Changing Fate: Forever Starts Again with the Heartless CEO
Sa una niyang buhay, isang martir at talunang maybahay ang ganap ni Felicity Gambello sa kanyang asawang si Santiago El Gueco. Hindi niya maiwan ang asawa dahil sobrang mahal niya ito, kahit pa harap-harapan siyang niloloko. Natapos ang kanyang buhay sa isang malagim na kapalaran; ang kamatayan. But things turn a strange turn. Ang asawang hindi umuuwi sa kanilang tahanan sa previous niyang buhay, was now returning everyday. Nag-aalala pa ang lalaki na baka ipagpalit niya ito kapag hindi niya inagahan.
“Jago, naniniwala ka ba na sa hinaharap ay hihilingin mo na lang na mawala ako?”
“Huwag ka ng mangarap, Feli. Hanggang kamatayan ay magsasama tayong dalawa.”
Bilang isang nilalang na muling bumalik sa nakaraan matapos niyang masilayan ang kanyang malagim na kamatayan, hinayaan na lang ni Fae na magsanga ang landas ng asawa at ng babaeng sa unang buhay ay ipinalit nito sa kanya. Subalit, sa halip na hiwalayan siya kagaya ng nangyari dati, kabaliktaran doon ang naganap. Hindi na nga siya hiniwalayan ng asawa, bagkus ay lalo pa siya nitong minahal. Ang nakakagulat pa ay nagawang taalikuran nito ang babaeng minsang naging sagabal sa pagsasama nila.
Muli ba itong pagbibigyan ni Feli o ituloy niya na lang ang unang plano upang hindi niya maranasan ang malagim noon na kapalaran?