Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Wild Night with my Ex’s Ninong

Wild Night with my Ex’s Ninong

Akala ni Natalia ay si Victor ang lalaking tutupad sa pangarap niya, ang lalaking hindi lamang mag aahon sa kanya sa kahirapan, kundi mamahalin siya at tatanggapin ng wagas. Ngunit isang akala lamang pala ang lahat. Sa loob ng kanilang tatlong taon na kasal ay bigla itong nagbago. Ang mapagmahal na lalaki noon at halos sambahin siya ay naging malamig na ngayon. Hindi lamang ang pagmamahal nito ang nawala, maging ang pinakita nitong pagtanggap sa kanya noon ay naglaho na parang bula. Hindi lamang siya nito itinago bilang asawa kundi pinandidirihan nito kung saan siya nagmula. Ni ang sipingan siya ay hindi nito ginawa. Ang pinakamasakit ay nakipaghiwalay ito sa kanya. Pinamukha nito sa kanya ang pagsisising pakasalan siya. Para makalimot ay nagpakalasing siya sa isang bar kasama ang mga kaibigan. Isang mainit na gabi ang naranasan niya sa piling ng isang estranghero—ngunit ng magising siya ay natuklasan niya na hindi lamang kung sino ang nakasama niya sa buong magdamag. Ito ay walang iba kundi si Anzel Quinn—ang ninong ng dating ex-husband niya ang nakasama at nakakuha ng pagkababaé niya! Paano kung magbunga ang kapusukan ng kanilang katawan at sa huli ay alukin siya nito ng kasal? Tatanggapin ba niya alang-ala sa bata?
1014.4K viewsOngoingAdded to Library 447 Times as ricci rivero ex girlfriend
Read
+Library
Wild Night With My Ex's Uncle

Wild Night With My Ex's Uncle

“Pakasalan mo ako at ako ng bahala sa mga utang ng pamilya mo. Kapalit nun ay ang pagdadala mo ng anak ko para sa mamanahin ko.” ------ Isang gabing pagkakamali na naging dahilan para mabago ang takbo ng buhay ni Athy. Matagal na pala siyang pinaglalaruan ng boyfriend at pinsan niya. Dahil sa sama ng loob ay naglasing siya at naibigay ang sarili sa Tito ni Matt mismo! Puno ng pagsisisi ay kaagad siyang umalis ngunit sinong mag-aakala na ang isang gabing iyon ay mabubuntis pala siya. Inalok siya nito ng isang kasal na may kasunduan, kapalit ng pagdadala niya ng magiging tagapagmana nito ay babayaran nito ang utang ng mga magulang niya at bukod pa doon ay nangako ito na tutulungan siyang makapaghiganti sa kanyang ex-boyfriend at pinsan. Ngunit saan kaya sila dadalhin ng kanilang kasunduan?
1012.1K viewsCompletedAdded to Library 435 Times as ricci rivero ex girlfriend
Read
+Library
MARRIED TO MY EX'S COLD BROTHER

MARRIED TO MY EX'S COLD BROTHER

“Sometimes, the wrong path leads you to the right person.” Nabuntis si Arah Cervantes ng kanyang nobyong si Adrian—ngunit iniwan siya nito at tumangging panagutan ang dinadala niya. Upang maiwasan ang eskandalo, napilitan siyang magpakasal. Ngunit hindi sa lalaking minahal niya. Kundi sa nakakatandang kapatid nito—si Edison Avelino, isang cold billionaire CEO. Isang kontratang kasal na walang pagmamahal. Isang pagsasamang puno ng distansya. Sa iisang bubong, natutunan nilang tiisin ang isa’t isa… hanggang sa unti-unting may nagbabago. Ang distansya ay naging dahan-dahang paglapit. Hanggang sa isang araw—bumalik si Adrian. Handa na siyang panagutan si Arah. Handa niyang bawiin ang lahat ng iniwan niya. Ngunit huli na nga ba ang lahat? Paano kung sa maling simula, natagpuan ni Arah ang tamang pagmamahal? At paano kung ang lalaking pinilit niyang pakasalan… ang ayaw na siyang pakawalan?
227 viewsOngoingAdded to Library 6 Times as ricci rivero ex girlfriend
Read
+Library
My Ex's Uncle Is My Husband[FILIPINO]

My Ex's Uncle Is My Husband[FILIPINO]

