Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
CEO ROMANCE SERIES (ALEX & KAREN)

CEO ROMANCE SERIES (ALEX & KAREN)

Itchay
Kilalang chef sa buong bansa si Alexander Jones. Bukod sa gwapo na ay mayaman pa. Nasa kanya na ang lahat ng katangian na pinapangarap ng isang babae. Kaya naman nasanay siyang sa isang iglap lang ay nakukuha niya ang gusto niya, mapalarangan man ito ng negosyo, hobby, o di kaya ay babae. Laking dagok sa kanyang ego ng may isang babae ang tumanggi sa kanya. Si Karen Delgado, ang babaeng bukod tanging hindi nahulog sa karisma ng isang Alexander Jones. Pero ng dahil sa problemang pinansyal ay napilitan siyang tanggapin ang pinaka-ridiculous na offer na natanggap niya mula kay Alex. Isang contractual marriage. Magiging maayos kaya ang pagsasama ng dalawang nilalang na nag-umpisa sa maling sitwasyon? May tsansa kaya na ma-uwi sa pag-iibigan ang relasyong nagsimula sa awayan? Paano kapag nalaman nila, na ang ugnayan pala nila sa isa't-isa ay hindi lang nagsimula sa isang kontrata?
Romance
104.7K viewsOngoing
Read
Add to library
In Bed with the Hottest Zillionaire Lawyer in Town

In Bed with the Hottest Zillionaire Lawyer in Town

Isa si Evangeline 'Eva' Cuestas sa mga kasisikat pa lamang na actress at model sa bansa. Pinangangalagaan niya ng maigi ang kanyang karera dahil bukod sa pinaghirapan niyang makamtan ang kalagayan niya ngayon ay pakiramdam din niya ay roon lamang siya magaling. Subalit nang dahil sa kataksilan ng kanyang fiance sa mismong araw ng kanilang official engagement party, gumuho ang lahat. Dahil sa labis na kalungkutan at pighati, basta na lamang nakipagsiping si Eva sa hindi kilalang lalaki. little did she know, na ang lalaking kanyang naka-sex ay walang iba kung hindi si Alas Constantine Fuegerro, isang tanyag na abogado sa bansa. Kilala niya ito na isang mayabang, arogante at babaero. Sa pagtatagpo ng kanilang landas, magbabago ba ang tingin niya sa lalaki? Paano kung may bagay siyang gagawin dahilan upang mas magtagal pa ang kanilang ugnayan? Higit pa kaya sa init ng katawan ang kanilang mararamdaman para sa isa't isa?
Romance
10415 viewsOngoing
Read
Add to library
Deal with Mr. Billionaire

Deal with Mr. Billionaire

solaraw
“The agony of betrayal cuts deeper when it comes from a beloved person.”  Iyan ang nararamdaman ni Zephanie nang makita nya mismo mula sa kanyang dalawang mata ang pagtaktaksil sa kanya ng kanyang boyfriend at pinsan.  Sa kanyang pagkalugmok ay pumunta sya sa bar at nagpakalunod sa alak. May isang lalaki syang nakatalikan at ito ang nakakuha ng pagka-birhen nya. Huli na nang malaman niya na bilyonaryo pala ang lalaki. Naging laman sila ng balita dahilan kung bakit pinalayas sya sa kanilang bahay.  Para makaahon ay tinanggap niya ang alok ng bilyonaryong nakakuha ng pagka-birhen nya na maging asawa sya sa loob ng walong buwan.  Sa kanilang araw-araw na pagsasama, posible kayang may umusbong na pagmamahal sa isa’t-isa? 
Romance
105.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Changing For You

Changing For You

Miss_Myth
Si Elina ay ang anak ni Demeter at mag-isang naninirahan sa gubat ng Elusian. Sa loob ng mga taon ay hindi bumalik ang kaniyang ina sa hindi matukoy na kadahilanan. Sa kaniyang pag-iisa sa buhay ay lungkot ang naipon sa kaniyang buhay. Hanggang sa mayroon siyang nakilalang misteryosong binata. Isang binatang malamig ang puso. Hindi niya tinulungan ang dalaga na maka-alis sa malawak na gubat. Pagkatapos ng araw na iyon ay tumindi ang lungkot ng dalaga sa kaniyang buhay at siya'y nawawalan na ng pag-asang may makatagpo muli. Sa hindi inaasahan ay biglang may pangyayari na hindi maipaliwanag. Ang mga nagliliwanag na paru-paro ang nagtipon-tipon sa kalangitan at patungo sila sa hilagang parte ng gubat. Iyon ang gubat ng Nysa. Ang mapanganib na parte ng Elusian. Hindi nagdalawang isip si Elina sa sundan ang mga ito, hanggang sa nakita niya ang bukid ng mga iba't-ibang uri ng bulaklak. Gayundin ang nagliliwanag na pulang bulaklak. Ito'y mahiwaga. Nang bunutin ito ni Elina, ang kaniyang buhay ay biglang nagbago. Nakarating siya sa puder ng Mundong Ilalim, at nakilala ang diyos na namumuno dito, si Hades. Laking gulat ni Elina na ang diyos na nasa kaniyang harapan ay nakilala na niya noon. Nag-alok si Hades ng kundisyon sa kaniya, kapalit ng inutang na buhay. Ang maglingkod siya habang-buhay. Lumipas ang mga araw ay nakilala ni Elina ang totoong si Hades, at ang hindi inaasahan ay ang mahuhulog ang kaniyang loob sa kilalang malupit na diyos. Nagdaan pa ang mga araw na magkasama sila at ang mga pagbabago'y namumulaklak na tila mga rosas sa dilim. Ngunit, titibay ba ang kanilang pag-iibigan sa mga dadaang pagsubok sa kanila? Credits: Pinterest [ Book's Cover ]
Romance
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Euphoria: The Final Boss

