กรองโดย
กำลังอัปเดตสถานะ
ทั้งหมดยังไม่จบจบแล้ว
จำแนกโดย
ทั้งหมดเป็นที่นิยมที่แนะนำคะแนนการอัปเดต
Married to the Wrong Billionaire

Married to the Wrong Billionaire

Naniniwala si Sloane Persephone Rivera o mas kilala sa tawag na Percy na ang tanging makakapagligtas lang sa pamilya niya laban sa kahihiyan ay iyong pumayag siya na makipagpalit nang pwesto sa kanyang kakambal na si Blaire sa kasal nito pansamantala. Pero nagbago ang lahat nang 'yon nang maaksidente si Blaire at magpanggap si Percy bilang kakambal niya at mapunta sa buhay na hindi naman niya kinabibilangan. Hindi handa si Percy na makilala ang lalaking pinakasalan niya noong araw na 'yon lalo na ang pakisamahan ang ugali nito. Nangako siya sa sarili niya na kahit kailan ay hindi mahuhulog ang loob niya sa lalaking hindi naman niya talaga asawa dahil nagpapanggap lang naman siya.Pero sa bawat gabi na nagkakasama sila sa iisang bubong, mga pag-uusap at tawanan na tanging sila lamang ang may alam, ay unti-unti no'n nabasag ang pader na pilit niyang itinatayo para protektahan ang sarili niya. Nakulong si Percy sa pagkatao na kailanman ay hindi niya pinili na naging sanhi nang pagkahulog niya sa lalaking hindi niya naman dapat mahalin pero aksidente niyang minahal. Ang mapaglinlang ba na pag-ibig ay kayang mabuhay kapag dumating na ang katotohanan? Paano kung kailan handa ka nang ipaglaban ang taong mahal mo ay saka pa bumalik ang taong nagmamay-ari naman talaga nito?
544 viewsยังไม่จบถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 19 ครั้งในชื่อ na at nang
อ่าน
+ห้องสมุด
Niligatas Ng Aking Fiance Ang Kaniyang Dream Girl

Niligatas Ng Aking Fiance Ang Kaniyang Dream Girl

Isang puwesto na lang ang natira sa lifeboat nang lumubog ang yate, ako ang pinili ni Hendrix Zuckerman. Nailigtas ako, pero hindi ko kasing palad si Yana Bridgeton. Hindi na niya nahintay ang ikalawang lifeboat nang malunod siya sa karagatan, tuluyan na ring nawala ang kaniyang katawan. Nagkunwari si Hendrix na wala siyang pakialam habang ipinagpapatuloy niya ang aming kasal nang naaayon sa aming plano. Sa limang taon naming pagsasama pagkatapos naming ikasal, inginudngod niya ako sa dumi habang sinisisi niya ako sa pagkamatay ni Yana. At nang manghingi ako ng divorde dahil hindi ko na ito kaya pang tiisin, napagdesisyunan niyang mamatay kasama ko. Nang muli kong imulat ang aking mga mata, bumalik ako sa araw kung kailan nangyari ang aksidente sa yate. Pero sa pagkakataong ito, napagdesisyunan ko na bigyan ng tiyansang mabuhay ang taong pinakamamahal niya.
2.2K viewsยังไม่จบถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 86 ครั้งในชื่อ na at nang
อ่าน
+ห้องสมุด
My Real Husband

My Real Husband

Nang madiskbure ni Shaun na mayroong kinalaman ang matalik na kaibigan na si Cianne sa pagkamatay ng kan’yang kakambal na si Matt ay kinidnap niya ito upang parusahan. Nakatakas si Cianne ngunit mabilis niya itong nahanap, ngunit ikinagulat niya nang madiskubreng mayroon itong kambal na anak. Nagbunga pala ang gabing pinagsaluhan nila, na inakala nito’ng siya ay si Matt na matagal na nitong hinahangaan. Binahay niya ang mag-iina, kahit pa taliwas iyon sa kagustuhan ni Cianne. Unti-unti ay nahulog ang loob niya para sa babae. Handa niya ba’ng panindigan ang tibok ng puso kahit pa ito ang rason nang malagim na sinapit ng kan’yang kakambal?
1018.0K viewsจบแล้วถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 522 ครั้งในชื่อ na at nang
อ่าน
+ห้องสมุด
The Mafia Lord's Greatest Sin

