Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
When The Mafia Falls In Love

When The Mafia Falls In Love

Ipinambayad si Angel Anzores ng kanyang tiyahin at tiyuhin sa kanilang pagkakautang matapos nilang itago ang kanyang nakababatang kapatid na si Angelo at pagbantaang ito ang ibebenta kung hindi siya papayag. Kaya walang nagawa ang dalaga kung hindi ang sundin ng mga taong umako sa kanilang magkapatid matapos mamatay sa isang car accident ang kanyang mga magulang. Si Salvatore Ravalli ay 35 years old at kilala sa tawag na “Tore” sa underground at isang malupit na mafia na siyang inutangan ng tiyuhin at tiyahin ni Angel at mahuhulog ang loob sa dalaga. Matatanggap kaya ni Angel ang lalaki na noong una ay nang-alipin sa kanya at tinakot gamit ang buhay ng sariling kapatid? Ano ang gagawin ni Salvatore kapag nalaman ni Angel na sangkot siya sa aksidenteng kumitil sa buhay ng kanyang mga magulang na naging dahilan upang masadlak silang magkapatid sa buhay na ibinigay sa kanila ng mga taong kumupkop sa kanila? Magagawa kaya ni Salvatore na mailigtas ang babaeng minamahal sa kamay ng mga malupit din niyang kaaway?
Romance
1073.6K viewsCompleted
Show Reviews (16)
Read
Add to library
MysterRyght
Hi po. Sobrang salamat po sa pagsubaybay sa story nila Salvatore at Angel. Kila Gracie, Irene Wong at Vanessa na nagregalo ng coins thank you so much po. Pati na rin sa mga nagbigay ng gems. Sobrang grateful po ako sa inyong generosity kaya sana po ay pagpalain pa po kayo ng Panginoon.
Erichine Asuncion
nakakaworry na nawala xa ng malay,bka yung ama ni victor ang nasa likod niyan...pero mas gusto ko mgpkapositive na nahilo lang sia kc buntis ulit sia and this time twin boys naman hahaha taz gud samaritan yung driver dinala sia sa hospital
Read All Reviews
My Brother's Bestfriend

My Brother's Bestfriend

Series #1 I love you, Sister Series #2 My Brother's Bestfriend I am Sofia Avery, Vaughn’s younger sister. Akala ni kuya, simple lang akong babae, conservative and old fashioned. Eh nag-aral ako sa ibang bansa kaya na-adapt ko ang culture doon. I am a liberated woman, at may isang naging seryosong karelasyon, but I left him in Spain dahil nagiging bad influence na siya sa akin. Nakilala ko si Josh dela Paz, na kapatid ni sister Bianca, at bestfriend ni kuya. Naging ka-roommate ko siya sa apartment na pag-aari niya. Hindi ko alam na pinaghiwalay ni kuya si Josh at si Alison na ex-fiancée niya. May naka-video na naghahalikan sina kuya Vaughn at Alison, at napanood ito ni Josh. Mahal na namin ang isa’t isa. Ibinigay ko na ang lahat-lahat sa kanya, but I found out that he just made me fall for him para gantihan si kuya. Bumalik siya sa ex-fiancée niya na nanloko lang siya, at nang-akit sa kuya Vaughn ko.
Romance
1040.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Dear Ex-husband, Look At Me Now

Dear Ex-husband, Look At Me Now

Minsan nang inialay ni Sydney ang puso kay Vince pero tinanggihan siya nito… pati ang anak na hindi niya alam na ipinagbubuntis ni Sydney. Pagbalik ni Sydney matapos ang anim na taon, iba na ang babae sa harap niya at hindi na siya madaling saktan. Pero sa muling pagtatagpo, ang lalaking minsang nagpaalis sa kanya ay siya ngayong takot siyang bitawan. Pag-ibig pa ba ito na may pangalawang buhay, o panibagong sugat lang na naghihintay?
Romance
128 viewsOngoing
Read
Add to library
Honey, I don't want the Crown

