Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Married into His Billion-Dollar Life

Married into His Billion-Dollar Life

Isang ordinaryong babae si Trina, anak sa labas ng isang prominenteng pamilya, na hindi kailanman inasahan na magiging sentro ng isang nakakagulat na sitwasyon: nagkaroon siya ng marriage certificate na nagpapakita na kasal na siya… sa isang lalaki na hindi niya kilala — si Luke Montenegro, ang misteryosong heir ng pinakamayamang angkan sa mundo. Habang sinusubukan ni Trina na alamin ang katotohanan, natuklasan niya ang masalimuot na relasyon ng kanyang pamilya sa mga Montenegro, at kung paano siya itinuturing na walang karapatan kumpara sa kanyang kapatid na si Gabriela, na nakatakdang pakasalan si Xander Montenegro, ang panganay ng pamilya. Sa gitna ng mga intriga, bulung-bulungan, at paninibugho ng pamilya, napilitang makipag-ugnayan si Trina kay Luke, na sa unang tingin ay malamig, misteryoso, at makapangyarihan. Ngunit habang nagkakaroon sila ng hindi inaasahang koneksyon, lilitaw ang tanong: maaari bang mabuo ang pag-ibig sa pagitan ng dalawang taong napagbuklod ng tadhana sa pinaka-kakaibang paraan? Punong-puno ng drama, misteryo, at romantikong tensyon, ang kuwento ay sumusubok sa hangganan ng pamilya, kayamanan, at kung paano hinaharap ni Trina ang kanyang kapalaran sa piling ng isang lalaking hindi niya inaasahan.
Romance
380 viewsOngoing
Read
Add to library
Wrongfully Yours

Wrongfully Yours

SulatniMiss E
Iniluwal ni Celeste ang malusog at magandang bata na pinangalan niyang si Stacey. Ito lang ang tanging naiwan sa kanya nung iwan siya ng kanyang fiancee sa araw ng kasal nila. Hindi alam ng mapapangasawa sana ni celeste, na si Noah na may anak sila. Lumaki ang bata sa sariling sikap niya at nagtrabaho rin siya bilang waitress sa isang kilala at pangmayaman na restaurant sa sa syudad. Hindi alam ni Celeste na madudurog ulit ng buhay niya na muling magkrus ang kanilang mga landas. Misyon niyang itago at hindi ipakilala ang anak niya sa totoong tatay nito. Pero sa hindi inaasahang pangyayari, nalaman ni Noah, na may anak sila. Kukunin niya ba ang anak nila sa kamay ni Celeste o hahayaang magdurusa ang kanyang mag-ina sa hirap?
Romance
101.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Battered Wife's Sweet Revenge

Battered Wife's Sweet Revenge

Ang akala niyang magandang buhay bilang bagong kasal ang magbibigay sa kaniya ng sobrang kaginhawaan at labis na saya, ay siya palang mag-uuwi sa kaniya sa magulong buhay. Ang akala niyang wagas na pag-ibig dahil sa wakas ay natali na siya sa taong mahal niya, ay iyon pala ang dahilan kung bakit siya sobrang magdurusa. Ang sagradong kasal na inaakala ng lahat na magiging masaya, iyon pala ang siyang magdadala sa kaniya ng labis na kalungkutan. Hindi niya alam kung kakayanin pa ba niya ang mga nangyayari sa buhay niya lalo na't nag-iba na ang turing sa kaniya ng kaniyang mahal. Hindi niya alam kung saan siya lulugar at hindi niya na alam kung saan pa niya ilalagay ang pagmamahal na meron siya sa kanilang relasiyong dalawa. Hirap na hirap na siya lalo na at pakiramdam niya ay siya na lang ang lumalaban sa kanilang dalawa at tila siya na lang ang gumagawa ng paraan para maging maayos sila. Pero sa huling pagkakataon, gagawin niyang muli ang lahat para bumalik sa dati ang takbo ng kanilang relasiyon. Sa huling pagkakataon, sasabayan niya ang takbo ng panahon at maghihintay muli na dumating ang oras na sasaya siya muli sa piling ng kaniyang mahal. Ito ang kuwento ng isang babae, kuwento ng isang aping asawa... ito ang kuwento ni Rowena.
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire

Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire

Naka-arrange marriage na ang kasal ni Sophia Aragon kay Tyler Santibañez mula nang mga bata pa lang sila. Tyler Santibañez is the least attractive; bukod sa mataba, nakasuot din ito ng napakapal na salamin. Nang mamatay ang mga magulang ni Sophia, binali niya ang kasunduan na pakasalan si Tyler. Sa halip na ituloy ang pagpapakasal kay Tyler nang tumungtong siya sa edad na dalawampu, nagpakalayo-layo siya. Until she met Rowan Trajano. She thought she would finally get her happy ending nang magpakasal sila nito. Pero sa isang gabi lang, gumuho ang lahat. Matapos siyang isama sa party ng asawa na si Rowan, she was drugged and violated. Her own husband sold her in exchange for a billion-peso project. At ang lalaking nakabili kay Sophia ay walang iba kundi si Tyler. Pero hindi na ito ang dating matabang lalaki na nagsusuot ng makapal na salamin. He is now the definition of a Greek god from Mt. Olympus.
Romance
10336 viewsOngoing
Read
Add to library
Lucky Me, Instant Daddy

Lucky Me, Instant Daddy

Sa likod ng inakala niyang perpektong buhay ay may nakatagong, 'galit, inggit at kasakiman' na rason kung bakit siya ay naulila. At ngayon, kailangan niyang magpakasal upang ma-isalba ang kumpanya na tanging alaalang naiwan ng kaniyang mga magulang. Sa itinakdang araw ng kanilang kasal ay saka niya nalaman na ang lalaking ipinagkasundo sa kan'ya ng abuela ay ang lalaking lihim niyang minamahal. Mabubuntis si Fern ngunit hindi sa kaniyang asawa– Kun 'di sa lalaking nais na sana niyang kalimutan. Dahil do'n ay nalaman niyang pinagtataksilan siya ng asawa at kaniyang matalik na kaibigan. Zarina Fern Samañiego-Arceta, sa kaniyang pagbabalik ay siyang pagku-krus nila muli ng landas ng taong ibinaon niya sa limot. Sa kanilang muling pagtatagpo ; Asawa, kaibigan at nakaraan. Kanino ang may mas nakakagulat na rebelasyon?
Romance
104.4K viewsOngoing
Read
Add to library
My Mother’s Fiancé: Yes, Daddy Governor

My Mother’s Fiancé: Yes, Daddy Governor

Napilitang mag-extra sa bar si Danica Olivarez bilang tindera ng sigarilyo at mga alak para sa mayayamang customer dala ng pangangailangan para sa operasyon ng kanyang ina. Hindi niya inakalang may estrangherong ubod ng gwapo at misteryoso na mag-aalok ng malaking halaga kapalit ng isang gabi sa kama. Dahil sa desperasyon, pumayag siya, at ang perang iyon ang nakatulong sa operasyon ng ina at pagtatapos niya sa kolehiyo. Pagkaraan ng tatlong taon sa Maynila, umuwi siya para sa kasal ng ina, ngunit halos bumagsak ang mundo niya nang makilalang ang mapapangasawa nito ay si Zachary Cuevas, ang gobernador ng probinsya, at ang lalaking minsang bumili ng kanyang dangal. Paano siya makikisalamuha sa magiging ama kung bawat tinginan nila ay bumabalik ang alaala ng gabing iyon, lalo na’t tila mas lalo pa itong lumalapit sa kanya?
Romance
103.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Mysterious Marriage

Mysterious Marriage

Ang kasal ay dapat na simbolo ng wagas na pag-ibig, ngunit para kina Ethan Blackwood at Ava Morales, ito ay isang selyadong kontrata ng mga nakatagong intensyon. Sa isang lihim na seremonya, nagpalitan sila ng sumpa na walang ibang saksi kundi ang kanilang mga pansariling agenda. Si Ethan, ang makapangyarihang tagapagmana, ay nagpakasal lamang upang takasan ang arranged marriage na pinipilit ng kanyang mga magulang kay Sophia. Sa kabilang banda, si Ava ay pumasok sa buhay ni Ethan dala ang isang madilim na misyon: na tuklasin ang katotohanan sa likod ng misteryosong pagkamatay ng kanyang ama, na pinaniniwalaan nilang may madugong kaugnayan sa pamilyang Blackwood. Sa simula, ang lahat ay purong negosyo at kontrata. Ang dating pagpapanggap ay nauwi sa totoong nararamdaman; nahulog ang loob ni Ethan sa katapangan ni Ava, habang si Ava naman ay nagsimulang malunod sa pagmamahal ng lalaking dapat sana ay kanyang kaaway. Subalit ang kanilang marupok na kaligayahan ay agad niyanig ng mga lihim ng nakaraan. Habang pilit na ipinaglalaban ni Ava ang katarungan, pinili naman ni Ethan na tumayo sa panig ng katotohanan upang iligtas ang kanilang relasyon, kahit pa ang kapalit nito ay ang pagbagsak ng sarili niyang pamilya. Hindi pa doon nagtatapos ang paghihirap. Ang ina ni Ethan na si Victoria ay naglunsad ng isang maruming plano upang sirain ang dangal ni Ava. Ginamit niya ang pinsan ni Ethan na si Lucas upang palabasin na may lihim na relasyon ang dalawa. Kasabwat ang selosang si Sophia, kumukuha sila ng mga huwad na ebidensya upang pilitin ang isang masakit na diborsyo sa pagitan ng mag-asawa. Ngayong nakabaon na sila sa rurok ng traydor at kasinungalingan, paano haharapin ni Ethan at Ava ang katotohanang bawat isa sa kanila ay biktima ng sarili nilang mga lihim? Magpapatuloy pa kaya ang pinaglalaban na relasyon?
Romance
10319 viewsOngoing
Read
Add to library
Secret Vow of the Ruthless Billionaire

