Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Punished By The Mafia Billionaire

Punished By The Mafia Billionaire

Hindi ako marunong maging mahina. Sa buong buhay ko, kamao ang naging sagot ko sa lahat. Kapag may nanakit... lumalaban ako. Kapag may nang-api... sumusuntok ako. Dahil iyon lang ang alam kong paraan para mabuhay. Pero walang suntok ang kayang talunin ang sakit ng makitang unti unting nilulunod ng sugal ang sarili mong ama. Isang gabi... isang maling suntok ang tuluyang sumira sa buhay ko. Akala ko isa lang siyang bastos na customer sa nightclub na pinagtatrabahuhan ko. Kaya pinatikim ko siya ng pinakamalakas kong suntok. Hindi ko alam... ang lalaking iyon pala ay si Henry Zobel. Ang pinakamapangyarihan... pinakamayaman... at pinakakinatatakutang mafia billionaire sa bansa. Akala ko papatayin niya ako. Mas malala pa pala. Ginawa niya akong personal maid sa loob ng isang taon bilang kaparusahan... kapalit ng pagbabayad sa napakalaking utang ng ama ko. Ako? Maglilinis ng mansion? Hindi nga ako marunong magplantsa nang hindi nakakasunog. Hindi ako marunong maglaba nang hindi kumukupas ang damit. At lalong hindi ako marunong yumuko sa kahit kanino. Pero ang hindi ko inaasahan... ang pinakamahirap palang trabaho ay hindi ang pagiging maid. Kundi ang unti unting pagbuwag sa pader ng isang lalaking matagal nang namatay ang puso. At ang mas nakakatakot... Ang pagbabantay sa sarili kong puso na huwag mahulog sa lalaking hindi ko dapat mahalin. Lalo na nang makilala ko ang apat na taong gulang niyang anak na si Zac... ang pinakamakulit, pinakamatalino, at pinakamatinding matchmaker na nakilala ko. Habang pilit niyang pinagdudugtong ang mga pusong pareho nang sugatan... May mga taong handang pumatay para manatiling mag-isa si Henry. At kung kailangan kong maging kalaban ng buong mafia world para iligtas silang mag-ama... Hindi ako uurong. Dahil minsan... Ang babaeng sanay lumaban gamit ang kamao... Natututong ipaglaban ang pag-ibig gamit ang puso.
1080 viewsOngoingAdded to Library 2 Times as novel updates bl
Read
+Library
CLAIMED BY THE HOT GOVERNOR

CLAIMED BY THE HOT GOVERNOR

Nang mawalan ng trabaho si Cordelia o Cordie, ang huling inaasahan niya ay mapunta sa loob ng marangyang mundo ng pinakamakapangyarihang lalaki sa probinsya. Sa rekomendasyon ng kanyang tiyahin, tinanggap niya ang trabaho bilang nanny ng anak ng malamig at istriktong Gobernador—si Cassian Romano. Tahimik, malayo ang loob, at palaging may distansya—iyon ang Gobernador sa mata ng lahat. Ngunit may lihim ang Gobernador. Matagal na palang nakatago sa puso ni Cassian ang damdaming pilit niyang nilalabanan. Bata pa si Cordie noon nang una niya itong makilala, at bilang isang ama at politiko, natutunan niyang itago ang atraksiyong iyon sa ilalim ng yelo ng kanyang katauhan. Ngunit ngayong magkasama na sila sa iisang bubong, kasama ang anak niyang unti-unting minamahal ni Cordie, lumalabo ang mga linyang dati niyang malinaw na naiguhit. Ang bawat ngiti nito, bawat titig, ay nagbabalik ng damdaming pilit niyang nililibing. Si Cassian ay isang duwag pagdating sa pag—ibig pero hanggang kailan niya kakayaning pigilan ang babaeng matagal na niyang minamahal nang palihim?
1013.9K viewsCompletedAdded to Library 557 Times as novel updates bl
Read
+Library
Ang Pakipot na Mechanico

Ang Pakipot na Mechanico

Bumalik ako para mahalin ka,lahat kaya kong gawin para mahalin mo rin ako. Nararamdaman kong nagpapakipot ka lang,dahil sa nagawa kong pag-alis na walang paalam sayo.Pero nararamdaman kong mahal mo rin ako-Claire Montage Sebastian (Claire and Macky story) (Book 4)
109.4K viewsOngoingAdded to Library 337 Times as novel updates bl
Read
+Library
The Billionaire's Mistress

The Billionaire's Mistress

"Money over men." 'Yan ang motto ni Ladja Ronquillo simula noong saktan siya ng pinakaunang lalaking minahal niya. Walang mga magulang at pinapaaral pa niya ang kaniyang nag-iisang kapatid kaya mas importante na sa kaniya ngayon ang pera. Hanggang sa nakilala niya si Radzmir Al-Andas, isang napakamayamang businessman na gagawin ang lahat para lang matikman ang kaniyang mga labi at makasama siya. Dahil dito, nagdesisyon siyang gamitin ang lalaki para sa pera. Akala niya magiging mas maayos na ang lahat sa halip, ito ang naging dahilan nang muling pagkadurog ng kaniyang puso.
10642 viewsOngoingAdded to Library 12 Times as novel updates bl
Read
+Library
Temptation Under One Roof

