Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Brother's Best Friend (Filipino)

My Brother's Best Friend (Filipino)

Matagal na si Divine na may gusto sa best friend ng Kuya Ivan niya na si Marcus ngunit nililihim lang niya 'yon. Hindi niya sinasabi 'yon dahil nahihiya siyang umamin na may gusto siya rito. Ulilang lubos na silang dalawa ng kuya niya. Isang araw ay kinailangan ng Kuya Ivan niya na pumunta sa ibang bansa dahil napili itong isama ng boss nila na magtatagal ng isang buwan. Hindi naman puwedeng tumanggi ang kuya niya kaya pumayag ito. Ang problema lang ay wala siyang makakasama sa bahay nilang dalawa. Ayaw pa naman ng kuya niya na mag-isa lang siya. Naisip ng Kuya Ivan niya na doon muna patirahin sa bahay nilang dalawa na magkapatid ang best friend nito na si Marcus para may kasama siya. Mapagkakatiwalaan naman ito at higit sa lahat ay babantayan siya. Imbis na matuwa ay kinabahan si Divine matapos niyang malaman 'yon na ang matagal na niyang gusto na lalaki ay ang makakasama niya sa bahay nila habang wala ang kuya niya. Ano kaya ang posibleng mangyari sa kanilang dalawa na magkasama sa iisang bubong? Masabi kaya ni Divine ang totoong nararamdaman niya para kay Marcus? May chance kaya na mahalin rin siya ni Marcus pabalik kung umamin siya ng totoong nararamdaman niya para dito?
1015.7K viewsCompletedAdded to Library 598 Times as my husband's lover
Read
+Library
My Billionaire Ex’s Dangerous Obsession

My Billionaire Ex’s Dangerous Obsession

Apat na taong minahal nina Ethan at Caprice ang isa’t isa—apat na taong puno ng pangarap, pangako, at tiwalang akala nila’y hindi kailanman masisira. Tatlong taon silang nagsama sa iisang bubong, sabay humarap sa hirap ng buhay-estudyante, sabay nangarap ng mas maayos na kinabukasan. Nangako si Ethan na pagkatapos ng graduation nila sa kolehiyo, papakasalan niya si Caprice at bubuo na sila ng pamilyang matagal na nilang pinapangarap. Ngunit isang araw, bigla na lamang gumuho ang lahat. Sa isang iglap, nauwi sa hiwalayan ang akala nilang habambuhay. Para kay Ethan, malinaw ang dahilan—iniwan siya ni Caprice dahil sa ibang lalaki. Isang pagtataksil na nagdurog sa kanyang puso at tuluyang nagbago sa lalaking minsang marunong magmahal. Hindi niya alam na sa likod ng katahimikan ni Caprice ay may isang desisyong ginawa hindi para sa sarili, kundi para sa kapakanan nilang dalawa. Lumipas ang mga taon. Nagbago ang mundo, nagbago ang kanilang mga buhay—at nagbago si Ethan. Mula sa simpleng binata, isa na siyang makapangyarihang bilyonaryo. Akala ni Caprice, sapat na ang panahon para kalimutan siya ng lalaking minsan niyang minahal. Akala niya, tapos na ang lahat. Ngunit mali siya. Sa muling pagkikita nila, malinaw ang isang bagay—hindi pa tapos si Ethan. Hindi pa rin siya handang pakawalan si Caprice. At sa pagkakataong ito, ang pagmamahal na minsang naging sandalan nila… ay isa nang mapanganib na obsesyon. Hanggang saan siya handang pumunta para mabawi ang babaeng minsan niyang tinuring na kanya? At hanggang kailan tatakbo si Caprice mula sa nakaraan na ayaw siyang bitawan?
10952 viewsOngoingAdded to Library 31 Times as my husband's lover
Read
+Library
Loving My Brother: Thrale’s Stupidity

Loving My Brother: Thrale’s Stupidity

Bakit ganoon? Bakit ako nakakaramdaman nito? Nakadidiri. Nasasaktan ako because he can't love me back? So over acting and what a stupid, Thrizel? Talagang hindi niya ako mamahalin pabalik, magkapatid kami. Doon palang dapat ay alam ko na pero ako itong pilit na bumubuo ng sariling pag-asa.
14.3K viewsCompletedAdded to Library 473 Times as my husband's lover
Read
+Library
Marrying My Ex-Fiance's Uncle

