Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Secretly Married To A Heartless CEO

Secretly Married To A Heartless CEO

Nasanay sa simpleng buhay si Yana at hirap mag-adjust sa marangyang buhay kasama ang bilyonaryo niyang lolo. Wala siyang alam sa negosyo at inaaming mahina ang kan’yang utak. Nagtrabaho siya sa ibang kumpanya subalit hindi naging madali dahil sa ubod ng sungit at mahigpit nilang CEO, si Alexis. Kahit masungit ang binata ay sekreto niya itong hinahangaan, lalo’t pagdating sa kan’ya ay hindi nito magawang magalit, bagay na ipinagtataka niya. Nawindang siya nang malamang si Alexis pala ang lalaking itinakda ng lolo niya na kaniyang pakakasalan. Walang alinlangang tinanggap niya ang sekretong kasal sa binata kahit na susubukin ang kaniyang pasensiya. Ikinahal nga siya rito ngunit mas malamig pa sa yelo ang pakikisama nito sa kan’ya. Umaasa siyang mapaamo niya ito sa pamamagitan ng paghilom sa sugat ng puso nito, ngunit hindi iyon kasing dali ng inaakala niya. Handa ba siyang magtiis sa one-sided love, o ibabaling ang atensiyon sa taong may pamamahal sa kan'ya?
Romance
1014.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Accidentally Pregnant in One Night Stand

Accidentally Pregnant in One Night Stand

BABALA: Ang kwentong ito ay hindi angkop sa mga menor de edad. Naglalaman ito ng maraming eksena ng RATED SPG ( Striktong Patnubay at Gabay) 🔞 Dahil sa kalasingan hindi aakalain ni Christina na may mangyayari sa kanila ni Jake Downson, ang anak ng karibal ng kanilang pamilya pagdating sa business industry. Gusto niya na lamang ibaon ang pagkakamaling iyon sa limot at kalimutan ito ngunit nagbunga ito at naging dahilan ng muling pagkakainitan ng kanilang mga pamilya. Para maisalba sa kahihiyan ang kanilang pamilya, ipinagkasundo silang ikasal para sa magiging anak nila ngunit may problema. Mayroon nang nagmamay-ari sa puso ni Jake, si Celine. Paano haharapin ni Christina ang galit ni Jake? Dahil sa kaniya ay nasira ang relasyon nito sa kaniyang nobya.
Romance
1061.3K viewsCompleted
Show Reviews (8)
Read
Add to library
Sammaezy
Hello po good evening sa lahat. I'm very sorry po sa lahat ng antay. Tapusin ko lang ang MAB ko sa kabilang story tas babalikan ko kayo. Okay??By Monday baka Maka update na ako dito. If you want to read my other story, basahin niyo po. Contracted night with Billionaire ang title.
Analyn Bermudez
Ms Author maari ba magtanong?? mga ilang kabanata pa ang aabutin nito bago ending?? haha sori pow akala ko pag naging okay na sila mag asawa ending na..hindi pa pala KC anjan pa ung mga kontrabida kay Christine haha
Read All Reviews
A Deal With The Billionaire

A Deal With The Billionaire

Si Lyrica ay galing sa isang pamilya sa probinsiya, siya ay sumubok makipagsapalaran sa Maynila. Doon ay nakilala niya ang binatang si Lucian, inalok siya nito ng isang kasunduan, isang kasunduang hindi niya mahindian. Ano kaya ang mangyayari sa kasunduan ng dalawa? Mahuhulog kaya ang loob nilang dalawa sa isa't isa? Ano ano kaya ang mga sikretong mabubunyag sa pagpasok nilang dalawa sa kasunduan?
Romance
1075.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire

Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire

Sawang asawa na si Graciella sa palaging panunumbat ng tiyahin sa kaniya. Makipagblind date siya sa isang lalaki sa pag aakala na iyon ang taong sasalba para maka alis sa poder ng tiyahin. Paano kung hindi pala dapat si Menard Young ang dapat na ka blind date? Sisibol kaya ang pag-ibig sa dalawang nilalang na ang pakay sa pavpapakasal ay para lang takasan ang panggigipit ng pamilya?
Romance
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Ruthless: Nicholas Buenaventura (Tagalog)

Ruthless: Nicholas Buenaventura (Tagalog)

Buenaventura Trilogy: One Nicholas Buenaventura is a certified bachelor at halos umikot na ang buhay niya sa dalawang bagay; pera at negosyo. In short, Workaholic. Minsan na siyang nagmahal ngunit dahil sa ginawa sa kaniya ng babaeng minahal niya ay tuluyan nang nagbago ang pananaw niya sa pag-ibig. Paano kung dumating ang babaeng isa sa magpapasakit sa ulo niya? Maari kayang maibalik ang dating siya? Ang dating seryoso sa pag-ibig?
Romance
9.923.0K viewsOngoing
Read
Add to library
The Contract With The Gay Billionaire

The Contract With The Gay Billionaire

Livre
Si Sofia Ramos lumaki sa isang orphanage. Musmos pa lamang, naintindihan niya na kung gaano kaimportante ang pera sa mundo. Kaya naman, nang makalabas na sa kinalakihang orphanage, napagpasyahan niyang makipagsapalaran sa syudad kahit ano pang trabaho ang pasukin niya. Pero isang lalaki lang pala ang mag-iiba at magaangat sa kaniya sa buhay. Sino nga ba ang lalaking ito na nagbigay ng kulay sa kaniyang walang kulay na buhay?
Romance
106.5K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Ex-Wife Comeback

