Million Dollar Bet
Isang simpleng deal lang sana. Three months. Walang commitment, walang komplikasyon. Pero hindi ganun kasimple kapag si Adrian ang kaharap ni Camille—mapang-asar, mapang-akit, at unti-unting gumugulo sa mundo niya.
Pero paano kung sa gitna ng kontrata… mabuntis siya? At sa halip na aminin, pinili niyang magsinungaling—na inabort niya ang bata. Galit. Poot. At isang Adrian na tinalikuran siya.
Taon ang lumipas bago bumalik ang nakaraan. At ngayong alam na ni Adrian na hindi pala ipinalaglag ni Camille ang anak nila… paano pa nila mabubuo ang isang pamilyang matagal nang itinanggi?