Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Contractual Marriage With My Ex

Contractual Marriage With My Ex

Walang ibang nasa isip si Emerald kundi ang ipaghiganti ang kaniyang sarili laban sa kaniyang half-sister na si Brenna at sa ina nito. Ngunit ang tanging tao na makakatulong sa kaniya ay ang kaniyang ex na si Trevor. Kung kaya’t mapipilitan siyang pakasalan ito. Anong mangyayari sa kanilang dalawa? Mauuwi ba sa totohanan o mananatili sila sa kanilang pagpapanggap bilang mag-asawa?
Romance
1019.3K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
LOVE SERIES#1 [LOVE AND LIES]

LOVE SERIES#1 [LOVE AND LIES]

(Grant Saavedra's Story) Tanggap ni Kiara na isa siyang 'Single mother' pero hindi pala tanggap iyon ng kanyang anak. Naghahanap ng pagmamahal ng isang ama ang anak niyang si Kian, at isa lang ang nais nito maging daddy, walang iba kundi ang ex niyang si Grant! Paano niya matatanggihan ang kanyang anak kung pati si Grant ay nais din na maging ama para sa anak niya? Mahulog kaya ang damdamin niya sa binata na walang pinakita kundi pagmamahal sa kanilang mag ina? O masasaktan lang siya sa kasinungalingan na malalaman niya? Handa ba siyang sumugal at naisin na lumaban kung malaman niya ang tunay na dahilan sa pagbabalik ng binata sa buhay nila?
Romance
1020.3K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
The CEO's Surrogate Second Wife

The CEO's Surrogate Second Wife

Walang-walang at walang mahingian ng tulong para sa operasyon ng ina na may sakit sa puso, kumapit si Heather sa patalim at pumayag na maging surrogate mother upang dalhin ang anak ni Xeron Montellano at Rubecka Corpuz, ang mag-asawang nagbayad sa kanya para magbuntis. Hindi magkaroon ng anak ang dalawa kaya siya ang susi para mabigyan ang dalawa ng supling. Pero hindi inaasahan ni Heather na sa desisyon niyang iyon ay magbabago ang buong buhay niya. Ang matres niya lang ang inupahan para magdala ng magiging anak ni Xeron ngunit bakit pati yata ang puso niya ay hindi sinasadyang makuha rin ng lalaki? Ngunit alam ni Heather na mali ang nararamdaman para sa lalaki. Mapaglabanan kaya ni Heather ang temptasyon ni Xeron o uunahin ang isip dahil simula pa lang, pag-aari na si Xeron ng asawa nito?
Romance
9.520.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Loving The Lost Billionaire

Loving The Lost Billionaire

Mabait, mayaman at maganda, ganyan ang tingin ng buong mundo kay Charlize Elizabeth Sandejas o Charlie, ang tagapagmana ng Sandejas Shipping Lines. Nasa kanya na ang lahat maliban sa isang bagay-- ang puso ni Gael Estrada, ang ulilang lubos na tinulungan noon ng kanyang mga magulang at ang kaisa-isang lalaking kanyang minahal. Thinking he doesn't want her because of their differences in life, Charlie had spent the last three years of her college life trying to unlove and forget him. Subalit muling bumalik si Gael sa buhay niya bilang kanyang bagong bodyguard. Sa pagkakataong iyon, nagtapat si Gael sa tunay nitong nararamdaman na siya lang ang pinakamamahal nito at wala nang iba. Nang maipit si Charlie sa isang kasunduang hindi naman niya talaga ginusto, lihim siyang nagpakasal kay Gael at nagpakalayo-layo. At nang akala niya maayos na ang lahat sa piling ng kanyang mahal, bigla na lamang siyang iniwan ni Gael sa panahong kailangang-kailangan niya ito. Makalipas ang halos limang taon, muli silang nagkita ni Gael. He is now a billionaire but doesn't have any memory of her. He wants two things from her, her signature on their divorce papers and her company's closure. Papayag ba siya sa gusto ni Gael nang gano'n-gano'n na lang gayong ito ang unang nanakit at nang-iwan sa kanya? Paano niya lalabanan ang galit sa kanya ng dating asawa na hindi niya alam kung saan nagmula? At higit sa lahat, paano niya sasabihin dito ang tungkol sa kanilang anak na bunga ng minsan nilang pagmamahalan na hindi naman nito maalala
Romance
1021.1K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Mafias' Runway Fiance

