Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Unveiling Her Wrath: The Power of Her Revenge

Unveiling Her Wrath: The Power of Her Revenge

Pinuntahan ni Monique si Aidan sa condo niya pero sunod-sunod na tumulo ang mga luha niya nang makita niyang walang saplot ang dalawang taong mahalaga sa kaniya. Hindi siya makagalaw sa sobrang gulat. Nang makita siya ni Aidan ay blangko lang ang mukha ni Aidan. Pinulot ni Aidan ang damit niya at isinuot niya yun saka niya nilapitan si Monique. Ang buong akala ni Monique ay magpapaliwanag sa kaniya si Aidan kung bakit kasama ni Aidan ang bestfriend ni Monique pero para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang paalisin siya ni Aidan at hindi man lang nagpaliwanag kung ano bang nangyayari. Tiningnan ni Monique ang bestfriend niya pero umiwas ito ng tingin. Minahal ni Monique si Aidan kahit na sa kabila ng alitan ng kanilang mga pamilya. Ang buong akala niya, katulad niya ay ipaglalaban din siya ni Aidan pero nagkamali pala siya. Paano niya nagawang pagkatiwalaan ang dalawang taong mahalaga sa kaniya? Hindi niya akalaing mga taong malapit pala sa kaniya ang wawasak ng puso niya.
Romance
1026.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Between the Mafia's and the Agent's

Between the Mafia's and the Agent's

“Bakit sumunod kayo rito?" tanong n'ya sa mga kaibigan n'ya. “Nandito ang bagong misyon natin kaya pinapunta kami ni Boss dito." sagot ni Via sa kan'ya. "Sino?" tanong ko kay Via. “Ang pamilya Lazardo." sagot naman ni Fritzie. “The hell! Ang pamilya ni Franz,?" gulat kong tanong sa kanila. “Kilala mo ang mga Lazardo?" tanong naman ni Mau. “Guys, naalala ninyo iyong lalake na nakabangga ko sa Hongkong?" tanong ko sa kanila. “Anong kinalaman ng lalake na 'yon sa misyon natin?" tanong ulit ni Mau. “Puta naman oh! Ano question and answer portion ba ito ha Pia?" naiinip na tanong ni Cassy. “Ang nakabangga ko sa Hongkong na lalake at ang tinutukoy ninyo na pamilya Lazardo ay related sa isa't-isa. Siya lang naman ang panganay na anak nina tita Victoria at tito Mauro." mahabang paliwanag ko sa kanila. “So iyong lalake na tinutukoy mo ang mas dilikado ang buhay dahil s'ya ang tagapagmana ng isang Mafia Boss." sabat ni Via sa usapan. “What the hell!? Ibig sabihin si tito Mauro ay isang Mafia Boss! Kaya pala no'ng kaarawan ni tita Vicky ay may nagtangka sa buhay nila, mabuti nalang at matalas ang pakiramdam ko kaya nakita ko 'agad ang tatlong lalake na balak sanang maglagay ng lason sa mga baso ng mga Lazardo," mahaba kong paliwanag sa kanila. “Pero ang pinaka punterya nila ay iyong lalake dahil s'ya ang tagapagmana sa lahat kaya mas dilikado ang buhay n'ya." saad ni Mau. “Kaya lumapit ang mag-asawa kay Boss upang humingi ng tulong para maproteksyonan ang mga anak nila." sabi naman ni Via. "At nabalitaan namin na may mga ibang grupo na ang 'andito sa probinsya kaya kami napasugod 'agad." dagdag pa ni Via. Paano pagnalaman ni Franz na ang babaeng nasa likod ng maskara at ang babaeng pinakamamahal n'ya ay iisa?
Mafia
105.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Forbidden Love With My Ex-husband's Uncle

Forbidden Love With My Ex-husband's Uncle

Tatlong taon akong nagtiis sa pagsasama namin ni Gabriel. Akala ko nakalimutan niya na ang tungkol sa kapatid ko pero nagkamali pala ako. Nalaman kong buntis ako, excited akong sabihin sa kaniya ang tungkol dun pero biglang gumuho ang mundo ko ng malaman kong umuwi na pala ng bansa ang kapatid kong si Mia. Ang babaeng totoong minahal ni Gabriel. Sinubukan kong ayusin ang relasyon namin, sinubukan kong iparealize sa kaniya na mahal niya ako pero palagi niya akong pinagtatabuyan. Palaging si Mia ang pinupuntahan at pinipili niyang samahan. Sa pagguho ng mundo ko, si Uncle Asher ang naging sandalan ko. When I decided to divorce my husband saka naman siya naghabol sa akin but who would I chose? My husband who hurt and broke my heart into million pieces or his uncle who's messing with my feelings now?
Romance
108.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Zillionaire Ex-Wife's Revenge

