Wanting You So Bad...
makahulugang turan nito.
Napangiti naman siya pero dagli rin iyong nawala. “Do you think magiging mabuting ama ako sa kanya?” nag-aalalang tanong niya dito.
Ang kanyang Mama naman ang napangiti at itinapat ang isang kamay sa kanyang puso. “Ito lang ang dapat mong pakinggan at sundin, at nakatitiyak akong hinding-hindi ka magkakamali sa mga desisyon na gagawin mo para sa kanya sa hinaharap,” anito. “At kung malihis ka man, naririto lang ako upang ipaalala sa ‘yo ang mga bagay-bagay, dahil wala naman talagang perpektong magulang. Walang formula para sa perpektong pagpapalaki ng mga anak… What important is that, you and your daughter have a good relationship at mahal ninyo ang isa’t isa,” dagda
Chapitres populaires