Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Ang Debut Ng Socialite

Ang Debut Ng Socialite

Matapos mag-graduate ng socialite training course, ang aking kapatid na babae ay nanumpa na magpakasal sa isang mayamang pamilya. Upang lumikha ng mga pagtatagpo kay Pierce Holden, ang prinsipe ng mga socialite, ang kapatid ko ang nagmaneho ng aking kotse, na gustong i-tailgate si Pierce at bumunggo sa sasakyan nito. Tinapakan ko ang preno at sinabi sa kapatid ko na hindi tanga ang mga Holden. Hindi namin kayang bayaran ang sasakyan ni Pierce, kahit na isuko namin ang lahat ng mayroon kami. Pagkatapos, nagkaroon si Pierce ng isang marangyang kasal na ikinagulat ng bansa. Nababaliw na ang kapatid ko sa selos, sinabing siya na sana ang bride kung hindi dahil sa pagpigil ko sa kanya noon. Dahil sa sama ng loob, binunggo niya ang kanyang sasakyan sa akin at pinatay ako. Nang muli kong imulat ang aking mga mata, nakita ko ang aking sarili sa front passenger seat. Kumpiyansa na ngumiti si ang kapatid ko, napako ang tingin niya sa mamahaling sasakyan sa harapan namin. "Sigurado akong mabibighani sa akin si Pierce kapag nakita niya ako. Hindi ko na kailangan magmaneho ng isang basura na ganito kapag nakasama ko na siya." Ngayon naman, hindi ko na siya pinigilan. Tinapakan niya ng madiin ang pedal ng gas, na naging sanhi ng pagbangga ng kotse laban sa sports car na may presyo na napakalaking halaga ng pera.
Short Story · Rebirth
1.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Victoria's Vengeance to Her Ex - Husband

Victoria's Vengeance to Her Ex - Husband

Nagising si Victoria Sterling sa katawan ng isang babae na kasal sa walang-awang bilyonaryo, Damian Wolfe. Dati siyang kilala bilang Alexandra Vale, isang makapangyarihang negosyante na pinatay ng pagtataksil. Ngayon, may isa siyang layunin—ang muling kunin ang kanyang kapangyarihan at maghiganti. Habang tinatahak niya ang mapanganib na bago niyang mundo. Kailangang harapin ni Victoria ang mga lihim ng nakaraan, ang kanyang mapanlinlang na half-sister na si Isabella Sterling, at ang asawang si Damian. Ngunit habang lumalapit sa paghihiganti, maguguluhan siya sa tukso ng bagong at lumang pag-ibig. Magagawa kaya niyang bumangon at makuha ang hustisya, o patuloy siyang hahabulin ng multo ng kanyang nakaraan?
Romance
609 viewsOngoing
Read
Add to library
Revenge of the Billionaire

Revenge of the Billionaire

Si Evren Morales, mabait at masipag, ngunit dahil sa kahirapan, hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral. Nagtrabaho siya para kumita ng pera at para na rin sa kaniyang ina. Ngunit pinagbintangan siya sa kasalanang 'di naman niya ginawa. Habang nasa kulungan nakilala niya ang isang matandang lalaki, nalaman nito na hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral, kaya tinulungan at tinuruan siya nito. Dumating ang araw ng paglaya nito, kaya nangako ito kay Evren na tutulungan nito ang binata na makalaya. Isang buwan ang nakalipas, tulad ng pangako ng matanda tinulungan nito si Evren na makalaya, gamit ang pera at sa tulong ng mga matataas na kakilala nito. Sa tulong ni Don Ronaldo, malaki ang naging pagbabago sa buhay ni Evren, siya'y naging makisig, guwapo at may pinag-aralan. Upang malaman ang tunay na nangyari sa pagkamatay ng dating amo, muli itong pina-imbestigahan ng binata. Doon niya nalaman na planado ang kaniyang pagkakakulong at laking gulat niya ng malaman kung sino ang may pakana. Kaya naman nais niyang maghiganti, sa tulong ni Don Ronaldo, ibinigay sa kaniya ang isa sa mga negosyo nito. Pinalitan din niya ang kaniyang pangalan at ipinaiilala sa publiko bilang si Calvin Del Fierro. CEO nang isang sikat na magazine, ang CDF magazines. Ngunit paano niya gagawin ang balak kung ang asawa ng tao na kaniyang paghihigantihan ay asawa na ng dati niyang kasintahan. Magawa ba niyang maghiganti, kung malalaman niya na mahal pa rin siya nito?
Romance
6.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Brother-in-Law's Wrong Bed

