Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Ceo's Obsession | Lucy Pearl

The Ceo's Obsession | Lucy Pearl

BG Writes
MASALIMUOT ang buhay ni Lucy Pearl mula pagkabata hanggang sa nagdalaga siya sa piling ng kaniyang lola't sariling nanay niya- kaya nang magkaroon siya ng pagkakataong tumakas sa mga ito, ay naramdaman ni Lucy Pearl ang maging malaya. Naging mahirap man sa kaniya ang lahat, dahil wala siyang kahit na ano'ng mayroon hindi iyon naging sagabal para hindi niya piliting mabuhay mag-isa. Hanggang sa isang unibersidad kung saan niya pilit na inaabot ang lahat ng pangarap niya nakilala niya si Michael Archangel Santiago ang tagapagmana kong pinapasukan niyang university. Hindi niya akalain na magugulo ang mundo niya dahil sa pagdating nito sa buhay nya. Ano ang magiging papel ng isang Michael Archangel Santiago sa buhay ni Lucy Pearl? Kaninong mundo ang magugulo sa mapaglarong tadhana na sumusubok sa kanilang dalawa?
Romance
103.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Behind Her Chalk : The Mafia's True Face of Zhaine

Behind Her Chalk : The Mafia's True Face of Zhaine

Si Jhai ay ang pinuno ng isang lihim na samahan na tinatawag na Lion Warrior, isang grupo na nagtutuwid ng mga maling katarungan. Maaga siyang naulila matapos mapatay ang kanyang mga magulang sa isang madugong insidente. Bitbit ang pangakong tutuparin ang pangarap ng mga ito, pinili niyang maging high school teacher. Upang mapanatili ang kanyang lihim na pagkakakilanlan, nagpakilala siya bilang si Zhaine, isang weird at old-fashioned na guro. Sa hindi inaasahan, siya ang itinalagang class adviser ng section 12-D—isang klase ng mga outcasts, pasaway, at mga estudyanteng tila wala nang pangarap sa buhay. Isa sa mga estudyante ay si Kenn Singson, anak ng school director. Masungit, matalino, at mailap—katulad ni Zhaine pagdating sa mga taong mahal nila. Bagama’t malamig at puno ng tensyon ang kanilang unang pagkikita, unti-unting nahulog ang loob ni Kenn sa kanyang adviser. At sa pagdaan ng panahon, kahit labag sa patakaran ng paaralan at sa sariling prinsipyo, natutunan ding ibigin ni Zhaine ang binata. Ngunit sa gitna ng unti-unting namumuong pag-ibig, patuloy pa rin ang misyon ni Jhai para makamit ang hustisya para sa kanyang mga magulang. Hanggang sa isang araw, natuklasan niya ang isang nakakagulat na katotohanan: ang taong pumatay sa kanyang ama ay walang iba kundi ang kanyang bagong kaibigan—isang private police inspector na lingid sa lahat ay may itinatagong lihim bilang kalaban ng Lion Warrior. Gumuho ang mundo ni Jhai. Ang paghahangad ng hustisya, sa pagkamatay ng kanyang magulang ang-siyang nagdulot sa kanya, upang siya'y mapahamak at mag-agaw buhay. Makakaligtas kaya si Zhaine sa bingit ng kamatayan? Isusuko ba niya ang Lion Warrior sa kanyang kaaway? handa ba nyang tanggapin ang alok ni Blue magpakasal kapalit ng kaniyang kaligtasan? At paano haharapin ni Kenn ang sakit ng mawalan ng babaeng unang nagturo sa kanyang magmahal—sa paraang kailanma’y hindi niya malilimutan?
Mafia
9.7557 viewsOngoing
Read
Add to library
Amira

Amira

Si Amira Capalad ay isang desi nuebe anyos na dalaga. Maganda, mabait, mahinhin at matalino. Nag iisang anak sya ng kanyang mga magulang. Nag aaral sya sa kolehiyo sa kursong nursing. Pangarap nyang maging nurse balang araw. May nobyo sya na lihim sa kaalaman ng mga magulang nya. Yñigo Alejos, treinta y tres anyos. Gwapo, matikas, matapang at may pagkaarogante. Isang mayamang binata at habulin ng mga babae. Apo sya ng isang mayamang haciendero. Para sa kanya ay pampalipas oras lang ang mga babae at hindi dapat sineseryoso. Pero nagbago ang pananaw nya na yun ng sya na ang mamahala ng hacienda at magkrus ang landas nila ni Amira. Simple lang naman ang buhay ni Amira at simple lang din ang pangarap nya. Ang makapagtapos ng pag aaral at miahon sa kahirapan ang kanyang mga magulang. Ang makasama ang lalaking kanyang pinapangarap. Ang matanggap ito ng kanyang mga magulang balang araw. Pero sa pagsulpot ni señorito Yñigo ang apo ng amo ng mga magulang nya ay parang biglang nag iba ang takbo ng buhay nya. Nag iba na rin ang takbo ng relasyon nila ng kanyang kasintahan. Ang inaakala nyang tapat na kasintahan ay nahuli nya sa aktong nagtataksil na labis labis nyang dinamadam. Sa pagluluksa ng puso nyang sawi ay dinamayan sya ni Señorito Yñigo. Tinulungan sya nitong makalimot. Pinagsaluhan nila ang isang mainit na gabi. Ngunit kinaumagahan ay nabulabog silang dalawa. Nasa labas ng kwarto ang inay nya at itay nyang galit na galit at may hawak na itak. Pati na rin ang señor na bakas sa mukha ang pagkabigla sa nasaksihan. Ikinasal sila ni señorito Yñigo. Napikot nya ito. Saan hahantong ang relasyon nila ng señorito na nagsimula lang sa isang gabing pagkalimot? Kaya ba nyang makasama ito habang buhay? Matutunan nya kaya itong mahalin?
Romance
1032.2K viewsCompleted
Read
Add to library
My Professor's Little Tease (Fallen Temptation Series One)

