Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Vengeful Wife

My Vengeful Wife

Nang dahil sa pagkasawi ng mga magulang na parehong miyembro ng isang secret agency ay tumatak sa isip ni Veron Stacey Santibañez ang isang lihim na paghihiganti sa mga taong pumaslang sa mga mahal niya sa buhay. Upang magawa ang nais na paghihiganti ay pumasok rin siya bilang isang secret agent sa organisasyong pinagsisilbihan ng mga magulang noon. Kailangan niya ang organisasyon at ang mga nalalaman nito para maisagawa ang paghihiganti. Sa mga misyong kinakaharap ni Veron ay makikilala niya si Ynzo Abraham Tolledo. Ang makisig, guwapo, ngunit pinakamalaking malas na nakilala niya sa buong buhay niya. Ito ang lalaki na ubod ng yabang at saksakan ng glue na dikit nang dikit sa kaniya sa lahat ng oras. Hindi niya alam kung trip lang ba siya nitong paglaruan o talagang malakas lang ang sapak nito. Isa lang itong lalaking walang ibang kailangan kundi ang makahanap ng babaeng mapapangasawa dahil kung hindi ay wala raw itong mamanahin mula sa mga magulang ‘pag tuntong nito sa edad na tatlumpu. At sa lahat ng babaeng minamalas ay siya pa ang nakita nitong alukin ng kasal-kasalan para lamang makuha ang ninanais nitong mana. Akala ni Veron ay simpleng bagay lang ang inaalok ni Ynzo. Napag-alaman niyang malaki ang maitutulong ng lalaki upang makuha niya ang hustisyang inaasam-asam niya. Kaya kahit may mahal nang iba ay napilitan pa rin siyang kumapit sa patalim. Pareho naman silang makikinabang ni Ynzo sa kasalang iyon. Ngunit may isa sa mga kondisyon na kanilang napagkasunduan. No feelings attached. Ang lahat ng magaganap mula sa araw ng kasal hanggang sa matapos ang misyon ay walang halong damdamin o pag-ibig. Mapanindigan kaya nila ang pinasok na laro? O pareho silang mapapahamak sa mabilis na bala ng pag-ibig na tatama sa kanila?
Romance
9.910.1K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Secrets of Tajana

Secrets of Tajana

TaigaHopeRainbow
Si Tajana Canizales ay apo ng isang tanyag na pamilya sa probinsya. Siya ay kilala dahil sa angkin niyang ganda, talento at talino. Pero sa likod ng perpektong pagkatao niya, walang nakakaalam na siya ay nababalot ng mga sikreto. Ano ang mangyayari kapag nalaman ng pamilya niya ang lahat ng kanyang lihim? Ano nga ba ang mga itinatago ni Tajana? Magawa pa kaya siyang mahalin ng mga tao sa kabila ng kanyang mga lihim? Saan siya dadalhin ng kanyang mga sikreto?
Romance
3.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Escaping From My Knight

Escaping From My Knight

Tinkasan ni Naomi ang impyernong bahay na kinalakihan niya. Buong akala niya ay magkakaroon na siya ng kumpleto at masayang pamilya nang may umampon sa kanyang mag-asawa. Ngunit isang sindikato pala ang mga ito, pinalaki, pinag-aral, at binihisan siya ng mga kinalakihang magulang upang pagkakitaan. At bago pa tuluyang masira ang buhay niya, buwis buhay ang pagtakas na ginawa niya palayo sa mga ito. Sa di inaasahang pagkakataon, nakilala niya si Conrad, isang simpleng construction worker. Binigay niya ang sarili niya sa lalaking unang beses niya pa lamang nakita at nakilala. Natagpuan na lamang niya ang sarili na nagpaubaya sa lalaking estranghero sa buhay niya, dahil hindi niya maatim na ibenta siya ng mga sindikatong umampon sa kanya at higit sa lahat hindi niya kayang lunukin na kung sino-sino lang ang gumamit sa katawan niya. Ang buong akala niya ay iiwan na niya ang lahat ng iyon sa paglayo niya, hanggang sa isang araw ay nagkrus muli ang landas nila ni Conrad. Ang simpleng construction worker na nakilala niya ay inaalok siya ng kasal upang matakasan ang mga babaeng naghahabol dito.
Romance
10369 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Married To The Mafia Boss