The Mafia Lord's Greatest Sin

NottiePha
"Muli akong nabuhay para sa paghihiganti at tapusin ang mission para sa ibang tao." - Saviah Suer. Paano kung isang umaga'y nagising ka na lamang sa isang madilim at masikip na lugar. Ano'ng iyong gagawin kung nalaman mo namatay kana at muling ka lamang na buhay? Not a empress but a heiress. Hindi alam kung sa'n patungo ang buhay dahil sa galit nang kanyang nararamdaman. Pero, na tapos ang lahat nang 'yon na siya'y namatay at muling na buhay sa ibang katawan. At makilala ang lalaking nag-aagaw buhay sa gitna nang kagubatan. Paano kung isang araw ay mag-krus muli ang kanilang mundo at hindi niya inaasahan na alukan siya nito nang kasal?! Tatanggapin kaya niya kung ang kanyang muling pagkabuhay ay may dahilan sa lahat ng nangyayari. May connection sa lalaking kanyang iniligtas? At paano kung sa lahat ng kanyang nakikita at naalala'y may madilim na nakaraan?
102.3K viewsยังไม่จบถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 56 ครั้งในชื่อ na at nang
อ่าน
+ห้องสมุด
Attorney Zander Velasquez Excessively Adores Me

Attorney Zander Velasquez Excessively Adores Me

Alam ni Tessa na hindi siya ganoon kamahal ni Zander, ngunit nanatili pa rin siya sa tabi nito dahil may kailangan siya kay Zander at ganoon din naman ang lalaki sa kanya. Pero nang bumalik ang dating minahal ni Zander, bihira na lamang itong umuwi sa kanila. Nanatili si Tessa sa walang laman na silid, ginugugol ang hindi mabilang na gabi na hindi niya kasama si Zander. Kalaunan, nang mapagod na si Tessa, tinanggap niya ang isang tseke at tuluyan na niyang iniwan si Zander. Nang muli silang magkita, may iba nang lalaking kasama si Tessa. “Mr. Velasquez, ikaw ang unang nakipaghiwalay. If you want to date me, kailangan mong pumila.” — Tessa Jewel Morales. Kinabukasan, nakatanggap si Tessa ng deposito na isang daang bilyong piso at isang dyamanteng singsing. May pag-asa pa kayang magkabalikan ang dalawa? O mas pipiliin ni Tessa na hindi na bumalik sa buhay ni Zander?
101.2K viewsยังไม่จบถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 47 ครั้งในชื่อ na at nang
อ่าน
+ห้องสมุด
PainFul Love

PainFul Love

Ginawang parahusan,binuntis ,saka iniwan nang walang pasabi-sabi! Tapos babalik ka ngayong wala na ang anak natin!" Wala kang kwentang ama! Pinabayaan mo kami nang ating anak!Paano pa ako magtitiwala sayo muli!Kaya nakikiusap ako sayo! lubayan mo na ako! Dahil kahit kaylan hindi mo na ma-ibabalik pa ang buhay nang ating anak! "Maghihiganti ako ! ' Hanggang humihinga pa ako!
105.8K viewsจบแล้วถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 187 ครั้งในชื่อ na at nang
อ่าน
+ห้องสมุด
Adored By My Evil Billionaire Boss

