Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Player's Playmate

The Player's Playmate

Hiwalay ang mga magulang ni Laarni Villegas. Ganun pa man kahit hiwalay ay busog siya sa sustento at suporta sa bawat panig. Kaya naman nang piliin niyang maging isang volleyball player ay walang kontra ang mga magulang niya.  Hanggang sa makilala niya ang isang Kyre Mendoza, gwapo, matangkad at nag- uumapaw ng sex appeal na laging nambulabog sa kanya tuwing may laro siya. Isang CEO na may-ari ng team kung saan siya miyembro bilang isang manlalaro.  Paano maiwasan ni Laarni ang isang Kyre na walang ibang ginawa kundi ang palaging pagpapa- cute sa kanya? O dahil sa kakulitan ni kyre ay magiging magkalaro sila sa larangan ng pag-ibig?
Romance
1011.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Pursuing Mr. Chord Sebastian, The Unreachable Man

Pursuing Mr. Chord Sebastian, The Unreachable Man

natatangingdilag
Nang lumuhod ang lalaki, magmakaawa, at yakapin ang kanyang binti'y 'di pa rin natinag si Kennedy. "Ken, please, handa akong gawin ang lahat-lahat mapasa 'kin ka lang muli," pagsusumamo ni Chord. Isang hakbang palayo mula sa lalaking dati niyang minahal ay agad na nagbadyang tumulo ang mainit at nag-uunahang mga luhang kanina pa gustong lumabas sa kanyang mga mata. Nag-aalab. Lumalago. Ayaw paawat. Ilan lang ito sa mga salitang makakapaglarawan sa pag-ibig ni Kennedy kay Chord. Animo'y isa itong bomba na kapag hinayaan lamang hanggang sa pumatak sa partikular na oras, ito'y sasabog at hindi na mapipigilan pa. Ngunit hindi maipagkakaila na kahit kaila'y hindi mawawala ang mga problema't hamon na maaaring tumupok sa alab ng pag-ibig sa pagitan ng dalawang tao. "Napakahirap mong abutin, Chord," wika ni Kennedy, nanginginig ang boses. "Walang-wala sa kalingkingan ng estado mo ang estado ng buhay ko." Namatay si Romeo dahil kay Juliet. Namatay si Jack dahil kay Rose. Hindi nagkatuluyan sina Peter Pan at Wendy. Sina Chord at Kennedy kaya gano'n din? Mailalaban ba nila ang pag-iibigang pilit sinusubok ng panahon, paniniwala, at tadhana?
YA/TEEN
2.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Me And The Gangster Leader's

Me And The Gangster Leader's

Miss_Dangwa
Ang pag pasok ni Clea Morales sa isang school na kung tawagin ay Falcon University na hindi pina papasok ang mga babae na mag-aral dahil sa mga nangyari sa mga babae at lalo na kay Pinuno Si Pinuno ang nangungunang gangster sa Falcon University, ano na lang ang mangyayari kung malaman niya na may nakapasok na isang babae at nagpanggap pa ito ng isang lalaki Ang halimaw sa mga baraha ay napa ibig ng isang brilyanteng kaya kang mag mahal muli at pag bibigay ng suwerte sa iyong buhay at sabay sa pagtupad ng inyong mga pangarap
YA/TEEN
101.7K viewsOngoing
Read
Add to library
GOT TO BELIEVE IN LOVE

GOT TO BELIEVE IN LOVE

Si Dianne Abrenica, isang dalagang probinsyana na walang karanasan sa pag-ibig, ay pumasok sa isang nakakabagbag-damdaming desisyon—ang maging surrogate mother ng pinakamayamang pamilya sa Davao, ang mga Manalo. Isang birhen at NBSB (No Boyfriend Since Birth), handa siyang isakripisyo ang lahat para sa kanyang kapatid na nangangailangan ng kidney transplant. Ang kontratang ito ang nagdala sa kanya sa isang mundo ng yaman at kapangyarihan, ngunit kasama rin nito ang masalimuot na emosyon at mga hamong hindi niya inaasahang mararanasan. Sa kabilang panig, si Drake Manalo, ang CEO ng Manalo Canning Food Industry, ay isang lalaking puno ng kahanga-hangang katangian—gwapo, matipuno, mayaman, at mapagmahal sa kanyang asawa. Nang pumasok si Dianne sa kanilang buhay, tila lahat ay naging maayos, hanggang sa isang trahedya ang biglang yumanig sa kanilang mundo. Ang biglaang pagkamatay ni Tiffany sa isang car accident ay nagdulot ng matinding sugat kay Drake. Sa panahong nagdadalamhati si Drake, andiyan si Dianne na naging sandigan at karamay nito. Dito, natutong magmahal si Dianne—hindi lamang sa sanggol na kanyang dinadala kundi pati na rin kay Drake, isang lalaking naging bahagi ng kanyang mga pangarap. Habang papalapit ang araw ng pagsilang, nahaharap si Dianne sa isang mahirap na desisyon. Ang kanilang kontrata ay malinaw—wala siyang karapatang kumonekta sa bata pagkatapos ng kanyang pagsilang. Ngunit paano niya maiiwan ang anak na kanyang minahal at itinuring na bahagi ng kanyang pagkatao? Paano niya haharapin ang mga damdaming namuo para kay Drake, isang lalaking bihag pa rin ng alaala ng kanyang yumaong asawa? Si Drake, isang lalaking unti-unting natutong muling buksan ang kanyang puso, at si Dianne, isang babaeng handang ipaglaban ang kanyang nararamdaman, ay sabay na naghahanap ng sagot sa tanong: Makakaya ba nilang buuin ang bagong buhay na nilikha ng sakripisyo, pagmamahal, at pag-asa?
Romance
103.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Ang Mapang-akit na Bilyonaryong Tagapagmana

