Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Minsan, Madalas (Life Series 1)

Minsan, Madalas (Life Series 1)

Ito ay kuwento ng isang binata at dalaga na bigla na lamang nagkakilala sa hindi inaasahang panghuhula. Si Jaq, isang simpleng I.T student na pilit tinatago sa mga taong malapit sa kaniya ang mga hiwa na siya mismo ang may gawa sa ilalim ng kaniyang paboritong bomber jacket. Si Sining, isang business major at dean's lister sa parehong unibersidad; ang makulit na dalagang gustong pumasok sa magulo at miserableng buhay ng binata. Sa likod ng masigla at makulit na si Sining, ano nga ba ang kaniyang motibo upang ipagsiksikan ang kaniyang sarili sa magulong buhay ni Jaq?
Romance
10194 viewsCompleted
Read
Add to library
Thank Your Stars

Thank Your Stars

Iya Perez
Enemies. Iyan ang uri ng relasyon na mayroon sina Georgianna Ramirez at Eliam Sevilla. Ang kanilang mga magulang ay matalik na magkakaibigan kaya isang malaking palaisipan sa mga ito kung bakit lumaking hindi magkasundo ang dalawa. Bata palang sila ay hindi na sila magkaintindihan sa mga bagay-bagay. At ang kanilang diskusyon ay palaging nauuwi sa mga away. Pareho kasing matalino ang dalawa. At walang ayaw magpatalo sa kanila. Bukod kasi sa palaging magkalaban sa mga patimpalak sa kanilang eskuwelahan ay palagi ring nag-aagawan ang dalawa sa pagiging top 1 sa kanilang klase. Ang kanilang hindi pagkakaunawaan ay nagpatuloy hanggang sa kanilang pagtanda. Kahit graduate na ang mga ito at may kaniya-kaniya nang trabaho, hindi pa rin nagbabago ang tingin nila sa isa’t isa. Parehong rin silang galing sa angkan ng mga negosyante. Hindi pa man sila naipapanganak ay may kasunduan na ang kanilang mga lolo na silang dalawa ang siyang magbibigkis at mag-iisa sa dalawang pamilyang pinagtibay na ng panahon ang pagsasama. At kasal din lang ang natatanging paraan para mailigtas nila sa pagkakabenta ang plantasyon ng manggahan na matagal nang pag-aari ng kanilang pamilya. Pero paano nila gagawin iyon kung hindi naman nila gusto ang isa’t-isa? Handa ba nilang iwan ang kanilang mga karelasyon para lang sa kasal na hindi nila inakalang magaganap nang biglaan? At sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa, posible nga kayang may mabuong pagmamahalan sa pagitan nilang dalawa?
Romance
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
No more secrets, No more lies!

No more secrets, No more lies!

Sa edad na 19, gumuho ang mundo ni Castheophy Ynares nang misteryosong mamatay ang kanyang mga magulang, iniwan siyang nag-iisa upang alagaan ang tatlo niyang nakababatang kapatid. At sa isang iglap, nawala rin ang yaman at seguridad na inaakala niyang habambuhay nilang sandigan. Pero hindi siya sumuko. Sa loob ng limang taon, nagpakahirap siya, tiniis ang lahat ng sakit at gutom, hanggang sa tuluyan siyang makapagtapos bilang Summa Cum Laude sa Ateneo de Iloilo. Ngunit sa pagpasok niya sa bagong mundo bilang isang abogado, isang trahedya ang agad na sumalubong sa kanya—napagbintangan siyang nagnakaw ng mahahalagang files. At doon niya nakilala si Jaiden Wench. Makapangyarihan. Misteryoso. Walang awa. Siya ang lalaking hindi lang may kakayahang manipulahin ang mundo, kundi pati ang puso ni Castheophy. "You think you can escape me, Castheophy?" bulong nito, ang tinig ay malamig at puno ng panunuya. "You stepped into my world—now, you’re mine." Dahil sa isang kontratang wala siyang lusot, napilitan siyang manatili sa piling ni Jaiden. Ngunit sa bawat araw na lumilipas, mas lalong lumalalim ang laban sa pagitan nila. Galit o tukso? Laro o katotohanan? Habang tinutuklas niya ang madilim na nakaraan ng lalaking ito, isang bagay ang hindi niya maitatanggi—unti-unti siyang nahuhulog sa demonyong hindi niya dapat mahalin. Ngunit sa larong ito, may kailangang matalo. May kailangang magsakripisyo. At may kailangang mawala. Sa huli, pag-ibig nga ba ang magpapalaya sa kanya—o ito rin ang tuluyang wawasak sa kanya?
Mafia
10681 viewsOngoing
Read
Add to library
Entrapped To Be His Wife

