Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Seducing My Scumbag Ex's Hot Father (SPG)

Seducing My Scumbag Ex's Hot Father (SPG)

Matinding galit ang naramdaman ni Detective Marga Castro nang mahuli ang sariling ina na may relasyon sa boyfriend niyang si Dominic Mendoza. Para sa kanya, iyon ang pinakamalaking kataksilan na hindi niya kailanman mapapatawad. Sa isang iglap, gumuho ang mundo niya—ang ina niyang pinagkatiwalaan at ang lalaking minahal niya, parehong nagtraydor sa kanya. Umalis siya sa bahay nang walang direksyon, puno ng poot at hinanakit, hanggang sa isang aksidenteng kinasangkutan niya ang nagbago ng lahat. Nasagasaan siya ng isang lalaking kalaunan ay malalaman niyang si Dr. Oliver Mendoza—ang ama ng ex niya. Isang sikat ngunit kilalang malupit na surgeon. Habang nagpapagaling sa bahay ng doktor, naisip ni Marga ang isang mapanganib na plano. Gagantihan niya si Dominic sa pinakamasakit na paraan—sa pamamagitan ng pag-akit sa sariling ama nito. Alam niyang delikado, alam niyang mali, pero sa isip niya, ito ang hustisyang karapat-dapat sa kaniya. Ngunit habang isinasagawa niya ang plano, natuklasan ni Marga ang panig ni Dr. Mendoza na hindi niya inaasahan. Sa likod ng malamig na anyo at mapait na nakaraan, nakita niya ang isang lalaking marunong magmahal at marunong umintindi—isang lalaking unti-unti niyang minahal sa kabila ng lahat ng kasinungalingan. Paghihiganti ang plano, pag-ibig ang naging kapalit. Ipagpatuloy ba ni Marga ang paghihiganti o ipaglalaban ang pag-ibig na hindi kailanman dapat umusbong? Dahil kapag lumabas ang katotohanan, hindi lang puso niya ang mawawasak—pati ang tanging taong natutunan niyang mahalin.
Romance
107.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Contract of the Heart (Kontrata ng Puso)

Contract of the Heart (Kontrata ng Puso)

Sa taong 2030, sa lungsod ng Maynila, magtatagpo ang dalawang taong galing sa magkaibang mundo. Elaine Santos—isang simpleng babae mula sa isang maralitang pamilya, determinadong gawin ang lahat para mailigtas ang kanyang kapatid na may malubhang karamdaman. Nang mawalan ng pag-asa at pagkakakitaan, mapipilitan siyang tanggapin ang isang alok na magbabago sa kanyang kapalaran. Aidan Velasquez—isang batang negosyante at bilyonaryong kilala sa kanyang lamig, determinasyon, at pusong sarado sa pagmamahal. Sa mata ng publiko, siya ay perpekto. Ngunit sa loob, siya'y wasak—binuo ng pagkabigo, at nilason ng isang nakaraang hindi niya matahimik. Ang kanilang landas ay magtatagpo sa pamamagitan ng isang kasunduan—isang isang-taong kasal kapalit ng tulong pinansyal para sa kapatid ni Elaine. Sa simula, malinaw ang mga hangganan: walang damdamin, walang komplikasyon, isang kontrata lang. Pero sa bawat araw ng pagiging "asawa" ni Aidan, mararamdaman ni Elaine ang paglamlam ng kanyang mga pader. Unti-unti, binubuksan niya ang pintuan ng kanyang puso—hindi lang kay Aidan kundi sa lahat ng taong nakapaligid dito. At si Aidan, sa kabila ng kanyang malamig na maskara, ay masusubok harapin ang katotohanan ng kanyang nakaraan—lalung-lalo na ang sakit na iniwan ni Selene Navarro, ang babaeng minsan niyang minahal. Habang tumatagal, mas lumalalim ang komplikasyon. Lilitaw ang mga lihim. Mabubunyag ang mga sugat. At masusubok ang tibay ng damdamin sa gitna ng mga kasinungalingan, takot, at responsibilidad. Sa huli, ang tanong: Ang pag-ibig ba ay kailangang ikontrata—o ito'y malayang nararamdaman sa tamang panahon?
Romance
633 viewsOngoing
Read
Add to library
Too Late To Regret, Mr. Billionaire

