Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Yurich Martinez: One Hot Night With You

Yurich Martinez: One Hot Night With You

SPG/R-18+ Hindi inaakala ni Jhen Paulin Rosales na magbabago ang buhay n'ya dahil sa sobrang kalasingan. Nagtungo siya mag-isa sa discohan para mabawasan ang inis n'ya sa daddy niyang nag-uwi ng babae sa bahay nila at may bitbit pang dalawang anak na feeling sila ang totoong anak ng daddy n'ya at siya ang sampid. Doon nagkrus ang landas nila ni Yurich Martinez. Hindi malaman ni Jhen kung lasing lang ba ang hindi pa kilalang lalaki o may halong droga ang alak nito dahil nakikiusap na tulungan siya at nauwi ito sa pagtatalik. Kinaumagahan, shocked si Jhen dahil ang bata pa n'ya. Eighteen pa lang siya at second year college pa lang siya at kapag nalaman ng daddy n'ya ay tiyak na itatakwil siya nito. Kaya sa labis na taranta ni Jhen, hindi na niya pinagkaabalahan na silipin ang naka siping n'yang lalaki dahil nakatalikod ito sa kaniya. Kaya kahit masakit ang katawan, nilisan ni Jhen ang hotel at sigurado naman si Jhen na hindi na sila magkikita ng lalaking naka-sex dahil pareho nilang hindi namukhaan ang isa't isa.
10813 viewsOngoingIdinagdag sa Library 25 Beses bilang ni jiu manhua
Read
+Library
Seducing My Ex’s Billionaire Uncle

Seducing My Ex’s Billionaire Uncle

Nagunaw ang mundo ni Odessa Gabriel nang mahuli niya ang boyfriend na si Samuel na nakikipagtalik sa kaniyang best friend na si Mila. Hindi niya akalain na magagawa siyang lokohin ng kasintahan sa mismo niyang kaibigan, at dahilan pa nito, nagawa niya lang iyon dahil hindi pumapayag ang babae na makipagtalik sa kanya. Lubos na pinahahalagahan ni Odessa ang pagkababae, kaya naman inilalaan niya ang una nilang gabi kapag ikinasal na sila, ngunit hindi nakapaghintay ang nobyo. Dumagdag pa sa problema ni Odessa ang utang ng yumaong ama na kailangan niyang bayaran. Wala siyang pamilya at wala siyang ibang aasahan kundi ang sarili niya. Agad siyang nag-apply bilang sekretarya sa malaking kompanya. Hindi siya nakapagtapos ng kolehiyo, pero likas siyang matalino kaya naman pinalad siya at natanggap. Huli na niyang nalaman na ang boss niya pala ay walang iba kundi si Nicholas Romero, tiyuhin ni Samuel, ang itinuturing ng ama at taong tinitingala ng dating kasintahan. Guwapo, matipuno, at matalino, ngunit mailap sa mga tao si Nicholas. May pumasok na hindi magandang ideya sa isip ni Odessa… Ang akitin si Nicholas. Maganda siya at maganda rin ang katawan kaya naniniwala siyang kaya niya iyon. Alam niyang nilalagay niya sa panganib ang sarili sa gagawin, ngunit desperada siyang makaganti sa dating nobyo. Kaya naman ginawa niya ang lahat upang mapansin ni Nicholas. Madalas na siyang mag-ayos at magsuot ng magagandang damit. Ngunit tila bato ang amo dahil hindi ito nadadala sa mga pang-aakit niya. Pero lahat ay may hangganan, isa na roon ang pagtitimpi ni Nicholas.
10723 viewsOngoingIdinagdag sa Library 17 Beses bilang ni jiu manhua
Read
+Library
THE BILLIONAIRE'S ASSISTANCE ON MY VENGEANCE

THE BILLIONAIRE'S ASSISTANCE ON MY VENGEANCE

SI KELLY na lamang ang tanging pisi na nag-uugnay kay Camilla at sa pag-ibig niya sa asawang si Philip Limjoco. Nagawa niyang magtiis nang ilang taon kahit pa nga hayagang pinaparada ng lalaki sa kaniyang harapan ang ex-girlfriend at totoo nitong minamahal na si Shaira. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay napatid ang pisi na iyon na siya ring nagpabaklas ng damdamin ni Camilla para sa asawa. Ang kaniyang balak sana ay magpakalayu-layo na at kalimutan ang masalimuot na bahaging iyon ng kaniyang buhay. Ngunit may ibang plano ang bilyonaryo niyang kaibigan na matagal na niyang hindi nakikita—si Davian Matthews. Sa pagbabalik ni Davian ay siya namang pagbangon ni Camilla dahil sa bilyonaryong tutulong sa kaniya upang maghiganti. Ngunit bakit kaya? Ano ang mapapala ni Davian sa pagtulong sa kaniya?
10600 viewsOngoingIdinagdag sa Library 15 Beses bilang ni jiu manhua
Read
+Library
That Star Studded Night