Ang Mapang-akit na Bilyonaryong Tagapagmana

DarkShadowHunter
Si Adrian Lewis ay napangasawa ang isa sa mga anak ng mayamang pamilya ng mga Ortiz. Subalit ang kaniyang buhay sa kamay ng mga manugang ay hindi maganda. Siya ay pinahirapan, inalipin dahil sa kaniyang estado sa buhay. Ngunit ang lahat ay may sukdulan sapagkat ang kaniyang pinakaiingatan na lihim ay pumutok. Nalaman ng lahat na siya ay isang tagapagmanang apo ng bilyonaryong si Don Albert Lewis at sa pagputok ng katotohanan, ginamit ito ni Adrian para paluhurin ang mga taong nag-alipusta sa kaniya kasama na ang kaniyang mga biyenan.
Romance
3.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez

Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez

Nagkaroon ng malaking pagkakautang si Laica kay Hendrick Montañez nang ang binata ang gumawa ng paraan upang maisalba ang buhay ng kanyang nakababatang kapatid. Isang bagay iyon na wala siyang kaalam-alam. Ang tanging malinaw kay Laica ay ang pagkamuhing nadarama ni Hendrick para sa kanya dahil sa pag-aakalang mas pinili niya ang pera kaysa sa relasyon nilang dalawa. Lumipas ang maraming taon. Nang muling magkrus ang kanilang mga landas ay naniningil na ang binata sa malaking halagang nagastos nito para sa kapatid niya. But how can she ever pay him if what he wants is for her to... marry him? Would she agree knowing that what he's offering is nothing but a contract marriage? That she needs to be his wife just for business purposes? Or she would take his offer, not only to pay her debt, but because deep inside, she's hoping that he loves her still? "Magiging asawa lang kita sa papel, Laica. We'll stay married 'til I get the company. Once it's done, we'll have an annulment. Don't worry 'cause it would be easy since I don't have any plan to consume our marriage..."
Romance
1020.9K viewsCompleted
Read
Add to library
The Playboy Next Door

The Playboy Next Door

Ashe Alberts
Tahimik ang buhay ni Kit hanggang sa lumipat ang nakakainis na lalaki sa tabi ng unit niya. Gabi-gabing may maingay na kalabog at mga halinghing ang umistorbo sa tulog niya. Nang di na makatiis, sinugod niya ito at sinita. Ang mas nakakainis, pati siya ay nilalandi nito. Sa malas, akalain ba niyang ito rin pala ang naging modelo para sa raket na tinanggap niya. Right at that moment, alam na ni Kit na magiging impiyerno ang mga linggong magkakatrabaho sila ni Aiden. She was not prepared for it. Definitely not. Pero hindi pala doon matatapos ang kanyang problema. Kinaumagahan matapos siyang maglasing isang gabi, nagising siya sa kama ng lalaking kinaiinisan.
Romance
2.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Until Divorce Do Us Part

Until Divorce Do Us Part

Matapos ang tatlong taon ay bumalik mula sa abroad si Cerise Harrod dahil sa balitang malubhang kalagayan ng ina. Ngunit hindi niya akalaing sasalubungin siya rin siya ng divorce agreement ng kanyang asawa, sa papel. Sigmund Beauch. Pangalan palang nito ay nag-uumapaw na ng karisma. Kilalang businessman at metikuloso sa kanyang ginagawa. Para sa kanya-kanyang hiling ay nagpakasal sila, na naging hadlang sa tunay na pag-ibig ni Sigmund sa kanyang tunay na kasintahang si Vivian. Matapos ang sunod-sunod na di-inaasahang mga pangyayari at tila sinadyang mga pagtatagpo, matutuklasan kaya ni Cerise ang lakas ng pagiging malaya, o mapagtatanto kaya ni Sigmund kung ano ang posibleng mawala sa kanya?
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Hacienda Del Puedo #1 Hara