Brother-in-Law's Wrong Bed

“Masarap ba ang asawa ko?” ito ang mga katagang binitawan ng kakambal ko na si Ada pagkatapos kong makipagniig sa kanyang asawa sa gabi ng kanilang kasal, kasabay ng pagbitaw niya ng isang malakas na sampal sa mukha ko. Ang sagot ko? Mag-asawa at mas malakas din na sampal sa magkabilaan niyang pisngi sabay ngisi. “Oo naman, Ada. Napakasarap ng asawa mo.” ***** Grade one ang kambal na sina Ava at Ada noong maghiwalay ang kanilang mga magulang dahil sa pambababae ng kanilang ama. Si Ava ay naiwan sa kanyang ina, samantalang si Ada naman ay sumama sa tatay nila. Pero pagkatapos ng labing-anim na taon, muling nagbalik ang mag-ama. Hindi upang bumalik sa kanilang pamilya, kung hindi dahil may kailangan sila kay Ava. At ito ay ang kanyang pagka-birhen. Ang kapalit nito ay ang kidney ni Ada para sa operasyon ng kanyang inang may sakit sa bato. Dahil si Ada lang ang ka-match nito, no choice si Ava kung hindi ang pumayag para madugtungan pa ang buhay ng kanyang minamahal na ina. Pero paano kung mahulog ang loob niya kay Daniel, na asawa ng kakambal niya? Paano kung kahit anong iwas niya dito ay palagi pa rin silang pinagtatagpo ng tadhana? Noong namatay ang nanay niya dahil hindi tumupad sa usapan nila si Ada na ibigay dito ang kanyang kidney, nagdesisyon si Ava na ipaghiganti ang kanyang ina. Aagawin niya si Daniel sa kanyang kakambal. Iniba niya ng kaunti ang kanyang itsura at pumasok siya bilang assistant nito, at ipinakita dito ang isang video kung saan siya ang kaniig nito noong gabi ng kanyang kasal at hindi si Ada.
Romance
10857 viewsOngoing
Read
Add to library
MARRIED TO MY MASTER

MARRIED TO MY MASTER

Nagkaroon ng malaking scandal sa kompanya ang mga magulang ni Lyka Lopez. Upang maisalba ang kanilang negosyo, napilitan siyang tumira sa mansyon ni Ray Tony Bautista bilang katulong. Ngunit hindi lang basta paglilinis ng bahay ang kanyang gagawin dahil siya ang magiging yaya ng nag-iisang anak ni Tony. Mayroon lamang isang kondisyon si Tony. Kailangan nilang magpakasal at panatilihin itong lihim sa lahat. Isang kasal na nakatali sa kontrata at walang puwang para sa tunay na damdamin. Paano kung sa gitna ng kanilang pagsasama ay unti unting mabuo muli ang naudlot na pagmamahalan? Kakayanin ba nilang panindigan ang kanilang kasunduan, o ang puso nila ang tuluyang magdidikta ng kanilang kapalaran?
Urban
10200 viewsOngoing
Read
Add to library
Arrange Marriage Gone Wrong

Arrange Marriage Gone Wrong

Babaeng tumakas sa mismong araw ng kasal dahil pinilit ito ng kanyang mga magulang kahit ayaw niya. Mas pinili na lamang niyang talikuran ang kanyang buhay at mag simula ng panibagong buhay na simple lang ngunit malaya at masaya siya. — Marianna Amythest Devera Villialon. Binatang nais makalaya sa higpit ng kanyang magulang ipinasa ang engagement sa kanyang pinsan dahil ayaw niyang mag pakasal sa taong hindi naman niya minamahal. Mapaglarong tadhana dahil sila'y muling ipinag harap. —Jaile Rode Cuiz Dela Fiña. Anong gagawin ni Jaile kapag nalamang niyang ang babaeng nakilala niya sa Zambales ay ang babaeng dapat pakakasalan niya na ipinasa niya kay Renzo na kanyang pinsan?
Romance
101.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Taming The Wild CEO (Tagalog)

Taming The Wild CEO (Tagalog)

Ethan Choi
[Mature Content] Sa halos apat na taon, sekretarya si Ella Stanford kay Javier Summers, at loob ng panahon na iyon, palagi niyang nilalabanan ang nararamdaman para rito. Jave was undeniably sexy, pero alam ni Ella na hindi siya mahuhulog kailaman sa isang babaero. Ni minsan, ‘di man lang siya nito binigyang pansin. Kahit hindi naman ito naging problema para kay Ella, kinimkim niya itong mag-isa. Hanggang sa isang araw, sa magarbo at sosyal na birthday party ni Jave, dumating si Ella na suot ang isang napakagandang pulang dress, kasabay ang isang accessory: another man. Isang business trip sa Sicily, Italy kasama si Jave ang nagtulak sa kanila upang mas mapaglapit pa. Kinailangan pa ni Jave na magpanggap na mapapangasawa ni Ella para lumayo ang kanyang manliligaw. Soon, this led to an intense, passionate affair. Pero nang magdulot ng ‘di inaasahang pagbubuntis ang mainit na pagtatagpong ito, papayag ba ang isang malayang CEO na magpatali sa kasal? Naglalaman ang kuwentong ito ng mga sekswal na eksena at ‘di angkop na mga salita.
Romance
11.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Eternally