Marrying My Ex-Fiance's Uncle

    Malaki ang utang na loob ni Amaya sa pamilyang Santiago na umampon sa kanya. Ngunit hindi niya akalain na darating ang araw na sisingilin siya ng mga ito sa pag ampon sa kanya.     At ang kabayaran na hinihingi nila ay ang magpakasal sa pamilyang Evans na isa sa pinakamayamang pamilya na kilala sa kanilang bansa, si Richard Evans, ang unang apo ng mayamang pamilya.     Dahil sa utang na loob niya at pagpapalaki ng pamilyang Santiago ay walang naging pagtutol si Amaya kundi ang sundin ang kagustuhan nila.     Sa pagpayag niya, naging maganda ang kasunduan ng pamilyang Santiago at Evans. Naitakda ang kanilang kasal. Naging maganda naman ang kanyang relasyon kay Richard sa kabila ng katotohanan na sa kasunduan lamang sila nagkakilala.     Ngunit ang akala niya na perpekto na ang lahat, gumuho iyon bigla sa mismong gabi bago ang kanilang kasal, nasaksihan ni Amaya ang pagtataksil ni Richard, at hindi lang sa kung sinong babae kundi sa tunay na anak ng pamilyang umampon sa kanya.     Hindi siya nagsalita, at walang balak si Amaya na kumptontahin si Richard. Tumalikod siya, taas ang noo niyang humakbang palayo.     Para mailabas ang sama ng loob sa nasaksihan, inaliw niya ang sarili sa pag inum, hanggang sa malasing siya ng tuluyan.      At sa gabing iyon ng kanyang kalasingan, doon na mas naging magulo ang takbo ng kanyang buhay. Nakilala niya ang batang tiyuhin ng kanyang fiance. At hindi lang simpleng pagkakakilala, kundi nagising siya sa kalasingan na katabi ang isang Kent Evans.
101.8K viewsOngoingAdded to Library 73 Times as my husband's lover
Read
+Library
Abducted By My Father's Enemy

Abducted By My Father's Enemy

Halos pagsakluban ng langit si Ambria nang malaman niyang namatay sa brutal na paraan ang kanyang ama. Ngunit sa kabila ng bilin sa kanya ng kanyang ama na huwag uuwi ng Pilipinas ay hindi niya sinunod ito at umuwi siya upang ipagluksa ang pinakamamahal niyang ama. Ngunit nang pabalik na siya sa Europe upang ituloy ang kanyang Buhay ay hinarang ang kotseng sinasakyan niya patungong airport. Kinidnap siya ng armadong mga lalaki at ikinulong sa madilim na kuwarto. Hindi siya nakaramdam ng takot dahil alam niya ang kanyang kapalaran sa kamay ng mga kumidnap sa kanya at hinanda na niya ang kanyang sarili na mamatay at sumunod sa kanyang mga magulang. Ngunit paano kung hindi kamatayan kundi kasal sa Isang estranghero ang i-alok sa kanya upang makalaya? Papayag ka siya sa kasunduan? O papayag siya upang mahanap at makapaghiganti sa taong tumapos sa Buhay ng kanyang natitirang magulang?
103.3K viewsOngoingAdded to Library 83 Times as my husband's lover
Read
+Library
My Ex's Uncle Owns Me

My Ex's Uncle Owns Me

Warning (R18) SPG Novel... Akala ni Ranzzel Layaoen, ang pinakamalaking dagok sa buhay niya ay ang pagkawasak ng kanyang pamilya at puso. Pero mas matindi pa pala ang kapalit—isang kasal na walang pagmamahal sa isang billionaire director doctor kilalang coldhearted at nakatali sa wheelchair, si Vincentius Vaughn. Para lang mailigtas ang negosyo ng pamilya, pumayag siyang maging asawa niya… kapalit ng isang kontrata. Ngunit nang matagpuan niya si Vincentius sa dalampasigan—walang malay, may amnesia, at higit sa lahat… nakakalakad—unti-unting nagbago ang lahat. Sa simpleng buhay na malayo sa lungsod, natuklasan niya ang isang bagong Vincentius—maalaga, mapagmahal, at tila matagal na siyang minahal noon pa man. Pero paano kung bumalik ang kanilang nakaraan? Paano kung ang totoong banta sa kanilang buhay ay hindi pa tapos? At paano kung ang akala niyang panandaliang kasunduan ay isa palang pag-ibig na itinadhana?
106.0K viewsOngoingAdded to Library 120 Times as my husband's lover
Read
+Library
My Uncle is My Daddy!