The Zillionaire Ex-Wife's Revenge

Hindi lubos akalain ni Lyndsey na ang kaniyang asawa na si Ezekiel Hussein ay may ibang babae. Aksidente niyang nalaman na buntis na kaya napagdesisyon niyang hiwalayan na ang kaniyang asawa nang tuluyan. Humingi siya ng tulong sa kaibigan ng kaniyang kuya na isang abogado para ayusin ang kanilang divorce paper. Pero nang malaman ni Ezekiel na nakikipagkita ang kaniyang asawa sa ibang lalaki ay nagalit ito, ngunit hindi nagpatinag si Lyndsey. Desidido siyang hiwalayan ang asawa. Sa kabilang banda, gumagawa nang paraan si Aerah, ang kabit ni Ezekiel, para tuluyang masira si Lyndsey hindi lang kay Ezekiel kung hindi pati na rin sa buong pamilya nila. At dahil buntis siya, mabilis niyang napaniwala ang lahat na naging dahilan ng galit nila kay Lyndsey. Sa sobrang pang-aapi at pagkapuot na naramdaman ni Lyndsey, pumasok sa isipan niya ang maghiganti. Ginawa niya ang lahat upang akitin ang dating asawa at pagtaksilan ang kapatid niya gaya ng ginawa nito sa kaniya noon. Ngunit hindi nakayanan ni Aerah ang ginawa ni Lyndsey at Ezekiel kaya nakunan ito. Ang gusto lang ni Lyndsey ay maramdaman ni Aerah ang ginawa niya sa kaniya noon, ngunit hindi niya ginustong mawala ang batang dinadala nito. Sa sobrang guilty niya, naisipan niya na lamang magpakalayo-layo ngunit hindi niya inaasahan na ang pagtataksil nila ng dati niyang asawa sa kaniyang kapatid ay magbubunga.
Romance
10193 viewsOngoing
Read
Add to library
Ninong Senator's Contract Marriage

Ninong Senator's Contract Marriage

Nang puntahan ni Francesca ang social event para sana sa presensya ng kaniyang may sakit na lolo at ama niyang nasa States ay nakita niya ang fiancé niyang may kasamang iba. Nang sugurin niya ang mga ito ay ipinahiya siya na isa lamang siyang panget na matabang babae. Biglang lumapit ang kilalang heartthrob ng senado na si Sen. Javier at tinulungan siya. Ipinakilala siya nitong fiancée sa harap ng lahat. Natakpan ang tsismis na isa itong bakla matapos nilang maikasal. Nang magpa-sexy siya ay hindi inaasahang masira ng senador ang nasa kontratang kanilang napag-usapan. Paano kung lumalim na ang nararamdaman nila sa isa't isa? May pag-asa pa kaya lalo pa't aksidente niyang nalaman na ninong niya ito at ang taong naging dahilan ng pagkasawi ng kaniyang ina at kapatid?
Romance
1044.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Hiding The CEO's Quintuplets

Hiding The CEO's Quintuplets

Nagsilang si March ng quintuplets. Mag-isa niyang pinalaki ang mga ito habang nagtatago sa kaniyang boss no'ng siya ay isang intern pa lamang. Ang ama ng quintuplet ay si Rod. Ito'y kasal na sa iba dahilan kung bakit ayaw ni March ipakilala kay Rod ang mga anak niya. Makalipas ang pitong taon, nakita ng ina ni Rod si March. May hiningi itong pabor dahilan para magkita muli si March at Rod. Sa kanilang pagkikita, matatago pa ba kaya ni March ang mga anak nila? O siya ang itatago ni Rod sa mundo kung saan tanging siya lang ang makakapiling nito?
Romance
10229.2K viewsCompleted
Show Reviews (32)
Read
Add to library
MeteorComets
List of my completed stories you can read. The Lust Love Hiding The CEO's Quintuplets Binili Ako ng CEO Pag-aari Ako ng CEO Asawa Ako ng CEO Binihag Ako ng CEO His Personal Affair Love In Mistake Shade Of Lusr I Put A Leash On My Boss
Dinalynn
grabe eto yung author na lahat ng libro niya hindi nawala excitement ko kada update niya lahat ng chapter maganda talaga ramdam mo yung puso , dedication at emosyon bawal chapter more power po sana madami pa kame mga story mo mabasa ......
Read All Reviews
Secretly Dating My Trillionaire Boss (R18+)

Secretly Dating My Trillionaire Boss (R18+)

