SLEEPING BEAUTY (Tagalog)
Napatingin siya sa sinabi ni Camilla, matapos basahin ang lumang libro, "ipainom ito at kasabay ay banggitin ang salitang-
"Gumising ang natutulog na diwa. Bumangon ang nakahimlay na katawan at ibalik ang nakatulog na pagkabuhay," nakangisi si Camilla, pero siya ay nakadama ng kilabot. "Ang weird talaga, ha. Parang sa pelikula lang ito, ah? Horror movies," tumawa pa ito. Pero walang natawa sa sinabi nito lahat ay seryoso pa rin.
"Sino ang birhen na lalaki diyan? Umamin na," nakangising sabi ni Colt.