My Professor's Little Tease (Fallen Temptation Series One)

Si Sheids Noah Fawzi ay isang tagapagmana ng isang malaking kumpanya sa Turkey pero nilisan ang bansa at pamilya upang i-pursue ang pangarap na maging teacher sa Pilipinas, sa bansa kung saan lumaki ang kaniyang Filipina na ina. Nag-iisang anak ito na lalaki kaya ang pangarap ng ama nitong Turkish siya itong magpapatuloy ng legacy ng kumpanya ng pamilya. Pero ang passion niya sa pagtuturo na nakuha niya sa side ng ina ay mas malakas kaysa hatak ng pagiging business minded sa side ng ama. Sa Polaris University ito nagta-trabaho as Mathematics' Professor, Calculus major. Ang isang taon na balak lang nitong pananatili sa bansa ay naging tatlong taon, at dinagdagan nang makilala si Astherielle Zuluetevo, ang kauna-unahang estudyante nitong pumukaw sa atensiyon niya. Napakagandang babae sa kabila nang pagiging simple. Pumasok ito sa klase niya sa suot na hindi pa niya nakikita sa mga estudyante sa University, naka-oversized t-shirt, baggy pants at rubber shoes. Si Astherielle ay ilang buwan pa lang na nakalalabas ng facility dahil na-diagnosed siya ng kakaibang sakit, nymphomaniac. Doon nanatili sa loob ng dalawang taon para magpagaling. Nang makompleto ang gamutan, gumaling, lumabas at nagpatuloy sa buhay. Pero nang makilala niya ang guwapo at kakaibang Professor, may sumasanib na naman rito na kakaibang kaluluwa. Sa takot niyang bumalik ang dating sakit, bumalik siya sa pag-inom ng anti-depressant na gamot. Sa kabila ng naging sakit, naprotektahan niya ang pagkabirhen sa pamamagitan nang pagiging maingat at maagap. Nilabanan niya ang sakit gamit lahat ng makakaya niya noon, at iyon uli ang gagawin niya kung sakaling balikan siya ng sakit. Isang gabi ay nalaman ng Profressor ang katago-tago niyang sekretro. At hindi niya inasahan kung paano siya nito tinulungan at pinrotektahan sa mga tao at sa mundong mapanganib. Ang unang lalaki na rin na pagbibigyan niya ng sarili.
Romance
1019.7K viewsOngoing
Read
Add to library
THE GOVERNOR'S OBSESSION (SPG)

THE GOVERNOR'S OBSESSION (SPG)

Si Althea Cruz ay isang simpleng babae na may pangarap na makalaya sa mahigpit na mundong ginagalawan niya. Ngunit isang pagkakamali ang nagtulak sa kaniya sa kamay ng lalaking kinatatakutan ng marami—Governor Silas Montenegro, isang makapangyarihan, mayaman, at misteryosong lider na sanay makuha ang lahat ng gusto niya… maliban sa puso ni Althea. Dahil sa isang lihim at kasunduang hindi niya maiiwasan, napilitang pakasalan ni Althea ang lalaking ayaw niyang makasama. Sa mata ng mundo, isa silang perpektong mag-asawa. Pero sa loob ng kanilang tahanan, malamig ang bawat titig, at mas malamig ang bawat salitang hindi binibigkas. Ngunit gaano katagal mananatiling bato ang pusong pilit pinapainit ng isang lalaking sanay makuha ang lahat sa pamamagitan ng pwersa? At gaano kalayo ang kayang gawin ng isang obsessed na gobernador… para makuha ang babaeng hindi siya kayang mahalin?
Romance
108.1K viewsCompleted
Read
Add to library
MY HUSBAND'S LOVER IS A NANNY