Euphoria: The Final Boss

Si Evangeline Yang, kilala sa high-end world ng Ligaya & Adonis bilang Apple Pie, ang pinaka-requested escort—tinaguriang Best Flavor. Pero para kay Eva, hindi ito tungkol sa karangyaan o pagnanasa—isa itong paraan para mabuhay. Ang gabi-gabi niyang bookings ang naging daan para siya'y makatapos ng BSBA major in Marketing, nakabili siya ng studio-type condo unit, at naka pag patayo ng maliit na negosyo para sa kanyang pamilya sa probinsya. Ngunit matapos ang limang taon ng pagtatago sa pangalang hindi kanya, handa na siyang mag-quit. Ang final booking niya: isang weekend sa Euphoria Island kasama ang isang estrangherong basag ang puso. Walang pangalan. Walang expectations. Walang label. Langit sa ilalim ng buwan. Mga halik na masyadong totoo para sabihing trabaho lang. At isang gabing akala nila, kaya nilang iwanan sa isla. Nagkamali sila. Pagbalik sa Maynila, handa na si Eva sa bagong simula-isang lehitimong trabaho sa isang prestihiyosong marketing firm. Pero hindi siya handa sa lalaking naghihintay sa kabilang dulo ng opisina. Gideon Morgan—isang self-made billionaire CEO at charismatic marketing genius—na minsang naniwala at naging bulag sa pag-ibig... matapos siyang paulit-ulit iwan ng babaeng akala niya'y sa kanya. Sa Euphoria, natikman niya ang kalayaang matagal na niyang hinahanap-at ang halik ng babaeng hindi niya malilimutan. Maniniwala na sana siyang hindi totoo ang second chances—hanggang may nagturo sa kanya kung paano muling umasa at buksan ang puso muli. At ngayon, narito ang babaeng 'yon. Sa opisina niya. Bilang kanyang bagong secretary. Sa mundong puno ng power suits, deadlines, at mga lihim na hindi nila sinadyang itago—kaya pa ba nilang manatiling propesyonal? O dadalhin ng Euphoria ang lahat ng damdaming iniwan nila... hanggang sa boardroom?
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
THE MAN WHO BREAKS MY HEART

THE MAN WHO BREAKS MY HEART

Sa kagustuha na makaraos sa pang araw-araw na pangangailan ay kailangang magtrabaho ni Aubree Lyn Corpez sa isang company na mataas magpasahod ngunit malayo naman sa kanyang mga anak na kambal na nasa edad five years old. Ngunit sa hindi inaasahan na pagkakataon ay ang magiging boss niya ay ang dating kasintahan na kung saan pilit niya na itong kinalimutan ng ilang taon dahil sa isang pagkakamali na relasyon at dahilan kung bakit inilayo niya ang kanyang mga anak sa tunay nitong ama. Kaya niya bang panindigan na hindi na siya magbibigay ng second chance sa taong nananakit sa kanya kundi ang maghiganti? Ryker Matt Sullivaño ay kilalang ruthless, arrogant CEO/ boss ng isa sa kilalang real estate sa buong bansa. Sa muling pagkikita ng kanyang dating girlfriend, may pag-asa pa kayang maitama niya ang mali ng nakaraan? Paano kung huli na at may mahal na siyang iba?
Romance
1024.6K viewsCompleted
Read
Add to library
His Inevitable Obsession

His Inevitable Obsession

AtengKadiwa
Wala ng mahihiling pa si Candice Gonzales, dahil sa kaniya na lahat. Subalit isang araw, kinausap siya ng kaniyang magulang na ipapakasal siya sa anak na lalaki ng kaibigan ng kaniyang ina. Hindi iyon nagustuhan ni Candice Gonzales, lalo at may kasintahan siya! Pero hindi niya akalain na ang lalaking ipapakasal sa kaniya ay ang antipatikong lalaki na nakabangga sa sasakyan niya at humalik sa kaniya. Pero, pumayag din siya magpakasal. Dahil ba iyon sa halik na pinagsaluhan nila na nagdala sa kaniya sa alapaap kaya siya pumayag?
Romance
101.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO's Revenge