Mafias' Runway Fiance

(First Generation 1) Katerina Aguilar Romano, the sole heiress of Romano Real Estate is bound to be in an arrange marriage. Matapos ang kaalamang ipapakasal siya ng kanyang mga magulang sa lalaking kailanman ay hindi niya magugustuhan ay napagpasyahan niyang tumakas at lumayo. Damon Achilles Castellanos is a man born full of confidence and ego. He is rich, handsome, and mysterious. Women flock beneath his feet to beg for his affection. Nang mapag alaman niya na tinakasan siya ni Katerina ay nakaramdam siya ng labis na pagkainsulto. Pakiramdam niya ay inapakan ng babae ang kanyang ego. Planning his revenge, sinundan niya si Katerina sa pinagtataguan nito upang isakatuparan ang kanyang balak—ang paibigin ito at iwanan na nagdurugo ang damdamin. Magtagumpay kaya si Damon sa kanyang gusto o magiging kabaliktaran ang lahat? Paano kung ang simpleng mangingisda na minahal ni Katerina ay isa palang malupit na mafia boss?
Romance
1020.0K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO

NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO

Twenty-three years old si Tori nang makilala niya si Taj na isang bombero sa isang maliit na bayan sa Guimaras. Nasa kasagsagan siya noon ng tagumpay bilang isang popstar ngunit na-in love siya sa lalaki at ang dating organisado niyang buhay ay nagulo. It was a whirlwind romance ngunit dahil sa pangingialam ng kanyang ina ay napilitan siyang magpakasal nang lihim kay Taj. Kung gaano sila kabilis na nagkalapit ng lalaki ay ganoon din sila kadaling nagkalayo nang pumutok ang balitang nabuntis si Tori ng CEO ng Crystal Music na si Sid Rodriguez kasunod ng pagkakatuklas niya sa tunay na pagkatao ni Taj. Limang taon na ang dumaan at pareho na silang may magkaibang landas na tinatahak. Ayaw na ni Tori na magkaroon pang muli ng kaugnayan kay Taj ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana dahil muling nagsanga ang landas nila sa isang hindi inaasahang pagkakataon. Muli kaya silang magkakalapit o tuluyan na nilang tutuldukan ang ugnayang siyang naging dahilan ng kirot sa puso na pareho pa rin nilang nararamdaman?
Romance
1020.3K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
MY ASSASSIN WIFE

MY ASSASSIN WIFE

Pahayag ng May-akda: Lahat ng ito ay isang kathang-isip lamang, kung may mga pangalan, lugar o taong magkatulad sa bida nitong kwento ay hindi sinasadya. -May-akda: Inday Stories. Sky POV HABANG. Habang nasa loob ako sa aking silid ay paulit-ulit kong pinanood ang mga videos ng aking pamilya. Kung may makakita lang sa akin ay sasabihin 'para kang baliw' dahil tumatawa at umiiyak habang pinanood ko itong mag-isa. "Mama, Papa, Bunso! Miss na miss ko na kayong tatlo!" sabi ko habang nakatingin sa TV. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na wala na sila. Sariwa pa rin sa aking isipan kung paano sila namatay na wala akong magawa. Hanggang natapos ang pinanood ko saka ko naman kinuha ang isang memory card may nakadikit na maliit na papel 'TRUE IDENTITY' -dahil sa aking curiosity ay agad ko itong sinalang sa aking laptop upang mapanood ko ang laman dito. "Anak, kung napanood mo ito ay siguradong may masamang nangyayari sa aming ng Mama mo. Kung sakaling may taong maghahanap o magtatanong kailangan mong itago ang tunay mong pagkatao. Ayaw namin ng iyong Ina na ikaw ang papalit sa kanyang trono bilang isang Mafia, ayaw kong matulad ka naming na maraming napatay na tao o ha-huntingin ka ng mga kalaban namin noon. Ito ang tunay na pagkatao namin anak. Ako at ang iyong ina ay anak ng isang makapangyarihang tao ang iyong ina ay isang prinsesa ng mga Mafia at kalaban namin sa aming organisasyon na kinabibilangan ko. Isa ako anak ng ikatlong Mafia sa Dark Moon, naging hadlang ang iyong Lolo ama ng iyong Ina kung kaya't nagtago kami at bumaba ako bilang isang Mafia prince upang mamuhay nang simpleng mamamayan ganoon rin ang iyong Ina.
Romance
7.919.0K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Manhater (Filipino)