MY HUSBAND'S LOVER IS A NANNY

Si Maria Chestine Salva–Selvestre ay isang butihing may bahay na mayroong masayang pamilya kasama ang anak niyang si Jonas at asawang si Johan Selvestre. Wala nang ibang mahihiling pa si Chestine dahil ang pangarap niyang masayang pamilya ay ipinagkaloob na sa kanya. Ngunit tila mababago ang lahat sa buhay nila nang dumating si Eunice Casson, ang kinuhang Nanny ni Johan para sa anak nilang si Jonas na may lihim palang pagtingin sa kanya. Kinalaunan ay may mamumuong lihim na relasyon sa pagitan nina Johan at Eunice na ikasisira ng buo at masayang pamilya ni Chestine. Malaman kaya agad ni Chestine ang lihim na pagtataksil ng mahal niyang asawa? Makaya kaya ng konsensya ni Johan na ipagpatuloy ang bawal nilang relasyon ni Eunice? Hanggang kailan maitatago ni Johan ang marumi niyang sikreto?
Romance
1012.3K viewsCompleted
Read
Add to library
The Impostor Wife

The Impostor Wife

Ang tanging pangarap ni MILAGROS ay ang maiahon sa hirap ang pamilya at ang maikasal sa nobyong si Martin. Ngunit ang simple niyang buhay ay nagulo nang makilala niya ang mag-inang Monica at Valentina. Natuklasan niya ang illegal business ni Valentina kaya nais siya nitong ipapatay. Kasunod niyon ay naging saksi siya sa krimen na nagawa ni Monica. Isang aksidente ang kakasangkutan nina Milagros at Monica. Masisira ang mukha ni Milagros at mawawalan siya ng alaala. Aakalain ni Valentina na si Milagros ay ang anak niyang si Monica. At upang matakasan ni "Monica" ang pananagutan nito sa batas ay pagpapanggapin ito ni Valentina bilang si "Milagros". Dahil sa walang memorya ay iisipin ni Milagros na siya ay talagang si Monica! Sa pagbabalik ni Milagros sa piling ni Martin, magagawa kayang ipaalala ng lalaking minamahal niya kung sino ang totoong siya?
Romance
1011.1K viewsCompleted
Read
Add to library
The Actress's Revengeful Husband

The Actress's Revengeful Husband

Ryytine
Uncommitted, immature, selfish, and a cheater. Isa lang 'yan sa mga salitang ibinabato kay Cosette Mallory, ang sikat na aktres ng Pilipinas. Being married with a prominent actor na si James Charles Alejo, maraming tao na ang nagsasabi na napakasuwerte niyang babae. They were a perfect couple, or so they thought. Dahil ang inakala nilang mag-asawa na perpektong nagmamahalan ay matagal nang basag sa simula pa lamang. Cosette who loves Charles has never received love from a man she sworn to give her life to. At para sa lalaking kan'yang minamahal, Cosette will do everything para maprotektahan lang ang reputasyon ng nangangaliwa niyang asawa. Even if it means destroying herself at ang pangarap niyang matagal niyang binuo. Matatakasan pa kaya ni Cosette ang mala-impyerno niyang buhay mag-asawa? Ano ang dapat niyang gawin para lang maalis ang malaking galit sa kan'ya ni Charles? Will Cosette remain just a married and cheater woman?
Romance
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Missing Seed of Life (SPG)

Missing Seed of Life (SPG)

Paano kung mabuntis kang hindi mo alam at paano nangyari . Yan ang malaking katanungan sa isip ni Irish Vicente na mahinhin,disente at hindi makabasag pinggan kung titignan. Pangarap ni Irish magkaroon ng anak ngunit gusto niya kasal na ito at ang lalaking mahal niya ito ang Ama.Ngunit paano kung mangyari lahat ng gusto pero kapalit nito ay sakit ng damdamin ang kapalit!!! Mapapaibig kaya ng isang Yael Mondragon ang isang Irish na walang ibang hangad kundi ang makaganti sa taong nanakit sa kanya. Paano kung saka lang nila marerealized na mahal na mahal pala nila ang isat isa kung magkalayo na at nasaktan ang isat isa. Mabubuo pa kaya ang pamilyang binuo nila dahil sa pagpapanggap O magiging totohanin na? Magagawa pa ba ni tadhana ang paglapitin sila ? Gayong galit sila sa isat isa!
Romance
9.9179.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Gisingin ang Puso

Gisingin ang Puso

Clara Alonzo
Langit at lupa. Isang heredera si Camilla Montoya na umibig sa anak ng katiwala na si Santiago Santos. Ang pag-ibig nila'y puro at wagas. Minahal niya ang binata higit sa inaasahan at handa siyang iharap nito sa dambana. Perpekto ang lahat para sa dalaga kung hindi lamang nakialam ang tadhana. At lahat ng pangarap niya'y nasira para sa kanilang dalawa. Lumipas ang ilang taon at nagkrus muli ang landas nilang dalawa. Hindi akalain ni Camilla na mababaligtad ang sitwasyon nilang dalawa. Kilala pa siya ni Santiago ngunit wala ng pag-ibig sa mga mata nito. Ang nakasalamin sa mga iyon ay galit, pighati at kalungkutan. Batid niyang wala na siyang puwang sa buhay ni Santiago. Masakit isiping hindi na siya nito mahal. Paano niya sasabihin na wala siyang ibang lalaking minahal kung hindi ito lamang? Paano niya gigisingin ang pusong siya mismo ang nagwasak?
Romance
102.5K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
1213141516
...
24
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status