Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Unconditional

Unconditional

Prinz Amaranthine GonzalesDramaGoodgirlIndependent
Sabi nila, ang buhay daw ay isang walang katapusang pakikibaka. Minsan, ang mga labang kailangan mong pagtagumpayan ay yaong mga hindi mo inaasahan. Handa ka ba sa anumang hamon ng buhay? Gaano kahanda ang puso mo sa mga bagay na ni sa hinagap ay hindi mo akalaing haharapin mo? Paano kung kinakailangan mong mahiwalay sa pinakamahalagang bahagi ng pagkatao mo? muli ka bang babangon para magpatuloy, o hahayaan ang sariling malugmok sa sitwasyong kinalagyan mo? Sa kabilang dako, gaano kalaking sakrepisyo ang handa mong ibigay para sa isang buhay na nakasalalay sayo? Handa mo bang talikdan ang lahat para sa isang responsibilidad na biglang naatang sa mga balikat mo? Ano ang mga hamon na kaya mong suungin, mga pagbabagong kaya mong harapin para sa isang bagay na hindi mo naman lubos na ma-a-angkin? Ang pag-ibig ba ay laging may depinisyon? Lagi ba itong may basihan at kaagapay na kondisyon? Pano kung ang pagmamahal ay ipinagkait ng panahon, mabibigyan pa ba ng isang pagkakataon? Ito ang mga tanong na minsan ko nang naitanong sa sarili ko, at hanggang ngayo'y gumugulo sa isipan ko. Simple lang naman sana ang mithihin ko, subalit bakit ipinagkait ito sa akin? Naalala ko pa kung paano nagsimula ang lahat...
Other
1.7K viewsOngoing
Read
Add to library
The Accidental Girlfriend

The Accidental Girlfriend

Paano kung sa isang iglap magiging boyfriend mo ang kilalang business tycoon sa buong mundo? Dahil lang sa aksidenteng nakabungguan mo ito? Pero paano naman kung temporary lang pala ito? Anong gagawin mo?
Romance
105.8K viewsOngoing
Read
Add to library
I Heart You Mr. C.E.O

I Heart You Mr. C.E.O

Hindi mo iisipin na ang taong minsan mo lang nakita ay ang taong nakakuha ng atensyon at nararamdaman mo.  Tanya Isadora Monteverde ay isang hacienderang dalaga na tumakas sa Mansyon at mas gustong manirahan mag-isa sa Maynila para mamuhay ng malayo sa diktador na kanyang mga magulang. Pagpasok niya sa Kolehiyo, kung saan makikilala niya si Andrea na magiging matalik niyang kaibigan at titira sa sila sa isang apartment.  Isang babae na laging malas pagdating sa pag-ibig. Paano kung isang araw ay aksidenteng matagpuan mo ang iyong prince charming. Ano ang gagawin mo para lang makuha ang atensyon niya? Lalo na maypaka babaero at pusong bato ang binata at ano ang gagawin mo lalo na ang amo ay may ugali na parang tigre na parang galit lagi sa mundo?  Sa paglipas nang panahon paano kung masusumpungan mo na lang ang iyong sarili na pagod na,  kaya mo pa bang sumugal muli sa ngalan ng wagas na pag-ibig?
Romance
108.3K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Seventh Wife

The Billionaire's Seventh Wife

Naging katatawanan ng buong sambayanan si Zarayah Del Valle nang kumalat ang balitang nakipagrelasyon siya sa isang magsasaka matapos siyang hiwalayan ng asawa. Desperada na raw siya at kung kani-kanino na lang pumatol. Sa galit at kahihiyan na dulot niya sa kanilang pamilya ay itinakwil siya ng mga magulang. Ngunit pagkalipas ng ilang taon ay parang asong ulol na naghahabol ulit sa kanya ang dating asawa. Halos magkanda-dapa ito at magmakaawa para lang makuha ang atensyon niya. "Please, Zarayah. Bumalik ka na sa akin. I'll do anything. Gagawin ko ang lahat upang mahalin mo ulit ako." Pumayag ang dalaga sa kagustuhang makaganti dito at sa kanyang kapatid sa ginawa nitong pang-aagaw kay Ethan. Ngunit ang hindi niya inaasahan ay malalaman ng bago niyang asawa ang kanyang mga pinaggagagawa! At isang gabi nga, sa loob ng mahabang panahon ay bigla itong lumitaw sa kanyang tirahan ng walang pasabi, wala ng pang-itaas na damit at nagbabaklas ng sinturon. Madilim ang mukha nito at nag-iigting ang panga sabay sabing... "Get your hands and knees on the bed, my lovely wife. You need to be punish." •• THIS STORY CONTAINS A LOT OF MATURE SCENES | PLEASE, READ AT YOUR OWN RISK. ••
Romance
1030.7K viewsOngoing
Read
Add to library
My Ex Wife's Suffering