Honey, I don't want the Crown

Sa mata ng lahat, si Cassandra ay ang “Queen” ng mundo ng negosyo ang asawa ni Nathaniel, isang makapangyarihang negosyante na tinaguriang “King of Business Empire.” Marangya ang kanilang buhay, puno ng pera, impluwensya, at kasikatan. Ngunit sa likod ng kinang, itinatago ni Cassandra ang bigat ng pagiging isang “trophy wife” na nakatali sa imahe at kapangyarihan ng asawa. Habang mas lumalawak ang kaharian ni Nathaniel sa mundo ng negosyo, mas nararamdaman ni Cassandra ang pagkawala ng sarili. Ang mga simpleng pangarap niya maging isang fashion designer, mamuhay nang tahimik at payapa ay natatabunan ng mga korona at trono na ipinipilit isuot sa kaniya ng asawa. Sa pagbabalik ng isang matalik na kaibigan mula sa nakaraan, muling nabuhay ang mga tanong sa puso ni Cassandra: Ano ba talaga ang tunay na halaga ng kaligayahan? Pera, kapangyarihan, at titulo? O ang kalayaan na sundin ang sariling pangarap kahit kapalit nito ay mawala ang lahat ng yaman at impluwensya?
Romance
10539 viewsOngoing
Read
Add to library
She's Mine (Battle of the Gangsters)

She's Mine (Battle of the Gangsters)

Chrispepper
"What the memory forgets, a heart can remember." Yan ang mga katagang pinaniniwalaan at pinanghahawakan ni Ken lalo na nang malaman niyang ang lahat ng ala-ala ni Ciashet patungkol sa kanya at sa mga taong related sa kanya ay nakalimutan nito. Gusto ni Ken na maalala ni Ciashet ang feelings ng babae para sa kanya pero mayroong puwang sa isip niya na nagsasabing ayaw niya ring makaalala pa ang nobya dahil natatakot siya sa mga posibleng maalala nito. Baka hindi lang pagmamahal ang maalala nito kundi pati na rin ang galit na maging dahilan pa ng pag-iwas at pag-alis ulit ng babae palayo sa kanya. Paano nga ba haharapin ng magkasintahang ito ang mga ala-ala sa nakaraan na nakalimutan ng babae at ala-ala naman sa kasalukuyan na makakalimutan naman ni Ken dahil sa isang aksidente. Posible kayang magtagpo pang muli ang mga ala-ala nila? O tuluyan na lang nilang kakalimutan ang isa't isa?
YA/TEEN
102.6K viewsOngoing
Read
Add to library
My Sister's Fiancé

My Sister's Fiancé

PoisonIvy
Iniidolo ni Carmela ang ate Olivia niya dahil bukod sa maganda na ito at matalino, ay mabait din ito. Ito na ata ang pinakapinagpala na babae sa mundo. Idagdag mo pa na may mapagmahal itong fiancé. Pero katulad ng sinasabi nila, lahat ng bagay ay may kapalit. Olivia is dying. Matagal na pala nito itinatago sa pamilya nito ang sakit. They only find out two weeks before the wedding. Gusto ni Olivia may maiwang magmamahal kay Jared kahit wala na ito. And her dying wish is to Carmela to get married with Jared. Noon pa man ay crush na crush na ni Carmela si Jared, pero isinasarili niya lang iyon dahil ayaw niya mag-isip ng hindi maganda ang ate niya. Pumayag siya sa hiling ng ate niya, pero sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay ipinaparamdam ni Jared na walang makakapalit sa pagmamahal nito kay Olivia, kahit siya pa na kapatid ni Olivia at kahit pa kasal na silang dalawa.
Romance
677 viewsOngoing
Read
Add to library
The Mafia's Marked Nanny

The Mafia's Marked Nanny

Hulog ng langit kung ituring ni Evie si Amora. Dumating ito sa buhay niya kung saan nasa gitna siya ng kagipitan. Pero sa tuwing nagtatama ang mga tingin nila ng ama nitong si Russell ay impyerno ang hatid niyon sa kanya— init na nagmumula sa kung saang hindi niya maintindihan. Mommy kung tawagin siya ni Amora gayong yaya lang naman siya nito. Paano kung ang susunod na offer sa kanya ni Russell ay hindi na bilang nanny ng anak niya? Paano rin kung sa paglipas ng panahon, hindi na siya kilalaning 'mommy' ni Amora? ----- Ang batang si Amora ay lalaking puno ng galit kina Evie at Russell. Hindi na siya ang inosenteng bata, kundi siya ay magiging si Gray, isang matapang at nakakatakot na nilalang. At tulad ni Evie ay magiging 'nanny' rin siya ng isang makapangyarihang mafia lord. Sa paglipas ng panahon ay magiging mortal silang kaaway. May pag-asa bang magkapatawaran o mananaig ang kasamaan? ---- Si Alliyah, isang batang naging parte ng misyon ni Gray na siiyang dahilan kung bakit lalambot ang pusong bato nito. Ngunit paano kung magaya si Alliyah kay Gray? Lumaki na puno ng pagkamuhi sa kanya. Anong gagawin ni Gray para maisalba ang batang nagpamulat sa kanya? ---- Tatlong babaeng may iba't ibang kwento pero may iisang tapang at prinsipyo. Mananaig ba ang kabutihan o aapaw ang kasamaan?
Romance
106.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Gangster and His Bride

