Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
CLAIMED BY THE BILLIONAIRE

CLAIMED BY THE BILLIONAIRE

Dahil sa matinding pangangailangan, napilitan si Raine Almiro na ibenta ang katawan niya kay Marcus Laurent, ang estrangherong nakilala niya sa bar. Desperada na siyang makalikom ng pera na ipambabayad sa tuition fee niya kaya nagsinungaling siya sa lalaki—sinabing kaya niyang ibigay ang kaligayahang hinahanap nito nang gabing ‘yon. Pero ang totoo, virgin pa siya. Iyon ang unang beses niya at handa siyang ibigay iyon, ganun siya kadesperada. Pagkatapos ng mainit na tagpong ‘yon, hindi na muling nagpakita ang lalaki. Pero may iniwan itong pabaon sa kanya... Nabuntis siya nito. Four years later, hindi niya inaasahang muling magtatagpo ang mga landas nila. Marcus is now her new boss—at mukhang tuluyan na siyang nakalimutan nito. And what’s worse? Her first job is to find the woman he met four years ago. Kailangan ni Marcus ang anak niya para makuha nito ang mana. At kapag hindi nahanap ni Raine ang babaeng iyon sa loob ng isang buwan ay matatanggal siya sa trabaho. Pero nang malaman niya kung bakit pinapahanap siya ng lalaki, pinanghinaan siya ng loob. Gusto na lang niyang tumakbo at muling magtago. But she also needs her job—ayaw na niyang bumalik sa pagpa-part time para lang maitaguyod ang anak niya. Now, she’s torn between losing her job and keeping her peace.
Romance
365 viewsOngoing
Read
Add to library
Call Girl

Call Girl

Si Alora Andrade isang Call Girl. Hindi na mabilang kung ilang lalaki na ang nagpasasa sa kanyang katawan Hanggang isang araw isang vip client Ang nag book sa kanya. Zephyra Zamora, the notorious Mafia CEO. She has everything power and wealth. Beauty and brain but still something was missing. Isang araw isang funny idea ng isang private link Ang na discover niya sa black market, Call Girl. After scrolling down half an hour, she stopped in one specific girl. That's when Alora and Zephyra path cross. Both woman that being cracked for a long time. How does the world would play on them? would they find solace from each other or another chaos that hit them so hard. let's follow their roller coaster love story.
LGBTQ+
10847 viewsOngoing
Read
Add to library
Don't Fall in Love

Don't Fall in Love

Yuki Yceej
Sa gabi ng tinatawag nilang Bluemoon night, ang gabi ng mga single, ay magtatagpo ang landas nina Hunter Ace, isang sikat na modelo at artista at Jolie Vargas na isa lamang ordinaryong babae. Hinahangaan ang binata dahil sa kanyang gwapong mukha, magaling na actor at ganda ng pangangatawan habang si Jolie ay simpleng babae pero palaban. Isang gabi, dahil sa kabiguan sa pag-ibig ay pumayag si Hunter na sumama sa kaibigang si Tom na dumalo sa once a year event na tinatawag nilang Bluemoon night. Ito ang gabi na mapagkakamalan ni Hunter ang No Boyfriend since birth (NBSB) na si Jolie na siya si Danica, ang girlfriend niya. Walang pag-aalinlangan, dinampi ng binata ang labi niya sa labi ng lasing na si Jolie. Dahil sa wala sa tamang katinuan ang dalaga, tumugon naman siya sa halik. Pinagsaluhan nila ang maiinit na halik sa ilalim ng liwanag ng buwan. Hindi lang halik ang kanilang pinagsaluhan, pati ang init ng katawan ay kanilang pinadama. Isang bangongot ang maituturing ni Jolie ang nangyari sa kanya sa gabing iyon nang magising siyang katabi ang mayabang at supladong modelo sa kama at pareho silang walang saplot. Hindi na niya ito ginising bagkos ay umalis na agad sa silid. Magtatagpo pa kaya ang landas nila kung ang akala ni Hunter ay si Danica ang babaeng nakasama niya sa kama? May mabubuo kayang pagtitinginan kina Hunter at Jolie kung ang dalawang babae ay may mukhang pinagbiyak na bunga?
Romance
861 viewsOngoing
Read
Add to library
My Brother-In-Law Is My Fake Husband

