Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Prae High

Prae High

MarkusJuan
Taong 2000, isang pandemya ang sumakop sa buong mundo na naging sanhi ng malaking pag baba ng populasyon. Lahat ng may buhay ay naapektuhan. Lahat ng natamaan ng virus ay nawawala sa sarili, kinakain ang sariling laman pati na rin ang sa kapwa nila, na sa kalaunan ay mapaparalisa hanggang sa maagnas ang natitirang parte ng katawan nito. Ang pandemyang umabot ng dalawang dekada ay kusang naglaho gaya ng mga naagnas na mga bangkay. Pero naging daan din ito para umusbong ang panibagong kababalaghan at misteryong dala ng virus na ito. Si Migi Baldemor na simpleng estudyante ay mababago ang buhay mula nang masaksihan niya ang karumaldumal na pagkawala ng mga kaibigan niya. Kasabay nang pagkawala ng kanyang ina ay siya rin paghahanap nito ng hustisya. Makikila niya ang lalaking tutulong at magdadala sa kanya sa Prae High. Sari-saring emosyon ang mararamdaman niya habang nakikipagsapalaran at nakikipaglaban na nakataya ang kanilang buhay. Hanggang saan sila dadalhin ng problema? Sino ang kakampi at sino ang tunay na kalaban?
Mystery/Thriller
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Begging Her To Love Me Again

Begging Her To Love Me Again

Anong mas masakit—ang mawalan ng anak o ang makitang masaya siyang inabandona ng sariling ama? Para kay Sabrina, isang hiling lang ng anak niyang si Eliza bago ang operasyon: makasama ang ama nito sa birthday niya. Pero sa halip na saya, iniwan siyang naghihintay... hanggang sa sumuka ng dugo at tuluyang lumisan. Ngayon, habang yakap ang abo ng anak, pinanood niyang binuhos ni Elijah ang pagmamahal sa anak niya sa ibang babae. Ngunit paano kung isang araw, bumalik si Elijah na parang walang nangyari—nakangiti, walang bahid ng pagsisisi? Mananatili bang tahimik si Sabrina, o oras na para iparamdam sa kanya kung anong pakiramdam ng maiwan sa huling sandali?
Romance
462 viewsOngoing
Read
Add to library
My Daughter's Doctor is my Ex Lover

My Daughter's Doctor is my Ex Lover

Dinala ni Naomi Mendoza ang kanyang anak sa ospital para sa isang consultation. Ngunit tila pinaglalaruan siya ng tadhana dhil ang attending physician ay ang ex boyfriend niya. Sa loob ng pitong taon, binago na ni Naomi ang kanyang pangalan, tinakasan niya ang nakaraan, at mula sa pagiging chubby na babae ay isa na siyang sexy at charming. Hindi siya nakilala ng lalaki at lalong hindi nito alam na nagkaroon sila ng anak. Hinawakan ng kanyang anak ang kamay niya at mahinang nagtanong, “Mommy, bakit ka umiiyak?” Hindi nakasagot si Naomi. Ang tanging gusto niya ay tumalikod at tumakbo palayo. Pitong taon na ang nakararaan, si Naomi ang naging tampulan ng tukso sa St. Aurelius University nang lihim siyang maging girlfriend ng school heartthrob na si Cormac Lagdameo. Inakala niyang tunay ang pagmamahal nito sa kaniya hanggang sa winasak ng malamig na tinig nito ang kanyang puso. “It’s just for fun. I’m going abroad soon.” Naomi ended that bitter love. Ngayon, muling pinagtagpo sila ng tadhana. Pilit na lumalayo si Naomi, ngunit hindi siya pinakawalan ni Cormac. Ginamit nito ang kapangyarihan, at kayamanan upang muling itali siya sa mundo ng lalaki. "Dr. Lagdameo, may asawa na ako." Sa loob ng marangyang Maybach, mahigpit na hinawakan ng lalaki ang kanyang baywang bago siya mariing hinalikan. “Naomi, let me be your lover. I’m richer, younger, and I’ll give you a better experience than him.” Seven years ago, she was his secret girlfriend. Now, he’s begging to be her lover.
Romance
104.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire and his Maid

The Billionaire and his Maid

ladyaugust
Si Alexis ay isang dalagang puno ng pangarap sa buhay. Pero paano niya matutupad ang pangarap kung puro naman kamalasan ang nangyayari sa kanya? Nawalan na ng magulang, at ngayon namang binubuhay ng mag-isa ang sarili ay natanggal pa siya sa trabaho? Hanggang panaginip nalang ba ang kanyang mga pangarap? Paano kung isang araw ay makatagpo at makilala niya si Colt isa sa mga top billionaires sa bansa.Subalit sa kabila ng pagiging bilyonaryo nito ay marami ang naghahangad sa kanyang kayamanan at kapangyarihan na naging mitsa ng buhay nito. Ang binata na kaya ang makakapagpabago ng kanyang kapalaran o isa rin ito sa magdadala ng kamalasan sa kanyang buhay?
Romance
102.9K viewsOngoing
Read
Add to library
MY TEXTMATE, MY HUSBAND

MY TEXTMATE, MY HUSBAND

Natasha Del Mundo suffered from the most painful heartbreak in college. Kaya naman hirap na siyang magtiwalang muli sa iba. But one day, she got a text message telling, "Can you be my textmate?" Napataas ang kilay niya. Sino pa ba naman ang makikipag-textmate sa panahong iyon, na uso na ang chat? At papaano nakuha ng kung sinong poncio pilatong iyon ang number niya? However, instead of avoiding who he is, she finds herself texting back. But until one day, she met Cedrick Thompson; the most successful billionaire-engineer and a businessman. A man that could easily get what he wants. Pero hindi iyon uobra kay Natasha. Kahit ito pa ang pinakamayamang nilalang sa balat ng lupa, hindi siya papatol sa lalaking nuknukan ng antipatiko. Never! Pero bakit ganoon? Kahit anong iwas niya kay Cedrick, he still got into her nerves. Ang masama pa noon, pareho siyang nahuhulog sa lalaki at sa ka-textmate niya. Sino ngayon ang pipiliin niya?
Romance
102.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Akala ng Sekretarya ay Kabet Niya Ako

