Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Runaway Bride: Captured by the Billionaire

Runaway Bride: Captured by the Billionaire

Tatlong taon siyang naging mabuting asawa. Pero sa gabi ng pinaka madilim na sikreto, natuklasan ni Zoe na hindi pala siya ang mahal ng asawa niyang si Elijah Alcantara, kundi ang hipag pa nito. Sa halip na umiyak, tumalikod siya. Iniwan ang lahat—ang kasal, ang sakit, ang taong minahal. At sa paglayo niya, nakilala niya ang lalaking tunay na handang tumindig para sa kanya. Si Nathaniel Mendoza. Isang bilyonaryong lalaki… at sa kanilang pagkikita, nagsimula ang bagong kabanata ng kanyang buhay. Ngayon, habang siya’y nagdadalang-tao, bumalik ang ex niyang lumuhod sa harap niya. Ngunit huli na. Dahil ang babaeng minsang iniwan, ngayon ay may bitbit na bagong buhay at sa isang lalaking handang ipaglaban siya. Ngunit may pag asa pa kayang bumalik ang dati nilang pagsasama?
1011.4K viewsOngoingIdinagdag sa Library 240 Beses bilang nice words that start with a y
Read
+Library
The Forced Bride

The Forced Bride

JL Naya
Betrothed by her grandparents, Zoey, despite her opposition has no way but to agree and accept her despicable fate. Pikit-mata niya itong tinanggap kahit pa man ay isang taong nakatadhang buong buhay na yata niya kamumuhian. Francis, Anak ng maimpluwensyadong pamilya sa kanilang lugar. Lahat ng katangian nito ay kinakainisan niya na. Pinaka-aayaw man nila'y ito naman ang pinakahihintay ng nakararami. To be able to finally tie the knot between two influential families would be one, great event in the history in their town that everyone has long been waiting.Isang matagal ng pangako na pinangarap ng dalawang pamilya na pilit tinutupad sa henerasyon nila. Sa araw-araw ng kanilang pagsasama, walang panahon na hindi nila ipinakita sa isa’t-isa ang lantarang pagkadisguto. Ngunit sa likod ng kaniyang di maintindihang ‘di pagkakaunawaan ay nakakubli ang isang damdaming di maipaliwanag. Damdamin na lumukob sa kanyang buong pagkatao na kailanman ay hindi matutugunan. Sapagkat, pinagmamay-ari niya man ang buong pagkatao nito, hindi naman ang puso. Sa dumaang panahon ay tuluyan na ring nagbago at naglaho ang dating Francis na kilala niya- total opposite na ito ngayun lalo pat magkakaanak na sila. Ngunit, sadya yatang mailap sa kanya ang tadhana. Ang dagling kaligayahan ay naglaho ng bumalik sa buhay nila ang babaeng iniirog, hanggang sa nakunan siya. Ang minsay naging maalab na damdamin ay napalitan na ng ga-lawak na nagyeyelong lawa. Ang minsa’y matamis na mga salita ay naging isang parang nakalalasong damu na namiminsala sa gitna ng nangingintong hardin. Nakaya pa kaya niyang panindigan ang kasabihang “Love pulls stronger than of pain and hatred”? Paanu nga ba iyon kung sukdulang sakit na ang iyong naranasan, pikit mata na lang ba? Tunghayan natin ang kwentong magpapa-iyak at magpapaibig sa atin, kwento ng makabagong henerasyun na nagapos sa napaglumaan nang pangako ng kahapon.
101.6K viewsOngoingIdinagdag sa Library 50 Beses bilang nice words that start with a y
Read
+Library
Running Away From My Billionaire Baby Daddy