Adored By My Evil Billionaire Boss

Isang gabing puno nang pagkakamali at walang pag-iingat ang bumago sa buhay ni Hermoine. Matapos siyang pagtaksilan nang kanyang pinakamamahal na kasintahan at ipahiya sa isang salu-salo ay nilunod niya ang kanyang pagdadalamhati sa pag-inom ng alak. Nagbabakasali na kahit manlang dito ay maibsan ang sakit na kanyang nararamdaman. Ngunit nang magising siya kinabukasan ay katabi na niya ang isang estrangherong ubod ng gwapo na hindi man lang niya alam ang pangalan. Ang akala niya ay pagkakamali lamang iyon na dapat kalimutan. Kaya ibinaon niya ito sa limot at nagpasyang magpokus na lamang sa pagtatatag ng kanyang buhay at sarili. Ngunit nagbago ang lahat ng kanyang plano nang makita niya ang dalawang pulang linya sa hawak niyang pregnancy test. Buntis siya at hindi niya kilala ang ama nang kanyang dinadala. Nagbunga ang isang beses na gabing pagkakamali sa buhay niya. Dahil sa takot at pag-iisa, nagpasya siyang ilihim ang tungkol sa sanggol at palalakihin niya ito nang mag-isa. Ngunit sa unang araw pa lamang niya sa kanyang trabaho tila mas matindi pa sa palaso ni kupido ang naging epekto nang tadhana. Dahil ang malamig, istrikto at walang awang Billionaire CEO na pumasok sa conference room......ay ang misteryosong gwapong lalaking nakasama niya sa gabing iyon na hinding-hindi niya makakalimutan. Wala sa sariling napaisip siya sa kanyang anak. 'Ang Milyonaryong Boss Ko ay Ang Tatay ng Anak Ko?' Sigaw nang kanyang isipan. Ano na ang gagawin niya ngayon? Si Chase Justin Monteverde, ang bilyonaryo na dating naniniwalang kahinaan lamang ang pag-ibig ay unti-unting nahuhumaling sa misteryosong empleyada at sa batang tila may kakaibang pagkakalapit sa kanya. Ano ang mangyayari kapag nalaman niya ang katotohanan na ang batang kinahuhumalingan at napalapit na sa puso niya ay siya ring sarili niya palang anak? ~ADORED BY MY EVIL BILLIONAIRE BOSS~ M.A.B. WRITES
10126 viewsยังไม่จบถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 3 ครั้งในชื่อ na at nang
อ่าน
+ห้องสมุด
Not a One-Night Stand

Not a One-Night Stand

Matapos malaman ni Mallory Natividad na ang kapatid at boyfriend niya ay may relasyon at suportado pa ito ng mga magulang niya ay naisipan niyang pumunta sa isang bar sa pag-asang makakalimutan niya ang nakita at ilabas lahat ng sakit na nararamdaman niya. Pero nagkakamali siya dahil kahit ilang baso na ang nainom niya ay hindi pa rin siya nakakalimot. Naglasing siya nang naglasing hanggang sa may lumapit sa kaniya na lalaki. Sa sobrang kalasingan niya ay hindi na siya umangal nang inaya siya nito papunta sa kung saan. May ideya na siya sa kung anong mangyayari sa kanilang dalawa pero sa halip na matakot siya ay para bang gusto niya rin ito. Ang gabi nila ay parehong nagtapos sa isang mainit at masarap nang magkasama sa iisang kama. Kinabukasan, nang makita niya ang lalaking nakasiping niya ay hindi siya makapaniwala nang nakilala niya ito. Ito ay si Cargorios Mertimor, kilala bilang isa sa pinakabata at pinakamayaman sa buong mundo— at higit sa lahat ay kilala bilang isang womanizer. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya kaya dali-dali na lang siyang umalis nang hindi nagigising ang lalaki. Ilang linggo lang ang nakalipas ay hindi niya inaasahan na magbubunga pala ang nangyari sa kanila at mas lalong hindi niya aakalain na magtatapong muli ang landas nila. Inaakala niyang magiging maayos lang ang lahat nang sumama siya kay Cargorios, pero hindi niya aakalain na ito na pala ang simula ng pagkagulo ng buhay niya. Hindi niya inaasahan ang natuklasan niyang plano ni Cargorios na nagpawasak sa kaniyang puso. Dahil doon ay kailangan niyang mamili. Pipiliin niya ba ang sarili niyang kasiyahan, o ang kapakanan ng kaniyang anak na nasa kaniyang sinapupunan?
102.7K viewsยังไม่จบถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 97 ครั้งในชื่อ na at nang
อ่าน
+ห้องสมุด
Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge

Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge

Anim na taon ang nakalipas nang walang-awang hiniwalayan ng mayamang si Celine Villareal ang scholar na si Jaxson De Silva. Ngayon, nagkabaliktad na ang ikot ng mundo. Si Celine ay naghihirap at baon sa utang mula sa isang mapang-abusong pagsasama, habang si Jax ay isa nang tanyag at makapangyarihang abogado. Muli silang pinagtagpo ng tadhana nang si Jax ang naging tanging pag-asa ni Celine upang makalaya. Malamig ang trato ng abogado at puno ng sumbat ang bawat salita, tila ipinamumukha na ang pagdurusa ng babae ay kabayaran sa nakaraan. Ngunit sa likod ng maskara ng poot, nagliliyab pa rin ang dating damdamin. Nang tangkain ni Celine na lumayo, gumuho ang pagpipigil ni Jax. Hindi siya nagbalik para manisi, kundi upang siguraduhing hindi na ito muling mawawala. Ang poot ay isa lamang mapanganib na anyo ng pagnanasa.
363 viewsยังไม่จบถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 13 ครั้งในชื่อ na at nang
อ่าน
+ห้องสมุด
She Was Never the Billionaire's Choice-Until She Left

She Was Never the Billionaire's Choice-Until She Left

Sa loob ng pitong taong pagsasama, manhid at parang yelo lamang ang pakitungo ni Samuel, Varron sa kanya, habang si Mauren Piñeda naman ay lagi lang nakangiti. Dahil mahal na mahal niya ito, naniniwala siyang balang araw ay mapapalambot din niya ang puso nito. Pero ang hinihintay niya ay hindi iyon. Sa halip, ang sumalubong sa kanya ay ang pagkahulog nito agad sa ibang babae at ang iparamdam dito ang pagmamahal at pag-aarugang matagal na niyang inaasam. Pilit pa rin niyang pinangatawanan ang pagsasama nila. Hanggang sa dumating ang kaarawan niya lumipad pa siya nang malayo para makasama ang asawa at anak, pero iniwan siya nito para samahan ang ibang babae. Naiwan siyang mag-isa sa malaking bahay. Doon na tuluyang nawalan ng pag-asa si Mauren. At nang makita niyang mas gusto pa ng anak niya na yung babae ang maging ina nito, wala na siyang naramdaman kahit kaunting sakit o awa. Gumawa siya ng kasunduan sa diborsyo, isinuko na rin ang kustodiya sa anak, at umalis nang buong dangal. Hinayaan na lang niya ang mag-ama at naghintay na lang ng papeles. Iniwan niya ang pamilya at bumalik sa trabaho. Yung dating minamata ng lahat, ngayon ay madali nang kumita at umabot ang yaman niya sa mahigit isang-daang bilyon. Pero naghintay siya nang matagal, wala pa ring lumabas na papel. At ang mas nakakagulat, yung lalaking dati na ayaw umuwi, ngayon ay parang linta na kung dumikit ay araw-araw nang umuuwi. Nang malaman niyang desidido na siyang makipaghiwalay, hinarang siya nito sa isang sulok at seryosong sinabing, "Diborsyo? Imposible 'yan.”
10330 viewsยังไม่จบถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 8 ครั้งในชื่อ na at nang
อ่าน
+ห้องสมุด
ก่อนหน้า
1
...
910111213
...
50
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status