Akala ng Sekretarya ay Kabet Niya Ako

Sa wakas ay nabuntis na ako pagkalipas ng tatlong taon ng kasal. Papunta na ako sa asawa ko bitbit ang baong tanghalian sa kamay ko para sabihin sa kanya ang magandang balita. Pero napagkamalan akong kabet ng kanyang sekretarya. Itinapon ng babae ang pagkaing ihinanda ko sa ulo ko, hinubaran ako, at patuloy akong hinampas hanggang sa malaglagan ako. “Katulong ka lang. Ang lakas naman ng loob mong akitin si Mr. Gates at ipagbuntis ang anak niya? “Ngayon, sisiguraduhin kong pagdurusahan mo ang mga kahihinatnan ng pagiging kabet!” Pagkatapos ay pinuntahan niya ang asawa ko para manghingi ng gantimpala. “Mr. Gates, sinuway ko na ang katulong na gustong mang-akit sa’yo. Paano mo ako gagantimpalaan?”
Read
Add to library
His Comeback

His Comeback

Gaile Lucresia
She's Samantha Destiny Salcedo an independent woman that can't move on on her past. Her boyfriend way back in college is Dylan Archer Fortel, sadly they broke up. Sa paghahanap niya ng trabaho napakaraming tumawag at isa na dito ang Archer's Group of Companies which remind her of her ex-boyfriend. However, she's not expecting that he will be her boss and she will be his employee. Sa hindi inaasahan na pagsasamahan dahil sa trabaho kahit ipinangako ni Samantha sa sarili na hanggang employee at boss ang namamagitan sa kanilang dalawa ay hindi niya magawang mapigilang mapaibig muli kay Dylan. He's still the man that she met in the past. Her love one five years ago. Now, she's torn between moving on or be with him even if it breaks her heart into pieces? Susugal pa ba siya lalo na at sila pa din ng babaeng kalaguyo niya noon?
Romance
2.2K viewsOngoing
Read
Add to library
HEARTLESS MARRIAGE WITH THE COLD BILLIONAIRE

HEARTLESS MARRIAGE WITH THE COLD BILLIONAIRE

Sa limang taon nilang kasal, kailanman ay hindi naramdaman ni Aina na asawa siya ni Alexander Montero. Ang lalaking minsan niyang iniligtas, ang dahilan kung bakit siya ngayon ay pilay, ay nanatiling malamig at mailap, at bawat taon, parehong relo lang ang ibinibigay bilang regalo. Hanggang sa gabing narinig niya itong umuungol ng ibang pangalan. Si Juliana. Ang babaeng unang minahal ni Alex, at ang babaeng bumalik para bawiin ang lahat. Habang muling bumabalik si Julie sa buhay ni Alex, unti-unti namang napupuno ng sugat ang puso ni Aina. Pero ngayong may pagkakataon na siyang makaalis, pipiliin ba niyang manatili sa piling ng lalaking hindi siya kayang mahalin o tuluyan nang tapusin ang isang kasal na kailanman ay hindi naging kanya?
Romance
56 viewsOngoing
Read
Add to library
That Night I Slept With My Husband's Brother

That Night I Slept With My Husband's Brother

Hindi inakala ni Naya Cervantes na mauuwi sa kama ang bachelorette party niya ng gabing ‘yon, kasama ang isang lalaking hindi niya kilala. Pero ang mas nakakagulat sa lahat, paggising niya kinaumagahan ay may suot na siyang wedding ring, at kasal na raw siya rito. Determinado siyang kalimutan ang nangyari sa kanila ng estrangherong lalaki. After all, ikakasal na siya kay Diego Del Valle, ang lalaking mahal niya. Pero sa araw ng kasal nila ay isang hindi inaasahang twist ang sumalubong sa kanya. Ang lalaking nakasama at nakasiping niya ay walang iba kundi si Dante Del Valle, ang kakambal ni Diego. Ngayon ay hawak ni Dante ang sikreto nila. Para hindi ito mabunyag ay may hinihingi itong kapalit mula kay Naya—She must be available to him whenever he wants her.
Romance
10282 viewsOngoing
Read
Add to library
Unofficially Yours

Unofficially Yours

“Sampung milyon. Magpapanggap ka lang na buntis ka na at fiancee kita sa buong tatlong buwan. Matutulungan kita, matutulungan mo ‘ko,” pakiusap ang certified f*ckboy ng taon na si Joaquin sa bestfriend nyang si Abby. She agreed straight away. Seeesh! So easy. Chicken feed! No big deal. Walang malisya. Halos parang nakikitira na rin sya sa penthouse ni Joaquín sa dami ng gamit nya. And so she convinces herself. Pero habang tumatagal, lalong nagiging kumportable para sa kanya ang penthouse nito at lalong lumalamig ang mga gabi tuwing mahihiga sya na nasa kabilang dulo ng malambot kama ang bestfriend. Paano nya kokontrolin ang damdaming noon pa gustong makawala? Paano nya lalabanan ang sinasabi ng isip nya bestfriend lang sya? Hanggang kailan nya kaya kayang panghawakan ang kanyang pagpapanggap?
Romance
107.0K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
1516171819
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status