THE SEX CONTRACT 3: MAXI and MARCO
“Mahihirapan ako sa ikatlo. Kapag mainit ang ulo ko, gaya mo, kaya kong pumatay ng tao. At gaya ng nakita mo na, may sumpong ako na wala akong sini-sino. Yong pagiging submissive, kalimutan mo na lang, madi-disappoint ka.”
“It’s non negotiable.” Ang angas ng sagot niya. “At kahit tumanggi ka sa offer ko, magiging akin ka pa rin.”
Psycho ba talaga siya?
“Nalilito ka ba sa pagkakaiba ng death penalty sa sex contract?”
Hindi rin niya pinansin ang sinabi ko. “Bilang kapalit, makukuha mo ang lahat ng kailangan mo para makapaghiganti. Kaninoman o sinoman at kahit nasaang lupalop ng mundo.”