Eternally

Isang car accident ang kinasangkutan ng sikat na nobelista na si Jia Molejon. Ang beinte-singko anyos na dalaga, nakatakda na sanang ikasal sa anak ng Gobernador ng kanilang probinsiya. Sikat at maimpluwensya ang kasintahan nitong si William Cervantes. Ang kanilang kasal na tila hinadlangan ng trahedya. Nagising si Jia mula sa mahabang panahon na pagka-comatose. Ngunit nang magising ito, tila nagbago na ang mundo niya. Bagong kapaligiran, bagong kabanata. Nagising siya sa katauhan ng isang nagngangalang Matilda. Tila nagkatotoo ang mga kwentong-pantasya na dati ay isinusulat lamang niya. TIME TRAVEL. At sa lumang mundo, tila kaya niyang baguhin ang tadhana sa hinaharap. Ngunit paano kung mas nagugustuhan niya na ang lumang panahon, ang panahong kaedad niya ang kaniyang Abuela? O, dahil sa lumang panahon niya rin nakilala ang lalakeng bahagi na ng mga libro ng kasaysayan, si Macario Manlapaz Apolinario na nagpakulo ng kaniyang dugo ngunit palihim na nagpatibok ng kaniyang puso. Sa mundo ng kahapon at kasalukuyan. Paano pipigilan ang itinakda ng tadhana?
Romance
10737 viewsOngoing
Read
Add to library
Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle

Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle

Sa mismong araw ng kanilang kasal, imbes na sa harap ng altar, ay sa presinto dinala ng kanyang mapapangasawa si Irene Casareo upang pagbintangan sa isang kasalanang hindi niya ginawa. Doon din niya nalaman ang pagta-traydor nito sa kanya kasama ang stepsister nito. Baon ang galit at poot, ay tatlong taon niyang tiniis ang pagdurusa sa loob ng kulungan. Sa kanyang paglaya, hindi pa man siya nagtatagal sa labas, ay nasuong na siya sa isang madugong engkwentro. Doon niya nakilala si Kristoff Montecillo; isang makapangyarihang lalaki mula sa underworld, at tiyuhin ng ex-fiancee niyang si Dave Montecillo. Niligtas siya nito mula sa mga armadong lalaki, at bilang kabayaran ay niyanig nito ang mundo niya sa pamamagitan ng isang halik. Ang lalaki rin ang naging daan kung bakit nailigtas ang puri niya mula sa matandang huklubang nais kumuha ng kanyang pagkabirhen. Ngayong may utang na loob na siya kay Kristoff, papayag ba siyang maging fiancee nito kapalit ng ilang ulit na pagliligtas nito sa kanya? O, papayag siya upang gamitin ito sa paghihiganti sa mga taong nakapanakit sa kanya?
Romance
10957 viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress

The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress

Sa mismong araw ng kanyang divorce, nagsuot si Dorothy Navarro ng pulang bestida—hindi para mang-akit, hindi para magpakitang okay siya, kundi para alalahanin ang minsang pagmamahalan na ngayo'y ganap nang nawala. Pagkatapos niyang talikuran ang isang sirang kasal ng walang halong drama, ang huli niyang inaasahan ay ang mapansin ng pinakanakamisteryosong CEO sa bansa—si Theodore Velasco. Tahimik. Mapanuri. Mapanganib sa mga taong humaharang sa daan niya. At tila may alam ito tungkol sa matagal nang tinataguang katotohanan: ang pagkamatay ng tiyahin ni Dorothy—isang kasong tinapos ng mundo bilang "suicide." Ngunit isang tawag lang, isang paper bag ng kape, at nahulog si Dorothy sa isang masalimuot na mundo ng lihim, kapangyarihan, at paghilom ng lumang sugat. Upang mabuhay sa bagong laban, kailangang mamili ni Dorothy: pagkatiwalaan ang lalaking walang emosyon ngunit may hawak ng katotohanan—o layuan ang tanging taong handang bigyan siya ng proteksyon, kalayaan, at isang bagong apelyido—Mrs. Velasco. Ngunit ang kasunduang kasal na ginawa para sa paghihiganti… ay baka mauwi sa totoong pagmamahal. Magtatagumpay ba si Dorothy bilang maging tagapagmanang pinagkait sa kanya noon? O ang pangalawang pagkakataon niya sa pag-ibig ang tuluyang magpapabagsak sa kanya?
Romance
10596 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2930313233
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status