Entrapped To Be His Wife

Sabi nila mapagbiro raw ang tadhana. At isa si Cassie sa magpapatunay niyon. Nakatakda na siyang ikasal sa long-time boyfriend niya ngunit sa kasawiang-palad bago siya makauwi ng Pilipinas ay nabalitaan niyang nakabuntis ito at nakatakda ng ikasal sa iba. Sa mismong araw ng kasal ng kaniyang nobyo, nagpakalasing siya upang makalimutan ang kabiguan kahit panandalian lamang. Ngunit ang paglalasing na iyon ang tila naglagay sa kaniya sa mas malaking problema. Nagising siyang may katabing lalaki sa kama, marahil dahil sa kalasingan at magulong utak. Nilisan niya ang kuwartong iyon nang walang paalam. Handa na siyang kalimutan ang lahat ng mga nangyari nang biglang sumulpot sa harapan niya ang lalaking nakasama niya ng gabing iyon. Sinabi nitong gusto at handa itong panagutan siya sa ayaw at sa gusto niya. Walang nagawa si Cassie nang sapilitan siya nitong isama sa lugar kung saan ito nakatira. Lalo na't hindi pumayag ang kaniyang mga magulang na madehado siya. Tumira siya sa bahay nito, ang akala ni Cassie ay magiging mahirap para sa kaniya na pakisamahan ito ngunit hindi pala. Mabuting tao si Tristan at naging maalaga sa kaniya dahilan para unti-unting mahulog ang loob niya rito. Magkakaroon nga ba ng happy ending ang namumuong pagmamahalan nila o tuluyang matutuldukan kapag nalaman ni Cassie na ang lalaking natutunan niyang mahalin ay Tiyuhin ng babaeng umagaw sa ex-boyfriend niya. Paano matatanggap ni Cassie na ang pagkakakilala nila ay planado ni Tristan upang protektahan ang pamangkin nito?
Romance
1032.0K viewsCompleted
Read
Add to library
THE BILLIONAIRE'S PROMDI WIFE

THE BILLIONAIRE'S PROMDI WIFE

THE BILLIONAIRE’S PROMDI WIFE Promdi pero palaban. Nang makilala ni Summer ang masungit, mayabang, matapobre at walang puso na si Lyndon Santiago, hindi siya nagpatalo dito. Nagpaalam agad siya pagkatapos ng tatlong araw na bakasyon sa townhouse nito kahit pa nangako ito na tutulungan siya sa napakabigat niyang problema. Pero hindi siya nito pinayagang umalis. Sa halip, sumama ito sa probinsya nila sa Quezon Province at ‘nanilbihan’ sa kanya gaya ng ordinaryong binata dahil gusto raw nitong ‘maningalang-pugad’ sa kanya at itama ang lahat. She fell in love with him fast and—hard. At siya rin ang nag-suggest dito kahit fake na kasal. Handa rin siyang bigyan ito ng anak kahit singdami ng isang basketball team sa Pilipinas kahit na siya ang talo sa huli at walang kasiguruhan. May reward ba si Kupido sa tulad niya na buong puso kung magmahal? ******* Matindi ang sumpang tumama kay Lyndon unang beses pa lang niyang nakita si Summer: Wild sex. Pure lust. Burning passion. Higit sa nararapat. Walang oras na hindi siya nagnanasa sa probinsyanang dalaga. Nawalan ng saysay ang  personal niyang dahilan  kaya wala siyang tiwala kahit kaninong hampaslupa. Iba si Summer. Her name fits her personality. Para itong nagsasalitang konsensya kapag nagkakamali siya. Malupit ang  karmang dumapo sa kaniya. Pero maliban sa kailangan niya itong malahian kaagad, wala na siya ditong ibang pakinabang. Sa mundong pinakamahalaga ang pera, may puwang ba si Summer sa tabi niya? **** AUTHOR'S NOTE: Isinulat ko po ang novel na ito, 6 years ago. Unfinished sa ibang app dahil naging busy. From second pov, inilipat ko sa first pov ngayon kaya humihingi ako ng pasensya sa 'ako' na nagiging 'siya'. Please, bear with me. Salamat po. 😍❤️‍🩹🔥
Romance
1018.7K viewsCompleted
Read
Add to library
My Possessive Maniac Doctor!

My Possessive Maniac Doctor!

