito o ang multo ng babaeng minahal nito ng sobra na matagal nang wala. Pero paano kung kailan natutong tumibok ang puso ni Sandro para sa kan'ya… saka naman ito nadulas sa mga palad niya at inangkin ng iba?
Romance
103.8K viewsOngoing
Read
Add to library
SEAL OF LOVE

SEAL OF LOVE

Si Veronica Smith, isang dalagang matalino at mabait mula sa probinsiya, ay nagpunyagi upang maiahon ang kanyang pamilya. Ngunit ang isang aksidente ay magbabago ng lahat, matapos tulungan ang matandang si Venus, inialok siya ng kasal kay Jarred Heart, isang matagumpay at napakasupladong CEO, at guwapong apo ni Venus. Wala sa plano ni Veronica ang magpakasal sa isang estranghero, ngunit sa halagang isang milyong piso para sa operasyon ng kanyang ama, pinirmahan niya ang kontrata—bawal mainlove, bawal makakaalam ang kanilang kasal, at bawal makialam sa buhay ng bawat isa. Ngunit sa kabila ng lahat, lihim na nahulog ang loob ni Veronica kay Jarred, habang para kay Jarred, ang kanilang relasyon ay isang simpleng kontrata lamang. Habang papalapit na ang araw ng annulment, nagsisimulang magbago ang lahat—may bagong manliligaw si Veronica, si Kenny Bill, isang katrabaho na may tapat na pag-ibig para sa kanya. At doon, nagising ang puso ni Jarred na mahal na pala niya si Veronica. Pero para kay Veronica, nagsimula nang mag-give up, natatakot na madurog ang kanyang puso. Maagaw pa ba ni Jarred si Veronica mula kay Kenny, o tuluyan na bang magkakahiwalay ang kanilang mga landas? Ang isang kasal na nag-umpisa bilang isang kontrata, magtutuloy kaya sa isang tunay na pagmamahalan?
Romance
101.5K viewsOngoing
Read
Add to library
The Betrayed Wife's Revenge

The Betrayed Wife's Revenge

Sa loob ng dalawang taon ng kanilang pagsasama, natuklasan ni Aliyah na ang kanyang pinakaiingatang sertipiko ng kasal ay isang huwad. Sa kanyang pagtatangkang komprontahin ang asawang si Frederick, hindi niya sinasadyang marinig ang katotohanan—ang lalaking nagpakita ng walang kapantay na pagmamahal sa kanya sa loob ng anim na taon ay matagal na palang kasal sa kanyang guro, na mas matanda pa sa kanya. Hindi lamang siya ginamit bilang isang panakip-butas, kundi pinaratangan pa siyang baog at pinilit na mag-ampon ng anak na dalawa. Sa matinding pagkadismaya, tinawagan ni Aliyah ang abogadong nangangalaga sa kanyang mana at buong diin na sinabi: "Walang asawa, walang anak, ako ang tanging tagapagmana." Iniwan ni Aliyah ang pamilyang Finch, habang si Frederick ay kampanteng naghihintay sa kanyang pagbabalik, umaasang magmamakaawa siya para sa tulong. Ngunit isang araw, nasaksihan ni Frederick ang hindi inaasahang paglitaw ni Aliyah sa pambansang telebisyon, kung saan ipinahayag ang kanyang pagpapakasal sa isang lalaking may angking yaman at kapangyarihan. Sa gitna ng atensyon, nakatayo si Aliyah sa tabi ng lalaking ito, tinatanggap ang mga pagbati at inggit ng nakakarami.
Romance
176 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2021222324
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status