Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
ENTANGLED ECSTASY (FILIPINO VERSION)

ENTANGLED ECSTASY (FILIPINO VERSION)

WARNING: R[18] STORY WITH EXTREMELY EXPLICIT/MATURE CONTENT Isang babae lang ang kailangan niya para iligtas ang sarili niya sa isang kasal na hindi niya gusto. At nahanap niya ito… sa isang estranghera. Si Joaquin Antonio Jr.—isang batang CEO, gwapo, mayaman, at kilalang babaero. Para sa kaniya, ang mga babae ay libangan lang. Walang dapat seryosohin. Hanggang sa napilitan siyang maghanap ng babaeng pakakasalan sa loob ng dalawang buwan. At sa gitna ng desperasyon— inalok niya ng kasal ang isang babaeng hindi niya kilala. Si Lara. Ngunit ang hindi niya inaasahan ay ang babaeng iyon ang ina ng anak niya mula sa gabing pilit niyang kinalimutan apat na taon na ang nakalilipas. Isang kasal na nagsimula sa kasinungalingan. Isang relasyon na puno ng lihim. At isang pag-ibig na kailangang ipaglaban. Laban sa kaniyang ama. Laban sa reputasyon ng kanilang pamilya. At laban sa sarili niyang pagkatao. Hanggang saan siya handang sumugal para sa babaeng hindi niya dapat mahalin pero siyang tanging nakapagpabago sa kanya?
1025.9K viewsCompletedAdded to Library 542 Times as sa kabilang dako
Read
+Library
Boyfriend Hunt

Boyfriend Hunt

CowardTheBrave
Si Eli ay isang huwarang estudyante at kasalukuyang nangunguna sa kanilang klase. Kilala siya bilang isang tahimik na tao at walang interes sa ibang bagay bukod sa pag-aaral. Iyon na rin siguro ang isa sa pinakadahilan kung bakit walang maituturing na kaibigan sa school si Eli. Lingid sa kaalaman ng kanyang mga kaklase, si Eli ay isang closeted gay. Dahil sa fear of rejection at mahusgahan ng iba, mas pinipiling mapag-isa ni Eli kaysa makihalubilo sa kanyang mga kaklase. Isang gabi habang nagrereview si Eli para sa isang exam kinabukasan, napukaw ang kanyang atensiyon sa isang online advertisment. Ito ay isang 'dating' application na tinatawag na MATCHED, na kung saan ay maaari kang makakilala at makatagpo ng taong para sa iyo... As a gay person. Dahil sa masidhing kuryusidad ay dali-daling dinampot ni Eli ang kanyang cellphone para idownload ang MATCHED para simulang hanapin ang taong kukumpleto sa tinatago niyang pagkatao. Have you ever tried to use an app to find a lover? Let the hunt begin.
108.9K viewsCompletedAdded to Library 302 Times as sa kabilang dako
Read
+Library
The Proposal

The Proposal

Kimberly De Leon
Si Alex Rivera ay isang Assistant Writer sa isang Television Company. Pangarap niyang makapagsulat ng sarili niyang drama at makilala rito. Mabait, pursigidong maabot ang pangarap, at mabuting anak sa mga magulang. Tutol ang ama ni Alex sa pagiging writer niya. Sa hindi inaasahang pangyayari ay kinakailangan niyang umalis sa tinitirahan niya. Kailangan niyang humanap ng bagong niyang matitirahan kung hindi ay pauuwiin siya ng kanyang ama sa probinsya at patitigilin siya nito sa pagsusulat. Nakahanap siya ng taong naghahanap ng housemate sa tulong ng kaniyang kaibigan. Lumipat agad siya sa bahay nito ng hindi inaalam ang ibang detalye sa magiging kasama niya. Dahil sa magkasalungat na lifestyle ay hindi sila nagkikita ng housemate niya. Isang araw ay nalaman niya na lalaki pala ang housemate niya. Lalaki? Paano, isang babae at isang lalaki sa iisang bahay? Paano kapag nalaman ito ng kanyang ama? Paano ang kaniyang mga pangarap? Dahil sa pagiging desperado ay tinanong niya ang lalaki " Pwede mo ba akong pakasalan?"
102.4K viewsOngoingAdded to Library 62 Times as sa kabilang dako
Read
+Library
My Billionaire Stepbrother’s Deception