That Star Studded Night

Nagsimula sa pinakamabigat na desisyon sa buhay ni Lily. Ang ibenta ang kanyang sarili para sa kaligtasan ng kanyang mahal na ina. Pero hindi nito inakalang ang aangkin pala sa kanya sa gabing iyon ay ang pinaka hindi niya inaasahang tao sa buhay niya. Si Noah Visser. Ang anak ng amo ng kanyang ina. Natapos ang gabing iyon at hindi na ginusto pang makilala ni Noah si Lily. Kaya naman nang matapos ang binata sa Dalaga ay agad na itong umalis sa lugar at kinuha ang pera upang mailigtas ang kanyang ina. Nagpakalayo layo na silang mag-ina sa Pilipinas. Nagsikap, at nagtayo ng sariling negosyo, dahil hindi na gusto pa ni Lily na maulit ang nakaraan. Ngunit paano makakalimutan ni Lily ang nakaraan kung nagbunga ang gabing gusto na niya sanang ibaon sa limot.
667 viewsOngoingIdinagdag sa Library 20 Beses bilang ni jiu manhua
Read
+Library
LIBRA SERIES 1: The Arrogant Actor is a Billionaire

LIBRA SERIES 1: The Arrogant Actor is a Billionaire

Nuebetres
Si Aula Maglaya ay isang ordinaryong babae na masayahin, matapang, prangka, masipag at matalino ngunit kulang sa common sense. Si Hanz Nicolo Bernales ay isang sikat na artista, mayaman, arogante, simpleng babaero, tinitingala at tinitilihan ngunit may isang babae ang ilag sa kanyang kasikatan at kailanman hindi siya tinilian. Nang magtagpo ang mga landas ng dalawa sa isang aksidente hindi na nagkaroon ng katahimikan si Nicolo. Si Aula na yata ang pinakiinisan nitong babae dahil wala itong finesse kung magsalita, putak ng putak! Ngunit natatakpan naman iyon ng angking kagandahan ng dalaga na kahinaan ni Nicolo. At nang madawit ang pangalan ni Nicolo sa isang "Blind Item" na kasama si Aula ay mas lalo pang gumulo ang buhay nito. Paano kung nagka-totoo ang tsismis sa dalawa? Gugustuhin kaya ni Aula na mapabilang sa magulong industriya na kinabibilangan ni Nicolo?
103.0K viewsOngoingIdinagdag sa Library 66 Beses bilang ni jiu manhua
Read
+Library
Exclusive For Him

Exclusive For Him

Umalis ang nobyo ni Elisa, papuntang Maynila pang doon 'ay mas makaipon ng pera para sa kanilang pagpapakasal. Ngunit hindi pa nagtatagal si Francis sa Maynila, ay bigla na lang itong hindi nagparamdam kay Elisa, labis ang pag-aalala ni Elisa, sa kaniyang nobyo dahil nawala na ang koneksyon nilang dalawa. Dahil sa pag-aalala at takot na rin dahil sa isipin ni Elisa, na baka may nangyaring masama sa nobyo ay agad siyang lumuwas ng Maynila. Ngunit sa kaniyang pagluwas ay magbabago bigla ang takbo ng buhay niya dahil kay, Smael Chavez. Smael Cuervo, a mafia boss na sasamahan ni Elisa, kapalit ng tulong na hahanapin ang nobyo niya ay ang pagsama niya kay Smael, ngunit sa kaniyang paghahanap kay Francis, ay matutuklasan niya na ang nobyo ay may ibang babae ng kasama.
104.9K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 181 Beses bilang ni jiu manhua
Read
+Library
MAHAL PA RIN KITA