Gangster and His Bride

XessameStreet
Bukod sa isang drag racer, maraming kwestyon sa pagkakakilanlan at pagkatao ni Kane Talens. Kabilang ang mga tanong patungkol sakaniyang pinanggalingan. Ngunit tadhana na ang gumuhit at nakilala niya ang gangster na si Gabriel at sa hindi inaasahan, ito ang nagsilbing tulay upang magkaroon ng sagot ang kaniyang mga katanungan sa sarili, at kung sino ang nasa likod ng pagkakait ng mga bagay na ito sakaniya noong sanggol pa lamang siya. Sa kanila rin namang pagtatagpo ni Gabriel ay kaniya ring natagpuan ang una niyang pag-ibig, ang pag-ibig na magpaparanas sakaniya kung ano ang pakiramdam ng pagiging kumpleto. Ngunit may sorpresa pa pala ang tadhana, hindi lang para sakaniya kung hindi para sakanila ni Gabriel. Ito ay ang pagdating ni Shian na nagsilbing unang pag-ibig naman noon ni Gabriel, at ang balitang ikagigimbal nilang dalawa. Sa pagdating ni Shian kasama ang balitang iyon ay pag-usbong naman ng mga bagay na kailangang i-sakripisyo ng dalawa. Maaari nga bang magmahal ang taong hindi pa tapos magmahal ng iba? at sa pagbabalik ng nakaraan alin ang kaya nilang talikuran at alin, ang kaya nilang ipaglaban? Sa pagpunta sa punto ng pilian, marami 'mang pagsubok at pagdaanan, mananaig ang mas matimbang at iyon ay ang pag-ibig na kanilang nasimulan.
YA/TEEN
1.5K viewsOngoing
Read
Add to library
The Chosen Wife

The Chosen Wife

CRISTINA JERMELINE
Si Deborah, ang isang batang witch na itinalagang maging pinuno ng kanilang witch clan sa takdang panahon ay anak ng isang prophet na si Hoziah Mosen. Nang mawala ang kanyang ama ay nalaman ni Deborah na sinasamba nito si Lord Father Adonai, ang diyos na galit sa witchcraft at dark magic. Tulad ng kanyang ama ay sinamba din ni Deborah ang diyos na si Lord Father Adonai at tuluyan nang tinalikuran ang pagiging witch. Lingid sa kaalaman ni Deborah ay siya pala ang nakatakdang witch na ipapakasal sa prinsipe ng mga werewolves na si Ramluiz. Tuluyan na nga kayang talikuran ni Deborah ang witchcraft o yayakapin na lamang niya ang kanyang kapalarang maging asawa ng prinsipi ng mga werewolves?
Fantasy
102.6K viewsOngoing
Read
Add to library
MARRIED TO THE BILLIONAIRE IN 128 DAYS

MARRIED TO THE BILLIONAIRE IN 128 DAYS

pedrosays
Sa isang hindi inaasahang pangyayari, nasa bingit ng kamatayan ang buhay ni Rosianne Santiago dahil sa isang aksidente. Sa tulong ni Nathalie Lucero ay nabigyan siya ng pangalawang buhay ngunit may kapalit lahat ng tulong nito. Sa pamamagitan ng marriage contract ay nakilala niya si Jacob Illustre, ang lalaking bilyonaryo at ang papakasalan niya. Para kay Rosianne, pera lamang at utang na loob ang nagpapatagal at nagpapatibay ng kanyang sikmura upang ipagpatuloy niya ang kanyang pagpapanggap. Ngunit, unti-unti ng nahulog ang kanyang loob kay Jacob kahit alam niyang labag ito sa kanyang nilagdaang kontrata. Matigas man siya sa panglabas na anyo ngunit hindi maatim ng kanyang puso na ipagpatuloy niya ang panloloko habang minamahal niya ito kaya lilisan na lamang siya. Ngunit, sa hindi inaasahang pangyayari ay nagbalik si Nathalie at iniba nito ang takbo ng kwento. Hindi na mahanap ni Rosianne ang kontratang hawak niya bilang katibayan na napagkasunduan nilang dalawa ito. Paniniwalaan pa kaya siya ni Jacob nung malaman nitong niloloko siya nito? Ipaglalaban kaya ni Rosianne ang kanyang nararamdaman kay Jacob kahit na makulong siya? Mananaig kaya ang kanilang pagmamahalan O tatakbo na lamang siya at mamuhay ng payapa kasama ang dinadala niyang anak nila ni Jacob Illustre?
Romance
1.3K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2930313233
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status