The Billionaire's Ex-Wife Comeback

Isabel G
Minahal ko siya sa kabila nang malamig niyang trato sa akin, ngunit sa huli ay parang basura niya lang kung itapon ako sa pagbabalik ng kaniyang unang pag-ibig. Pero hindi ako papayag na mauwi sa wala ang mga araw na natitira sa akin. Hindi mo na ako maaangking muli, President Riego!
Romance
44.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Doctor 's Bargain Wife (Series 2)

Doctor 's Bargain Wife (Series 2)

Sypnosis Mula pagkabata, hindi na naranasan ni Venisse ang init ng tunay na pamilya. Sa murang edad, natutunan niyang tumayong mag-isa—kahit pa ibig sabihin niyon ay isakripisyo ang sariling pangarap. Sa edad na 23, isang hindi inaasahang pagbubuntis ang tuluyang gumiba sa plano niyang buhay. Unti-unting nawala ang pag-asa. Araw-gabi siyang kumakayod—kahit anong trabaho, mapasukan lang. Para sa gamot, check-up, at isang kinabukasang hindi pa sigurado. Hanggang sa dumating ang panahong wala na siyang pagpipilian. Pumasok siya bilang GRO sa isang kilalang bar—isang trabahong kailanma’y hindi niya inakalang papasukin. Sa bawat ngiti at aliw sa mayayamang bisita, pinipilit niyang itago ang lungkot at takot sa likod ng mata. At doon sila nagtagpo—ni Dr. Kurt Navarro. Isang gabi, isang emergency. Ang batang dinadala ni Venisse sa sinapupunan, nalagay sa panganib. Isang komplikasyon. Isang mahal na operasyon. Isang bayarin na hindi niya kayang pasanin. At sa gitna ng kaguluhan, may inalok si Kurt. Isang kasunduan. Anim na buwang kasal. Walang emosyon. Walang label. Puro papel at pirma. Kapalit: kaligtasan ng anak niya. Pero paano kung habang lumilipas ang bawat araw, unti-unting lumambot ang pusong matagal nang pinatigas ng sakit? Paano kung sa likod ng kontrata, unti-unti niyang nararamdaman ang bagay na hindi kasama sa usapan? Pag-ibig. Isang kasunduan. Isang kasinungalingan. Isang pusong unti-unting bumibigay. Pero sa dulo ng anim na buwan… pipirma ba sila para sa wakas? O para sa panibagong simula?
Romance
9.8692 viewsOngoing
Read
Add to library
Love's Desire

Love's Desire

Anastasia Celeste Montano — a secretive, manipulative, and ambitious wife of the number one business tycoon in the country — Frederick Maxwell Dominguez. Dahil sa kagustuhang umangat at makaahon sa kahirapan ay nagawang akitin ni Anastasia ang nag-iisang tagapagmana ng KeyStone Legacy Builder — isang kumpanya na siyang nangunguna sa bansa pagdating sa construction supplies. Ngunit lingid sa kaalaman ni Anastasia ay hindi lamang pala siya ang nagmamanipula sa mga nangyayari. Dahil sa kagustuhan ni Frederick na magustuhan ng ama at maipamana sa kanya nang tuluyan ang kumpanya ay pumayag siyang maikasal kay Anastasia kahit hindi niya naman talaga mahal ito, sa kadahilanang ang angkin nitong talino at galing sa lahat ng bagay ay lubos na makakatulong sa kanyang sariling pag-angat. Samantala, sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahulog ang loob nina Frederick at Anastasia sa isa’t isa sa kabila ng lahat ng pagpapanggap at lihim na kanilang itinatago sa bawat isa. Ngunit walang kasinungalingan ang hindi nabubunyag. Nalaman ni Frederick at ng kanyang pamilya na si Anastasia ay hindi pala nagmula sa mayamang pamilya dahilan upang kamuhian siya ng mga ito dahil sa kanyang ginawang panloloko, lalo na ng ina ni Fred na isang matapobre. At hindi rin nakaligtas ang pagbunyag ng isang sikretong tuluyang nakasira sa kanila. Nalaman ni Anastasia na ang nakababatang kapatid ni Frederick ay anak pala nito sa unang kasintahan. Naging sanhi ito ng kanilang paghihiwalay. Ngunit dahil sa tagal nilang naging magkasama ay napalapit na pala ang loob ng ina ni Fred kay Anastasia kung kaya’t siya mismo ang nagpumilit na makipagbalikan ang kanyang anak sa asawa nito. Maaari pa kayang maibalik ang relasyong nasira? O tuluyan na itong mawawala?
Romance
10111 viewsOngoing
Read
Add to library
My Married Lover

My Married Lover

[Kumpleto - Completed] Si Ina na isang yaya sa Gomez family. Isang maayos at walang pinoproblema sa buhay magmula nang siya ay makatuntong sa bahay ng mga ito ngunit sa isang iglap ay nagbago na lamang ang lahat nang magkagusto ang asawa ng kaniyang amo na si Roy Gomez sa kaniya at maging siya ay nahulog din. Gayunpaman, sa una ay alam na niya na mali ito dahil may asawa na rin ito at ang babae pa na kumupkop sa kaniya mula sa ampunan. Sadya nga yata na kay lupit ng tadhana at nang nagmahal siya ay sa maling pagkakataon at tao pa. Kaniya nga ba na tatahakin ang daan na alam niya ay mali para lamang sa pagmamahal o tatahakin pa rin ang daan patungo sa kung saan ang dapat at tama? Kaniya ba na ipaglalaban ang kaniyang pagmamahal para sa lalaki, o ibabaon na lamang sa limot ang lahat upang protektahan ang pamilya nito? Siya na nga ba kaya ang magiging dahilan ng muling pagkawasak ng puso ng babaeng umampon sa kaniya o ang tutulong dito na malampasan ang trauma na naranasan sa nakaraan?
Romance
1013.6K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
2728293031
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status