Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
To love or To kill

To love or To kill

Ginoong Hugotero
Dalawang taong anibersaryo ng mag-asawang Dindo at Annabelle, pinaghanda ni Annabelle ang asawa ng mga paborito nitong pagkain upang kanilang pagsaluhan. Gabi na noon at wala pa rin ang asawa niya, matiyaga siyang naghintay hanggang sa umuwi itong lasing, labis-labis ang pagkainis niya sa asawa sapagkat hindi nito naalala ang mahalagang okasyon ng kanilang pagsasama. Hindi niya inasahan ang pangyayaring bumago sa takbo ng kanilang pagmamahalan. Napagtanto ni Annabelle na mayroong kerida ang kaniyang asawa at ito'y inamin din naman nito sa kaniya. Nang gabing iyon ay pinahirapan siya nito, niyurakan ang kaniyang pagkababae at dangal. Kinulong siya nito sa loob ng basement. Akala niya ay doon na siya mamalagi nang mahabang panahon ngunit sa kabutihan palad ay nakaligtas siya mula sa madilim na basement na iyon sa tulong ng kaniyang pinsan na si Slyvia. Lumipas ang isang taon ay hindi pa rin nakalilimutan ni Annabelle ang masalimuot na pangyayari ng kaniyang buhay sa kamay ng dating asawa. Sa isang grocery store ay nagtagpo ang landas nilang mag-asawa kasama ang kabit nitong si Carla, walang kaalam-alam ito na kaharap na pala nito ang asawa ni Dindo. Hindi naglaon ay bumaliktad ang mundo nina Dindo at Annabelle matapos pumayag ni Dindo na maging drayber ng dating asawa. Nakilala rin ni Annabelle si Mr. Khou at nahumaling ito sa kaniya. Kitang-kita ni Annabelle ang pagngingitngit ng dating asawa kaya naman sinamantala niya ito. Umaayon ang takbo ng panahon sa kaniyang mga binabalak para sa dating asawa. Sa pagpapatuloy ng kuwento ay nais lang naman ni Annabelle na makapaghiganti sa kaniyang asawa dahil sa madilim na karanasan niya rito na siyang dahilan ng pagkawala ng kaniyang kauna-unahang baby. Makakayanan bang mahalin muli ang taong nakapanakit sa iyo? O handa mong dungisan ang iyong mga kamay para makapaghiganti sa kaniya?
Romance
101.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Minamahal Lang Ako ng Tatay Ko Pagkamatay Ko

Minamahal Lang Ako ng Tatay Ko Pagkamatay Ko

Ang anak ng first love ng tatay ko ay nagdusa sa heatstroke dahil iniwan ito sa sasakyan, kaya itinali niya ako sa galit at ikinulong ako sa loob ng kotse. Tinignan niya ako nang may labis na pagkamuhi at sinabing, “Wala akong malupit na anak na tulad mo. Manatili ka rito at pagnilayan mo ang sarili mo.” Nagmakaawa ako sa kanya, humingi ako ng kapatawaran sa kanya, at nakiusap na palabasin niya ako, pero ang nakuha ko lang bilang kapalit ay ang kanyang malupit na utos. “Maliban kung mamatay siya, walang sinong pwedeng magpalabas sa kanya.” Nakaparada ang kotse sa garahe. Walang makarinig sa akin kahit gaano kadaming beses akong sumigaw. Makalipas ang pitong araw, sa wakas ay naalala niya ako at nagpasyang palabasin na ako. Gayumpaman, wala siyang ideya na namatay na ako sa loob at hindi na muling magigising.
Read
Idagdag sa library
My Uncle is My Daddy!

My Uncle is My Daddy!

Rhenkakoi
"I can't marry Nathan, kailangan kong makalayo dito ngayon kasama si Milo. I should not marry him because his brother is Grey!" nanginginig na ani ni Samantha na ikinakunot-noo ng kaniyang bestfriend na si Shaina. "What do you mean? Sam, ilang oras nalang ikakasal ka na kay Nathan tapos bigla kang uurong because of Grey?! Can you explain to me why kasi naguguluhan ako, parang okay pa naman ikaw being with Grey sa family dinner last night ah." "Sh-Shaina, this marriage is a mistake. Hindi puwedeng malaman ni Nathan, lalo na ni Grey na anak niya si Milo." lumuluhang pag-amin ni Samantha na ikinalaki ng mga mata ni Shaina sa gulat. "Ano?! Yo-you mean, si Grey ang naka one night stand mo seven years ago?! Siya ang ama ni Milo?!" Paano matatakasan ni Samantha ang katotohanang pilit man niyang ilihim, ay panahon na ang gumagawa ng paraan upang malaman ito. Matupad pa kaya ni Samantha ang pangako niya sa kaniyang anak na mabigyan ito ng masayang pamilya, gayong naalala na ni Samantha na ang gabing naibigay niya ang sarili niya kay Grey ay kapatid pala ng lalaking dapat na pakakasalan niya. How can Samantha explain to her son, that the uncle he was fond off, is actually his father? And what will Samanta will do, once Grey remembered her and start to claim her son and also asking of claimng her? Will everything will be alright between her, Nathan and Grey? Will Milo, a seven year old smart boy, accept the fact that his handsome uncle is actually his real father? "My Uncle is my daddy?"
Romance
101.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
One Night Best Mistake