My Brother-In-Law Is My Fake Husband

TheInvisibleMind
Hindi maalala ni Angela ang kaniyang nakaraan dahil sa isang aksidente. Pero madalas siyang dalawin ng mga masasamang panaginip kung saan binubugbog daw siya ng isang lalaki dahil sa labis na selos. Mabuti na lang tuwing gigising siya ay niyayakap siya ng kaniyang asawang si Kyle, at sinasabi nitong isang bangungot lang ’yon, walang katotohanan, at lalong hindi parte ng kaniyang naburang alaala. Kaya lang pakiramdam ni Angela minsan ay ayaw sa kaniya ng kaniyang asawa at parang hindi siya nito mahal, lalo na't madalas siya nitong iwan sa Mindoro dahil madalas itong pumunta ng Maynila para sa negosyo raw nito na hindi naman niya alam kung ano. Kaya minsan ay naiisip na lang niya na baka may babae itong tinatago sa kaniya at iyon ang pinupuntahan nito sa Maynila. Kaya naman para malaman ang madalas na pag-iwan sa kaniya ng asawa ay gumawa siya ng paraan. Sinundan niya ito sa Maynila nang hindi nito alam. Ngunit paano kung sa pagdating niya ng Maynila ay doon na mag-uumpisang bumalik ang lahat ng kaniyang mga naburang alaala, at malalaman ang mga sekretong pilit na itinatago ng kaniyang asawa? At paano kung malaman niya na lang na hindi pala siya tunay na asawa ng kaniyang pinaniwalaang asawa, but his brother’s wife?
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
A Contract Marriage With Abe Dela Torre

A Contract Marriage With Abe Dela Torre

Kinakaya ni Isla Aguilar ang mabigat na hamon ng buhay. Nagtatrabaho sa araw, nag-aaral sa gabi para sa pangarap na mas maayos na buhay at makatulong sa gamutan ng bunsong kapatid na may Down Syndrome at butas sa puso. Sa gitna ng kanyang pagsusumikap, ang kanyang tanging pahinga ay ang lihim na talon malapit sa likod ng kanilang bahay, kung saan isang araw ay iniligtas siya ng isang guwapo at matipunong estranghero sa pag-aakalang siya ay nagpapatiwakal. Hindi niya inakalang ang estrangherong iyon ay si Johan Abraham Dela Torre, ang bagong CEO ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya na kilalang istrikto at malupit sa pamamalakad sa kumpanya, at mailap sa mga babae. Kaya’t laking gulat ni Isla nang bigla siyang alukin ng CEO ng kasal kapalit ng tulong para sa operasyon ng kanyang kapatid. May kundisyon ang kasunduan: walang pisikal na relasyon, sikreto ang kasal maliban sa pamilya ng lalaki, at isang taon lamang ang bisa. Habang tumatakbo ang mga araw, unti-unting nahuhulog ang loob nina Isla at Abe sa isa’t isa. Dahil sa angking galing at talino, si Isla ay naging isang asset ng kumpanya, at si Abe, sa kabila ng pagkukunwaring malamig at matigas, ay palihim na sinusuportahan si Isla sa kanyang pangarap. Ngunit paano kung may ibang babae na nagpupumilit maging parte ng buhay ni Abe at palaging minamaliit ng matapobreng ina ni Abe si Isla? Magagawa ba nilang ipaglaban ang pag-ibig sa kabila ng takot, sakit, at mga hadlang?
Romance
1019.4K viewsOngoing
Read
Add to library
My Boss is Obsessed with me