Temptation Under One Roof

Ren Akihara lives a double life. Sa mata ng iba, isa lang siyang ordinaryong lalaki. Pero behind that calm exterior, isa siyang undercover agent-trained to suppress emotions, stay sharp, at laging may kontrol sa bawat galaw. Kontrol... except sa isang bagay. May pagnanasa siyang matagal nang hindi niya kayang pigilan. Kaya sa paglipas ng panahon, kung sinu-sinong babae na ang dumaan sa kanya-mga mukhang nakalimutan na niya, mga pangalang hindi na mahalaga. For him, they were nothing more than temporary relief. Hanggang sa dumating si Kiara. Sa isang mission na dapat ay routine lang, nakilala niya ang isang inosenteng dalaga na nakakulong sa The Velvet Mirage-isang lihim na lugar kung saan ibinebenta ang kagandahan para sa panandaliang aliw. Saving her should've been just part of the job. Pero hindi. May kakaiba kay Kiara-something pure... something untouched... something dangerous for a man like him. At sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, dinala niya ito sa bahay niya at ginawang kasambahay. A decision he would soon regret. Dahil sa oras na tumira si Kiara sa ilalim ng iisang bubong kasama niya, mas lalo niyang naramdaman ang tukso-lalo na sa inosente nitong kilos, sa natural na alindog na hindi nito namamalayan. Every single day, every single moment... she becomes his greatest weakness. At habang pilit niyang pinipigilan ang sarili, lalo naman siyang nahuhulog sa tukso. Now, Ren is facing the one battle he was never trained for- Paano mo poprotektahan ang isang babae... kung ikaw mismo ang dahilan ng panganib sa kanya?
101.4K viewsOngoingAdded to Library 52 Times as novel updates bl
Read
+Library
The Godfather

The Godfather

Dahil sa pagmamahal ni Mara kay Logan, ay nagawa niyang pikutin ang binata. Ang akala niya, kapag magtagumpay siya sa kanyang plano ay mamahalin siya nito. Pero mali siya, dahil ginawang miserable ni Logan ang buhay niya. Hanggang sa sumuko siya at piniling palayain ito, at hanapin ang taong mamahalin siya ng totoo. Nang nakilala niya si Nathan, ay akala niya, ay magiging masaya na siya. Pero mali siya, dahil muling bumalik sa buhay niya si Logan. Babalikan niya kaya ito, at kalimutan ang mapait na dinanas niya rito? O pipiliin si Nathan, na walang ibang ginawa kun'di ang mahalin siya, kahit alam nito na ang ninong niya ang unang nagmamay-ari kay Mara.
1019.2K viewsCompletedAdded to Library 384 Times as novel updates bl
Read
+Library
Mahal na Kita, Señorito

Mahal na Kita, Señorito

“Mahal na ata kita, Señorito” Chelestine “tina” Batumbakal ay galing sa isang bahay ampunan, at nang tumungtong na siya sa legal na edad (18) ay kinakailangan niya ng maghanap ng permamenting trabaho upang masustentuhan ang kaniyang sarili. At isa sa trabahong nahanap niya ay ang pagiging maid sa mansion ng isang Ruthless at mayamang Bilyonaryo sa Maynila at yun ay si Rhylle Voine Roxwell, isang 29 years old na CEO ng Roxwell Corp. Unang pagkikita pa lang nila ay nabighani na si Roxwell sa kaniya, habang si Tina ay hindi gusto ang mala hayop na ugali nito. Magkakaisa kaya ang kanilang mga puso sa oras na makilala nila ng buo ang isa't isa?
103 viewsOngoingAdded to Library 2 Times as novel updates bl
Read
+Library
Wait 'till I'm Yours(Tagalog)

Wait 'till I'm Yours(Tagalog)

Si Ally ay galing sa pamilya na hindi naman mahirap at hindi naman mayaman, kumbaga nasa average level lang ang kanilang pamumuhay,nagsusumikap sa buhay. Tatlo silang magkakapatid na puro babae, siya ang panggitna, that's why she has a strong persanality. Palaban, madiskarte, at independent. On the other hand,Copper is a MultiBillionaire widower, he owns multiple classes of Business, from aviation to mining company. In spite of being a billionaire he is a lonely, somewhat cold-hearted man. May anak siyang babae sa namayapa nyang maybahay. A very kind and smart little girl named Kasha. Magkatagpo kaya ang landas nilang tatlo? O may magaganap bang pag-iibigan sa pagitan ni Copper at Ally? Do they bring joy to Kasha? Love is everywhere and they'll wait until love will find each other.
708 viewsOngoingAdded to Library 25 Times as novel updates bl
Read
+Library
Under the Mayor's Command