Manhater (Filipino)

Ang salitang “Kasal” ay wala sa bokabularyo ng isang Alona Desepeda. Kilala siyang maselan pagdating sa mga lalaki at walang pakialam sa sariling buhay pag-ibig. Mas gusto niya ang buhay na mayroon siya at naniniwala siyang hindi niya kailangang magpakasal para makuntento sa buhay. Pero biglang nagbago ang pananaw niya sa buhay bilang Manhater, mula nang makilala niya si Karlos Miguel Sermiento, ang lalaking pilyo, masungit at madalas hinahangaan ng mga babae. Nang dahil sa isang malagim na aksidente ay napilitan si Alona na pakasalan ang anak ng kanilang kasosyo sa kumpanya, ito ay si Karlos. Noong una ay hindi niya ito gusto at naiirita siya kapag naririnig niya ang boses ng binata. Ngunit habang tumatagal ay unti-unti siyang nahuhulog sa kaniyang karisma. Akala ni Alona, ​​totoo ang nararamdaman ni Karlos sa para kaniya, pero palabas lang pala ang lahat. Mamahalin pa rin kaya niya si Karlos kung matuklasan niya ang kanyang malaking sikreto? O pipiliin na lang niyang magpakamartir alang-alang sa pag-ibig?
Romance
9.720.2K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
The Cruel Desire (Tagalog)

The Cruel Desire (Tagalog)

Rated SPG || Matured Content Sheena Angeles is older than Clyde Jay Montecalvo. Kahit ganun pa man ay walang nakakapagpigil sa kanilang mga damdamin. Kahit na 7 years ang gap nang kanilang edad ay di iyon naging hadlang para mahalin nila ang isa't-isa. Ika nga nila age is just a number. Age is doesn't matter, if love's conquer all. Pero dahil sa isang eskandalo na kinasasadlakan ni Clyde ay napilitang lumayo si Sheena sa lalaking mahal nito. Nabuntis nito ang kanyang kaibigan na si Ivy. Kailangan niyang magpaubaya para sa kapakanan ng magiging anak nila Ivy at Clyde. After 10 years, Clyde and Sheena unite again. Nagkita sila sa di inaasahang pagkakataon. Maibabalik pa kaya nila ang kanilang dating pagmamahal kung may mga taong masasaktan? Paano kung gumawa na naman ng paraan si Ivy para paglayuin silang muli? Ano ang gagawin nila. Lalaban ba silang dalawa o hahayaan na lang na paglayuin ulit sila gaya ng dati? Paano kung may malaman si Sheena na, isang sikreto na alam niyang makakapabago sa kanilang buhay.
Romance
1020.3K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
JOIN ME: Rigel Skye

JOIN ME: Rigel Skye

Ako ang anak na pinapangarap nila, at siya ang lalaking pinalaki para sa akin. Hindi kami magka-apelyido o magkadugo ngunit magkapatid ang turingan namin sa loob ng bahay at sa harap ng mga magulang ko. — Heaven Abellana Bata pa lang ay alam ko kung bakit ako pinalaki. Matagal akong naghintay at walang makakapigil sa kagustuhan kong makuha siya. Dapat lang na kunin ko ang bagay na pinangako nila. — Rigel Skye
Romance
1018.5K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
1819202122
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status