Taste of King: CHEATED, BROKEN, OWNED.
"Everything in this world comes with a price, and my help isn't free. Leave that boy when you find out the truth. Because from that moment on, you are mine.”
Iyon ang mga katagang binitawan ng bilyonaryong si King Imperial nang humingi ng tulong si Aline Buenavista sa kanya para makaalis sa isla at mapatunayang ikakasal na nga sa iba ang kanyang nobyo.
Apat na taon nang nagtitiis si Aline sa kanyang live-in partner na si Ejay. Dahil sa paninindigan niyang ibigay lamang ang sarili kapag kasal na sila, madalas siyang iwanan nito para maghanap ng aliw sa ibang babae.
Ngunit sa isang gabing nalunod siya sa alak at labis na sakit, napuno si Aline ng galit. Sa gitna ng kalasingan, pumasok sa isip niya ang kagustuhang maghiganti at iparanas din sa nobyo ang sakit na nararamdaman niya.
Doon niya naialay ang kapurihang apat na taon niyang iningatan sa isang hindi kilalang estranghero.
Labis ang pagsisisi ni Aline nang magising. Ang akala niya ay kaya niyang ibaon sa limot ang gabing iyon upang isalba ang kanyang relasyon sapagkat si Ejay na lamang ang makakatulong sa kanya para maiahon siya sa hirap.
But it was already too late. King Imperial was already onto her—the man who made her moan in pleasure during that unforgettable night.