My Boss is Obsessed with me

[MATURE CONTENT !!!] Bilang isang mapagmahal na anak ay handang gawin ni Jillian ang lahat para lamang mapaoperahan niya ang kanyang ina na may sakit sa puso dahil ito na lamang ang meron siya. At dahil sa kahirapan ay pikit mata na lamang na nagbenta ng kanyang katawan si Jillian sa isang bar. Kahit takot na takot siya ay pinilit na lamang niyang magpakatatag para sa kanyang ina na may sakit. Lingid sa kaalaman ni Jillian ay may lihim pala na pagtingin sa kanya ang kanyang boss na si Harold Villanueva at sa hindi inaasahang pagkakataon ay ito ang nakakuha sa kanya sa bar. Sa paglipas naman ng mga araw ay tuluyan nang naging obsessed si Harold kay Jillian at para bang gusto na lamang niya na palagi niya itong nakikita at nakakasama. Paano kaya ito matatakasan ni Jillian? O mas magandang tanong ay tatakasan pa ba niya ito? O mapapamahal na rin siya rito?
Romance
9.493.8K viewsCompleted
Show Reviews (16)
Read
Add to library
Analyn Bermudez
ayie !!!nakakakilig Ms A..sna lang wla gaano problema KC mukhang nararamdaman ko Ang kontra Dito ay ung tatay ni Harold at baka mmya lalayo SI Jillian at buntis pa..tpos Ng ilang taon magkikita ulit naku Ms A wag nmn sana ,nakakasawa Yung ganung pangyayari..sna happy ending Sila Yun lng thanks Ms A
Analyn Bermudez
haha ang saya!!! grabeh ang ganda...noong una si Jillian at Harold .tapos ito naman kay Rose at Jeffrey..hays..nakakaiyak na nakaka-proud ito dlwa magkapatid..thanks Ms Anne ang ganda nitong story na sinulat mo grabeh.:):):)
Read All Reviews
Isang CEO Pala Ang Forever Ko

Isang CEO Pala Ang Forever Ko

Buong akala ni Samantha ay malalagay na sa tahimik ang kanyang buhay sa oras na ikasal na siya sa lalaking pinakamamahal niya. Subalit hindi niya inaasahan'g sa araw ng kanyang kasal ay ipapahiya at iiwan lang pala siya ng kanyang nobyo sa mismong harap ng altar. Hindi naging madali para sa kanya ang pangyayaring iyon. Ngunit kailangan niya pa rin'g magpatuloy sa buhay. Mabuti na lamang at naisipan niyang mag-apply bilang sekretarya sa kompanyang pag-aari ng isang guwapo ngunit broken hearted at single dad na CEO. Kaagad siyang natanggap at sa bawat araw na lumilipas ay may mga sikreto siyang nadiskubre mula sa CEO, patungkol sa relasyon nila ng dati niyang nobyo. Subalit hindi naging hadlang iyon sa kanilang dalawa. Sa katunayan ay naging magkaibigan pa nga sila ngunit hindi niya inaasahan'g darating sa puntong higit pa pala sa isang kaibigan ang mararamdaman nila sa bawat isa. Nakahanda na kaya siyang maging step mom sa spoilded brat daughter ng CEO? Paano kung bumalik pang muli ang dati niyang nobyo? Tatanggapin niya pa kaya ito o mananatili na lamang itong parte ng nakaraan?
Romance
1014.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Today Until Forever

