Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Cursed Painting/ Tagalog

Cursed Painting/ Tagalog

Siyam na estudyante ang naimbitahan sa Mansiyon ng sikat na Artist na su Gregorio Santillan. Ngunit ang hindi alam ng mga estudyante, may nagbabadyang panganib na naghihintay sa kanila. At ano ang ibig ipahiwatig ng mga panaginip ni Alyssa? Ito ba ay isang babala o sadyang panaginip lamang? Paano pa maililigtas ni Alyssa ang walong estudyante sa sumpa ng painting na kanilang nilalagdaan, kung maging siya ay bilanggo na rin ng Larawan?
Mystery/Thriller
109.0K viewsCompleted
Read
Add to library
THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE

THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE

Si Merlyn Claveria Santiago, isang 28 taong gulang na OFW sa Dubai, ay kilala sa kanyang sipag at sakripisyo para sa kanyang pamilya. Sa kabila ng hirap ng trabaho at lumbay ng pangungulila, nanatili siyang tapat sa kanyang kasintahang naiwan sa Pilipinas. Ngunit isang araw, ang kanyang mundo’y gumuho nang malaman niyang nabuntis ng kanyang nobyo ang bunsong kapatid na 18 taong gulang lamang. Labis ang sakit ng pagtataksil, lalo na’t itinago ito sa kanyang mga magulang upang hindi maapektuhan ang perang ipinapadala niya buwan-buwan. Sa hinanakit at kawalang pag-asa, iniwan ni Merlyn ang kanyang pamilya at lumayo. Habang naglalakad, napadpad siya sa isang simbahan kung saan nagaganap ang isang kasalan—isang kasalan na nauwi sa eskandalo nang tuklasin ng lalaking ikakasal na pinagtaksilan siya ng kanyang kasintahan. Sa isang di-inaasahang pagkakataon, nilapitan si Merlyn ng ina ng lalaking iniwan sa altar. Isang alok ang binitiwan: pakasalan ang kanyang anak upang mailigtas ang pamilya nila sa kahihiyan. Dahil sa galit sa mundo at pagnanais na makalimot, tinanggap ni Merlyn ang kasunduan. Ngunit ang kanyang pinasok na kasal ay hindi basta-basta. Ang lalaking kanyang pinakasalan ay si Crisanto "Cris" Montereal, isang bilyonaryo na may makapangyarihang impluwensya at mga negosyo sa iba't ibang panig ng mundo. Sa likod ng kanilang kunwaring pagsasama, unti-unting masusubok ang kanilang damdamin, at mahuhulog sila sa komplikadong laro ng pag-ibig, paghihiganti, at mga lihim na pilit nilang tinatakasan. Makakahanap kaya si Merlyn ng kapayapaan sa piling ng isang lalaking puno ng galit sa pag-ibig? At mapapatawad kaya niya ang mga taong minsang sumira sa kanyang tiwala? O tuluyan siyang magpapatalo sa mga sugat ng kahapon?
Romance
109.6K viewsCompleted
Read
Add to library
THE LADY ALPHA

THE LADY ALPHA

BeauWP
After her father was killed and her mother disappeared, Calithea Del Mundo was forced to take the title as an alpha of their pack when she was thirteen year old. Nagkaroon ng matinding alitan sa pagitan ng mga lobo at hunters dahilan para magdulot ng marahas na labanan sa pagitan ng dalawang grupo. Namatay sa kalagitnaan ng labanan ang ama ni Calithea at tinangay naman ang kanyang ina. Bago pa man lisanin ng mga hunters ang teritoryo nila Calithea, ikinulong nila ang mga lobo ng ilan sa mga piniling sumuko sa laban at mabuhay gamit ang isang pilak na kadena. Kahit anong pilit nila, kahit anong mahika pa ang gamitin nila, hindi nila magagawang makalaya mula roon. Ang kanilang mga lobo ay mananatiling nakagapos. Ang tanging paraan lang para makalaya sila mula sa bagay na ‘yon ay ang isang susi. Susi para sa kanilang kalayaan. Ngunit ang susing iyon ay hawak ng mga taong muntik ng umubos sa kanilang lahi. And she was obliged to take that key. Drico Wagner, the head supreme of the hunters. He is a fearless and brave man. Sa edad na tatlumpu't lima, libo-libong lobo na ang napatay niya. It’s so ironic that their kind hunts werewolves down wherein fact, his stepmother is a pure blooded werewolf and his half-sister is a half-blooded wolf. Ibinigay sa kanya ng kanyang ama ang susi. Susing magpapalaya sa grupo nina Calithea. Calithea is after him. But, as she was on her way of taking the key to their freedom, she didn’t expect that love would be her number one enemy. Will she choose to beg for his love? Or just focus on saving her people?
Other
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Senshi Yuki

