Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Wolf Under The Blood Moon (Filipino Version)

Wolf Under The Blood Moon (Filipino Version)

Mr. Noi
Si William Styles, isang tipikal na cute na binatilyo ay namumuhay ng payapa at normal na buhay gaya ng iba hanggang sa isang insidente ang nagpasindak sa kanyang buong pagkatao. Sa hindi inaasahang pagbabagong ito sa kanyang buhay, nakahanap siya ng bagong tahanan, mga kaibigan, at isang usbong ng pag-ibig sa grupo ng mga taong lobo na may dilaw na mata. Pangil sa pangil at kuko sa kuko ay kung paano nila labanan ang kanilang mga kaaway, ang mga taong lobo na may pulang mata. Isang gabi, isang nakakatakot na pangyayari ang naganap. Umagos ang sariwang dugo sa bundok at nagkalat ang mga bangkay sa kagubatan. Magagawa ba nilang ipaghiganti at protektahan ang kanilang mga mahal sa buhay sa ilalim ng pulang buwan?
Other
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Ceo's Blind Wife

The Ceo's Blind Wife

Dahil sa aksidente namatay ang kanyang ama, kasabay din noon ang pagkawala ng liwanag sa kanyang mga mata. Nabuhay siya sa dilim at sa pagmamaltrato ng kinilalang pamilya. Ngunit dahil sa hindi inaasahang pagkakataon nakilala niya ang isang lalaki na nagbigay liwanag sa madilim niyang mundo at bakod sa mapanakit na lipunan. Nanaisin pa ba niyang makakita o, mananatili na lamang siya sa kadiliman gayun ang lalaking natutunan niyang mahalin ay may tinatago pa lang sikreto sa kanyang nakaraan? Handa ba siyang palayain ang taong pinakamamahal para sa ikaliligaya nito kahit na ang kapalit noon ay ikawawasak niya.
Romance
1023.9K viewsCompleted
Read
Add to library
LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)

LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)

Phranceszqua143
"Sa sandaling matakpan Ng Araw Ang liwanag Ng buwan, Isisilang Ang maestro Ng tatlong kaharian." Ang isang tagnang labis na kinatakutan ng tatlong kaharian!!! Subalit ang tagna nga ba ang dahilan ng pag-bagsak ng kaharian? O ang Wagas na PAG-IBIG ang magsisimula ng matinding HIDWAAN...
History
107.8K viewsOngoing
Read
Add to library
BIDDING FOR HER (She was His to Win)

BIDDING FOR HER (She was His to Win)

Mabait. Inosente. Mapagmahal. Ganyan inilalarawan si Megan Gonzales, isang dalagang lumaki sa pagitan ng liwanag at dilim. Anak ng isang babaeng bar performer na mas mahal pa ang pag susugal kaysa sariling anak, natutunan ni Megan na ang simpleng pamumuhay ay sapat na—makatapos ng pag-aaral, makakain sa tamang oras, at maipaglaban ang mga taong mahal niya, kahit ang kapalit ay ang sarili niyang kalayaan. Hanggang sa isang gabi, tuluyang naglaho ang natitirang liwanag sa buhay niya. Sa isang underground human auction—isang gabi ng kasinungalingan, kasakiman, at kapangyarihan—ibinenta siya ng kanyang ina kapalit ng pera. Isang murang halaga, isang kahindik-hindik na kataksilan. Ang mga bid ay mabilis na tumataas: lima... sampu... tatlumpung milyon. Hanggang sa isang malamig, mariin, at makapangyarihang tinig ang sumigaw. "Isang daang bilyon. Para sa kanya." Tahimik ang mundo. Tumigil ang lahat. Doon siya unang nasilayan ni Lucien Alcaraz—isang negosyante sa itaas ng mundo, kilala sa yaman, talino, at kawalan ng puso. Ngunit sa gabing iyon, sa ilalim ng mga ilaw ng kasalanan, nakita niya si Megan. Hindi bilang isang produkto... kundi isang bagay na dapat angkinin para sa kaniyang sariling intensyon. Sa pagitan ng kasunduan at lihim na damdamin, matutuklasan ba ni Megan na ang tunay na halaga ng isang tao ay hindi nasusukat sa perang ipinambibili sa kanya? Mararanasan ba niya ang pagmamahal na ipinaglalaban siya? Halina`t subaybayan ang kwento nang ating bida.
Romance
478 viewsOngoing
Read
Add to library
Seducing the Blind Billionaire

Seducing the Blind Billionaire

Isang kalapating mababa ang lipad, yan ang madalas na tawag sa mga tulad ni Juliana. Kahit anong pagtatama niya sa perception ng tao sa uri ng trabaho niya mababang uri pa rin ang tingin sa kanya. Pero ang pinakamasakit para kay Juliana ay ang ultimo taong mahal niya ay ganun din ng tingin sa kanya at mas malala pa kahit pa nga alam nito ang nature ng trabaho niya.Kaya lihim na pinangarap ni Juliana ang makalayo sa lugar at makahanap ng bagong buhay. Pero paano kung sa isang taong may mapansanan niya mahanap ang liwanag at tamang pagmamahal na inaasam? Magagawa kaya siyang mahalin ng lalaki sa kabila ng katotohan ng kanyang pagkatao
Romance
9.716.5K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Masked Desire