Today Until Forever

yourpurpleXhie
Si Serenity Delpino ay isang pihikan at bitter na dalaga. May trust issues siya because of her past relationship and past experience. Hanggang sa umeksena sa buhay niya ang isang richman and womanizer na si Braiv Jexon Velazco. Ang dating tahimik at simpleng buhay niya ay magbabago. Paiibigin siya ng lalaking una pa lang ay kinaiinisan niya na. Pagkatapos niyang mapaibig ay masasaktan siya dahil malalaman niyang ang lahat ng ito ay planado lamang ni Braiv. Muli na namang masisira ng isang lalaki ang tiwala niya at mangangako siya sa sarili na hinding hindi na magmamahal pang muli. Ngunit pagkalipas ng ilang taon ay pagtatagpuin na naman sila ng mapaglarong tadhana. Madidiskubre niyang si Braiv ay parte pala nang nakalimutan niyang nakaraan, her childhood memories. Madudugtungan pa ba ang naudlot nilang istorya? Posible pa bang magmahal ang babaeng hindi na naniniwala sa tunay na pag-ibig, o may pag-asa pa ba talagang magbago ang lalaking walang planong magseryoso at magmahal?
Romance
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Perfect Type of Wrong

Perfect Type of Wrong

A less than an hour drunk-type of plan. 24 year-old Kimberly was up for the most sexiest stunt of her life. At iyon ay ang siguraduhing maikakasal sa kanya ang matagal na niyang minamahal, pipikutin niya si Chester. With an emotion that had been burning for years, and the guts lended by Vodka, buong tapang na ibinigay ni Kimberly ang kanyang katawan sa binata. The drunk sex was a blast! If it wasn't the best then she doesn't know what it was. Perpekto na sana ang lahat kung hindi lang siya nagising sa katotohanan kinabukasan. Una, hindi si Chester ang katabi niya nang magising. Pangalawa, bigla na lang niyang natagpuan ang sarili na kinakasal sa pinaka-atribidong lalaki sa balat ng lupa- si Jace, ang nag-iisang kapatid ni Chester!
Romance
103.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Dirty Nights with Uncle Lucio

Dirty Nights with Uncle Lucio

Dahil sa iskandalong nangyari sa unibersidad na pinasukan ni Aria Calvari, ipinadala siya ng kanyang madrasta sa probinsya. Ayaw ng kanyang madrasta na ang pamilyang Calvari ay malagay sa alanganin. Ngunit akala niya’y tahimik ang buhay na naghihintay sa kanya roon. Sa halip ay napunta siya sa bubong ng kanyang Uncle Lucio. Si Uncle Lucio Navarro ay isang misteryosong lalaki. Hindi ito tunay na tiyuhin ni Aria dahil orphan si Uncle Lucio na itinuturing na kapatid ng yumaong ama ni Aria. Gayunman, maraming naririnig na tsismis si Aria. Si Uncle Lucio ay isa rawng babaero, kriminal, dating sundalo at posibleng isang mamamatay-tao. Noong una, puros kaba ang nasa katawan ni Aria dahil sa malamig na tingin at mapang-akit na katahimikan ni Uncle Lucio. Habang lumalalim ang kanilang pagkakaibigan ay mas lumalalim din ang pagnanasa nila sa isa’t isa. Pinipigilan lamang ni Uncle Lucio ang kanyang sarili dahil alam niyang bawal ang kanyang iniisip na nagkagusto kay Aria. Ngunit ang ginawa ni Aria, inakit siya nito. Makasalanan ang dalaga. Masiyado itong dalaga dahil malaki ang agwat ng kanilang edad. Masyadong delikado at higit sa lahat ay ang masyadong malapit sa kanyang nakaraan. Sa gitna ng lahat, kahit anong layo niya kay Aria, siya namang patuloy na paglapit nito. Hanggang sa hindi na niya na pigilan ang kanyang sarili. Ang makasalanang gabi nilang dalawa ni Aria ay nasundan pa ng maraming beses. At kung kailan nagkaroon na sila ng magandang ugnayan, siya namang pag gitna ng mga tsismis. Muling nabuhay ang akusasyon laban kay Uncle Lucio. Maraming nagsasabi na isa raw siyang salot na sumisira sa buhay ng babae? Ngunit para kay Aria, handa ba siyang tumakbo palayo, o panindigan niya ang lalaking unang nagturo sa kanyang umibig ng totoo, kahit sa madilim na oras? Ano ang pipiliin ni Aria?
Romance
10537 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2728293031
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status