Under the Mayor's Command

Isang gabing pagkakamali, isang panghabambuhay na iskandalo. Si Rosita Alonzo, isang matapang at masipag na dalaga, ay pumasok bilang katulong sa mansyon ng mga Zaviere sa pag-asang matatakasan ang kahirapan. Ngunit sa isang gabing nilunod ng alak ang kanyang katinuan, isang maling pinto ang kanyang nabuksan . . . isang maling kama ang kanyang nahigaan. Ang silid na iyon ay pagmamay-ari ni Alexander Zaviere, ang makapangyarihang Mayor ng lungsod. Si Alexander ay ang perpektong lider sa mata ng publiko, gwapo, matalino, at kagalang-galang. Ngunit sa likod ng mga pader ng kanyang mansyon, siya ay isang lalaking nilalamon ng pait at pangungulila matapos ang pagkamatay ng kanyang asawa. Ang agwat ng kanilang edad na dalawampung taon at ang malaking pagkakaiba ng kanilang katayuan sa buhay ay dapat sapat na upang hindi sila magtagpo, ngunit ang init ng gabing iyon ay nag-iwan ng apoy na hindi na nila kayang apulahin. Sa bawat palitan ng titig at bawat pagkakataong magkalapit sa loob ng mansyon, unti-unting nahuhulog ang loob ni Alexander sa dalagang muling nagparamdam sa kanya na siya ay buhay. Ngunit ang kanilang bawal na ugnayan ay mitsa ng isang malaking pagsabog. Nang kumalat ang isang iskandalosong larawan ng Mayor kasama ang kanyang batang katulong, nanganib ang kanyang karera at ang dangal ni Rosita. Upang protektahan ang kanyang titulo at ang kaayusan ng lungsod, pinili ni Alexander ang pinakamasakit na paraan, ang itaboy si Rosita palayo sa kanyang mundo. Ngunit sa pag-alis ng babaeng nagpatibok muli ng kanyang puso, ramdam ni Alexander na ang kapangyarihan ay walang silbi kung ang puso niya ay muling magiging bilanggo ng lungkot. Handa ba niyang isuko ang kanyang korona at posisyon para bawiin ang babaeng itinuring niyang isang "pagkakamali"? O hahayaan na lamang niyang maging isang mapait na alaala ang pag-ibig na nagligtas sa kanya mula sa dilim?
101.8K viewsOngoingAdded to Library 70 Times as novel updates bl
Read
+Library
The Billionaire's Aggressive Maid

The Billionaire's Aggressive Maid

Tahimik ang mansyon. Tahimik… maliban sa mahinang iyak ni Princess sa bisig ko—isang buwang gulang, walang alam, walang kasalanan. Pero siya ang unang nasaktan sa lahat ng ‘to. Siya ang naiipit sa pagitan ng dalawang taong hindi na alam kung paano magmahal nang sabay. Nakaluhod ako sa harap ni Elise. Mahigpit ang hawak ko sa laylayan ng bestida niya, parang batang takot na maiwan sa dilim. Nanginginig ang labi ko, pinipigilan ang mga luhang ayaw na sanang lumabas—pero hindi ko na kayang kontrolin. “Please, Elise…” garalgal kong pakiusap. “’Wag mo kaming iwan. Hindi ko alam kung paano palalakihin si Princess nang wala ka. Hindi ko alam kung paano mamuhay kung wala kayo…” Pero wala. Wala siyang emosyon. Wala siyang luha. Matigas ang titig niya, parang ako pa ang mali. Bitbit niya ang maleta niya—hindi lang punô ng damit, kundi punô ng lahat ng alaala namin. Lahat ng pangarap. Lahat ng ‘akala ko tayo.’ “Hindi ko ‘to pinlano, Levi,” mahina niyang sagot. “Pero kailangan kong piliin ang sarili ko. Pagod na akong umasa. Pagod na akong maging pangalawa sa trabaho mo, sa mundo mo. Hindi ko kayang maging ina habang ako mismo’y hindi buo.” Gumuho ako. Literal. Napayuko ako habang yakap ko si Princess, habang nararamdaman ko ang init ng iyak niya sa dibdib ko. Halik ako nang halik sa noo niya, para bang kaya kong takpan ng pagmamahal ang kawalan ng ina niya. “Anak mo ‘to, Elise. Anak natin…” pabulong kong daing. “Kung hindi mo na ako kayang mahalin… kahit siya na lang. Kahit siya. ‘Wag mong iwan ang anak mo…” Pero wala. Ni hindi siya lumapit. Ni hindi siya tumingin. Tumalikod siya, dala ang katahimikang mas malakas pa sa kahit anong sigaw ng pagtanggi. "Ayoko na" mahina niyang sabi at hinila ang maleta palabas ng mansion.
1021.4K viewsCompletedAdded to Library 469 Times as novel updates bl
Read
+Library
PREV
123456
...
23
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status