Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire

Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire

Hindi ko kailanman inakala na ang isang desperadong desisyon ay tuluyang magbabago sa buhay ko. Nang lumobo ang bayarin sa ospital ng aking lola, wala akong ibang pagpipilian kundi tanggapin ang isang hindi pangkaraniwang alok—ang magpakasal kay Conrad, ang bulag ngunit malupit na tagapagmana ng makapangyarihang pamilya Laurier. Sinasabi nilang ipinanganak siyang nagdadala ng kamalasan dahil namamatay ang mga mahal niya sa buhay. Ngunit kailangan nila ng asawa para sa kanya, at kailangan ko ng pera. Dapat sana, isang simpleng kasunduan lang ito. Ngunit mula nang pumasok ako sa kanyang mundo, napagtanto kong may higit pa kay Conrad kaysa sa mga bulung-bulungan. Ang kanyang pagkabulag ay hindi kahinaan—bagkus, ginawa siyang mas matalas, mas mapanganib. Bawat salitang binibigkas niya ay may bigat, at bawat dampi ng kanyang kamay ay nagpapadala ng kilabot sa aking balat. Hindi niya ako pinagkakatiwalaan. Iniisip niyang isa lang ako sa mga babaeng nais samantalahin siya. Pero paano kung unti-unti kong makita ang totoong lalaking nasa likod ng malamig niyang maskara? At mas masama pa—paano kung mahulog ako sa kanya?
Romance
9.816.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother

Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother

Limang taon na kasal si Yeon Na kay Henry, pero sa isang iglap, naghiwalay rin sila dahil sa isang masakit na paratang na baog daw siya. At para gawing mas masahol pa ang lahat, isang linggo matapos ang diborsyo nila, nakatanggap pa siya ng imbitasyon sa baby shower ng sarili niyang nakababatang kapatid—na buntis sa dating niyang asawa. Bigo man at sugatan ang puso, gumawa siya ng isang matapang na desisyon. Lumapit siya sa nag-iisang lalaking alam niyang makakatulong para muling mabawi ang dignidad niya—si Sire Vemeer, ang kanyang boss. Isang kilalang playboy, isang bilyonaryong CEO, at... half-brother ng ex-husband niya. Hindi para umibig. Hindi para magka-relasyon. Isa lang ang gusto niyang mangyari... ang mabuntis. Kung nakaya siyang pagtaksilan ng kanyang kapatid at ni Henry, kaya niya ring gumawa ng paraan para gumanti sa mga ito. Gagamitin niya rin ang kapatid ni Henry para maipamukha rito na hindi siya baog. Na kaya niyang magdalang-tao. Pero paano kung ang panandaliang plano ay mauwi sa permanenteng koneksyon? At paano kung, sa gitna ng paghihiganti, matutunan niyang magmahal muli, sa isang lalaking ni minsan ay hindi niya pinangarap?
Romance
1020.6K viewsOngoing
Show Reviews (26)
Read
Add to library
Anne Lars
𝗧𝗵𝗮𝗻𝗸 𝘂 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝘀𝘂𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮 𝗻𝗶𝗻𝘆𝗼 𝗸𝗶𝗻𝗮 𝗦𝗶𝗿𝗲 𝗮𝘁 𝗬𝗲𝗼𝗻 𝗡𝗮! 𝗙𝗶𝗻𝗮𝗹𝗹𝘆, 𝘁𝗵𝗲 𝘀𝘁𝗼𝗿𝘆 𝗵𝗮𝘀 𝗰𝗼𝗺𝗲 𝘁𝗼 𝗮𝗻 𝗲𝗻𝗱. 𝗦𝗮𝗻𝗮 𝗽𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗻𝗶𝘆𝗼 𝗽𝗮 𝗿𝗶𝗻𝗴 𝘀𝘂𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗶𝗯𝗿𝗼𝗻𝗴 𝗶𝘁𝗼. 𝗠𝗮𝗿𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝘁!
Reni Torejas
aabangan ko tong libro mo hanggang sa matapos. sana matapos mo rin mga ongoing books mo. I love your writing style at saka hnd boring bwat episode. iba rin ang flavor ng bawat story mo. Kaya keep writing po. you deserve a hype sana sumikat pa mga gawa mo po
Read All Reviews
Doctor Calyx: Touch Me Gently