My Billionaire Stepbrother’s Deception

"Sa ayaw at sa gusto mo, sa 'kin ka, kung ayaw mong masira ang dignidad ng pamilyang 'to." --- Pakiramdam ni Senra Lazurel ay nag-iisa na lamang siya sa mundo dahil hiwalay ang kaniyang mga magulang. Isa siyang stripper sa kilalang club at doon din ay nakilala niya ang taong hindi niya inaasahan... Si Ivran Moredad. Si Ivran ay isang binatang bilyonaryo na nais angkinin ang dalaga, ngunit hindi magiging maganda sa paningin ng tao dahil ito pala ang kaniyang magiging stepsister. Dahil sa pagkahumaling sa dalaga, isang supling ang naging mitsa ng dignidad sa kanilang pamilya. Makakalaya ba sila sa mala-presong lihim na ito?
10535 viewsOngoingAdded to Library 12 Times as sa kabilang dako
Read
+Library
Entangled with the Enemy

Entangled with the Enemy

Sa pagbabalik ni Eunice Del Tierra sa Pilipinas, may isang misyon siyang kailangang isakatuparan: ibigay ang hustisya sa kanyang pamilya laban sa angkan ng Montes, at bawiin ang lupain na nararapat sa kanya. Bilang tagapagmana ng Hacienda Tierra, gagawin niya ang lahat para makuha ang dapat sa kanya. Kaya naman, pumasok siya bilang kasambahay sa tahanan ng pamilya Montes upang masubaybayan ang bawat galaw ng mga Montes. Naging matagumpay ang pagpasok ni Eunice sa Hacienda, sa una ay tila madali lamang ang kanyang gagawing misyon, ngunit sa paglipas ng mga araw ay naging mahirap ang gagawin niya dahil kay Xander — ang nag-iisang lalaking anak ng mga Montes, na nagpapagulo sa kanyang isipan. He has cold heart and hated by many, pero unti-unting nahuhulog ang damdamin niya para sa binata. Magagawa niya bang labanan ang nararamdaman para sa binata? Ano ang kanyang pipiliin: pag-ibig o paghihiganti?
169 viewsOngoingAdded to Library 4 Times as sa kabilang dako
Read
+Library
The Ceo's Blind Wife

The Ceo's Blind Wife

Dahil sa aksidente namatay ang kanyang ama, kasabay din noon ang pagkawala ng liwanag sa kanyang mga mata. Nabuhay siya sa dilim at sa pagmamaltrato ng kinilalang pamilya. Ngunit dahil sa hindi inaasahang pagkakataon nakilala niya ang isang lalaki na nagbigay liwanag sa madilim niyang mundo at bakod sa mapanakit na lipunan. Nanaisin pa ba niyang makakita o, mananatili na lamang siya sa kadiliman gayun ang lalaking natutunan niyang mahalin ay may tinatago pa lang sikreto sa kanyang nakaraan? Handa ba siyang palayain ang taong pinakamamahal para sa ikaliligaya nito kahit na ang kapalit noon ay ikawawasak niya.
1024.4K viewsCompletedAdded to Library 487 Times as sa kabilang dako
Read
+Library
BOOK 2: Maid For You Too

BOOK 2: Maid For You Too

Si Anna Alejandra ay isang ulirang anak na walang ibang hiling kundi ang mai-angat sa laylayan ang pamilyang siya lang ang inaasahan. Isang probinsyanang nakipagsapalaran sa siyudad para tugunan ang pangangailangan ng mga kapatid. Namasukang kasambahay sa pamilyang Martinez, at nakilala ang isang binatang babago sa kapalaran nya, si Javier Martinez. Kontento na si Anna sa panakaw tingin nya sa binata noong una, ngunit habang tumatagal ay humihiling sya nang higit pa. Nangyari naman ito nang maging malapit sila sa isa't isa, at naging magkaibigan hanggang sa nagkagustuhan. Subalit sa halip na mauwi sa happily ever after, isang bangungot ang kaniyang naranasan.
102.0K viewsOngoingAdded to Library 40 Times as sa kabilang dako
Read
+Library
Abducted By My Father's Enemy