My Ex Wife's Suffering

Olivia De Castro Hanz, college student. Simple, maganda at independent. Sa murang edad na disi otso ay namumuhay na mag isa at may part time job bilang pagsuporta sa sarili. Paano kung iarrange marriage ka sa taong nakikita mo lamang sa University? Kaya mo bang tumutol sa kagustuhan ng mga magulang mo?
Romance
8.521.8K viewsCompleted
Read
Add to library
The CEO's Discarded Wife

The CEO's Discarded Wife

Sa loob ng siyam na taon, buong pusong ginampanan ni Isabelle Reyes-Santiago ang pagiging isang perpektong ina at asawa. Tahimik siyang sumuporta kay Lucas—sa kanyang negosyo, sa kanyang reputasyon, at sa kanyang ambisyon. Nanahimik siya sa likod ng camera, sa mga board meeting na hindi siya inanyayahan, at sa mga sandaling kailangan niya ng karamay pero wala ni isang halik o salitang ginhawa ang kanyang nakuha. Ang mas masakit? Wala siyang lugar sa sariling tahanan. Hindi lang si Lucas ang may paboritong kasama. "Mas gusto ko si Tita Karina kaysa kay Mommy!"—sambit ng anak nilang si Marcus habang nakangiti si Lucas, tila sang-ayon. Ginawa na ni Isabelle ang lahat para mapanatiling buo ang kanilang pamilya. Pero imbes na pagmamahal at respeto, ang gantimpala niya’y pagtataksil at pangungutya. Habang binubura siya mula sa buhay ng asawa’t anak, si Karina Sison—ang ex ng kanyang asawa—ang inilalagay sa pedestal. Ginawang presidente. Ginawang reyna. Hanggang sa dumating ang gabing iyon. Ang gabing tuluyan siyang nagising sa katotohanan—na minsan, kahit gaano mo kamahal, hindi mo na kayang manatili sa isang lugar na matagal ka nang hindi pinipiling mahalin pabalik. Pagod na siyang umasa. Pagod na siyang maging tanong sa pamilyang matagal nang may sagot—at hindi siya iyon. Kaya handa na siyang magpalaya. Handa na siyang iwan ang tahanang dati niyang ipinaglaban, sa piling ng mga taong mas masaya nang wala siya. Ngunit nang sa wakas ay iniabot na niya ang annulment papers sa kanyang asawa… Hindi galit ang sumalubong sa kanya. Hindi rin pakiusap. Kundi isang malamig na titig lang. Isang mapanganib na ngiti. At ang mga salitang… “You’re not going anywhere, Isabelle.”
Romance
340 viewsOngoing
Read
Add to library
Played by Mafia & Billionaire

Played by Mafia & Billionaire

"Sa akin siya! Ako ang asawa niya kaya hindi mo siya puwedeng angkinin. Magkakamatayan muna tayo bago mo siya maagaw sa akin!" "Hindi ko siya ibibigay sa 'yo. Oo. Mag-asawa nga kayo pero ginamit mo lang siya para sa sarili mong kapakanan. Ngayong nakuha mo na ang pakay mo sa kaniya, hindi mo na siya kailangan. Doon ka na lang sa kabit mo. huwag mo na kaming guluhin ni Derie May!" "At paano ka naman nakasigurado na ginamit ko lang siya? kailan ka pa naging tsismoso? Mahal ko ang asawa ko kaya babawiin ko siya sa 'yo sa kahit na anong paraan. Huwag mong angkinin ang hindi sa 'yo, Bryce. Huwag mo akong subukan!" Parehong matapang at walang gusto na magpatalo sa dalawang lalaki na ang pinag-aagawan ay ang isang babae. Isang inosenteng babae na naipit sa gulo ng pamilyang Avendaño at Vicente. Parehong nagkagusto si Stefano at Bryce kay Derie May at halos magpatayan na para sa pag-ibig nila rito. Ang hindi nila alam ay habang nagpapatayan sila ay tumakas naman si Derie May para makalayo sa kanilang dalawa. "Pareho lang kayong manggagamit! Mga mapagsamantala! inabuso niyo ang pagiging inosente ko. Wala sa inyong dalawa ang pipiliin ko. Mas nanaisin ko pang mamatay kaysa ang makasama ang isa man sa inyo."
Romance
1031.1K viewsCompleted
Read
Add to library
My Mysterious Wife

My Mysterious Wife

"Sa tingin mo mamahalin kita? Hinding-hindi kita magawang mahalin Anna, kaya 'wag mo ng ituloy pa ang pagpapakasal saakin!!" "Alam kung matutunan mo rin akong mahalin Dylan, kaya pakiusap.. Pakasalan mo ako.." "Hinding-hindi kita mamahalin isinusumpa ko!" -Dylan "Nagustuhan mo ba?" Hindi ako pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko sa kanya, bakit bigla nalang siyang nag-iba? Bakit gumaganda siya sa paningin ko? At bakit.... Bakit Minahal ko siya? Siya ba talaga ang asawa ko?- DYLAN
Romance
9.81.3M viewsOngoing
Read
Add to library
Vows Of Vengeance