Running Away From My Billionaire Baby Daddy

Isa sa dahilan kung bakit nais ni Yamila na maging doktor ay para iligtas ang buhay ng mga taong nasa binggit na ng kamatayan o kaya'y may malubhang sakit. Ngunit hindi niya inaasahan na isa pala sa kaniyang magiging pasyente ay ang dati niyang hipag. Dinudugo ito at nanganganib na makunan. Matagal na silang hindi magkasundo ni Mia, akala niya'y hindi na sila muling magkikita pa. Lalo pa't sa loob ng apat na taon ay naging tahimik naman ang buhay niya— malayo sa mga Esquivel. May pagdadalawang-isip siya, ayaw niyang magkaroon muli ng interaksyon sa mga Esquivel, lalo pa sa kapatid ni Magnus. Ngunit sa huli, mas nangibabaw ang kaniyang pagiging responsable. Kailangan niyang tulungan si Mia kahit na ang kapalit nito ay muling magkrus ang kanilang landas ni Magnus... nang dating asawa. Hindi nga siya nagkamali, dahil sa nangyari ay nagkita silang muli ng lalaki. Kung kailan hindi siya handa— kung kailan nasa gitna sila ng panganib at matinding kaba. Apat na taon na ang lumipas nang umalis siya ng Pilipinas. Tanging ang divorce paper lamang ang iniwan niya kay Magnus bago siya umalis. Walang paalam. Wala nang seremunya. Umalis siya na buo ang loob. Ngunit ang hindi alam ni Magnus, sa kaniyang pag-alis ay mayroon siyang ibang dala. Ang dugo't laman nito... isang Esquivel. Buntis na pala siya kay Magnus. Ngunit pagkatapos ng nangyari sa kanila, paano niya masasabi ang tungkol sa supling na kaniyang isinilang? Hindi niya magawang sabihin kay Magnus ang tungkol kay Thadeus... ang anak nito. Natatakot siya. Gayunpaman, muli silang pinagtagpo ng tadhana. Tila ang kapalaran na ang nagtakda na muli silang magkita. Makakatakas pa ba siya sa dating asawa? Maitatago niya pa ba ang tungkol sa kanilang anak? O mabubunyag ang kaniyang lihim? Handa na ba siyang magpatawad? O matatakot siyang sumugal muli?
1021.9K viewsOngoingIdinagdag sa Library 852 Beses bilang nice words that start with a y
Read
+Library
Hey Little Girl

Hey Little Girl

roseZy
Rose Fuevo isang simpleng babae na ang gusto lamang sa buhay ay ang katahimikan at ang makatulong sa kanyang pamilya ay sadyang pinaglalaroan ng tadhana. Hindi niya akalain na ang kanyang mga pinapangarap ay hahadlangan ng napakaraming mabibigat na trahedya. Marami siyang makikilala na magiging parte din sa kanyang buhay kasama na doon ang unang magpapatibok sa kanyang puso na si Kristoff Guerrero kasama ang pinsan nitong si Henry Simson. Ngunit dahil nga'y mapaglaro ang tadhana ay tila pati din sa kanyang pag-ibig ay dadanas siya nang matinding pagsubok para lamang dito. Higit pa dyan ay makikita niya na ikakasal na ang kanyang pinakamamahal sa ibang babae. Makakamit ba niya ang kanyang mga hinahangad na makapiling ang kanyang minamahal sa kabila ng mga hirap na dinanas niya? Tuklasin ang kabuuan na storya ni Rose Fuevo.
101.4K viewsOngoingIdinagdag sa Library 56 Beses bilang nice words that start with a y
Read
+Library
SEND TO THE WRONG HEART

SEND TO THE WRONG HEART

Dapat ay para sa foreigner na online boyfriend ni Erica ang nudes na sinend niya—pero sa boss niya napunta. Oo, yung boss niyang halos araw-araw na lang galit sa kanya. Akala niya katapusan na ng mundo niya, lalo na kung malaman ito ng fiancée ng boss niya at ipinost sa social media para sirain siya. Inisip niyang matatanggal siya sa trabaho at wala nang balikan ang reputasyon niya. Pero nagulat siya nang mapanood ang boss niya sa isang interview. Kalmado lang ito at ang sabi: "Girlfriend ko siya. Normal lang naman iyon sa magkarelasyon." At just like that, nasangkot na siya sa isang kasinungalingang hindi niya inasahan. Kapalit ng pagtanggol sa kanya, kailangan niyang magpanggap na girlfriend ng boss niya... at kunwari'y nagmamahalan sila. Hindi ito bahagi ng trabaho niya. Pero bakit parang unti-unti, nagiging totoo ang lahat?
10763 viewsOngoingIdinagdag sa Library 24 Beses bilang nice words that start with a y
Read
+Library
Still into you (Book 2 of Still holding on)

Still into you (Book 2 of Still holding on)

Upang maitaguyod ang pangangailangan nilang mag-ina, lahat ng paraan ay ginawa ni Anna nang pumasok siya sa mundong hindi niya nakasanayan—ang Manila. Lahat ng klase ng raket ay pinasok niya—basta marangal at kikita siya rito. Hindi iniinda ang pagod dahil ang mahalaga lamang sa kaniya ay matugunan ang pangangailangan nila ng anak, lalo't single mom siya at wala siyang ibang aasahan kundi ang sarili lamang niya. Subalit ang pagiging ina niya'y sinubok nang isang araw ma dengue ang kaniyang anak at kailangan niya ng malaking pera. Isang kaibigan ang nagbigay ng raket sa kaniya na may malaking suweldo. Ang hindi niya aakalain ay dahil sa raket na iyon ay muli silang magkikita ng lalaking iniibig niya. Si Brett Valle. Ang ama ng kaniyang anak. This story is book two of Still Holding On.
106.9K viewsOngoingIdinagdag sa Library 206 Beses bilang nice words that start with a y
Read
+Library
My Wife Is My Father's Mistress