“I had you first, and I won’t let any man get close to you!” -Dr. Kent Marcus Smith “I am Kent Marcus Smith, AKA Dr. Smith, 34 year old, a handsome cardiologist. Born in America but my heart is purely pinoy. They say I am a good person-that’s what they believe. What they don’t know is that, I have a dark secret. I met this girl, a beautiful young lady, took advantage of her weakness and innocence years ago, and now I'm back , I offered her to be my secretary and planned to completely make her mine”. “Hindi ko ito gusto, pero kinailangan kong gawin. Ipinangako ko sa sariling aayusin ang aking buhay sa kahit na anong paraan, lumaki ako sa magulong pamilya at ngayon, pinili kong tumayo sa sarili kong paa para makatakas sa kanila. Ako si Mikaela Ramirez, ang babaeng ibinenta ang sarili sa hindi ko nakikilalang tao sa edad na 20 at ngayon ito ay “Sugar Daddy” ko pa. Yes, hindi ko sya kilala dahil sa tuwing may mangyayari sa amin ay hindi ko sya nakikita dahil sa sobrang dilim ng kwarto. Isa ito sa mahigpit na Rule ng aking Sugar Daddy- Bawal ang may kahit na ano mang liwanag sa loob ng silid kung saan kami nag-kikita. Oo imoral akong tao, pero ito ang nagbigay pagkakataon sakin para makapag-aral ng Nursing sa Prestihiyosong Paaralan. Hangang sa makatangap ako ng letter mula sa kanya at sinabing-Hindi sya makikipag kita sa akin ng ilang buwan o taon pero siguraduhin ko daw na walang ibang gagalaw sa akin bukod sa kanya dahil tuloy-tuloy pa din ang suporta na ibibigay nya at sa pag balik nya, ihanda ko daw ang aking sarili. Should I be scared? Hmm I’m not, matagal na akong patay, pero kelangan ko lang mabuhay.”
Romance
101.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Here Comes the CEO’s Wife

Here Comes the CEO’s Wife

Ang huling tanda ni Alina, kulang na lang ay maglagay siya ng sign na “fresh grad for hire” sa kanyang noo dahil sa hirap makahanap ng trabaho. Kaya laking gulat niya nang magising siya sa langit—este sa ospital pa lang naman. Sumalubong ang mukha ng isang batang lalaki na ‘mommy’ ang itinawag sa kanya! Aangal pa ba siya kung sunod na pumasok sa eksena ang super hot nitong daddy? At parang hindi pa sapat ang pagkawindang, pagtingin sa kalendaryo’y mistulang bumaliktad ang mundo niya. Paano’y limang taon na ang lumipas mula sa huling tanda niya! Parang may nag-fast forward sa kanyang buhay at ngayon, wala siyang choice kung hindi humabol!
Romance
105.6K viewsOngoing
Read
Add to library
HELP ME: West Severino

HELP ME: West Severino

Malinaw na nakikita ni Rosie Frey Israel ang magiging kinabukasan niya sa kanyang boyfriend na si Rico. Tanging alok na kasal na lamang ang hinihintay niya mula rito. Ngunit hindi niya inasahang sa pagpunta niya sa night club ay malalaman niyang pinagtataksilan pala siya nito. Sa gabing iyon, hinayaan niya ang sariling uminom at kalimutan ang pagiging guro ngunit mas hindi niya inasahan na sa muling paggising niya sa umaga ay ibang lalaki na ang nasa tabi niya. Hindi niya napaghandaan na isang West Severino pala ang magpapabago sa takbo ng kanyang buhay. Kakayanin niya kayang tumaliwas sa tukso o mas pipiliin niyang sumabay sa agos at magpalunod?
Romance
1020.4K viewsCompleted
Read
Add to library
MALAYA (A Tagalog Story)

MALAYA (A Tagalog Story)

Malaya will never live up to her name. Hindi siya kailanman naging malaya at hindi magiging. Namumuhay siyang tila daga na nagtatago sa malulupit na mga pusa. Sa kagustuhang matakasan ang kinalakhang buhay at mahanap ang kalayaan, napadpad si Malaya sa isang malayong probinsya. Sa kanyang pagtakas, nasumpumgan niya si Thorin Fuentebella— ang binatang kumupkop sa kaniya. Sa pagtira niya sa mansyon nito, napalapit at minahal niya ang lalaki— na walang kaalam-alam sa tunay niyang pagkatao. Subalit nang dumating ang pagkakataon na kinailangan niyang aminin ang lahat—ang tunay niyang pagkatao at dahilan ng kanyang pagtakas ay hindi niya inaasahang ang binata pa pala ang magtutulak sa kanyang balikan ang nakaraan na ayaw na niyang maranasan...
Romance
1058.6K viewsCompleted
Read
Add to library
The Unfaithful Love

The Unfaithful Love

Blurb: "YOUR MOTHER IS DYING...." "I WANT YOU TO BECOME MY MISTRESS!"   Hindi inakala ni Rozelle Lynn na ang matapat at totoo niyang pamumuhay at pananaw patungkol sa pagmamahal ay magsisimulang magbago dahil sa mga pangyayari sa kaniyang buhay na ni sa hinagap ay hindi niya inasahan.   Ano ang gagawin ni Rozelle Lynn para muling bumalik sa dati ang lahat sa kaniya?   Paano kung biglang may dumating sa buhay niya na ibig niyang makuha?   Magagawa kaya niyang talikuran ang tao na pinagkakautangan niya ng buhay o makikipaglaro siya sa tadhana para makuha lang ang nais?
Romance
102.0K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4243444546
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status