Abducted By My Father's Enemy

Halos pagsakluban ng langit si Ambria nang malaman niyang namatay sa brutal na paraan ang kanyang ama. Ngunit sa kabila ng bilin sa kanya ng kanyang ama na huwag uuwi ng Pilipinas ay hindi niya sinunod ito at umuwi siya upang ipagluksa ang pinakamamahal niyang ama. Ngunit nang pabalik na siya sa Europe upang ituloy ang kanyang Buhay ay hinarang ang kotseng sinasakyan niya patungong airport. Kinidnap siya ng armadong mga lalaki at ikinulong sa madilim na kuwarto. Hindi siya nakaramdam ng takot dahil alam niya ang kanyang kapalaran sa kamay ng mga kumidnap sa kanya at hinanda na niya ang kanyang sarili na mamatay at sumunod sa kanyang mga magulang. Ngunit paano kung hindi kamatayan kundi kasal sa Isang estranghero ang i-alok sa kanya upang makalaya? Papayag ka siya sa kasunduan? O papayag siya upang mahanap at makapaghiganti sa taong tumapos sa Buhay ng kanyang natitirang magulang?
103.3K viewsOngoingAdded to Library 112 Times as sa kabilang dako
Read
+Library
The Billionaire's Debt-Paid Wife

The Billionaire's Debt-Paid Wife

Isang iglap, nagbago ang buhay ni Ava Santos nang tumakas ang kanyang kapatid na si Bella sa mismong araw ng kasal nito sa bilyonaryong si Alexander Valderamos. Dahil sa matinding utang at banta ng pagkasira ng kanilang pamilya, napilitan si Ava na palitan ang kapatid at humarap sa altar sa ilalim ng isang kasinungalingan. Ngunit hindi lingid kay Alexander ang nangyari—alam niyang hindi si Bella ang kanyang pinakasalan. Sa kabila nito, itinuloy niya ang kasal dahil may sarili siyang plano. Sa ilalim ng isang malamig na kasunduan, ginawang legal na asawa si Ava kapalit ng pagbura sa utang ng kanyang pamilya. Sa loob ng isang taon, kailangan niyang gampanan ang papel bilang perpektong maybahay, habang itinatago ang tunay niyang pagkatao. Sa marangyang mundo ni Alexander, unti-unting naramdaman ni Ava ang pagiging bilanggo—isang babae na itinuring na kapalit sa isang transaksyon. Habang lumalalim ang kanyang paghihirap, nahaharap siya sa malamig at mapaglarong ugali ng kanyang asawa. Sa isang relasyong puno ng kasinungalingan at kontrol, kakayanin ba ni Ava na panatilihin ang sarili, o tuluyan na siyang mawawala sa mundong hindi niya pinili?
236 viewsOngoingAdded to Library 5 Times as sa kabilang dako
Read
+Library
The Betrayed Wife's Revenge

The Betrayed Wife's Revenge

Sa loob ng dalawang taon ng kanilang pagsasama, natuklasan ni Aliyah na ang kanyang pinakaiingatang sertipiko ng kasal ay isang huwad. Sa kanyang pagtatangkang komprontahin ang asawang si Frederick, hindi niya sinasadyang marinig ang katotohanan—ang lalaking nagpakita ng walang kapantay na pagmamahal sa kanya sa loob ng anim na taon ay matagal na palang kasal sa kanyang guro, na mas matanda pa sa kanya. Hindi lamang siya ginamit bilang isang panakip-butas, kundi pinaratangan pa siyang baog at pinilit na mag-ampon ng anak na dalawa. Sa matinding pagkadismaya, tinawagan ni Aliyah ang abogadong nangangalaga sa kanyang mana at buong diin na sinabi: "Walang asawa, walang anak, ako ang tanging tagapagmana." Iniwan ni Aliyah ang pamilyang Finch, habang si Frederick ay kampanteng naghihintay sa kanyang pagbabalik, umaasang magmamakaawa siya para sa tulong. Ngunit isang araw, nasaksihan ni Frederick ang hindi inaasahang paglitaw ni Aliyah sa pambansang telebisyon, kung saan ipinahayag ang kanyang pagpapakasal sa isang lalaking may angking yaman at kapangyarihan. Sa gitna ng atensyon, nakatayo si Aliyah sa tabi ng lalaking ito, tinatanggap ang mga pagbati at inggit ng nakakarami.
527 viewsOngoingAdded to Library 13 Times as sa kabilang dako
Read
+Library
PREV
1
...
2223242526
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status