My Wife Is My Father's Mistress

Si Elyssa, nagmahal at nasaktan sa maling tao. Sa muling pagbubukas ba ng kanyang puso, maling tao na naman kaya ang iibigin niya? Si Alyjah, nasaktan sa kinahinatnan ng kanyang ina. Poot at galit ang itinanim niya sa kanyang puso. Mababago kaya ito ng isang wagas na pagmamahal? Si Lauro, nagmahal kahit pamilyado. Gustong balikan ang babaeng sa kanya'y bumuo. Pero paano kung may iniibig na itong bago? Matatanggap niya kaya kung ito ay anak niya mismo? Lahat sila ay pag-uugnayin ng isang kasal. Ngunit may mas malalim pa palang ugnayan ang unti-unting mabububungkal. Sanga-sangang pag-ibig. Sanga-sangang problema. Anong magiging bukas nila? Kaya ba nilang magpaubaya at magmahal nang buo, kung nababalot sila ng misteryo at sikreto? Sino ang magtatamo ng kaligayahan? Sino ang malulugmok sa kalungkutan? Mapapalaya kaya sila ng isang wagas na pagmamahalan?
107.7K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 199 Beses bilang nice words that start with a y
Read
+Library
Dela Vega's Surrogate Wife

Dela Vega's Surrogate Wife

Ang simpleng buhay ni Lyvette Andrea Castillo ay naging masalimuot nang madukot ng isang baliw na direktor. Dahil sa matinding takot at banta sa kanyang buhay, napilitan siyang ibigay ang sarili sa isang kapwa bihag na nagngangalang Sandro Dela Vega. Mabuti na lamang at nakaligtas silang dalawa. Makalipas ang isang buwan, nabuntis si Lyv. Mula sa kanyang kapatid, napag-alaman niyang interesado ang mga Dela Vega na panagutan ang ipinagbubuntis niya. Nais ng dalawang pamilya na sila'y maikasal. Kaya lang, pareho silang mayroon nang minamahal. Dahil dito, nabuo ang isang kasunduan sa pagitan nila, ipawawalang-bisa nila ang kanilang kasal pagkatapos manganak ni Lyv. Ayos na sana ang lahat, kung hindi lamang nag-iba ang plano ng tadhana. Magagawa ba nilang panindigan ang kanilang kasunduan? O hahayaan ang kanilang mga sariling magpatangay sa kanilang nararamdaman?
1044.0K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 880 Beses bilang nice words that start with a y
Read
+Library
Anghel de Puta

Anghel de Puta

Si Margarita Pelaez o Greta ay namamayagpag bilang most sellable prostitute sa bar na pinagtatrabahuhan niya. Pero isang pangyayari ang nagpatigil sa kaniya sa pagbebenta ng aliw. Nabuntis siya ng kustomer niya na akala niya'y may pagtingin din sa kaniya. Sinubukan niyang ipakilala ang bata sa sinapupunan niya kay Parker Sherlock na nakabuntis sa kaniya. Sa halip na tanggapin ay ginahasa at sinaktan siya ng lalaki sa araw na iyon. Limang taon niyang tinago ang anak niya sa lalaking nagwasak ng puso niya at nagdulot ng trauma sa kaniya. Subalit, ano ang mangyayari kung tadhana na ang magpapasya sa muling pagku-krus ng landas nina Greta at Parker? Sa pagkakataong ito, ipapakilala pa ba ni Greta ang bata sa ama nito o ibabaon niya ang katotohanang anak ni Parker sa kaniya na isang Anghel de Puta ang bata?
1013.1K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 353 Beses bilang nice words that start with a y
Read
+Library
ANG BABAENG HINDI DAPAT BINITAWAN

ANG BABAENG HINDI DAPAT BINITAWAN

Isang salitang “diborsyo” ang wawasak sa pitong taong kasal ni Mariel Benning. Sa loob ng isang iglap, ang asawang si Billie Walter—ang lalaking minsang nangakong “habambuhay”—ay humiling ng kalayaan para pakasalan ang ibang babae: si Vicky Singson, ang babaeng sinasabing may anim na buwang taning ang buhay. Habang pinupuri ng mundo si Vicky, unti-unting naglalaho si Mariel sa mga anino ng kasinungalingan. Ngunit sa ilalim ng kanyang katahimikan, may lihim siyang tangan—isang lihim na mag payanig sa lahat. Pag-ibig, pagtataksil, at paghihiganti—isang kwento ng babaeng iniwan, ngunit hindi natalo. Dahil kapag ang puso’y minsang sinugatan, matututunan nitong tumibok muli—hindi para sa iba, kundi para sa sarili. “Hindi ko kailangan maging perpekto para manatili ka. Pero sa pag-alis mo, doon ko natagpuan kung sino talaga ako.”
102.8K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 99 Beses bilang nice words that start with a y
Read
+Library
PREV
1
...
4041424344
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status