Married To The Mafia Boss

Matteo Montenegro is a 32 year old businessman. Isa siya sa pinaka kilala at maimpluwensyang tao pagdating sa larangan ng negosyo. At his age ay hindi na halos mabilang lahat ng mga negosyong naipatayo nito mapa loob o labas man ng bansa. "What?! Siya si Matteo Montenegro?" Agad naagaw ang aking atensyon sa kadarating lang na lalaki at saktong huminto ito sa aming harapan. Freya, my twin sister looked at the man with disgusts. "You've got to be kidding me, Mum! Ipapakasal nyo 'ko sa isang lumpo?!" Mabilis na tinakpan ni Mama ang bibig ng kambal ko sabay pinanlakihan niya ito ng mata. "Watch your mouth, Freya. Hindi kung sino-sinong lalaki lang 'yang kaharap mo." May halong diing saad ng aming ina tsaka ito muling humarap dun sa lalaki. "Pasensya na po kayo sa inasal ng anak ko, Mr. Montenegro, nagulat lamang po siya." Hindi umimik iyung lalaki at diretso lang ang tingin nito sa kawalan. Palihim ko naman itong pinasadahan ng tingin. He's dashingly handsome. From his deep, blue eyes, thick brows, pointed nose down to his firm jawline. Walang tapon. He's currently sitting on a wheelchair habang nasa likod naman niya ang isang matangkad na lalaki na naka all black attire, must be his bodyguard. It's obvious that he can't walk. "Wait, are you blind?" Ang diretsong tanong ng kambal ko habang naka kunot ang noo. Muli ay hindi naman umimik iyung lalaki kaya ang bodyguard na niya ang sumagot. "Yes, my boss is blind but-" "Oh, come on! Lumpo na ta's bulag pa? Ganyang klasi ng lalaki ang nais mong ipakasal sa'kin? What kind of a mother are-" "Enough, Freya!"
Mafia
10485 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Powerful Vergaras: Hunted by Vengeance

The Powerful Vergaras: Hunted by Vengeance

Bata pa lang si Andreana Velasquez nang maulila siya dahil sa isang madugong ambush. Ang target sana ng pag-atake ay isa sa mga miyembro ng makapangyarihang pamilyang Vergara. Ngunit sa halip na ang mga ito ang tamaan, ang magulang ni Andrea ang nasawi—dahil kasunod nila ang sasakyang dapat sanang ambush-in. Sa isang iglap, nadamay sila sa malawakang putukan na para sa mga Vergara. Simula noon, isinisi ni Andrea sa pamilyang Vergara ang pagkawala ng kanyang mga magulang. Bitbit ang galit at sakit, pinangako niyang hindi siya titigil hangga’t hindi niya napapanagot ang pamilyang responsable sa lahat ng kanyang pinagdaanan. At ngayon, oras na para singilin ang mga Vergara.
Romance
10105.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Let Me Be The One

Let Me Be The One

Si Kassandra Celestine Gomez o mas kilala bilang Cassie ay isang dalagang puno ng pangarap. Hindi man nila natitikman ang karangyaan ng buhay, busog na busog naman siya sa pagmamahal at magandang asal na itinuturo palagi sa kaniya ng kaniyang mga magulang. Walang ibang ginawa si Andra kundi ang mag-aral at magtrabaho upang makatulong sa kaniyang pamilya. Hanggang sa dumating ang araw na ha hindi inaasahan ni Cassie na magbabago sa buhay niya. Nakilala niya ang masungit na engineering student na si Jeremiah Nite Sanchez. Sa unang pagkakataon ay naranasan niyang umibig. Tila kampi pa sa kaniya ang tadhana at hinayaan nitong maranasan kung paano mahalin ng kaniyang minamahal. Ang kanilang mga araw ay napupuno ng mga bahaghari at mga paro-paru ngunit lahat ng ito’y natuldukan dahil sa isang pagkakamali. Ano nga ba ang sukatan ng totoong pagmahahal? Ano ang gagawin kung hindi pa nga nag-uumpisa ang laban ay talo ka na? Paano mo masasabing siya’y mahal mo talaga? Itatama pa ba o tama na?
YA/TEEN
2.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
He’s Not The Father!

He’s Not The Father!

Tearsofpaige
Sa unang pagkakataon, si Donna Oraiz na isang byente-dos anyos na pinakainiingatan ng pamilyang Oraiz ay nakagawa ng ikinaguho ng kanilang pamilya. Nabuntis siya bago pa man sila ikasal ng kaniyang fiance at ang masaklap pa ay hindi ito ang ama ng kaniyang dinadala. Disappointment, disbelief, disgusts, at unworthiness ay kaniyang naranasan buhat noong nangyaring iskandalong binigay niya sa kaniyang pamilya at sa pamilya ng kaniyang fiancee. Pinalayas siya ng kaniyang mga magulang at nakatanggap pa ng mga masasakit na salita mula sa kaniyang pinakamamahal na fiance. Sa panahong lugmok na lugmok siya at walang makakapitan, dumating naman si Clive Fabella na siyang nag-iisang tagapagmana ng Fabella’s Legacies. Ang malamig at walang-pusong si Clive ay naging tahanan ni Donna, ang kaniyang sandigan. Matapos ang lahat ng kaligayahan at sakripisyong pinagsaluhan nilang dalawa, paano nila haharapin ang mga pagsubok na nagmamadaling putulin kung anuman ang namamagitan sa kanila? Makakaasa kaya si Donna sa mga bisig at pangako ni Clive kahit na ang katotohanan ay hindi ito ang ama ng bata?
Romance
1.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Kindhearted Revenge