MAHAL PA RIN KITA

WARNING: R[18]: STORY WITH EXTREMELY EXPLICIT/MATURE CONTENT Dahil bawal ang kanilang pagmamahalan naisipan nina Vincent at Isla na magpakasal ng lihim upang hindi na magkalayo kailanman. Pero sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay naganap ang isang insidente na kahit sa panaginip ay hindi nila inasahang pwede pa lang mangyari. Gamit ang pera nito ay binayaran ng ina ni Vincent ang ama ni Isla upang ilayo ang dalaga sa binata isang araw bago ang kanilang kasal. Gumuho ang mundo ni Isla dahil sa nangyari. Pero muli silang nagkita ni Vincent, at kahit suklam ito sa kaniya sa hindi niya malaman na kadahilanan ay sinabi sa kaniya ng binata na sa ayaw at sa gusto niya ay kailangan niya itong pakasalan, kung hindi ay mawawala sa kaniya si Matthew, ang kanilang anak.
1023.3K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 558 Beses bilang ni jiu manhua
Read
+Library
The Billionaire's First Love Has a Secret Child

The Billionaire's First Love Has a Secret Child

Kapwa may inililihim ang magkasintahang Diana at Ryan sa isa't-isa. Si Diana, ang napipintong arranged marriage nito sa isang mayamang binata sa kanilang bayan. Si Ryan, ang pagtatago nito ng kanyang pagkatao bilang unico hijo ng bilyonaryong angkan. Isang taon ng pagmamahalan at kinailangan na ni Diana na umuwi upang tuparin ang pangako sa pamilya. Sa gabi ng kanilang hiwalayan, nagpakalasing ang binata at inakalang may nangyari sa kanila ni Jade, ang kaibigang matalik ni Diana. Punong-puno ito ng pagsisisi sa nangyari. Pitong taon ang lumipas at nagkrus muli ang kanilang landas. Paano na lang kung malaman ni Ryan na hindi pala si Jade ang kanyang nakasama nang gabing iyon kundi si Diana? Ano kaya ang mangyayari kapag napagtanto nito na ang isang gabi ng kalasingan at kahinaan ay nagbunga pala ng isang bibo at matalinong bata?
106.2K viewsOngoingIdinagdag sa Library 130 Beses bilang ni jiu manhua
Read
+Library
My Orphan Wife

My Orphan Wife

Noong birthday ng single mother na si Grace Saavedra ay hinayaan ng anak nito na si Dexter na matupad ang hiling ng ina. Ang magkaroon pa ng isang anak. Anak na babae. Sa isang ampunan, nakita ni Grace ang sampung-taong gulang na si Heather. Dinala sa bahay, at doon nakilala ni Dexter ang bagong kapatid niya. Si Heather na madalas niyang kaaway pero naging malapit sa kanya. Hanggang lumipas ang taon, ang batang si Heather ay isa ng dalaga, magandang dalaga. At iba na ang nararamdaman sa kanyang kuya na sampung taon ang agwat sa kaniya? Paano ba masasabi ni Heather ang nararamdaman para sa kapatid niya na hindi man niya tunay na kadugo ay para na niyang tunay na pamilya? Matatanggap ba kaya ni Dexter ang pag-ibig ng ampon niyang kapatid?
893 viewsOngoingIdinagdag sa Library 29 Beses bilang ni jiu manhua
Read
+Library
Pregnant and Gone, the Billionaire Begged for Her Back

Pregnant and Gone, the Billionaire Begged for Her Back

Nang araw na natuklasan ni Vanessa na buntis siya ulit ay siya ding araw na natuklasan niya ang pagtataksil ng kanyang asawang si Daniel. Wala siyang kamalay-malay na habang nangungulila siya sa pagkamatay ng kambal nila sa loob ng limang taon ay bumuo na pala ng sariling pamilya si Daniel. Nakita mismo ng kanyang mga mata kung gaano kabuo ang pamilya nito kasama si Lorraine, ang babaeng pinagkatiwalaan niya at anak ng mga ito na si Liam. Kasabay ng tagpong iyon ay ang tuluyang pagkawala ng matinding pag-ibig na nararamdaman ni Vanessa para sa asawa at ang natira na lamang ay galit at pagkapoot. Itinago ni Vanessa ang tungkol sa kanyang pagdadalang tao at nakipaghiwalay kay Daniel. Sa unang pagkakataon, nabasag ang boses ni Daniel. “Nessa… Bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon.”
8.47.4K viewsOngoingIdinagdag sa Library 213 Beses bilang ni jiu manhua
Read
+Library
PREV
1
...
4041424344
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status