Doctor Calyx: Touch Me Gently

Mataba. Nerd. Walang kaibigan. Ganito noon si Calyx Monteverde—isang binatang pinangarap lamang mahalin ng babaeng tinitibok ng puso niya, si Sahara Villareal. Maganda. Seksi. Perpekto. Ngunit sa halip na matamis na ngiti, kahihiyan ang isinukli ni Sahara sa kanyang lihim na damdamin—sa harap ng lahat. Lumipas ang mga taon. Si Calyx, ngayo’y isang kilalang, mayaman, at magaling na doktor. Si Sahara? Bagsak ang negosyo, naghihirap, at desperado. Malubha ang sakit ng ama niya—at tanging si Dr. Calyx ang makapagliligtas. Ngunit paano kung ang lalaking minsang pinahiya mo ay siya ring tanging pag-asa ng ama mo ngayon? At paano kung wala kang sapat na pera para bayaran ang kanyang serbisyo? May isang kondisyon si Calyx—ang katawan ni Sahara ang magiging kabayaran. Ngayon, sa harap ng muling pagtatagpo, ano ang nanaig sa puso ni Calyx—ang matagal na pagmamahal o matinding paghihiganti?
Romance
10561 viewsOngoing
Read
Add to library
The Cold- Hearted Mafia Boss

The Cold- Hearted Mafia Boss

Ace Villadolid- Isang kapita pitagang NBI agent sa panahon niya. Marami na siyang mga malalaking sindikato, drug lord at Mafia boss ang napasuko. Dahil sa angkin niyang galing sa ilang taong serbisyo sa pagiging agent, kinuha siya ng isang big time na negosyante na walang pamilya at ginawa siyang isang private/personal bodyguard nito. Sa pamamalagi niya as a PSG, napag-alaman niya na isa pa lang Mafia Lord ang negosyanteng iyon. Palihim niya itong iniimbistigahan, sa nagdaang panahon nalaman niya na mabuting tao pala ito. Dumating ang araw na nagkasakit ang negosyante at dahil wala nga itong pamilya kaya sa kaniya nito ipinamana ang lahat ng ari-arian niya, pati na rin ang pagiging Mafia Lord nito, ngunit bago pa man namatay ang negosyante, hiningi niya sa'yo na hanapin mo ang nag-iisa niyang anak na babae at ang taga pagmana ng lahat. Paano kung ipagkatiwala sayo ng matanda ang kaniyang katungkulan, tatanggapin mo ba ang obligasyong naka atang sayo? At paano kung nakilala mo na ang babaeng bibihag sa'yong napupukaw na damdamin, mamahalin mo pa kaya ito lalo na kapag nalaman mo ang tunay na lihim nang pagkatao nito..
Mystery/Thriller
1014.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Claimed By My Billionaire Ex-boyfriend

Claimed By My Billionaire Ex-boyfriend

Cookie Heart
Iniwan ni Jasmine si Luigi dahil iyon ang sa tingin niya na makabubuti para sa kanilang dalawa. Pakiramdam niya kasi ay siya ang barrier at hindi iyon maaalis kung hindi siya mawawala sa buhay nito. Pero paano kung kahit anong iwas mo, kahit anong limot pa ang gawin mo, tadhana na talaga ang gagawa ng paraan para magtatagpo ulit kayo.
Romance
705 viewsOngoing
Read
Add to library
Rejected Wife of A Heartless CEO