Too Late To Regret, Mr. Billionaire

“He broke her heart once. Now he’s willing to lose his empire just to win it back.” --- Simula 12 years old pa lang ay minahal na si Talia si Caden Montclair. Kaya nang magkasundo ang kanilang mga pamilya na ipakasal sila sa isa't-isa ay labis-labis ang saya niya. Pero sa loob ng tatlong taon, sikreto silang naging mag-asawa nang hindi nagsasama sa iisang bubong. Bagkus, dalawang beses sa isang buwan ay nagkikita sila ni Caden sa Montclair Villa para punan ang “obligasyon” niya sa asawa at iyon ay maging bed partner nito. Hanggang sa isang araw ay natauhan na lang si Talia. Napagtanto niya na kahit anong gawin niya ay hindi siya magagawang mahalin pabalik ni Caden. Kaya nang magpunta siya sa mansyon ng mga Montclair ay kinausap niya ang asawa at sinabing, “Caden, let's get divorce.” “You’re willing to give up being Mrs. Montclair that easily?” malamig namang tanong ni Caden. “Yes. I already prepared the documents.” Matapos niyon ay umalis na si Talia at hindi na muling nagpakita pa. Pero makalipas ang ilang taon, ay muli siyang nagbalik bilang isang babaeng may dignidad, puno ng kumpiyansa, at kinikilala sa buong bansa. At ngayon, si Caden Montclair naman ang naghahabol sa kanya at humihingi ng second chance. The man who once ignored her now can’t stop chasing her. But Talia has finally learned something he never did— love without respect isn’t love at all.
Romance
1018.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Flash Marriage with the Cold-hearted Billionaire

Flash Marriage with the Cold-hearted Billionaire

Isang pagkakamali ang naghatid kay Yanna del Valle sa isang di-inaasahang gabi. Isang estranghero ang napag-alayan niya ng kanyang sarili. Nang magising ay saka niya napagsino ang lalaking umangkin sa kanyang pagkabirhen. Walang iba kundi ang batang Banking Magnate na si Alessio Vann Dimarco, matipuno ngunit ubod ng lamig kung makitungo. Nais man niya itong iwasan ngunit tila ang kilalang bato at isang malamig na CEO ay hindi siya tinatantanan. Hanggang sa dumating ang araw na siya naman ang lumapit dito upang makipagkasundo. Isang kasunduan na magpapabago sa takbo ng kanyang buhay. Inalok niya ito ng kasal upang makuha ang bagay na nararapat para sa kanya, ang yaman na pilit inaangkin ng pangalawang pamilya ng kanyang ama. Ngunit ang kasunduang ito ay higit pa sa kanyang inaasahan. Naroon ang bukas na walang kasiguraduhan at mga tagpong nagpapasabik nang husto sa kanyang puso. "Marry me, Mr. Dimarco. After a year, let's file an annullment. Iyon lang ang hinihingi ko." "Hmm... Sa tingin mo ba'y gano'n lang kadali ang hinihingi mo? Dimarcos don't do that, my butterfly." Agad na lumapit ang si Alessio kay Yanna hanggang sa makulong siya sa pagitan ng desk at ng matipunong katawan nito. "I make the rules here. That includes the time when to dispose of you..." bulong nito.
Romance
104.6K viewsOngoing
Read
Add to library
She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...

She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...

"Asawa niya ako, pero hindi kailanman minahal." Sa loob ng isang taon, tiniis ni Anessa ang malamig na pagtrato ni Bart Divinagracia—ang CEO na asawa niyang itinuring siyang wala. Isang kasal na itinali ng obligasyon, hindi ng pag-ibig. Isang pusong tahimik na nasasaktan, umaasang mamahalin din siya balang araw. Pero hanggang kailan siya maghihintay? Nang siya’y tuluyang iwan, doon lang napagtanto ni Bart ang halaga ng babaing dati’y hindi niya pinansin. Ngayon, handa siyang bawiin ang pusong sinayang niya—pero may babalikan pa ba kaya siya? O huli na ang lahat?
Romance
1045.8K viewsCompleted
Read
Add to library
'Till Contract Do Us Apart

