Hired to Serve, Forbidden to Love
Kunot-noong tumingin sa akin si Marc, saka muling tumingin kay Ate na ngayon ay humarap na.
Naglahad ng kamay si Ate. “Hi, I’m Cara Rose, Calessia’s sister…”
Tumingin muna si Marc sa akin bago siya tumingin sa kamay ni Ate at nakipagkamay. “Marc… Calessia’s husband.”
Ngumiti si Ate, titig na titig sa mukha ni Marc.
Si Marc naman ay napakurap at agad na binawi ang kamay bago umakbay sa akin.