Rejected Wife of A Heartless CEO

Sabi nila, isa raw sa magagandang araw sa buhay ng isang babae ay ang maikasal sa lalakeng mahal niya. Pero hindi ako. Dahil iniwan ako ng lalakeng nangako sa akin na sasamahan ako habang buhay sa mismong seremonya ng aming kasal. Iniwan niya akong nag-iisa sa altar at mas pinili ang nakababata kong kapatid. Hindi lahat ng kasal ay masaya. Isinumpa ko ang araw  na iyon at nangako sa sariling maghihiganti. Pero paano pa ako makapaghihiganti kung namatay ako mismo sa araw na iyon?
Romance
8.534.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Defending Mr. Billionaire

Defending Mr. Billionaire

Defending Mr. Billionaire || R-18+ When can we say that a person is worth defending? When he is already accused? When he already received a death threat? When he has money? When he's already dead? Ako, hindi ko alam. All I know is that I don't care about him. I don't care about that freakin' billionaire. Even if they made me his lawyer, I will not and will never defend him. Hindi ko gagamitin ang aking propesyon bilang isang abogado para lang ipagtanggol ang isang siraulong katulad niya. Pero kung para sa kapatid ko naman, ibang usapan na 'yan. Kapag natapos ang kaso na 'to ay magkakahiwalay na rin kami ni Anthony at pipilitin kong hindi na siya makita muli. I just need this one-time big-time chance for my brother. Pero paano kung magbago ang lahat? Paano kung ma-realize ko na mahal ko pa pala siya? Paano kung sa huli ay kami pa rin pala para sa isa't isa? "When will I start defending you, Mr. Billionaire?" WARNING: Mature Content!
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)

Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)

Isang kontrata ang magtatali kila Ysla at Nathan. Kasunduan na may hangganan at dahil lamang sa mga personal nilang dahilan. Si Nathan upang masunod ang kanyang lola at si Ysla upang makaganti sa kanyang fiance at sa mga taong inakala niyang pamilya. Paano kung magbago na ang pagtingin nila sa isa't-isa kasabay ang pagbabalik ng dating pag-ibig ni Nathan at pagdating ng mga problemang dulot ng pamilya ni Ysla?
Romance
1022.4K viewsOngoing
Read
Add to library
My Secret Romance

My Secret Romance

Paano kung may makilala kang tao na lahat ng ayaw mong ugali ay nasa kaniya? Isang taong papahirapan at guguluhin ang mundo mo. Meet Zoe Yaffeh Madrigal--- ang babaeng may pagka-boyish at head over heels sa bestfriend niyang lalaki. Isang babae na lahat ng gugustuhin ay makukuha niya, pero maliban sa isa. Meet Dylan Rodriguez--- ang tahimik, matalino, mayaman, guwapo at masasabi mong Perfect Guy. Ang bestfriend ni Zoe. Dalawang magkaibigan na magka-iba ang ugali. Nagkalayo dahil sa isang maling pangyayari, pero magsasama muli dahil sa isang kasunduan. "Bibigyan kita ng sariling anak, pero lahat ng atensyon mo na para sa mahal mo ay dapat nasa akin," nakangising sabi ni Zoe. Nag-aalinlangan man si Dylan ay tumango pa rin siya. "Deal!" sagot ng binata. One Deal! One Secret! Isang sekretong magpapabago ng mga mundo nila. Isang sekretong may kapalit. Pero paano kung maging malapit sila sa isa't isa at tuluyan nang mauwi sa love? Are they going to prove that total opposite attracts? O maghihiwalay din sila in the end? "He is my secret. My beautiful little secret," nakangiting sabi ni Zoe sa kaniyang sarili habang nakatingin sa papalayong si Dylan.
Romance
105.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Arrianne's Door

Arrianne's Door

Boss mong akala mo ay galit sa'yo, bigla na lamang magtapat na gusto ka. Maniniwala ka ba? Si Arrianne, isang probinsyanang lumuwas ng Maynila sa kagustuhang mabigyan ng maayos na pamumuhay ang ina. Nagtiwala at umibig sa kababata na akala niya ay tunay siyang mahal, ngunit hindi pala. Paano kung may muling kumatok sa kaniyang puso, na hindi pa tuluyang maghilom. Papapasukin kaya niya?
Romance
1011.0K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
3536373839
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status