My Maid, My Love (Filipino)
Malapit na rin kaming dalawa na matapos sa pagkain namin ng tanghalian.
"Manong Caloy..."
"Ano 'yon, Shaina?" Nagpakawala muna ako nang malalim na buntong-hininga at saka nagsalita, "May itatanong lang po ako sa 'yo."
"O, sige. Kung ano man ang itatanong mo sa akin ay sige lang. Sasagutin ko ang tanong mo basta alam ko kung ano ang isasagot. Ang mahirap lang ay kung hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong mo, eh. Ano ba ang itatanong mo sa akin, huh?" sagot niya sa akin. Tinatanong niya ako kung ano ang itatanong ko sa kanya.