Vows Of Vengeance

snowflower
"Cleonne Marie Deigmen, do you accept Ashton Kleid Ditfreid as your lawful husband?" tanong ng pari habang nakatingin sa akin. Nakabibinging katahimikan ang umalingawngaw sa loob ng simbahan. Tila ba lahat sila ay takot na magsalita dahil alam nilang masama ang kahihinatnan niyon kung sakali. "I-I do..." garalgal ang boses ko na sumagot. Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko habang nakatayo sa harap ng altar. Buong buhay ko, wala akong ibang pinangarap kundi magandang buhay para sa pamilya ko, at mahanap ang lalaking pakakasalan ko balang araw. Iyong lalaking makatatabi ko sa altar sa at kasama kong susumpa sa harap ng maykapal. Pero hindi ko akalaing ang araw ng kasal ko, ang siya ring magiging pinaka-masalimuot na araw sa buhay ko.... "I now pronounce you, husband and wife. Mr. Ditfreid, you may now kiss your bride." Ang panginginig ng buong katawan ko ay mas lalo pang nadagdagan nang sabihin iyon ng pari. Unti-unti ay humarap ako kay Ashton na seryosong nakatingin sa akin. Iniangat niya ang veil mula sa ulo ko at doon ko nakita ang mga mata niya. Hindi pagmamahal ang nakikita ko sa mga iyon, ang tanging nakikita ko lamang ay galit, poot, at paghihiganti. "You are mine now, Cleonne. At ito ang tatandaan mo, habang nabubuhay ako, hinding-hindi mo mararanasan ang salitang kaligayahan." bulong niya sa akin bago niya tuluyang ilapat ang labi niya sa mga labi ko. Magmula nang araw na iyon, alam kong ang buhay ko ay hindi na sa akin. Dahil magmula nang araw na iyon ay nakatali na ako sa lalaking hindi ko naman mahal, sa lalaking walang ibang gustong gawin kundi ang makapaghiganti sa akin, at iyon ay walang iba kundi si Ashton Kleid Ditfreid.
Romance
101.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Pinagtaksilan at Ikinasal

Pinagtaksilan at Ikinasal

Noong tinanong ako ng aking ama kung sino ang gusto ko pakasalan para sa kapakanan ng alyansa ng aming pamilya, iba ang pinili ko sa buhay na ito. Hindi ko na pinili si Leonardo Vittorio. Sa halip, pinili ko ang nakatatanda niyang kapatid, si Ivan Vittorio. Mukhang naguluhan ang ama ko. Alam nga naman ng lahat sa Chicago na lumaki kami ng magkasama ni Leonardo. Sampung taon ko siyang hinahabol. Bilang nakatatandang anak na babae ng pamilya Lucien, matagal ng nakaukit ang pangalan ko sa tabi ng kanyang pangalan para sa listahan ng mga arranged marriage. Naniniwala na ang pagsasama namin ay nakatadhana. Habang inaalala ang nakaraan kong buhay, pinilit ko ngumiti ng mapait. Dati, pinakasalan ko si Leonardo tulad ng matagal ko ng hinihiling. Pero makalipas ang aming kasal, hindi niya ako ginalaw kahit isang beses. Ang akala ko may sakit siyang hindi niya masabi at nagpakahirap ako na pagtakpan siya. Sa ika-anim na anibersaryo ng aming kasal ko nalaman ng buksan ko ng hindi inaasahan ang kahadeyero niya. Sa loob, may maayos na litrato niya kasama ang ampon na babae na nagmakaawa ako sa ama ko na ampunin. Sa mga litratong iyon, may dalawang taong gulang na batang lalaki din–ang anak nila. Masaya silang pamilya ng tatlo. Doon ko napagtanto sa mga oras na iyon. Hindi sa may sakit siya. Hindi niya inisip na asawa niya ako. Para mapalayas ako, nagplano sila ng ampon kong kapatid para ako’y patayin. Ngayon at nabigyan ako ng ikalawang pagkakataon, pinili ko na ibigay sa kanila ang blessing ko. Pero noong naglakad ako sa simbahan suot ang aking wedding dress, habang nakapatong ang braso ko sa braso ni Ivan, pumasok si Leonardo bigla ng may dalang baril. Mukha siyang baliw at wala sa kontrol. “Madeline!” Paos ang boses niya at halos maputol. “Ang lakas ng loob mo?”
Short Story · Mafia
1.7K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
1718192021
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status