The Kindhearted Revenge

Isang bagay na lang ang gustong tuparin ni Shiela De Guzman sa buhay magmula nang mangyari ang insidenteng nagdulot sa kaniya ng sobrang pighati at nagpabago sa buhay na pinapangarap niya. Hustisya. Iyon lang naman ang gusto niyang makuha para sa mga magulang na walang awang pinatay. Ginawa niya ang lahat matupad lang ang mithiing maging isang pulis para ikulong ang mga pumatay sa kaniyang magulang. Sa paghahanap sa mga taong pumatay sa mga magulang ay natuklasan niya rin ang dahilan sa likod ng pagpatay sa mga ito at ang nakatagong lihim sa kaniyang pagkatao. Ang dating mabuting intensiyon na paghihiganti ay napalitan ng poot at karahasan. SHIELA DE GUZMAN! ELA RICARPIO! RAVEN CRUZ! DIVINE MABISCO! Iisang tao, apat na pagkakakilanlan. Sino nga ba siya at ano nga bang totoo sa tunay niyang pagkatao?
Romance
102.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Billionaire's Ugly Wife

The Billionaire's Ugly Wife

Dahil sa isang aksidente nasira ang mukha ni Sonia Salazar. Isang batikan na actress at kilala sa taglay nitong ganda at talento. Sa pagbabago ng kaniyang mukha ay kasabay 'non ang pagbabago ng mga tao sa paligid niya. Iniwan siya ng kaniyang asawa, kinatakutan ng anak at tuluyang nasira ang kaniyang career. Pinalayas din ito sa mansion ng mga Valencia at tinalikuran ng mga inaakala niya na kaibigan. Sa pag-aakala na iyon na ang katapusan at sa pagkakataon na malapit na siya sumuko. Dumating ang dalawang tao na tuluyan na magpapabago sa buhay niya. "Mommy!" "Sonia." Lumapit ang dalawang tao na 'yon habang ang mga camera ay kumikislap galing sa iba't ibang bahagi ng lobby. "Pasensya na ngunit nagmamadali kami ng asawa at anak ko. Malapit na mag-start ang movie," ani ni Fabian habang hawak sa bewang si Sonia na nakatingala at nakatingin kay Fabian na buhat ang anak na si France. Noong nagtama ang mata nilang dalawa kasunod 'non ang pagyakap ni France sa leeg no Sonia at tumawag ng mommy. "Ibig sabihin si Sonia Salazar ang nababalitaan na second wife ni Fabian Martinez? Oh my gosh! big news ito!"
Romance
1019.5K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Falling For The Billionaire

Falling For The Billionaire

“A marriage of convenience… turned into a love worth fighting for.” Isang kasal na hindi pinili, kundi ipinilit ng kapalaran. Para kay Vernice, ang kasal ay isang bagay na dapat nagmumula sa pagmamahal at hindi sa kasunduan. Ngunit biglang nagbago ang lahat nang mapilitan siyang pumayag sa isang arranged marriage—at ang lalaking nakatakda niyang pakasalan ay walang iba kundi si Caius, isang makapangyarihang negosyante na kilala sa kanyang malamig na ugali at walang interes sa pag-ibig. Sa simula, parang isang bangungot ang pagsasama nila. Ang buhay ng isang simpleng babae ay biglang naipit sa mundo ng karangyaan, intriga, at matinding pressure na dala ng pagiging asawa ng isang kilalang billionaire. Sa kanilang pagsasama, tila dalawang magkaibang mundo ang pinilit na pinagtatagpo—isang pusong naghahanap ng pagmamahal at isang pusong sanay nang magtago sa likod ng yaman at kapangyarihan. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, may mga simpleng bagay na unti-unting nagbabago. Ang mga tingin na dati ay malamig, naging mainit. Ang mga usapan na dati ay pormal at walang saysay, nagiging puno ng lambing at tawa. At ang kasal na dati’y walang emosyon, nagiging isang tahanan ng pag-ibig na hindi nila inasahan. Subalit hindi mawawala ang mga pagsubok—mga taong tututol, intriga ng lipunan, at takot na baka ang lahat ng ito ay pansamantala lamang. Ngunit sa kabila ng lahat, matutuklasan nilang hindi ang kasunduan ang magtatali sa kanila, kundi ang pusong natutong magmahal ng totoo. Isang kwento ng dalawang taong hindi pinili ang isa’t isa, pero pinili ng tadhana. Sa huli, mapapatunayan nilang minsan, ang pagmamahal ay dumarating sa pinaka–hindi inaasahang paraan.
Romance
10176 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
4344454647
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status