Senshi Yuki

"You'll fight for me right?." Nasasaktan siya sa kung paano tumitig ang mga nangungusap na mata ng kaibigan sa kaniya, hindi nito 'yon kailangang gawin. Hindi ito dapat magmakaaawa. Ang propesiya sa mundo ng mga mahika ang siyang pinagtutuonan ng lahat at walang magagawa ang kahit na sino kung hindi sundin ang propesiya, sapagkat ito na ang kanilang tadhana. Subalit hindi sang-ayon si Brythe Gijeon ang dalagang isa sa napili na natatangi sa lahat, kasama ang mga kaibigan na puksain ang kasamaan na lumilipol sa kanilang henerasyon. Nais nilang baguhin ang lahat. Itama ang mga pagkakamali, punan ang mga pagkukulang na nagawa at gawin ang kanilang misyon. Subalit ang tadhana ay mapanlinlang, napaikot sila nito sa makapangyarihang kasamaan. Naging kalaban ang dapat na kasamang lumaban at trinaydor ng lubos niyang pinagkatiwalaan.
Other
3.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Red String's Of Science

Red String's Of Science

deredskert
Sa panahon kung saan ang mga kabataan ay hinahanapan na nang kaniya kaniyang kapareha. Sa pamamagitan ng Siyensya ay pinag-sasama ang mga dalaga at mga binata ayun sa kanilang taglay na “Gene’s” at ito ang tinatawag na Red String’s of Science. Ngunit mayroong binatilyo ang hindi masaya sa ganitong Sistema. Sapagkat nais niyang mag-mahal na naaayon sa kaniyang puso at hindi aasa sa siyensya. Subalit papaano kung ang kaniyang pagmamahal ay hindi bigyan ng pabor ng gobyerno.
Romance
1.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Tres Marias: Ada

Tres Marias: Ada

Hindi naging hadlang ang yaman at pribilehiyo upang tuparin ni Atty. Ada Esquivel--- isang matapang at ma-prinsipyong babae--- ang kanyang misyon sa buhay. Bagaman lumaki siyang laki sa yaman at karangyaan, pinili niyang i-alay ang kanyang buhay upang tulungan ang mga mas higit na nangangailangan. Ang kanyang pangalan ay isang malaking tinik sa lalamunan ng mga mayayamang mapang-abuso, sapagkat kilala siya sa pagpanalo ng ng mga kasong isinasampa laban sa ilan sa kanila. Sa kauna-unahang pagkakataon ay natalo siya sa isang kaso. Kasunod nito ay ang kalunos-lunos na pagkamatay ng kanyang dating Propesor. Dahil dito ay mapapadpad siya sa isang malayo at maliit ngunit tahimik na bayan ng Bagong Silang. Sa patuloy na pakikibaka para sa karapatan ng mga taong naninirahan dito, unti-unti ring mabibigyan ng linaw ang sinapit ng kanyang propesor, maging ang misteryo sa likod ng kauna-unahang kasong hindi niya naipanalo ay mabubunyag din. Lingid sa kaalaman ni Ada ang bawat sikretong matutuklasan niya ay magiging mitsa ng kanyang buhay. Makakaligtas kaya siya sa tiyak na kapahamakang nakaabang sa kanya? Posible kayang makatagpo siya ng pag-ibig sa gitna ng digmaan? How much will it take to win against the fight outside the courtroom?
Mystery/Thriller
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Tainted Series1: The Billionaire's Lover

Tainted Series1: The Billionaire's Lover

Namulat si Clea sa kahirapan ng buhay. Sa murang edad natuto itong magtrabaho para buhayin ang sarili at para buhayin ang mga taong nagpalaki sa kanya. Nalayo sa mga magulang at walang maalala. Lumaki sa pamilyang walang pagmamahal sa kanya. Pinagmamalupitan sa kabila ng mga sakripisyo niya. Araw-araw humaraharap at lumalaban sa hamon ng buhay. Walang reklamo, walang angal. Pero isang pangyayari ang magpapabago ng lahat. Kailangan niyang tumakas sa mga taong nagpalaki sa kanya. Masakit man para sa kanya pero wala siyang magagawa dahil sariling kaligtasan niya ang nakasasalalay. Hanggang kailan ang mga paghihirap ni Clea? Darating pa ba ang araw na matatagpuan niya ang totoong pamilya? Mahahanap niya ba ang lalaking magbibigay ng tunay na pagmamahal sa kanya? Pero paano ba magmahal kung ang taong minamahal mo ay nakatali pa rin sa nakaraan niya? Kaya bang pangatawanan nang puso mo ang pag-ibig na alam mong wala namang kapalit?
Romance
9.130.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Loving a Billionaire