One Night Best Mistake

“Let’s make a deal. Papayag ka sa kasal—just for show. Para kay grandpa. Name only, no real marriage. No interference in each other’s lives. Kapag gumaling si Lolo, magdi-divorce tayo. Bilang kapalit, bibigyan kita ng financial compensation.” Napamaang si Nathalie. Compensation? Hindi niya naituloy ang pagtanggi. Naalala niya ang kapatid niyang naghihintay ng pambayad para sa gamutan. Isa pa, kaya naman talaga siya pumunta sa Zamora ay para humiram ng pera. Nakita ni Cedric ang pag-aalinlangan niya. Dagdag pa nito, “As long as you agree, kahit magkano—ikaw ang bahala.” Tahimik na nagbilang si Nathalie ng hininga. Ilang sandali pa, tumango na siya. “Okay, I agree.” Bahagyang ibinaba ni Cedric ang paningin, tinatago ang malamig na ngiti sa kanyang mga mata. ‘Isang babaeng kayang ipagbili ang kasal para sa pera… how cheap,’ naisip niya.
Romance
405 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Once Again

Once Again

Clefairy
Nagising si Cresia sa nakakasilaw na liwanag. Iginala niya ang paningin. She found myself lying on the cold ground. Huling naalala niya, habang pabalik siya sa condo... may nakita siyang batang babae sa kabilang bahagi ng kalsada. The girl was about to get hit by a car but she saved her. Bumangon siya at muling iginala ang tingin sa paligid. Nasaan na ang batang iniligtas niya? Where is she now? Napapikit siya nang tamaan ang mata ng sinag ng araw. Fuck. At bakit umaga na? Nakatulog ba siya sa daan? Ibinaba niya ang tingin sa sarili. She remember she was covered with blood. But how come she was perfectly fine now? Walang anumang bahid ng dugo ang damit niya... Iginalaw ni Cresia ang kamay. Wala siyang naramdamang anumang masakit doon. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isang paparating na truck. Fuck! Her first instinct is to run. But it is too late. The truck is only meters away from her. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at hinintay ang pagtama niyon sa kanya... But seconds passed. Nothing happened. Walang truck na tumama sa kanya. Bakit? Dahan-dahang idinilat ni Cresia ang mga mata. Wala na ang truck. Bakit? Anong nangyari? Muli niyang inalala ang nangyari kagabi... She was fucking sure she got hit by a car. Hindi kaya...hindi kaya...patay na siya? "Not yet." Isang lalaki ang biglang sumulpot sa tabi niya. Para itong galing sa libing sa suot na damit. Black cape, black pants, black shoes. Everything is black. Even his eyes. They're as dark as his outfit. "S-sino ka?" He smiled to her. Hindi alam ni Cresia kung bakit kinilabutan siya sa ngiti ng lalaki. "I'm Kairos. Your death angel." Death angel? "What? I... I'm...I'm dead?"
104.3K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Unconditional

Unconditional

Prinz Amaranthine Gonzales
Sabi nila, ang buhay daw ay isang walang katapusang pakikibaka. Minsan, ang mga labang kailangan mong pagtagumpayan ay yaong mga hindi mo inaasahan. Handa ka ba sa anumang hamon ng buhay? Gaano kahanda ang puso mo sa mga bagay na ni sa hinagap ay hindi mo akalaing haharapin mo? Paano kung kinakailangan mong mahiwalay sa pinakamahalagang bahagi ng pagkatao mo? muli ka bang babangon para magpatuloy, o hahayaan ang sariling malugmok sa sitwasyong kinalagyan mo? Sa kabilang dako, gaano kalaking sakrepisyo ang handa mong ibigay para sa isang buhay na nakasalalay sayo? Handa mo bang talikdan ang lahat para sa isang responsibilidad na biglang naatang sa mga balikat mo? Ano ang mga hamon na kaya mong suungin, mga pagbabagong kaya mong harapin para sa isang bagay na hindi mo naman lubos na ma-a-angkin? Ang pag-ibig ba ay laging may depinisyon? Lagi ba itong may basihan at kaagapay na kondisyon? Pano kung ang pagmamahal ay ipinagkait ng panahon, mabibigyan pa ba ng isang pagkakataon? Ito ang mga tanong na minsan ko nang naitanong sa sarili ko, at hanggang ngayo'y gumugulo sa isipan ko. Simple lang naman sana ang mithihin ko, subalit bakit ipinagkait ito sa akin? Naalala ko pa kung paano nagsimula ang lahat...
1.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
123
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status