Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The CEO's Discarded Wife

The CEO's Discarded Wife

Sa loob ng walong taon, buong pusong ginampanan ni Isabelle Reyes-Trinidad ang pagiging isang perpektong ina at asawa. Tahimik siyang sumuporta kay Lucas—sa kanyang negosyo, sa kanyang reputasyon, at sa kanyang ambisyon. Nanahimik siya sa likod ng camera, sa mga board meeting na hindi siya inanyayahan, at sa mga sandaling kailangan niya ng karamay pero wala ni isang halik o salitang ginhawa ang kanyang nakuha. Ang mas masakit? Wala siyang lugar sa sariling tahanan. Hindi lang si Lucas ang may paboritong kasama. "Mas gusto ko si Tita Karina kaysa kay Mommy!"—sambit ng anak nilang si Marcus habang nakangiti si Lucas, tila sang-ayon. Ginawa na ni Isabelle ang lahat para mapanatiling buo ang kanilang pamilya. Pero imbes na pagmamahal at respeto, ang gantimpala niya’y pagtataksil at pangungutya. Habang binubura siya mula sa buhay ng asawa’t anak, si Karina Sison—ang ex ng kanyang asawa—ang inilalagay sa pedestal. Ginawang presidente. Ginawang reyna. Hanggang sa dumating ang gabing iyon. Ang gabing tuluyan siyang nagising sa katotohanan—na minsan, kahit gaano mo kamahal, hindi mo na kayang manatili sa isang lugar na matagal ka nang hindi pinipiling mahalin pabalik. Pagod na siyang umasa. Pagod na siyang maging tanong sa pamilyang matagal nang may sagot—at hindi siya iyon. Kaya handa na siyang magpalaya. Handa na siyang iwan ang tahanang dati niyang ipinaglaban, sa piling ng mga taong mas masaya nang wala siya. Ngunit nang sa wakas ay iniabot na niya ang divorce papers sa kanyang asawa… Hindi galit ang sumalubong sa kanya. Hindi rin pakiusap. Kundi isang malamig na titig lang. Isang mapanganib na ngiti. At ang mga salitang… “You’re not going anywhere, Isabelle.”
Romance
100 viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire’s Temporary Wife

The Billionaire’s Temporary Wife

“Your ex-fiance’s loss is my gain. Akin ka na ngayon, Selene.” Selene Martinez thought she was close to the happily ever after she had been dreaming of since she was a child dahil papakasalan niya na ang lalaking mahal niya. Balak niya itong surpresahin pero mas nasurpresa siya nang tumambad ang hubo’t hubad na kasintahan kasama ang kaniyang stepsister. Akala niya talo na siya, ngunit dumating si Leviticus Thompson para isalba siya. Ang bilyonaryong may nakakabighaning kagwapuhan at karisma. Kailangan niya nang maipapakilalang asawa sa kaniyang pamilya, kailangan naman ni Leviticus ng asawa para makuha ang kaniyang mana. Ang naisip nila? To make her his temporary wife. But what happens when their pretend marriage starts to feel all too real? As their fake union evolves, will they discover that what they’ve been searching for is right in front of them?
Romance
74 viewsOngoing
Read
Add to library
HER SWEETEST REVENGE

HER SWEETEST REVENGE

Ang akala mo ay makakatakas ka na din sa pang-aalipusta sayo ng mga magulang mo dahil sa may taong nagmamahal na sayo, ang hindi mo din alam ay ginagamit ka lang din naman nito. Pag-ibig? Ano ba talaga ang silbi ng salitang iyan, kung lahat naman sila ay pinagkakaisahan ako, pinagkaisahan ako ng tadhana. Ang pagmamahal na kay sagana noong una ay bigla na lang naglaho ng malaman kong ginagamit niya lang ako. Ng mapakasal ako sa isang lalaking hindi ko kakilala ay mas naging impyerno pa ang aking buhay. Wala na bang mas ikakalupit ang tadhana? Pagod na ako, pagod na pagod na ako, kung bakit kasi nangyayari sa aking ang mga ganitong bagay. Naghintay ako, kinuha nila ang kompanya na dapat ay para sa akin, mga ari-arian na dapat para sa akin, ang anak ko na pinatay nila kahit nasa sinapupunan ko pa ito, hindi pa sila nasiyahan at pati ako ay pinapapatay nila. Naghihintay lang ako ng pagkakataon, hintayin niyo ang aking pagbabalik. Tiyak na sa pagbabalik ko ay hindi ko kayo papalampasin lahat.
Romance
56 viewsOngoing
Read
Add to library
Lorenzo Montemayor"The CEO’s Twins & Young Beautiful Nanny"