Dahil sa isang pagkakamali ay nalagay sa alanganin ang buhay ni Miley. Ngayon ay hinahanap siya ng miyembro ng mafia para patayin. Isa lang ang naiisip na solusyon ng boss/Uncle ng ex niya at iyon ay ang magpakasal siya rito para maproteksyonan siya. “Marry me so I can give you all the protection that you need. Nothing else…” – Clifford Alfonso. Hindi alam ni Miley kung bakit nagkakaganoon ang buhay niya. Hindi pa ba sapat na nahuli niyang magkasama sa kama ang bestfriend at boyfriend niya? Ngayon naman ay nasa panganib ang buhay niya at ang tanging paraan lang ay makasal siya sa gwapo ngunit cold na Tito ng ex niya.
1014.7K viewsOngoingAdded to Library 366 Times as ricci rivero ex girlfriend
Read
+Library
I Found Forever with My Ex's Uncle

I Found Forever with My Ex's Uncle

She was betrayed by the man she trusted. He never believed he would love again. Matapos wasakin ng panloloko ang puso ni Hanna Portugal, pinili niyang itayo muli ang sarili—malayo sa sakit, kahihiyan, at mga alaala ng nakaraan. Ngunit ang kapalaran ay may kakaibang paraan ng pagbabalik sa mga sugat na pilit mong tinakpan. Muling nagtagpo ang kanilang landas ng lalaking hindi niya inaasahang magiging bahagi ng kanyang buhay—Harold Cardinal, ang tiyuhin ng kanyang dating kasintahan. Isang malamig, disiplinado, at makapangyarihang CEO na matagal nang isinara ang pinto ng kanyang puso sa pag-ibig. Sa gitna ng ambisyon, responsibilidad, at mga lihim na hindi dapat nabubunyag, isang ugnayang itinuturing na bawal ang unti-unting nabuo—hindi dahil sa kapusukan, kundi dahil sa pag-unawa, paggalang, at tahimik na pagpili sa isa’t isa. Minsan, ang forever ay dumarating hindi bilang pangarap—kundi bilang pagsubok na handa mong panindigan.
101.2K viewsOngoingAdded to Library 41 Times as ricci rivero ex girlfriend
Read
+Library
Lustful Agreement with my Ex's Uncle (SPG)

Lustful Agreement with my Ex's Uncle (SPG)

"Hindi ka na makakawala pa sa akin, Farrah. Ako na ang nagmamay-ari sa iyo simula ngayon hanggang dulo," mariing sabi ni Dawnson bago siya siniil ng halik.
103.5K viewsOngoingAdded to Library 116 Times as ricci rivero ex girlfriend
Read
+Library
A lustful affair with my Ex's Uncle

A lustful affair with my Ex's Uncle

Si Minna ay isang magaling na writer at nag ttrabaho sa isang sikat na entertainment media sa ibang bansa. Ayaw na sana niyang umuwi pa ng Pinas subalit bigla siyang pinatawag ng boss niya dahil gusto ng investor nilang makilala siya. Hindi raw kasi seryoso ang team nila dahil hindi kompleto ang myembro sa miting na gaganapin nila. Kaya naman napilitan si Minna na umuwi roon hanggang sa isang iglap- nakasalubong niya ang lalaking ayaw na niyang makita. Iyon ay ang uncle ng Ex niya.
106.6K viewsOngoingAdded to Library 171 Times as ricci rivero ex girlfriend
Read
+Library
Seducing My Scumbag Ex's Hot Father (SPG)

Seducing My Scumbag Ex's Hot Father (SPG)