Gumuho ang isa sa mga pangarap ni Naneng Araneta ang magkaroon ng magandang relasyon nang harap-harapan niyang nasaksihan ang panloloko ng kanyang nobyong si Raze Almirante at ang kanyang matalik na kaibigan na si Sheena Lopez—isang gabi sa mismong condo ng nobyo. Matapos ang tatlong-taon na panloloko ng nobyo sa kanya, napagdesisyonan ni Naneng hiwalayan ito't magsimula ng panibagong pangarap—para sa kanyang sarili, at maging sa mga kapatid na rin. Ang pangarap na muntik na sanang maabot, ay nauwi sa isang mabigat sa loob na desisyon. Ngunit, bagaman, nawala man iyon ay alam niyang may panibagong darating—iyon ay ang magkaroon ng panibagong trabaho sa isang malaking kompanya ng Exhibition Space kung saan dito niya ulit makikita si Kid Gabriel Alcantara—ang pinsan ng dating amo nito. Isang gabi sa isang malaking event ng Exhibition Space—hindi inaasahan ni Naneng na ang patikim-tikim lang sana ng alak ay nauwi sa pagkalasing nito. Nang kinabukasan, nagtaka—nagtanong sa sarili kung paano siya napunta sa isang hindi pamilyar na lugar. Saka niya lang naalala ang lahat nang makita si Kid na nakatayo sa paanan ng kama. Dahil sa takot at reputasyon niya bilang babae—nakiusap siya kay Kid na itago na ang lang lahat na nangyari sa kanila. Bagaman, pumayag si Kid nang magkaroon ng isang kondisyon; iyon ay ang maging tagapagbigay ng aliw sa kanya tuwing nangangailang ang katawan nito. Mabigat sa kalooban ni Naneng ang kasunduan na iyon. Ngunit, kinakailangan niyang sumang-ayon dahil kilala niya ang binatang iyon; may pangalan sa kumunidad. Isang Alcantara na magiging bangungot sa kanyang kinabukasan at hindi niya matatakasan; nagtapos sa pagtanggap ng alok.
Romance
1023.6K viewsOngoing
Read
Add to library
His Brother's Wife

His Brother's Wife

Angelo "Ang" Rodriguez is a broken man, matapos mawala ang babaeng pinakamamahal ay tuluyan nang nagbago ang binata maliban pa sa nangyari sa pinakamamahal nitong kapatid na si Anthony ngunit isang bagay ang hindi matanggap ng binata at iyon ay ang asawa ni Anthony na si Miranda Sandoval, ang gold digger na babaeng pinakasalan ni Anthony ng nasa US pa ito at gagawin ni Ang ang lahat para mawala ang naturang babae sa buhay nila ngunit ang hindi inaasahan ni Ang ay ang mahulog ang loob sa naturang babae sa babaeng apat na beses nang kinasal.
Romance
665 viewsOngoing
Read
Add to library
She's One Of The Boys (Tagalog)

She's One Of The Boys (Tagalog)

Kezia Chloe Villanueva smart, pretty, brave and talented. she's a princess of Villanueva clan. Iniingatan at Inaalagaan. Over protective sa kanya ang nag-iisang kapatid na si Lucas at ang tatlo nitong pinsan. Pati na rin ang dalawa niyang kababata. Minsan na rin siyang napag-kamalan na tomboy dahil lagi niyang nakakasama ang mga ito. Minsan din ay napapaaway siya dahil sa mga girlfriends ng kanyang pinsan at kababata dahil sa selos o kung hindi naman napag-kakamalan siya na isa sa mga Girlfriend ng mga ito. Her life was going happily, Until one day the person she didn't expect came back. The person she forgot, The person she cried, The person who left her without knowing the reason, Left without even saying goodbye. And also one of her childhood friend. Will she be able to face it again? Especially now, that they live in the same house?
Romance
9.840.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Ikinulong Ako ng Aking Ama Hanggang Mamatay

Ikinulong Ako ng Aking Ama Hanggang Mamatay

Ang ampon ng aking ama ay ikinulong lamang sa masikip na storage closet nang halos labinlimang minuto, ngunit tinalian niya ako at itinapon sa loob bilang parusa. Tinakpan pa niya ang ventilation gamit ang mga tuwalya. "Bilang nakatatandang kapatid ni Wendy, kung hindi mo siya kayang alagaan, marapat lamang na maranasan mo rin ang takot na naramdaman niya,” seryoso niyang sabi. Alam niyang may claustrophobia ako, ngunit ang aking mga desperadong pakiusap, ang aking matinding takot, ay sinagot lang ng malupit na sermon. "Magsilbi sana itong aral sayo para maging mabuting kapatid." Nang tuluyang lamunin ng kadiliman ang huling hibla ng liwanag, nakakaawa akong nagpumiglas. Isang linggo ang lumipas bago muling naalala ng aking ama na may anak pa siyang nakakulong at nagpasya siyang tapusin na ang aking parusa. "Sana'y naging magandang aral sa iyo ang isang linggong ito, Jennifer. Kung mangyayari pa ito muli, hindi ka na pwedeng manatili sa bahay na ito." Ngunit kailanman ay hindi niya malalaman na matagal ko nang nalanghap ang aking huling hininga sa nakakasulasok na silid na iyon. Sa kadiliman, unti-unti nang nabubulok ang aking katawan.
Read
Add to library
PREV
1
...
2728293031
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status