'Till Contract Do Us Apart

Para masalba ang kompanya ng kanyang ama, napilitan si Bianca na pakasalan si Lucien Hoffman—isang ruthless at disabled na lalaki. Ngunit sa mismong araw ng kanilang kasal, nagulat ang lahat nang makita nilang nakakalakad ito nang maayos. At hindi lang iyon, napakaguwapo pa ni Lucien! Nang magtagpo ang kanilang landas, malamig na sinabi ni Lucien kay Bianca, "I will never love you or sleep with you. To me, you're nothing but a contracted wife." Ngunit dumating ang araw na hindi na niya magawang sundin ang nakasaad sa kontrata. Malumanay niyang sinabi, "I don't know, but I lose my mind when you're not here with me. Now, I’ll treat you as my wife. I will love you and… make love to you.” Umiling si Bianca. “It's a breach of contract! Do you know you'll have to pay for it?” Ngumiti si Lucien. “I can pay for that breach of contract even multiple times, as long as you'll be mine." Ngunit paano kung ang kontratang nagbuklod sa kanila ay siya ring maging dahilan para magkalayo sila?
Romance
10427 viewsOngoing
Read
Add to library
My Housemate is a Playboy Billionaire

My Housemate is a Playboy Billionaire

Jaybee
Hindi naging maganda ang una at ikalawang pagtatagpo ni Armelle at Hanz. Lalo na ng nalaman nila na pareho silang titira sa iisang bubong. Ngunit hindi akalain ni Armelle na si Hanz ang masasandalan niya sa panahong bigo siya sa pag-ibig. Dumating pa sa punto na nagpanggap ito na boyfriend niya sa harap ng ex-boyfriend niya. Naging maayos ang samahan nilang dalawa at para niyang naging kuya si Hanz. Hanggang sa nagising na lang siya isang araw ay may nararamdaman na siya para sa binata. Inilihim niya ang kanyang pag tangi para hindi magbago ang pakikitungo nito sa kanya. Isa pa, kilala itong playboy. Ayaw rin niyang mapabilang sa mga naging babae nito kahit imposibleng mangyari iyon dahil parang nakababatang kapatid ang turing nito sa kanya. Ngunit hindi inaasahang panauhin ang magpapabilis sa pag-alis niya. Sinabi ng babae na malapit na itong ikasal kay Hanz. Para hindi siya makasira ng relasyon ay umalis siya ng walang paalam. Makalipas ang tatlong taon ay muling nagtagpo ang kanilang landas dahil siya ang magiging bagong sekretarya nito. Akala ni Armelle ay naibaon na niya sa limot ang nararamdaman niya para kay Hanz ngunit nakaramdam siya ng lungkot ng makita niya na kausap ng binata ang babaeng nakaharap niya tatlong taon na ang nakalipas. May pag-asa pa kaya na bumalik sa dati ang samahan nila kung sa araw-araw na pagkikita nila ay malamig na ang pakikitungo nito sa kanya? Hanggang kailan niya ililihim ang tunay na damdamin para sa binata gayong habang lumilipas ang mga araw na kasama niya ito ay mas lalo lamang lumalalim ang pagmamahal niya para rito?
Romance
103.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Trapped in Seduction: Between CEO and Mafia Boss

Trapped in Seduction: Between CEO and Mafia Boss

Pagdilat ng mga mata ni Aurora mula pagkamatay, parang muling isinilang ang kanyang sarili—anim na taon ang lumipas, wala siyang alaala, ngunit muli siyang nabuhay na may bagong pamilya. May asawa siya ngayon, si Samuel Castillo, isang makapangyarihang CEO na kilala sa kanyang yaman, tapang, at malamig na ugali. Mayroon din silang dalawang anak na siya lamang ang tinatawag na “Mama.” At sa bawat araw na kapiling niya ang kanyang bagong pamilya, lalo niyang nararamdaman ang misteryo at bigat ng bagong mundong kanyang kinabibilangan. Ngunit sa anino ng kanyang nakaraan, may isa pang lalaking nagtataglay ng kanyang puso—si Lucas, isang makapangyarihang Mafia Boss na minsang minahal ng Aurora bago siya mawalan ng alaala. Para sa nakaraang Aurora, si Lucas ang lahat; ngunit para sa kasalukuyan, tila si Samuel ang pinipili ng kanyang puso, kahit pa puno ng sugat, kapangyarihan, at kontrol ang kanilang relasyon. Magsisimula ang isang laban na hindi niya hiniling—isang tunggalian ng dalawang makapangyarihang lalaki, parehong handang gawin ang lahat upang angkinin siya. Sa gitna ng yaman, kapangyarihan, at pagnanasa, matutuklasan ni Aurora na siya ang magiging gantimpala at sanhi ng isang digmaan ng pag-ibig, pagkasuklam, at pagnanais na maghari sa kanyang puso. Ngunit sa dulo ng lahat, kanino nga ba tunay na kikiling ang kanyang damdamin—sa pagmamahal ng kanyang nakaraan, o sa bagong buhay na pilit bumabalot sa kanya?
Mafia
10460 viewsOngoing
Read
Add to library
Bound to the Billionaire's Desire