Secret Vow of the Ruthless Billionaire

“Mahal kita… kaya kita itatago sa mundo.” China Asuncion was just looking for a stable job—hindi fairy tale, lalo na hindi lalaki. Pero ang universe may ibang plano. Ang mapaglarong tadhana dinala siya kay Gabriel Buenavista. CEO. Cold-blooded billionaire. Dangerous. And absolutely off-limits. He gave her one rule: Don’t fall in love. But how do you follow that when the devil in a suit suddenly makes you his secret wife? Ngayon, kasal siya sa lalaking hindi puwedeng aminin sa mundo. A ghost bride. A hidden queen. Pero may mga matang nakamasid. Isang larawan ang lumabas—at isang banta ang dumating na kailangan nilang harapin. “Put her back where she belongs… or we will.” As enemies close in, secrets from Gabriel’s past start to resurface—dark, bloody, and lethal. China must decide: is love worth dying for? In a world built on lies, wealth, and power, ang pinaka-delikado palang sandata… ay ang pusong umiibig. Kakayanin bang harapin ng mga puso nila ang mga panganib at bantamg pabugsong sumasalakay sa kanila? But just when they thought they could escape— China vanishes. Nakakawindang.Biglaan. No note. No warning. Just blood on her wedding ring... And a message carved on Gabriel’s penthouse mirror: “You should’ve kept her hidden.”
Romance
103.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Marrying a Cold Hearted Billionaire Heir

Marrying a Cold Hearted Billionaire Heir

Ang buong akala ni Monica ay makakasama na niya ang kanyang nobyo na hindi niya nakita ng matagal na panahon dahil sa pangingibang bansa ngunit laking gulat niya sa kanyang paguwi ay may ibang babae na pala ang kaniyang nobyo. Sa sakit at paghihinagpis, napilitan si Monica na tanggapin ang alok ng kanyang madrasta na mag pakasal sa anak ng isang mayamang pamilya, ang pamilya Monterde. Pinaalalahan siya ng kaibigan niyang si Patricia na magiingat sa gagawin niyang desisyon dahil hindi basta basta ang papasukin niya ganun din ang pamilya nang papakasalan niya. Ngunit buo na ang loob ni Monica at handang gawin ang lahat dulot na lamang ng sakit na ginawa ni Jhorby, kahit na alam niya na tatlong buwan na lamang ang nalalabi sa buhay ng kaniyang papakasalan. Naiayos na ng mga magulang nila ang papel sa kanilang kasal at ang tanging hinihintay na lamang nila ay magkaanak at dalawa ngunit sa kasamaang palad ay ayaw ng lalaki kay Monica dahil alam rin nito na pera lamang ang habol nito at kanilang ari arian. Pero matapang at buong loob pa rin sa Monica sa kaniyang binabalak. Sa umpisa ng kanilang pagsasama ay, makikita na ayaw na ayaw talaga ni Fabian kay Monica ngunit may mga bagay na pinapatunayan si Monica at napapabilib nito ang lalaki at abangan sa mga susunod na kabanata kung ano nga ba kahihinatnan nang kanilang pagsasasama.
Romance
597 viewsOngoing
Read
Add to library
I’M PREGNANT, RESCUED BY MY BABY’S MYSTERIOUS DADDY

I’M PREGNANT, RESCUED BY MY BABY’S MYSTERIOUS DADDY

Ang kasal ay nagbibigkis sa dalawang taong nagmamahalan. Si Jane ay kinasal sa lalaking dalawang beses palang niyang nakikita. Wala silang pagmamahal sa isa’t isa, para sa kanilang dalawa ang kanilang kasal ay sa papel lamang. Paano kung isang araw ay matuklasan niya na si Clegane, ang kanyang asawa ay hindi pala ordinaryong lalaki lang?
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3132333435
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status