Lorenzo Montemayor"The CEO’s Twins & Young Beautiful Nanny"

Mhiya Anne, 17 years old, is a hardworking high school student juggling studies and work in the public market just to survive. Wala na siyang pamilya — mag-isa na lang siya sa buhay. Pero isang gabi, sa hindi inaasahang pangyayari, nabuntis siya ng kaklase niya matapos ang isang gabing di niya maalala—isang gabing lasing siya at walang matandaan. Pinatira siya ng pamilya ng lalaking nakabuntis sa kanya. Sa una, mabait. Pero nang mailabas ang anak niya, nagsimula ang totoong hirap. Pinilit siyang magtrabaho muli dalawang buwan pa lang ang nakakalipas mula sa panganganak, para raw “makabawi.” Ang mas masakit, ang ama ng kanyang anak may iba na — at never siyang pinanindigan. Hanggang sa isang araw, tumanggap siya ng text na bumasag sa puso niya: *“Dinala na namin sa ospital ang anak mo. Mataas ang lagnat. Maghanda ka ng malaking pera. Hindi kami magbabayad pang hospital ng anak mo. Kulang pa ang binibigay mo kada linggo.”* Luhaan siyang tumakbo sa ospital kahit walang-wala. Pero huli na ang lahat. Hindi na niya inabutan ang anak niya nang buhay. Doon gumuho ang buong pagkatao niya. Ang nag-iisa niyang dahilan para mabuhay… nawala. At sa araw ding ‘yon, wala na rin siyang dahilan para lumaban — hanggang sa isang hindi inaasahang babae ang lumapit sa kanya. Si Lorainne Montemayor. At isang alok ang magbabago sa buhay niya **Lorenzo Montemayor**, 30 years old. Gwapo. Matalino. Mayaman. Kilala sa mundo ng negosyo. Pero sa likod ng tagumpay ay isang pusong sugatan — iniwan ng kanyang long-time childhood fiancée, na nag loko pa at hindi kayang panindigan ang kanilang anak. Ayaw ng babae sa responsibilidad, iniwan ang lahat kay Lorenzo. Dalawang magkaibang mundo. Dalawang magkaibang sugat. Pero iisang dahilan kung bakit sila natutong lumaban — **ang kanilang anak.**
Romance
50 viewsOngoing
Read
Add to library
Triplets and a Second Chance

Triplets and a Second Chance

Nagluluksa si Amara Alcantanra sa burol ng kaniyang ina habang abala ang kanyang asawa sa pagdiriwang ng kaarawan ng unang babaeng minahal nito—punong-puno ng kasiyahan at engrande ang selebrasyon. Klarong-klaro ang lahat kay Amara. Kung hindi siya mahal ng lalaki, ayaw na rin niya dito. Iniwan niya ang kasunduan ng diborsyo sa ibabaw ng mesa at piniling ipalaglag ang dinadala, at lumakad palayo nang mag-isa. Limang taon ang lumipas. Sa isang marangyang subastahan, lumitaw ang chief auctioneer nakasuot ito ng isang hapit na makabagong Filipiniana na backless, may mataas na slit sa hita, at natatakpan ng puting belo ang kanyang mukha. Lahat ng mata ay kusang tumigil sa kanya. Napasimangot si Argus De Luca, bahagyang nanliliit ang mga mata. "Ang pangalan niya'y Reina?" Tumango ang kanyang assistant. "Yes, Sir. May nabalitaan rin akong minsan may nag-alok ng sampu-sampung milyon kapalit ng pagkakataong makita ang tunay niyang mukha pero tinanggihan niya." Sa wakas, natagpuan na ni Argus De Luca ang babaeng matagal na niyang hinahanap sa loob ng limang taon. Kinagabihan ay hinarang niya ito sa isang kanto. "Auctioneer Reina, hanggang ngayon ay tinatakbuhan mo pa rin ako o mas tamang sabihin kong Amara?" "Argus, hiwalay na tayo." "Hindi ko kailanman sinang-ayunan 'yon. Nasaan ang anak ko?" "Mukhang nakalimot ka, Argus… ikaw mismo ang dahilan kung bakit nalaglag ang bata, limang taon na ang nakalipas!" Ngunit ngumisi si Argus, at may inilantad sa harap niya. "Kung gayon, ipaliwanag mo ito." Triplets na limang taong gulang ang nakatayo sa harap nila.
Romance
22 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
394041424344
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status