Loving a Billionaire

Napilitang huminto sa pag-aaral si Feigh dahil sa kahirapan upang maghanap ng trabaho para makatulong sa mga magulang niya. Nakapasok siya bilang isang katulong sa Hacienda ng mga Montero sa tulong ng kaibigan ng kanyang ina at doon niya nakilala ang suplado, gwapo at mala-diyos niyang amo na si Luke Montero. Luke Montero is a billionaire who owns a huge Hacienda in Valerde and he also own a lot of huge properties and businesses all over the country. Nag-iisang tagapagmana ng lahat ng kayamanan ng mga Montero kaya nakukuha niya lahat ng gusto niya pati ang mga babae. Feigh is a drop dead gorgeous woman despite of her simple and old clothes. Nakuha niya ang atensyon ng isang Luke Montero at aminin man niya o hindi ay may gusto rin siya sa amo dahil sa angkin nitong itsura na mala diyos na tila bumaba sa kalangitan. As they share the heat that they both needed, can Feigh handle her heart? Paano niya haharapin na nahuhulog na siya sa bilyonaryong amo na halatang katawan lang ang gusto sa kanya? How could she avoid falling for the billionaire? Maiiwasan pa ba kung una pa lang ay hulog na hulog na siya? Read at your own risk. R18
Romance
1049.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Dark Boss 1: The Glass Slippers

Dark Boss 1: The Glass Slippers

cicatrizexxx
Hindi makatarungan ang pagaaruga ng kanilang mga magulang sa kanilang magkapatid. Mas pinapaburan ng mga ito ang kanyang kakambal. Nang dahil lamang sa isang kasunduan, itinakda ang kanyang kapatid sa isang lalaki. Sa araw ng kasal ay nakiusap si Bella sa kanya na siya ang humalili rito upang itali sa lalaking kailanman ay hindi niya pa nakikita ang mukha. Nabuhay siyang malungkot at nag-iisa sa loob ng mga taong siya ay may asawa na. Taliwas ito sa kanyang nakasanayang pamumuhay bilang isang suwail na anak. Nakukuha lamang nitong suportahan siya sa kaniyang mga pinansyal na pangangailangan. Dahil rito parang nabuhay ulit ang dating siya. Hindi siya makakapayag na maging sunod-sunuran sa lalaking kailanman ay hindi niya pa nakikilala. Parang nakikisama sa kanya ang pagkakataon at nakadaupang-palad niya ang kanyang kababata na binigyan niya noon ng kanyang babasaging tsinelas at sa hindi inaasahang pagkakataon ay hindi niya mapigilan ang tawag ng laman ng kanyang pumipintig na pagkababae. Handa na ba makipagsapalaran si Hyacinth Herrera sa init na kaniyang pinasok? Mananaig kaya ang sensasyong hatid ng kababatang si Thaddeus Siriad Vanesteri o ng asawang si Dairis Vaughn Conor?
Romance
101.5K viewsOngoing
Read
Add to library
ONE NIGHTSTAND: HOT BILLIONAIRE

ONE NIGHTSTAND: HOT BILLIONAIRE

Synopsis Si Luigi Mondragon, isang multi-billionaire at matagumpay na negosyante, ay kilala sa pagiging mapaglaro sa pag-ibig at sa mga babae. Sa likod ng kanyang marangyang pamumuhay, maraming naiinggit at nagtatangkang pabagsakin siya dahil sa kanyang kasikatan at tagumpay sa iba't ibang bansa. Sa isang gabi ng kasiyahan na iniayos ng kaibigan niya sa isang sikat na bar, hindi inaasahan ni Luigi na magbabago ang takbo ng kanyang buhay. Doon niya nakilala si Leona Suarez, isang babaeng lasing at sugatan ang puso, nag-iisa habang naglalasing sa sakit ng pag-iwan sa kanya ng dating kasintahan—pinagpalit ito sa isang bakla. Kaya balis ito nasaktan dahil sa dina-daming pwede ipalit ay bakla pa. Habang umiiyak at sinisigaw ni Leona ang kanyang galit sa mga lalaki, hindi mapigilan ni Luigi ang mabighani sa kanyang tapang at pagiging totoo. Ngunit sa mundo ni Luigi na puno ng intriga, selos, at mga lihim, magagawa ba niyang makuha ang puso ng babaeng pilit iniiwasan ang pagmamahal? O magiging isa lamang si Leona sa mga nadamay sa mapanganib na laro ni Luigi? Isang kwentong puno ng pighati, galit, at pagmamahalan.
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2930313233
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status