Matinding galit ang naramdaman ni Detective Marga Castro nang mahuli ang sariling ina na may relasyon sa boyfriend niyang si Dominic Mendoza. Para sa kanya, iyon ang pinakamalaking kataksilan na hindi niya kailanman mapapatawad. Sa isang iglap, gumuho ang mundo niya—ang ina niyang pinagkatiwalaan at ang lalaking minahal niya, parehong nagtraydor sa kanya. Umalis siya sa bahay nang walang direksyon, puno ng poot at hinanakit, hanggang sa isang aksidenteng kinasangkutan niya ang nagbago ng lahat. Nasagasaan siya ng isang lalaking kalaunan ay malalaman niyang si Dr. Oliver Mendoza—ang ama ng ex niya. Isang sikat ngunit kilalang malupit na surgeon. Habang nagpapagaling sa bahay ng doktor, naisip ni Marga ang isang mapanganib na plano. Gagantihan niya si Dominic sa pinakamasakit na paraan—sa pamamagitan ng pag-akit sa sariling ama nito. Alam niyang delikado, alam niyang mali, pero sa isip niya, ito ang hustisyang karapat-dapat sa kaniya. Ngunit habang isinasagawa niya ang plano, natuklasan ni Marga ang panig ni Dr. Mendoza na hindi niya inaasahan. Sa likod ng malamig na anyo at mapait na nakaraan, nakita niya ang isang lalaking marunong magmahal at marunong umintindi—isang lalaking unti-unti niyang minahal sa kabila ng lahat ng kasinungalingan. Paghihiganti ang plano, pag-ibig ang naging kapalit. Ipagpatuloy ba ni Marga ang paghihiganti o ipaglalaban ang pag-ibig na hindi kailanman dapat umusbong? Dahil kapag lumabas ang katotohanan, hindi lang puso niya ang mawawasak—pati ang tanging taong natutunan niyang mahalin.
1012.0K viewsOngoingAdded to Library 312 Times as ricci rivero ex girlfriend
Read
+Library
Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle

Marrying My Ex's Billionaire Underground Boss Uncle

Sa mismong araw ng kanilang kasal, imbes na sa harap ng altar, ay sa presinto dinala ng kanyang mapapangasawa si Irene Casareo upang pagbintangan sa isang kasalanang hindi niya ginawa. Doon din niya nalaman ang pagta-traydor nito sa kanya kasama ang stepsister nito. Baon ang galit at poot, ay tatlong taon niyang tiniis ang pagdurusa sa loob ng kulungan. Sa kanyang paglaya, hindi pa man siya nagtatagal sa labas, ay nasuong na siya sa isang madugong engkwentro. Doon niya nakilala si Kristoff Montecillo; isang makapangyarihang lalaki mula sa underworld, at tiyuhin ng ex-fiancee niyang si Dave Montecillo. Niligtas siya nito mula sa mga armadong lalaki, at bilang kabayaran ay niyanig nito ang mundo niya sa pamamagitan ng isang halik. Ang lalaki rin ang naging daan kung bakit nailigtas ang puri niya mula sa matandang huklubang nais kumuha ng kanyang pagkabirhen. Ngayong may utang na loob na siya kay Kristoff, papayag ba siyang maging fiancee nito kapalit ng ilang ulit na pagliligtas nito sa kanya? O, papayag siya upang gamitin ito sa paghihiganti sa mga taong nakapanakit sa kanya?
101.1K viewsOngoingAdded to Library 42 Times as ricci rivero ex girlfriend
Read
+Library
Trapped with My Ex's Brother-in-Law

Trapped with My Ex's Brother-in-Law

Gumuho ang mundo ni Kristine Montero nang malaman niyang nag-propose ang dating kasintahan niyang si Leo sa babaeng minsan niyang tinuring na kaibigan. Sa gitna ng sakit, galit, at pagkadurog ng tiwala, pinili niyang lunurin sa alak ang lahat ng alaala nila. Ngunit sa isang gabing puno ng kalasingan at luha, nagkamali siya ng nilapitan—at isang halik ang nag-ugnay sa kaniya sa lalaking hindi niya kailanman dapat pinatulan—Attorney Harvey Hilton, ang kilalang malamig, makapangyarihang abogado… at future brother-in-law ni Leo. Ang isang gabing akala niya’y panandaliang pagkalimot ay nauwi sa mas malalim na gulo. Kinaumagahan, bumagsak ang mundo ni Kristine nang malaman niyang ipinakulong ni Leo ang sariling ama sa kasong gawa-gawa. Sa desperasyon, napilitan siyang lumapit kay Harvey—ang tanging taong may kapangyarihang iligtas ang pamilya niya. Ngunit paano kung ang abogadong hiningan niya ng tulong ay siya ring lalaking minsan niyang hinalikan? Paano kung sa bawat pagkikita nila, mas lalo siyang nahuhulog kahit alam niyang sa pagitan nila, nakatali ang lihim, galit, at isang maselang ugnayang maaaring magwasak ng lahat?
103.6K viewsOngoingAdded to Library 107 Times as ricci rivero ex girlfriend
Read
+Library
PREV
1
...
2526272829
...
49
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status