The Billionaire's Masked Desire

Isang bagyo ang saksi sa pagkawala ni Saphira, ang batang isinilang pero agad ding nawala sa piling ng pamilya niya. Lumaki siyang ampon ng mga Imperial, tagabantay lamang ng anak nilang si Danica ang dalagang bulag na muling nakakita pagdating ng ika-labingwalo nitong kaarawan dahil sumailalim sa isang operasyon. Sa araw ng pagbabalik ng liwanag ni Danica, natagpuan naman ni Saphira ang tunay niyang pamilya… at ang lalaking magpapabago sa buhay ni Saphira, si Lior Del Fierro, isang business tycoon na masyadong misteryoso para pagkatiwalaan, ngunit imposibleng hindi maramdaman. Ngunit paano kung sa pagbalik ng kanyang nakaraan… ay ang lalaking minamahal niya rin ang dahilan kung bakit siya nawala noon?
Romance
167 viewsOngoing
Read
Add to library
Slow Dance Beneath The Stars

Slow Dance Beneath The Stars

Ernie Bueno
Mula sa pantalan ay hinagod ng tingin ni Guen ang buong kapaligiran. Malamig ang gabi, tahimik na tahimik ang malawak na lawa, gumuguhit ang liwanag ng buwan sa tubig. Napakasarap ng may kayakap ng mga sandaling iyon. "I've always wanted to slow dance beneath the stars..." aniya.Pero nang humarap siya kay Kibaweg, ibang sayaw ang ginawa nila. Mapusok, nag-aalab sa init ang halik ng binata. Gusto sana niya itong itulak, pigilan sa ginagawa, pero hindi niya magawa. Ngayon lang niya naranasan ang ganitong sensasyon kaya huli na nang mapansin niyang hinuhubad na nito ang pang-ibaba niyang saplot...
105.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Darkness Within

Darkness Within

naughtyjackyy
Bilang isang anak ng Diyos ng Kadiliman, alam ni Cassy Aguilar na kailanman ay hinding-hindi niya maabot ang liwanag, na kahit na anong takbo niya ay hindi niya matatagpuan ang sarili na nabababalot ng sinag kundi purong anino at dilim lamang. At iyon ang dahilan kung bakit gustong-gusto niyang makatakas sa tadhanang tila kadenang nagbibigkis sa kanya sa mundo ng kadiliman at kasamaan. Nais niyang makalaya. At ang tanging paraan para mangyari iyon ay ang wakasan ang buhay ng sarili niyang ama, ang Diyos ng Kadiliman. Sakit. Kamatayan. Pagtataksil. Sakripisyo. Pag-ibig. Pakikipagsapalaran. Lahat ng ito ay naghihintay kay Cassy kasama ang mga taong magiging kasangga niya sa pagkamit ng kalayaang hinahangad niya at ang pagtapos sa buhay ng Diyos ng Kadiliman na matagal nang banta sa kapayapaan ng mamamayan.
109.1K viewsCompleted
Read
Add to library
The Broken Wife's Revenge: Her Husband And Sister Will Pay!

The Broken Wife's Revenge: Her Husband And Sister Will Pay!

Sa loob ng limang taon, buong pusong ipinaglaban ni Caelith Skyhart ang pagmamahal niya kay Lucienn Ashford. Siya ang lalaking itinayo niya mula sa pagkakadapa, minahal sa kabila ng lahat, at pinakasalan sa harap ng buong lungsod. Ngunit isang umagang tahimik, isang mensahe ang gumising sa katotohanang hindi niya kailanman inasahan—buntis ang kapatid niyang si Celene, at ang ama ay si Lucienn. Sa gitna ng pagkawasak, pagtataksil at sakit, kailangan ni Caelith na tumindig. Hindi para ipaglaban ang pagmamahal kundi para bawiin ang sarili at ang lahat ng itinayo nilang dalawa. Ito ay kwento ng isang babaeng minsang naging liwanag sa dilim ngunit ngayo’y naging apoy na handang lamunin ang lahat ng sumira sa kanya. Hanggang saan ka magmamahal kung ang taong pinili mo ay pinili ang iba?
Romance
10499 viewsOngoing
Read
Add to library
From Cradle to Heart: The Billionaire’s  Hired Nanny

From Cradle to Heart: The Billionaire’s Hired Nanny

Sa gitna ng kalungkutan at pagsubok, isang sanggol ang nagbigay ng liwanag sa madilim na buhay ni Reinella. Matapos mawala ang kanyang sariling anak, sinisi siya ng kanyang biyenan at tila pinabayaan na rin ng kanyang asawa. Ngunit ang pagtanggap niya sa isang sanggol na iniwan ng kanyang ina ang nagbukas ng pinto sa isang bagong yugto ng kanyang buhay. Hindi niya inasahan na ang sanggol na ito ang mag-uugnay sa kanya kay Reed Montgomery, ang misteryosong presidente-direktor na ama ng bata. Sa pag-aalaga niya sa sanggol, natagpuan ni Reinella hindi lamang ang kanyang sariling lakas kundi pati na rin ang init ng isang posibleng pag-ibig. Ngunit puno ng lihim at hadlang ang kanilang daan. Magiging simula kaya ito ng isang masayang wakas, o isa na namang pagsubok para kay Reinella?
9.889.4K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
1516171819
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status