My Uncle is My Daddy!

Rhenkakoi
"I can't marry Nathan, kailangan kong makalayo dito ngayon kasama si Milo. I should not marry him because his brother is Grey!" nanginginig na ani ni Samantha na ikinakunot-noo ng kaniyang bestfriend na si Shaina. "What do you mean? Sam, ilang oras nalang ikakasal ka na kay Nathan tapos bigla kang uurong because of Grey?! Can you explain to me why kasi naguguluhan ako, parang okay pa naman ikaw being with Grey sa family dinner last night ah." "Sh-Shaina, this marriage is a mistake. Hindi puwedeng malaman ni Nathan, lalo na ni Grey na anak niya si Milo." lumuluhang pag-amin ni Samantha na ikinalaki ng mga mata ni Shaina sa gulat. "Ano?! Yo-you mean, si Grey ang naka one night stand mo seven years ago?! Siya ang ama ni Milo?!" Paano matatakasan ni Samantha ang katotohanang pilit man niyang ilihim, ay panahon na ang gumagawa ng paraan upang malaman ito. Matupad pa kaya ni Samantha ang pangako niya sa kaniyang anak na mabigyan ito ng masayang pamilya, gayong naalala na ni Samantha na ang gabing naibigay niya ang sarili niya kay Grey ay kapatid pala ng lalaking dapat na pakakasalan niya. How can Samantha explain to her son, that the uncle he was fond off, is actually his father? And what will Samanta will do, once Grey remembered her and start to claim her son and also asking of claimng her? Will everything will be alright between her, Nathan and Grey? Will Milo, a seven year old smart boy, accept the fact that his handsome uncle is actually his real father? "My Uncle is my daddy?"
102.4K viewsOngoingAdded to Library 60 Times as my husband's lover
Read
+Library
My Crush, My Groom (Tagalog)

My Crush, My Groom (Tagalog)

Penelope Samiento ang isang babaeng hindi man gano'n ka talino at kagandahan ngunit siya naman ay puno ng saya, nangangarap ng isang lalaking kinahuhumalingan niya si Darrel Lim, isang vocalista ng banda sa school nila. Suplado pero gwapo at higit sa lahat matalino. Paano kaya kung pagbuklodin sila ng tadhana at itinakdang ikasal para sa isang kasunduan? Magiging masaya kaya sila sa kabila ng pagiging magka-iba?
9.857.0K viewsCompletedAdded to Library 1.9K Times as my husband's lover
Read
+Library
The Billionaire's Bride Secret Husband

The Billionaire's Bride Secret Husband

Isang construction worker at isang CEO, langit at lupa, kahirapan at karangyaan. May mabubuo bang pag-ibig sa pagitan ng dalawang tao na malayo ang agwat ng estado sa buhay? O mababago niyon kung puso na ang magdidikta?
65 viewsOngoingAdded to Library 1 Times as my husband's lover
Read
+Library
The Delivery Girl Billionaire's Husband

The Delivery Girl Billionaire's Husband

Pagkatapos makasaksi ni Andres Cavellana, isang bilyonaryong lalaki, ng isang krimen. Sumailalim siya sa witness protection upang hindi malagay sa panganib ang kaniyang buhay ngunit ayaw niyang magkaroon ng security guards, kaya naman nagsinungaling siya sa kaniyang lolo at sinabing may girlfriend siyang former secret service agent. Pumayag ang lolo niya, ngunit may isang kondisyon, kailangan niyang pakasalan ito at tumira sa private villa nila sa Batangas. Samantala, nalagay sa panganib ang trabaho ni Andy De Guzman na isang delivery girl rider ng maling package ang maipadala niya kay Andres. At upang hindi siya isumbong ng lalaki sa manager niya, para hindi mawala ang kaniyang trabaho, pumayag siya sa alok nitong kasal. Ngunit handa nga ba si Andy sa mga kakaharapin niya pagkatapos niyang pumayag sa alok nito? Kaya niya bang pigilan ang kaniyang pusong umibig kay Andres?
103.7K viewsOngoingAdded to Library 102 Times as my husband's lover
Read
+Library
PREV
1
...
3738394041
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status