Hacienda Del Puedo #1 Hara

Si Hara Del Puedo ay kilala sa buong hacienda bilang pinakamabait, pinakamadaling lapitan at higit sa lahat ay pinakamatapang na apo ni Don Ernesto. Iginagalang at minamahal siya ng mga tauhan nila. Sa edad niyang bente anyos ay marami na siyang naranasan katulad ng isang insidente limang taon na ang nakakaraan. Dahil dito ay umalis ang dalaga sa Hacienda Del Puedo upang makalimot. Ngayon, nagbabalik na si Hara sa kaniyang bayang sinilangan upang harapin ang malagim na trahedya ng kahapon. Sa kaniyang pagdating ay may isang Xandro na naghihintay sa kanya. Kasabay ng mga alaalang muling nanunumbalik ay ang pagkahulog ng loob ng dalaga sa lalaking katulad niya ay may amnesia rin. Sa tulong ng binata ay gagawin ng dalaga ang lahat upang hanapin ang mga totoong salarin sa Hacienda Del Puedo massacre. Unti-unting makakamit ng dalaga ang hustisya ngunit maraming hadlang ang sa kaniya'y naghihintay. Pakiramdam ng dalaga ay pilit ibinabaon ng sinuman ang katotohanan upang wala siyang matuklasan. Gamit ang tatag ng loob at determinasyon ay malalaman ni Hara ang mga lihim ng kahapon kasama na rin ang mga sikreto ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ang katotohanang akala niya ay magpapalaya sa kaniya ay muli palang susugat sa puso niyang durog na durog na kaya gagawin ni Xandro ang lahat upang muling mabuo ang dalagang ngayon ay hindi na kayang magtiwala pa sa kahit sino man.
Romance
9.936.4K viewsCompleted
Read
Add to library
A Night with the Billionaire

A Night with the Billionaire

Nagsimulang gumulo at manganib ang buhay ni Lilliane nang sapilitan siyang i-arrange marriage ng kanyang pamilya sa isang 68 taong gulang na media magnate na si Arnulfo Fuentes upang maisalba lamang ang kanilang kumpanya mula sa nalalapit nitong pagbagsak. Dahil sa desperasyon, at hindi niya maatim na ito ang makikinabang sa kanyang batang katawan, nagdesisyon siyang ibigay ang kanyang puri sa isang mas batang lalaki. Ngunit ang konsekwensya nang gabing iyon ay higit pa sa inaasahan ni Lilliane. Sa takot kay Mr. Fuentes at sa kalalabasan ng lahat, sumira siya sa kasunduan. Tinaguan at tinakbuhan niya ang kanyang malupit na pamilya at maging ang mapangangasawa. At hindi titigil ang mga ito sa paghahanap sa kanya lalo na si Fuentes hangga't hindi nito nakukuha ang 'kanya'. Subalit hindi lamang ang kanyang pamilya at si Mr. Fuentes ang naghahanap sa kanya kundi maging ang guwapong estranghero na pinag-alayan niya ng kanyang pagkababae matapos nitong mabasa ang article tungkol sa pagpapakasal niya sa kilalang media magnate. Mas higit pa itong nagkainteres kay Lilliane dahil sa talino, tapang at husay nitong magtago at tumakbo mula sa mga humahabol dito. Habang patuloy na bumabagsak ang negosyo ng kanyang pamilya ay mas lalong nagiging determinado rin sila Mathilda na mahanap siya upang maituloy ang kasunduan na pilit tinatakasan ni Lilliane. Ngunit hindi makapapayag si Lilliane lalo na at nakataya ang lahat sa kanya—kalayaan, ang kanyang kinabukasan, at ang batang nasa kanyang sinapupunan—kailangan niyang lumaban at protektahan ang mga bagay na mahalaga sa kanya. Sa isang mundo na kung saan ang kapangyarihan, pera, kasakiman, at pagtataksil ang namamayani, makakaya bang lampasan ni Lilliane ang mga taong nais siyang kontrolin para sa mga pansariling interes, o mahuhulog siya sa mga kamay ng mga taong sinusubukan niyang takasan o sa taong ama ng ipinagbubuntis niya?
Romance
101.4K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status