The CEO's Revenge

Si Xaiqa Qealil Dhal'Pzion na mas kilala sa tawag na Xai ay nakaranas ng labis na kalupitan sa kamay mismo ng sarili niyang ama, hindi pag mamalupit sa mismong katawan niya ngunit sa mga taong mahal at labis na malapit sa kaniya, sa edad na siyam ay iniwan sila ng kaniyang pulis na ama, at walang hiya nitong ipinahiya ang kaniyang ina, sa murang edad ay walang nagawa ang kawawang bata, lalo na't sila ay nagmula lamang sa mahirap na pamilya. Ngunit simula ng iwanan sila ng kaniyang ama, si Xaiqa at ang nakababata niyang kapatid na si Ziekye ay binuhay ng kanilang ina, halos araw araw at madalas gabi na kung maka uwe ang kanilang ina dahil sa labis na pagtatrabho upang mabigyan sila ng magandang kinabukasan, mas naging maayos din ang buhay nila, simula noong hindi na nila nakakasama ang kanilang ama, wala ng nananakit sa kanilang ina. Ngunit sa edad niyang dose ay muling nag pakita ang masamang mukha ng kanilang ama, at sa gabing iyon, tuluyang nawasak ang puso ni Xaiqa, dahil pinahirapan ng labis ang kanilang ina habang nasa harap nila, walang awang pinag hahampas ng latigo, at sa huli ay kinitil ng sarili nilang ama ang buhay nito, sa oras din nayon ay ibenenta ang kaniyang kapatid sa malaking sindikato, walang nagawa si Xaiqa kundi ang umiyak, mag luksa at sumigaw, hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay. 13 years ang nakalipas, ang batang dumaan sa labis na hirap at sakit ay muling magbabalik para sa hustisya, nais niyang tuparin ang sumpang binitawan sa labi ng kaniyang ina, at ang pangako na hahanapin ang kaniyang kapatid, si Xaiqa ngayun na anak na ng mga asawang bilyonaryo sa ibat ibang bansa at isa ng ganap na CEO. makakamit niya kaya ang hustisya? para sa mahal.
Romance
179 viewsOngoing
Read
Add to library
Billionaire's Love Beyond Misunderstanding

Billionaire's Love Beyond Misunderstanding

Calliana
Sa galit ni Althea sa lalaking nakabuntis sa pinsan niya, sinugod niya ito. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, ang bilyonaryong si Samuel ang napagkamalan at nasugod niya noong araw na iyon, na siya namang ipinagdiriwang ang wedding engagement kasama ang fiancée at pamilya nito. Hindi niya alam na ito pala ang boss niya, at bilang kabayaran sa ginawa niyang pagsira sa wedding engagement nito, kailangan niyang tulungan itong muling ayusin ang nasirang wedding engagement nila ng dating fiancée. Pero paano kung sa kalagitnaan ng misyon niya na ayusin ang nasirang wedding engagement ng dalawa, siya namang pagkahulog nila sa isa’t isa ni Samuel?
Romance
102.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Billionaire Marry Me For A Bet

Billionaire Marry Me For A Bet

Nagsimula ang lahat sa isang taya, isang pustahan na ginawa ni Stanford Guzman sa kanyang dating kasintahan, isang pustahan na nagpapahintulot kay Veronica Montenegro na pakasalan ang kanyang lihim na pag-ibig. Naisip ni Stanford na palagi siyang mananalo ngunit hindi inaasahan, na ang pagkawala ni Veronica ang magiging pinakamalaking pagsisisi niya. Nakahiga pa rin ako sa kama, hubo't hubad, na may mga marka sa buong katawan ko, nang binitawan niya ang malamig na mga salitang iyon, "Melissa Johnson is back. I want a divorce." Nagulat ako kung gaano siya ka-callus. Hindi ko pa nasasabi sa kanya ang tungkol sa pagbubuntis ko. Ano ang dapat kong gawin ngayon? Makakalimutan ba niya si Melissa at ipagpapatuloy ang kasal na ito kung sasabihin ko sa kanya? "Malinaw na nakasaad sa kontrata na maaari nating tapusin ang kasal na ito kung hindi tayo magmamahalan sa isa't isa sa loob ng isang taon. Hindi kita mahal, Veronica. You failed to win my heart." Walang emosyon niyang sinabi ang mga salitang iyon, nakatingin sa mga mata ko. Naiintindihan ko na hinding-hindi ko mapapalitan si Melissa sa puso niya, kaya nagpasiya akong ilihim sa kanya ang pagbubuntis ko. "Maghiwalay na tayo," sabi ko Naisip ni Veronica na mabubuhay siya nang masaya kasama ang kanyang sanggol na malayo kay Stanford at sa kanyang malamig at walang pusong mundo. Ngunit gumawa na ng ibang plano ang tadhana para sa kanya. Sa huli ay tumawid siya sa kanyang landas. "Naglakas-loob kang itago sa akin ang anak ko. Ngayon humanda ka sa mga kahihinatnan." Nang muling lumitaw si Stanford sa buhay ni Veronica, naging buhawi ng kaguluhan ang lahat. Paano niya ilalayo ang kanyang sarili at ang kanyang anak sa kanya? Maililigtas kaya niya ang sarili na hindi na muling masaktan?
Romance
211.9K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status