Bound to the Billionaire's Desire

Si Elena Madrigal, isang sikat at hinahangaang fashion designer, ay kilala sa kanyang Majesty Designs, mga obra na simbolo ng karangyaan at kapangyarihan. Ngunit sa isang iglap, ang mundong itinayo niya ay gumuho sa kamay ng mga taong minsan niyang minahal at pinagkatiwalaan, ang dating kasintahan niyang si Adrian De Leon, na ninakaw at ipinagbili ang kanyang mga disenyo, ang matalik niyang kaibigan na si Vanessa Alcaraz, na nilamon ng inggit, at ang boss niyang ginamit ang kanyang talento para sa sariling ambisyon. Habang unti-unting nabubura ang kanyang pangalan sa industriyang minsan niyang pinasiklab, isang lalaking matagal nang nakamasid sa kanya mula sa dilim ang lumapit. Si Nathan Arguelles, isang makapangyarihan at misteryosong billionaire. Tahimik ngunit mapanganib. May tinig na kayang bumura ng alinlangan. At sa isang boses na malamig at mabigat sa pangako, bumulong ito: “Be mine and marry me, Elena. I’ll give you back the world they stole from you.” Ang kasunduang ito ay hindi tungkol sa pag-ibig, kundi sa paghihiganti. Para kay Elena, ito ang tanging paraan para muling mabawi ang lahat. Ngunit sa ilalim ng mga halik na nilalabanan niya, sa bawat titig na tila binabalatan ang kanyang kaluluwa, unti-unting nagbabago ang laro. Sa pagitan ng pag-ibig at paghihiganti, kailangang  piliin ni Elena kung mananatili ba siya sa apoy ng paghihiganti o hahayaan niyang ang lalaking dapat sana’y biktima lang… ang maging dahilan ng pagbabagong hindi niya inaasahan. Paghihiganti ang dahilan niya…ngunit ang nakaharap niya, ang lalaking kayang baliktarin ang lahat.
Romance
10369 viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire’s Secret Bride

The Billionaire’s Secret Bride

Akala ni Bhemzly Acson ay habambuhay siyang untouchable. Lahat ay kayang paikutin, kayang tapakan—pati si Jack Devera, ang tahimik at simpleng lalaking minsang naging laruan ng kanyang kabataan. Ngunit paglipas ng panahon, bumaliktad ang mundo. Ngayon, si Jack na ang nasa itaas—isang respetadong billionaire na hindi lang ubod ng talino, kundi kontrolado rin ang halos lahat… kasama na ang kapalaran ni Bhem. At sa isang kasunduang wala siyang takas, napilitang tanggapin ni Bhem ang papel bilang asawang-kontrata ng lalaking minsan niyang sinaktan. Ang hindi niya alam, hindi lang paghihiganti ang dahilan ni Jack. Sa ilalim ng malamig nitong anyo, may lalaking matagal nang may pagtatangi sa babaeng nang-api sa kanya noon. At bang kasunduang ito, ay hindi lang para turuan siya ng leksyon—kundi para protektahan siya, ilayo sa mas malaking kapahamakan, at muling kilalanin ang pusong dati’y binasag. Ngunit sa pagitan ng galit at pag-aalangan, unti-unti ring lumilitaw ang tunay na kulay ng bawat damdamin. Kapag ang poot ay nagsimulang tumiklop sa harap ng muling pagtibok ng puso—may pag-asa pa bang maging totoo ang isang kasal na nagsimula sa kasinungalingan? Isang kwentong puno ng emosyon, sikretong hindi inaasahan, at isang lalaking kahit may sugat sa nakaraan—ay piniling mahalin pa rin ang babaeng naging dahilan nito.
Romance
101.0K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2324252627
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status